Chapter 21
"Bakit nandito yan?" bulong ni Tanya sakin habang kumakain kami.
"Hindi ko alam kung bakit nakapasok yan dito ako lang may susi diba" bulong ko din sa kanya. Tumango naman si Tanya at tumingin kay Rigel.
"Bakit ka pala nandito Rigel?" tanong ni Tanya sa kanya. Hindi ako lumingon patuloy lang ako sa pagkain.
"Just like what Mr. Faral said" sagot ni Rigel. Ano? Hindi ako sumasang ayon dun! Hindi nalang ako umimik o nagsalita dahil ayaw ko.
"Okay" yun nalang ang nasabi ni Tana at nagpatuloy kumain. Pagkatapos namin kumain ay niligpit na namin ito yung paper bag na nilagyan ng lunch ko ay iniwan ko nalang sa office.
"Let's go Tanya" sabi ko at kinuha ang aling bag sa tabi ni Rigel dahil dun ko ito nilagay kanina.
"Akala ko sasampalin mo siya kanina nung lumapit ka pero kinuha mo lang pala yung bag mo" sabi ni Tanya pagkalabas namin sa office ko. Iniwan lang namin si Rigel dun sa loob. Mag pa bulok siya dun.
"Hindi ako ganun kung gusto ko siyang gantihan o ano, papatayin ko nalang siya o ang kapatid niya" diretso kong sabi habang naglalakad na kami sa hallway papunta sa kanya kanyang naming room.
Bigla akong binatukan ni Tanya kaya napasigaw ako sa sakit. Tumingin sakin ang mga students na nasa hallway kaya umayos nalang ako ng lakad.
"Ang sakit nun ha!" sabi ko at kinurit si Tanya sa kanyang bewang.
"Eh ikaw naman kasi! papatayin agad d ba pwedeng pahirapan muna bago saktan" depensa niya kaya napatawa ako ng mahina at siya rin.
"Pinapatagal mo lang" sabi ko habang natatawa parin.
"Edi patagalin! O sige na, kita nalang tayo mamaya? bgc?" sabi ko at tumango nalang.
Pumasok na ako sa room at agad naman tumayo ang mga students. Kapag galing kami sa office una namin madadaanan ang room ko bago ang sa kanya. Malapit lang naman ang room naming dalawa nasa kabila lang siya.
"Don't forget your assignment. Class Dismissed" huli kong sabi at niligpit ang mga visual aids ko. Nakakaintindi naman ang mga bata ng english at english speaking pa ang iba.
"Ms. El" tumingin ako kay Clyde ng tawagin niya ako. Inabot niya na naman sakin ang isang sunflower.
"Your uncle?" inunahan ko na siya kaya tumango lang siya. Akma sana siyang aalis na pero pinigilan ko ito.
"May I know what is your uncle's name?" I ask Clyde. Sasagot na sana siya ng biglang may tumawag sa kanya sa labas. Isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa labas pero wala naman ito baka nakayo sa likod ng pinto kaya ko nakita.
"Is that your uncle?" tanong ko kay Clyde at tumango naman siya.
Humakbang ako papalapit sa pintuan para makita kung sino yang uncle ni Clyde pamilyar kasi yung boses niya. I almost see the shoulder of Clyde's uncle pero tumakbo si Clyde palabas kaya napatingin ako sa kanya dahil baka madulas o madapa.
Nang makalabas na si Clyde ay lumabas na ako pero wala na ang uncle niya at si Clyde. Saan napunta yun?
I'm just imagining things dahil sa stress siguro. Tinuloy ko na ang paglilipit at saka pumunta sa kabilang room, kay Tanya.
Nakita kong hindi pa tapos siya mag klase kaya sumenyas lang ako ng mauna na umuwi. Magpapahinga siguro muna ako sa condo mamayang gabi pa naman kami pupunta sa bgc ni Tanya.
Those shoulder at boses ng uncle ni Clyde. It's so familiar. Di kaya?
Di kaya si Rigel yun? No, no, no! Hindi pwede!! I look at the sunflower na inabot ni Clyde kanina.
"Imagining things naman Capella" I said to myself at pumasok na sa sasakyan ko.
Pagdating ko sa aking condo ay diretso ako sa kwarto at bago humiga sa kama ay hinubad ko muna ang uniform saka nagbihis ako ng sleeveless at cycling lang ang pang ibaba.
I text Tanya.
To: Tanya
7pm? pick me. Rest muna ako sa condo.
Humiga ako ng maayos at niyakap ang unan. I'm tired and sleepy.
"Party! party!" sigaw ni Tanya habang nag dadrive siya.
