Chapter 29: Opportunity
Rumored 29:
( Opportunity )
Kaylle Gonzales
[ Point Of View ]
"Hindi ko sinasadya Kaylle sorry," hingi nang tawad ni Connor sa akin noong magkita kami. Sinabi niya kasi siya yung may kasalanan kung bakit nalaman ni Vanessa yung tungkol sa amin ni Chase. Nag-uusap daw kasi sila ni Ivan noon nung mapag alaman na naroon pala si Vanessa at nakikinig pala sa pinag uusapan nila.
"Stupid. Bakit ba kami ang pinag-uusapan niyo? Don't you have a life?" Iritang sabi naman ni Chase sa gilid ko kaya siniko ko siya.
Tumingin siya sa akin at inirapan ako at humalukipkip.
Ayaw niya kasi na ako lang yung makipag usap kay Connor kaya 'yon sinama ko na lang din siya, hindi ko naman kasi akalain na ganito pala yung sasabihin ni Connor sa akin. Ang sabi niya lang sa text niya ay "may kailangan kang malaman," pero okay na rin na nalaman ni Chase 'to.
Kasi involved din siya rito. At mas okay rin kay Connor na sinama ko si Chase para makahingi rin siya ng sorry ng personal sa kanya.
"Ano ka ba! Wala kang kasalanan," pero mas lalo lang ata naging iritable yung katabi kong si Chase, "yeah it's your fault. Kasalanan mo talaga" gatong ni Chase at mas lalong nangibabaw yung pagiging cold ng aura niya. Maybe because he think na mas kinakampihan ko rito si Connor?
Ito yung expression niya no'ng hindi ko pa siya ka-close, ito yung expression niya yung una namin magkita sa may rooftop. Napakalamig ng aura.
Ang intense niya pa makatingin sa kaharap niya na si Connor kaya kanina ko pa siya sinisiko, yung mga pinagsasabi rin niya kasi nakakaloka. Kaya siguro mas lalo siyang naasar kasi pinipigilan ko siya pero ang akin lang naman is ayoko ng away. Jusme!
"Alam mo kung hindi dahil sa inyo ng kaibigan mo walang makakaalam no'n" dagdag ni Chase habang iritang nakatingin kay Connor
Napabuntong hininga si Connor at marahang tumango, "kaya nga nandito ako para humingi ng tawad sa nagawa ko sa inyo." Sagot naman ni Connor kay Chase habang nagkakasukatan sila ng tingin.
Kalmado si Connor pero si Chase yung mga tingin niya talaga napakalamig. "You're talking behind our back. Bakit? Hindi ka maka-move-on?" Nanlaki mga mata ko na tumingin sa katabi ko.
Hindi ko alam kung saan papunta itong usapan na 'to. Ayoko ng ganito ang awkward kaya!
Marahang ngumiti si Connor at sumulyap sa akin kaya marahan din akong napangiti at napakamot sa ulo, "tanggap ko naman na ikaw yung pinili niya"
"But let me remind you that we're still young. Malay mo kami pala end game ni Kaylle?" dagdag ni Connor na kinainis ng katabi ko na si Chase na nagtatagis bagang na sa tabi ko.
Tumingin si Connor sa wrist watch niya at pilyong ngumiti, "Chase can I borrow your gilfriend? May sasabihin lang ako sa kanya. H'wag kang mag-alala hindi ko naman siya aagawin sa'yo, depende na lang 'yon kung magpapaagaw siya." Kaya naman mas lalong napikon yung katabi ko.
"Bakit hindi mo pa sabihin dito?" Iritang tanong niya kay Connor, kaya naman napasinghab ako. Nakaka-stress silang dalawa kasama sa totoo lang.
"Baka kasi magselos ka pag nalaman mo, actually hindi ko akalain na seloso ka pala" pilyong sagot naman sa kanya ni Connor kaya mas lalong nainis si Chase
"Chase sandali lang ah?" tapik ko sa kaliwa niyang braso bago tumayo at inaya si Connor palayo roon.
Tumawa ng pagak si Connor noong makalabas kami sa isang coffee shop. "Ang pikon ng boyfriend mo," napailing siya noong sumulyap siya sa kinaroroonan ni Chase, "but I'm pretty sure you're in the good hands" ani niya kaya marahan akong napatango.
Chase is a good boyfriend. He's anything that I could ask for.
"Sorry talaga Kaylle, it wasn't my intention"
"Hey, okay lang. H'wag mo na masyadong alalahanin. Tapos na at nangyari na. Saka may kasalanan din naman kami ni Chase sa issue na 'to, kaya siguro ang importante ngayon dito is yung pag intindi na lang sa kanila kasi na disappoint namin sila. Kami naman kasi yung nagsimula nito eh," marahan siya napatango at napasinghab natahimik siya ng ilang segundo bago magsalita ulit.
