Chapter 21
"Class dismissed be back at 1pm"
Natapos na din ang klase ko sa umaga. I'm teaching grade 3 students and whole day yung klase kaya babalik ulit sila mamayang 1pm.
Nagligpit na ako ng mga visual aids at ilagay ito sa bag. Challenge din kapag teacher ka maiistress ka na nga mga students pati pa sa visual aids isali pa ang lesson plan.
Teacher tayo eh! Kaya kakayanin!
Habang nagliligpit ako lumapit sakin si Clyde na may dalang paper bag.
"Ms. El my uncle wants to give you this" he said at saka nilagay sa table ko at agad tumakbo palabas sa room.
"Sino ba talaga yang uncle na sinasabi ni Clyde" I said in the air. Kinuha ang paper bag na nilagay ni Clyde sa table ko at tinignan ang laman nito.
I see a pack lunch with milk tea at may nakadikit pa na note sa pack lunch.
'Eat your lunch'
Ang sweet naman ng uncle niya. Na cucurious talaga jan sa uncle ni Clyde gusto ko siyang makilala sa personal.
Lumabas ako dala dala ang bag ko at yung paper bag. Pumunta ako sa room ni Tanya para sabay kaming kumain.
"My gosh, girl. Nakakastress ang mga students ko alam mo ba may nag away kanina" sabi ni Tanya at hinilot ang kanyang ulo.
"Ikain mo nalang yan Tanya gutom lang yan" sabi ko at tumango naman siya. Kinuha niya ang kanyang gamit at sabay kaming lumabas.
"San tayo kakain, El?" tanong niya.
"Sa office?" I said. At dahil anak ako ng may ari pinagawan ako ni Daddy ng office dito sa school. May bed, kitchen, sofa at tv pero tinawag lang namin yun na office dahil baka malaman ng iba at yun ang ayaw ko.
"Mag order nalang tayo ng foods" sabi ni Tanya at kinuha ang kanyang phone.
"May foods na ako bigay ng uncle ni Clyde kanina" sabi ko at tinaas ang dala kong paper bag.
"Kaw ha baka pinormahan kana ng uncle ni Clyde" she giggle. Pinopurmahan? ako?
"Hindi ko pa nga yun nakilala o nakita kahit minsan" I said at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway.
"Baka lang naman tignan mo binibigyan ka ng flower saka ngayon itong foods" napaisip din ako sa sinabi ni Tanya. Baka?
"I don't care, Tanya" umirap nalang ako dahil ginugulo niya ang aking isip.
"Sabagay nag iisa lang naman ang mahal mo at walang iba kundi siiiiii" she prolonged the 'si' kaya tinakpan ko ang bibig niya.
"Hindi no! naka move on na ako dun" I said. Bago makarating sa office ko kay madadaanan muna namin ang principal's office.
"Speaking of nakamove on" Tanya said kaya tumingin ako sa kanya pero naka nguso siya na may itinuturo sa harap.
Tumingin ako sa itinuturo ng nguso niya. Nakita kong lumabas si Rigel sa principal's office sumunod naman na lumabas ang principal na siopao.
"Goodnoon, Mr. Faral" bati ni Tanya sa siopao. Siya lang ang bumati ako hindi.
"Goodnoon din ladies" siopao smiled while Rigel was just looking at me. Oh ano? nagagandahan ka sakin?
"Good thing nandito ka Ms. El pupuntahan ka sana namin sa room mo dahil nandito kana ngayon ko nalang sasabihin sayo" said ni siopao. Tumaas lang kilay ko sa kanya kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Dahil business partner na natin si Mr. Ycundi magpapalagay sana ako ng office niya pero hindi pa ito na approved ni Mr. Becker kasi busy siya kaya pansamantala munang sa office mo siya mag stay kung bumisita siya dito sa school" mahabang lintanya ni Mr. Faral.
WHAT!? sa office ko? pansamantala?
"No! I will tell Daddy na e approved agad para hindi ko siya kahati sa office ko" I said at maglalakad na sana pero hinawakan ang braso ko ni Mr. Faral.
