CHAPTER 22- VIA
“Anak, magiingat kayo, bisitahin mo ulit kami ng Papa mo paminsan minsan” tugon ni Mama.
“Ikawng bata ka” may babalang saad ni Papa. “Alagaan mo yang Anak, dahil kung hindi, itak ko ang hahabol sayo” pananakot nito.
“Yes, Boss” sagot ni Senyorito sabay saludo.
Alas 3 na ng hapon kaya kailangan na naming umuwi.
Nauna na kanina ang mga Abnormal, may gagawin pa daw kasi silang mga meeting at etc.
Pero, nunkang maniniwala ako sa mga yun. For sure, pupunta lang sa bar ang mga yun at mangbababae!
Naku! Kapag itong si Senyorito, bumalik sa kinagisnan niya dati, patatahimikin ko talaga buhay nito!
Tsk! Ang sakit parin ng pagkababae ko!
“Anak, buhay ka pa jan?” tinig iyon ni Papa na pumukaw sa nakalutang kong diwa!
“Ahhhh, oo naman po” mabilis pa sa alas kwatrong sagot ko.
“Huwag ho kayong magalala, bibisitahin ko ulit kayo dito” may paninigurong saad ko.
“Sa susunod na balik mo, siguradohin mong may laman na yan, Anak” saad ni Mama habang nakangising nakatingin sa tiyan ko.
Kunot noo ko siyang binalingan.
“Anong—” Ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng mapagagtanto ang gustong sabihin ni Mama!
Pota! Alam ba n Mama!?
“Ano ba yang laman laman ang sinasabi mo, Mahal?” inosenteng tanong ni Papa.
“Wala yun” saad ni Mama. “Sige na, humayo na kayo, baka magabihan pa kayo sa daan”
Niyakap ko muna sina Mama at Papa.
“Bibisitahin ko po kayo ulit” saad ko habang yakap yakap parin sila.
“Ako din po” biglang sambit ni Senyorito at nakisali din sa yakapan namin.
“Bakit ka ba nakikisali?” iritadong tanong ni Papa.
“Papa, family hug to kaya syempre kadali din ako” nakangising saad ng kupal.
Loko talaga.
Pumiglas na ako sa pagkakayakap at ganun din naman si Senyorito.
“Aalis na kami, Ma, Pa” pagpapaalam ko.
“Bye po, Mama, Papa” pakikisali din ng kupal.
“Oo na, alis na” saad ni Papa.
“Magmomoment pa kami ng Mama niyo, mga disturbo kayo”
Natawa nalang ako ng biglang piningot ni Mama ang teynga ni Papa.
“Tumahimik ka nga Jan” saway ni Mama, at kapagkuwan ay bumaling ito sa amin. “Magiingat kayong dalawa” anito.
“Bye po” saad ko at tuloyan na kaming pumasok ni Senyorito sa kotse.
Tinawagan kasi niya si Madame kanina na magpadala ng kotse dito.
Iwan ko din kung bakit.
Kinawayan ko ulit sina Mama at Papa bago tuluyang umusad ang kotse.
Nandito kaming dalawa ni Senyorito sa backseat. May driver din kasi na nagmamaneho.
“Panda” biglang saad ni Senyorito habang umuusog palapit sa akin.
“Masakit pa rin ba?” tanong nito habang yumayakap sa beywang ko.
“Anong masakit?” kunot noong tanong ko.
Bigla namang dumako ang tingin nito sa gitnang bahagi ng katawan ko.
“Yan” anito habang nginunguso ang pagkababae ko!
Kaagad na nagkulay kamatis ang buo kong pagmumukha!
Pota! Ngayon pa talaga ako nahiya!
“P-paano mo nalaman?” nahihiyang tanong ko.
“Paika ika ka kasing naglakad kanina” anito. “Pasensya ka na, mukhang malaki lang talaga yung Kaibigan ko-----
“Anong MUKHANG?” nakataas ang kilay na putol ko sa kanya.
“Halos hindi na nga ako makalakad, tapos sasabihin mo lang na MUKHANG MALAKI!?” walang kahiya kahiyang saad ko.
“Yeah, Malaki talaga yung kaibigan ko” nakangising saad ng kupal.
“Iwan ko sayo” saad ko at biglang bumaling sa may bintana ng kotse.
“I love you, Panda” anito habang nakayakap parin sa akin habang nakapatong yung ulo niya sa balikat ko.
Binalingan ko ulit siya. “Wala pa ngang tayo pero panay na yang I love you mo” nakataas ang kilay na saad ko.
Bigla naman itong napakamot sa ulo.
“Hindi mo pa kasi ako sinasagot” nagkakamot sa ulong saad nito.
“Kailan ka ba nanligaw?” nakataas parin ang kilay na tanong ko.
“Matagal na” mabilis pa sa alas kwatrong sagot nito.