"Hoy Tanya wag kang magpapalasing ha! Ikaw ang magdadrive!" bilin ko sa kanya. Ayoko ko mag drive mamaya dahil baka ihatid ako ng mabibingwit ko. Hihi.
Landi!
"Sabay tayo umuwi ha!" bilin niya din sakin.
Pagdating namin sa BGC ang daming tao dahil friday ngayon. Mabuti nalang na renovate na itong bgc pagkatapos noong sumabog ito. At ngayon ay mas pinaganda nila kaya mas attractive sa mga tao.
"I reserved a seat kanina nasa malapit lang ng dance floor" Tanya said while papasok kami sa loob.
"Hi sexy!" sabi nung lalaki ng dumaan ako sa harap niya. I just smile at tumingin kay Tanya na may nakahawak ng kamay ng lalaki sa bewang niya.
"Later" Tanya said dun sa lalaki at tinulak ito ng mahina. Umupo na kami sa ni reserved niya malapit lang talaga siya sa dance floor kasi kita dito yung mga lasing na nagsasayaw.
"It's my treat" naunahan ako ni Tanya ng sabi. Nag order siya ng signature cocktail para saming dalawa. Actually, itong signature cocktail yung favorite namin.
"Cheers!!" sigaw ni Tanya at tinaas ng baso niya. Tinaas ko din ang sakin at nag cheers kami bago ininom ito.
Ilang baso pa ang naubos namin bago kami sumayaw sa dance floor. Mabuti nalang may friend si Tanya dito staff para magbantay sa gamit namin sa couch.
Sumasabay lang kami sa ingay ng crowd habang sumasayaw sa gitna ng dance floor. It's getting wild ang sayaw namin dahil sa alak. Ilang minuto ang may kasayaw na si Tanya habang ako ay may sumasayaw sa likod ko.
"Whoooo!" I shout. Narinig kong may binulong yung lalaki sakin pero hindi ko siya maintindihan dahil sa ingay ng crowd at lakas ng music.
Nasa likod ko lang siya at ang dalawa niyang ay nasa bewang ko sumasabay sa galaw ko. Pataas pababa ang galaw ng dalawa niyang kamay. He rest his jaw in my neck habang patuloy kaming sumasayaw.
Ilang minuto naming sayaw ay bigla siyang mawala kaya lumingon ako sa aking likod kung saan siya pero wala na ito. I pout at sumayaw na lang ulit.
Habang sumasayaw ako ulit may humawak na naman sa bewang ko. He's back naman pala.
He rest his jaw again in my neck at ang dalawa niyang kamay sa bewang ko katulad kanina ay sumasabay din ito sa aking galaw.
"I thought you left me!" I shout para marinig niya. He just chuckle and I feel his jaw move a little bit kaya liningon ko siya.
"Familiar ka!" I shout. Pinulupot ko ang aking dalawang kamay sa leeg niya habang yung dalawa niya ring kamay ay nasa bewang ko. Nilapit ko ang aking mukha sa leeg niya.
"Your scent too" I shout again. I know him! Hindi naman ako lasing na lasing talaga kaya makakakilala pa ako ng tao.
Bumitaw ako sa nakapulupot sa kanyang leeg pero hinawakan niya ang aking kamay at hinila palayo sa dance floor.
"Bitiwan mo nga ako!" I shout habang kinakaladkad niya papunta sa couch namin ni Tanya.
Where's Tanya? I badly need her help!
"Tanya!" sigaw ko ulit at luminga sa paligid para hanapin si Tanya.
Nang makarating kami sa couch namin kinuha ni Rigel ang purse ko at hinila ulit ako palabas sa BGC. Ano na naman ba Rigel!
"I said bitiwan mo ako Rigel!" sigaw ko ng makalabas na kami at nasa tapat ng itim na kotse. Agad niya naman akong binitiwan at tumingin sa mga mata ko pababa sa aking dibdib!
"Pervert!" I shout sa mukha niya at tinakpan ang dibdib ko gamit ang aking mga kamay dahil nakikita na ang kalamnan. Hindi pa naman ako nag bra dahil may foam naman ang see through top ko.
Mawawalan ata ako ng boses ni kakasigaw. Mabuti nalang wala pasok bukas.
"I'll take you home" sabi niya at binuksan ang itim na kotse. So, sa kanya pala ito.
"No! Alam ko kung pano umuwi!" sabi ko at naglakad paalis.
"Akala niya ayos na lahat? Kaya lalapit na naman siya sakin para saktan ako ulit!?" sabi ko habang nagpapadyak palakad.
Nang may biglang sumalubong sakin na kotse mabuti nalang may humihila sa akin para hindi ako masagasaan. Naupo kami sa sahig habang nakapatong ako sa lalaki na humihila sakin.
Gush!