"Ms. El, pansamantala lang naman at saka business partner ng school si Mr. Ycundi may share din siya dito" sabi ni siopao. Nakabilog lang ang mata ko at tumingin kay Rigel na naka ngisi saka bumaba ang kanyang tingin sa paper bag na dala ko.
Iniinis ba ako nito o ano?
"I don't care" huli kong sabi at naglakad ng mabilis kaya humabol din si Tanya sakin.
"El, ayaw mo na yung baby mo makakasama mo dito" natatawang sabi ni Tanya at sumunod sakin papasok sa office ko.
"Ex baby, Tanya" I correct her. Ex! ex! ex!
"Okay okay, Ex!" sabi ni Tanya at tinaas ang dalawang kamay na parang hinuhuli ng pulis.
Lumakad ako papunta sa table at nilagay dun ang paper bag.
Umupo muna ako sa sofa at nag scroll sa instagram ganun din si Tanya.
"Nagugutom na ako matagal pa ba ang inorder mo?" reklamo ko kay Tanya. Ang tagal ng delivery ha!
"Nasa labas na raw siya kaya chill lang El" natatawa namang sabi ni Tanya. Ano ba ang nakakatawa!?
"Pupuntahan ko lang basta sabay tayong kumain ha" sabi niya kaya tumango at humiga sa sofa, lumabas naman si Tanya.
Habang nag scroll ako sa instagram nakita kong my ig story si Rigel. Hindi ko siya in unfollow noon kaya nakikita ko parin ang story niya.
I watch his story isang pack lunch na naka boomerang lang with caption.
'Lunch'
Edi lunch! kailangan ba talaga e add sa ig tory?
Ang bitter ko!
While scrolling I heard someone opening the door. Kaya bumangon ako at pumunta sa table para ihanda ang aking pagkain.
"Tanya bilisan mo nagugutom na ako" I shouted pero hindi siya sumagot.
Kaya pumunta ako sa door at hindi si Tanya ang aking nakita. Si Rigel!
"What are you doing here?" I ask him. Akala ko si Tanya pero hindi pala. Wait!
"Bakit ka nakapasok? isa lang mag susi dito ha!" sunod kong tanong pero nakatingin lang siya sakin.
"Mula noon hanggang ngayon ganyan ka pa rin pala hindi ka nagbago" I said with a low tone. Ganun parin ang mukha niya walang emosyon na nakatingin sakin.
Tumalikod na ako at pumunta sa table saka umupo. Kung ayaw niya sagutin edi wag! Hindi na siya nagbago. Kailangan pa ba talaga ako ang makaalam kesa sa sabihin niya nalang?
I heard him sitting in the sofa. I text Tanya dahil gutom na ako.
To: Tanya
Bilisan mo mamamatay na ako sa gutom!!
Mabilis naman siya nag reply.
From: Tanya
Malapit na ako. Wait me!
Nag scroll nalang ulit ako sa aking Instagram at hindi na nireplayan si Tanya. Walang nagsasalita samin ni Rigel hanggang sa dumating na si Tanya.
"Sabi ni Kuya Delivery nasa labas na siya ng gate pero pagpunta ko wala pa pala" mabilis na sabi ni Tanya habang nagpapadyak papunta sakin. Hindi niya ata nakita si Rigel na nakaupo sa sofa.
Tumingin sakin si Tanya dahil hindi ako umimik kaya tinuro ko si Rigel sa likod ko gamit ang ang aking mata.
Tumingin si Tanya sa likod ko at nagulat ng makita si Rigel na nakaupo habang nag seselpon.
"Hi Rigel! I mean Mr. Ycundi" bati ni Tanya at nag wave kay Rigel. Nagsimula na akong kumain at si Tanya makipagdaldalan pa kay Rigel kaya nakinig lang ako sa kanila.
"Just call me Rigel" at mahinang tumawa.
"I'm sorry hindi kita nakita pagpasok ko hihi" Tanya said at nag peace sign. Hilig talaga ni Tanya may gesture no?
Nagsimula na din kumain si Tanya while looking at me na may pinapahiwatig.