Napailing nalang ako.
Wala talagang alam sa panliligaw ang kupal nato!
“Pero, wala din naman akong pakialam kung sasagotin mo ako o hindi” biglang saad nito. “Hindi din naman kita pakakawalan kahit na bastedin mo pa ako ng isang libong beses” nakangising saad ni Senyorito.
“Iwan ko sayo” napailing iling nalang na saad ko.
Kumunot naman ang noo ko ng bigla itong umayos ng upo.
At kapagkuwan ay bigla ako nitong inakbayan sabay giya sa ulo ko sa balikat niya.
“Matulog ka muna” anito. “For sure napagod ka kagabi” nakangising saad nito.
Inirapan ko lang siya habang pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanya.
Ang init sa pakiramdam.
Makalipas ang ilang minuto, wala na akong nararamdaman dahil tuloyan na akong kinain ng antok.
NAGISING ako ng maramdamang may humahaplos sa buhok ko.
Kunot noo akong nagmulat ng mata.
At ganun nalang ang paglambot ng ekspresyon ko ng makitang si Senyorito pala ang humahaplos sa buhok ko.
Pinalibot ko ang paningin ko.
Nasa sofa kami?
Nakauwi na pala kami sa bahay ni Senyorito, mukhang napalalim ata ang tulog ko.
“Good mornight, Panda” natatawang saad nito. “Kumain na tayo” anito.
Wala sa sariling napabaling ako sa may wall clock. 8:37 p. m.
Kunot noo kong binalingan si Senyorito. Nakaunan ako sa lap niya.
“Hindi ka pa kumakain?” Kunot noong tanong ko.
Kaagad naman itong umiling.
“Hinihintay kitang magising” anito.
Napabuntong hininga nalang ako.
“Nauna ka nalang sanang kumain, bawal sayo ang magpagutom, diba?”
“Gusto ko sabay tayong kumain”
Umiral na naman ang katigasan ng ulo.
Halos sabay kaming natigilan ni Senyorito ng bigla nalang tumunog ang doorbell.
“Food Delivery na siguro yan” biglang saad nito. “Nagpadeliver kasi ako ng pagkain” anito. “Dito ka lang, Panda”
Kaagad naman akong umayos ng upo.
“Sige, hintayin nalang kita dito” saad ko.
Hinalikan muna nito ang noo ko bago tuluyang umalis.
Napabuntong hininga nalang ako ng makalayo ni si Senyorito.
Nakauwi na kami.
Ano kayang mangyayari sa amin ngayon?
Tumayo ako at nagunat unat.
Napaigik nalang ako ng maramdanang medyo mahapdi parin ang pagkababae ko.
Ano ba kasing kapangyarihan meron yung kaibigan ni Senyorito!?
Dahan dahan akong nagpatuloy sa paguunat. Lumipas nalang ang ilang minuto hindi parin nakakabalik si Senyorito. Kumunot ang noo ko.
Ang tagal naman ata. Napagdesisyonan kong sundan siya sa labas.
Baka nakikipagusap pa sa delivery boy?
Pero ganun nalang ang lalong pagkunot ng noo ko ng makarinig ng boses babae sa labas.
Delivery girl?
Dahan dahan akong naglakad papuntang pintoan. Tyempo naman na bukas kaya dahan dahan akong sumilip.
At ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng makita si…. hindi ako pwedeng magkamali. Yan yung babaeng nakita namin ni Senyorito noon sa may park. Si Via!?
Anong ginagawa ng babaeng yan dito!!
Isa din ba siya sa naging babae ni Senyorito noon!? Sa isiping yan, biglang kumulo ang dugo ko.
“Umalis ka na dito!” nanggagalaiting saad ni Senyorito na ikinalaki lalong ikinalaki ng mata ko!
Ngayon ko lang siya narinig na ganyan.
“Liam, please, just listen to me” may pagmamakaawang saad ng Via. “I’m still in love—”
“Don’t start me with that bullshit, Via!” nanggagalaiting putol nito.
Napalagok nalang ako ng laway.
Hindi siya ang Senyoritong kilala ko.
“But Liam, it’s true, I still love you” saad ng Via na biglang ikinasikip ng dibdib ko.
Ano ba talaga ang relasyon ng dalawang to?
“Love?” biglang pagak na saad ni Senyorito. “Kaya mo ba pinasagasaan ang kotse ko dahil Mahal mo ako?” tanong nito na ikinasinghap ko.
Nakahawak nalang ako sa bibig ko.
S-si Via ang dahilan kung bakit naging isip bata si Senyorito!?
“No, Liam. Hindi naman talaga dapat nangyari ang bagay na yun. Si Kuya ang may kasalanan, hindi ako” pagtanggi ng higad.
“Umalis ka na, Via. Ayaw kong makita ka ni Sky dito” pagpapalayas nito.