"Anyways, gusto kita makausap kasi gusto ko magpaalam," naguguluhan akong tumingin sa mga mata niya kaya ngumiti nanaman siya.
"Ayoko malaman ni Chase baka maging komportable siya eh, alam mo na?"
"I'm going to study somewhere in Europe. Alis ko na this coming Saturday, kaya ikaw alagaan mo sarili mo. Pagpinaiyak ka ni Chase just give me ring babalik ako ng Pilipinas para sa'yo," malokong dagdag na sabi niya kaya natawa rin ako.
Nalungkot at naghinayang ako sa sinabi niya na aalis siya. Naging mas close kasi kami ni Connor unlike noon na crush ko siya.
Totoo nga yung sabi ng iba na minsan mas magwo-work pa yung relationship niyo kung magkaibigan na lang kayo. Yes, Connor likes me pero hindi naman niya ako niligawan. Hindi rin naman naging kami at hindi naman kami nagkasakitan o kung anuman. So we still remained friends.
Ako ang tingin ko lang talaga sa kanya ngayon is kaibigan at hanggang doon na lang 'yon. May Chase na ako at masaya na ako sa kanya. Lalabs ko kaya 'yon. Kaya 'yan si Connor, he's nothing but a friend to me, at hindi dapat siya pagselosan ni Chase kasi wala na talaga akong feelings para sa kanya.
Gano'n din naman ata si Connor? Looking at him and judging by his look parang wala na nga lang 'yon sa kanya. Parang limot niya na?
Which I think is a good thing.
Pero sa pag-alis naman ata ni Connor hindi naman ata 'yon siguro dahil sa akin 'di ba? Ang assuming ko naman bakit ko ba naman naisip 'yon?
Ngumisi siya at napailing na parang nababasa niya yung laman ng utak ko, "baka isipin mo na dahil sa'yo kung bakit ako aalis ah?"
"Wala akong sinasabi!" Tumawa ulit siya at napailing.
"It's for my future, for my career, my growth, gusto ko maging kagaya si Dad binasted mo kasi ako kaya career muna uunahin ko," dagdag niya at tinaasan pa ako ng kilay.
"Hala? So kasalan ko pa talaga?" Turo ko sa sarili ko habang pinanlalakihan siya ng mata na kinatango niya na walang halong pag aalinlangan.
"Oo medyo?" Sagot niya kaya nahampas ko braso niya na kinatawa niya.
Na-guilty kasi ako nang very light.
"Okay, sorry na. I think you need to go to your boyfriend mukhang badtrip na badtrip na siya sa akin at baka masapak pa ako rito, at may souvenir pa ako na madadala papunta abroad," natatawang sabi niya kaya natawa rin ako at tumango.
Noong bumalik ako sa loob nakita ko si Chase na nakaupo habang nagscroll sa phone niya. His face is cold and blank. Expressionless gano'n.
He's wearing a gray Tommy Hilfiger hoodie, baba ang buhok pero pak! Ang gwapo pa rin lalo na kung titingnan mo siya sa side view niya.
"Chase," tawag ko sa pangalan niya pero hindi ito kumibo o umimik na parang wala lang siyang narinig hanggang sa makaupo ako sa harapan niya.
Hindi niya talaga ako pinansin kahit na alam at ramdam niya na nasa harapan niya na ako. Grabe talaga yung lamig nang pag asta niya na parang hindi niya talaga ako kilala at parang isa lang din ako sa mga babaeng nagpapa-pansin sa kanya kaya napangiwi ako dahil doon. Pero kasalanan ko naman kaya sige aamuhin ko na lang.
"Oh? Um-order ka pala pwede patikim?" Sabi ko noong makita ko na may Black Forest cake siya na in-order.
"It's my order. Go order for yourself," malamig na pagkakasabi niya noong patayin niya cellphone niya. Kinuha niya ulit 'yon sa akin at binalik sa harapan niya.
Napangiwi ulit ako sa inasta niya kasi basang-basa ko na si Chase, "galit ka ba?" Maang na tanong ko pero hindi naman niya 'yon sinagot noong sinumulan niya na kainin yung cake.
Alam ko naman na ayaw niya si Connor pero hindi na dapat siya magselos do'n.
"Galit ka nga," mahinang bulong ko habang pinagmamasdan siya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko pero hindi man lang siya tumingin sa akin o mag-angat lang nang tingin. Bad trip nga siguro talaga siya?
