Chapter15 Moving with him
Joshua's"
"Shua~ tulungan na kasi kita "pangungulit ni bwi habang nag luluto ako ng pagkain namin.
"manahimik ka lang dyan I can handle this "sabi ko at kinindatan sya natawa naman sya ang gwapo nya talaga nakakainis.
Ang nakakainis dun kahit sobrang gwapo nya si Seokmin parin gusto ko -,-
"Shua" nagulat ako sa pag tawag nya kasi nasa likod ko na sya tapos niyakap nya ako patalikod
"malungkot ko nanaman ey" sabi nya at hinawi ang buhok kong tumatama sa mata ko.
"hindi may naalala lang ako " sabi ko at ngumiti
"hmm " sabi nya at lalong hinigpitan ang pag yakap sakin.
"you know what? " tanong nya at pinaharap ako sakanya
"what? " tanong ko dun
" I don't know why but, I just want to be with you" sabi nya at hinawakan ang kamay ko
"ayokong nakikitang nasasaktan o nalulungkot ka, dodleng sakit at kalungkutan kasi yung nararamdaman ko pag ganyan ka "sabi nya pa at hinalikan yung kamay ko
Naiyak naman ako, bakit ganyan sya?
"okay lang ako ano kaba "sabi ko at niyakap sya.
"shua~ ano kaya kung duon kana tumira sa condo ko "sabi nya kaya napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya ano bang iniisip nito.
"ey kasi palagi naman ako nandito before work, after work tapos uuwi ulit ako ang hustle. At least pag mag kasama tayo sa isang bahay more convenient tapos less hustle " sabi nya pa
"hmm what if ikaw nalang tumira dito " sabi ko
"hindi pwede yun shua, I'm The top here kaya dapat sa bahay ko ikaw titira hindi sa bahay mo ako titira ang sakit nun sa ego ko "sabi nya pa.
"tsaka pag lumabas na ang baby natin baka mag taka sya kasi ang mommy at daddy nya magkaiba ng bahay" ayaw nya talaga tumigil sa pag kumbinsi sakin.
"okay sige na papayag na ako-" di ko pa natatapos sasabihin ko nag Yes na sya.
"pero may kundisyon "sabi ko pa.
"pagka panganak ko mag ttrabaho ako, ayokong aasa lang kame ng anak ko sayo "sabi ko
"ano kaba anak natin yan" sabi nya saka hinawakan ang tyan ko " Kung ano ang gusto ni mommy support lang si daddy "sabi nya pa at nginitian ako enebe beket genete sye.
--
Pagka tapos naming kumain nag paalam sya sakin may aasikasuhin daw muna sya saglit.
Inayos ko nalang ang mga gamit ko sabi nya kasi uunti untiin nya na daw dalhin sa condo nya para di na masyadong madami pag lipat ko.
Binaba ko lahat ng karton na nakapatong dun sa itaas ng aparador ko kung ano anong abubot lang naman yun! Mga letters tsaka mga souvenir na binigay sakin nila jeonghan.
Yung lagayan ko ng souvenir, nalaglag tapos napunta dun sa ilalim ng kama ko yung parang kumikinam kaya kinuha ko.
Pag abot ko, yung kwintas pala na niregalo ni seokmin.
Natago ko pa pala to?
Tinititigan ko lang yun hanggang sa maiyak nanaman ako.
Ano ba! Palagi nalang ba akong maiiyak pag naalala kita?
"shua-umiiyak ka nanaman?"nagulat naman ako sakanya kaya napatingin ako tapos nalaglag yung hawak ko
Nakita kong pinulot nya ito at tinapon sa bintana.
Napasilip pa sya dun at isinara yun agad
"bakit mo tinapon " sabi ko sakanya at bubuksan ko sana ung bintana kaso hinila nya ko ulit
"shua tama naman na, kalimutan mo na sya! " sabi nya
"hindi ko nga kaya " sabi ko.
"hindi mo kaya kasi pinagpipilitan mo sa sarili mo na hindi mo kaya! Joshua naman! Tinutulungan kita pero tulungan mo din sarili mo! " sumisigaw na sya kaya natatakot na ako
"h-hindi ko nga kaya " sabi ko pa
"kahit para sa anak mo lang shua pls! Tama naman na "sabi nya tapos niyakap ako.
-----