“Sky!? Siya na naman ba?
Siya na naman ba ang bagong babaeng biktima ng kahalayan mo, Liam?” may panguuyam na tanong ni Via.
Sa hindi malamang kadahilanan, pakiramdam ko biglang kumirot ang puso ko ng dahil sa sinabi ni Via.
Biktima? Ako?
Pero hindi naman ganun si Senyorito.
“Don’t you dare say that fucking words again, Via!” nanggagalaiting saad ni Senyorito. “Mahal ko si Sky at hindi ko siya biktima! Mahal ko siya tandaan mo yan!”
Hindi ko na talaga napigilan at isa isa ng nagsilaglagan ang butil ng luha sa mga mata ko.
Pota!
Bakit ba ako umiiyak!?
“Liam, Please—”
“Umalis ka na, bago pa kita ipakaladkad sa guard ng village nato”
“Liam—”
“Umalis ka na, Via!”
“Fine!” biglang saad ni Via. “Magsama kayo ng babae mo!” anito.
Makalipas ang ilang minuto, napansin kong biglang tumahimik ang paligid.
Umalis na kaya si Via?
Sa isiping yun, aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng biglang…
“Panda?” biglang pumasok si Senyorito!
Kaagad akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
Bakas din ang gulat sa ekspresyon ng mukha nito.
“Panda? Ka-kanina ka pa dito?” gulat na tanong ni Senyorito.
Nakatitig lang ako sa kanya.
Iwan ko, bakit ba ako nagkakaganito!?
“The fuck!” biglang mura nito.
“Bakit ka ba umiiyak?” tanong nito at bigla nalang tinawid ang pagitan naming dalawa.
Hinawakan nito ang pisngi ko at tinuyo ang luhang nasa pisngi ko.
“Panda—”
Napatigil ito sa pagsasalita ng bigla ko siyang sinugod ng yakap.
“Senyorito” tawag ko sa kanya.
“Hindi mo naman ako ginagamit, diba?” maluha luhang tanong ko.
Naramdaman kong bigla itong natigilan. Dahil ba sa tanong ko!?
“Senyori—”
Natahimik ako ng bigla nitong hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinaharap ako sa kanya.
“Sky, makinig ka sa akin” seryosong sambit nito habang nakatingin sa mga mata ko. “Hindi ko gagawin ang bagay na yun sayo. Hinding hindi” malumanay na sambit ni Senyorito.
“Hindi talaga?” sumisinghot singhot na tanong ko.
“Never” anito habang tinutuyo na naman ang luha sa pisngi ko.
“What’s in my past, will remain in the past. And what’s in the present is what it all matters. You are my present, Sky. And you’re only the one matters to me right now, forever, and until eternity. I love you, baby” malambing na saad nito habang hinahalikan ang noo ko.
Tsk! Naiinis na talaga ako dito sa I love you ni Senyorito!
Sa hindi malamang kadahilanan, para itong gamot na bigla nalang nakapagaalis sa inis, tampo, at pagdududa ko!
Sa tingin ko, nagsasabi din naman ng totoo itong si Senyorito.
Via. Alam kong nagmahal ka lang din.
Pero Mahal ko din si Senyorito, at hindi ko siya isusuko ng ganun ganun lang.
“ love you too” madamdaming saad ko.
“I love you more, baby” anito na ikinailing ko.
Ayaw talagang magpatalo.
Tahimik lang kaming nagyakapan ng biglang tumunog ang tiyan ko!
Panira!
“Mukhang nagpoprotesta na ang mga butete sa tiyan mo, Panda” natatawang saad nito.
Kaagad naman akong pumiglas sa pagkakayakap at tiningnan siya ng masama. “Wala akong butete!”
Mas lalo naman itong tumawa.
“Oo na” anito. “Pero mukhang walang magdedeliver ng pagkain ngayon”
“Magluluto nalang ak—”
“Or pwede namang ako nalang ang kainin mo tapos ikaw ang kainin ko” nakangising putol nito.
“Sa nararamdaman ko ngayon. Baka machop chop ko payang kaibigan mo” pananakot ko na ikinatawa lang ng kupal.
“Tara sa kusina” biglang saad nito habang inaakbayan ako.
“Paano kita mapapaligaya kung cho-chop chopin mo ang Kaibigan ko?” nakangising tanong nito.
Napabuntong hininga nalang ako.
Ang halay.
Tsk! Sana naman hindi na bumalik ang Via nayun! Baka kasi sa susunod, siya na ang machop chop ko!
Hindi ko alam kung magagalit o magpapasalamat ba ako sa ginawa niya kay Senyorito.
Dahil kasi sa aksidenteng nangyari sa kaniya, nakilala ko siya.
At hindi ko man masyadong kilala dati itong si Senyorito, alam ko namang may malaking improvement na nangyari sa sarili niya.