"Ayaw mo muna ba ako makita?" Maingat na tanong ko habang nakatingin sa kanya. He doesn't dare to look at me in the eyes dahil iniiwasan niya 'yon.
Huminga ako ng malalim at tumango. "Okay, sige uuwi na muna ako. Text na lang kita," I was about to walk noong ibaba niya yung hawak niyang kubyertos at dahan-dahan tumingin sa mga mata ko noong hinatak niya ang kanang braso ko.
"Don't," pigil niya.
Sa pagkasabi niya rin n'yan bigla siyang nag-iwas ng tingin at bitawan yung braso ko kaya naman napaupo ulit ako habang nakatingin lang sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya, hindi ko nga rin alam kung galit ba siya kasi iniwan ko siya rito at sumama roon kay Connor saglit. Pero parang kutob ko 'yun nga ang dahilan kung bakit siya nagsusungit ng ganito.
Bumuntong hininga siya kaya napalunok ako at nagbaba ng tingin, "your eyeballs must know whom you can and cannot stare at." Masungit na pagkakasabi niya kaya napa-angat ulit ako ng tingin sa kanya.
"Nakakairita," dagdag niya.
"Chase galit ka ba sa akin?" Tanong ko.
"Why would I get mad at you?" Balik na tanong niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Iba ang galit sa nagseselos," dagdag na pagklaro niya pa kaya natulala ako sa sinabi niyang 'yan.
"Hindi ka naman dapat magselos do'n," ani ko pero humalukipkip siya habang diresto na nakatingin sa akin.
Kung kanina ayaw niya tumingin sa akin, ngayon naman na nasa akin yung atensyon niya naiilang ako dahil sa mga mata niyang ang talim kung makatitig na para bang nakakasugat ang mga ito.
"I know. But I'm no robot Kaylle, so yeah, of course I get jealous kahit ayoko."
"Okay sorry na," napanguso ako at napababa ng tingin kasi na-gi-guilty ako. "Ikaw lang naman mahal ko," mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba 'yon o hindi pero bigla na lang namilog mga mata niya.
Kung kanina parang masusugatan ako sa mga titig niya, ngayon naman parang isa akong kamangha-mangha na bagay dahil kumikislap pa mga mata niya.
"Okay, look. I'm sorry too. I shouldn't be jealous of him because you're right. Ako naman yung mahal mo so why would I right?" Sabi niya kaya napangiti ako at napatango.
"Okay lang love, naiintidihan naman kita. And sorry din kung iniwan kita rito at na feel mo 'yon. May sinabi lang siya sa akin."
"And why's that? Bakit kailangan lumabas pa kayo? Ano ba 'yon bakit kailangan hindi ko marinig? Kahit ayoko na isipin tuloy maghihinala talaga ako na you guys are keeping a secret from me," his forehead creased while saying that kaya napailing ako.
"Edi pagsinabi ko 'yung secret namin na 'yon manlamig ka sa akin o kaya mapanatag ka at mambabae ka na," tinapunan niya ako nang tingin na "are you serious?" look kaya natawa ako sa naging reaction niya.
"You don't trust me. Aren't you? Pagsinabi kong ikaw lang ang gusto ko, pwede bang maniwala ka? Because I won't get anything kung lolokohin man kita."
"So serious naman love?" Ani ko pero inirapan niya lang ako at nagmaldito ulit.
"Aalis na kasi si Connor, sa Sabado. He will study in abroad kaya sabi niya sa akin kapag sinaktan mo raw ako in case... Tawagan ko lang daw siya kasi uuwi raw siya para sa akin." Napangisi siya sa kwento ko.
"Then mukhang doon na siya mag-stay," mayabang na sabi niya kaya natawa ako.
"Anyways, I don't like their cakes. Mas gusto ko yung gawa mo," sabi niya kaya napairap ako.
"Yan ka nanaman inuuto mo nanaman ako," kaya natawa rin siya sa tugon ko.
"It's true," sabi niya sabay alok noong pinag damot niya sa akin kanina kaya naman sinunggaban ko talaga 'yon.
A week passed at nakatanggap ako nang tawag galing kay Misis Castro and she offered me an eight months scholarship abroad para mas ma-enhance pa ang craft ko sa larangan ng baking. Ito yung about sa evalution namin noon nung may mga visitors kami na sikat na chef Internationally. Sad to say that hindi ako napili sa anim na lucky students na iyon. But then unexpectedly nakatanggap ako ng tawag tungkol doon, para sabihin na nag backout yung isa and Misis Castro wants me to take over the vacant slot para doon. Gusto niya na ako na lang yung pumalit do'n since maganda naman daw mga records at performances ko and she like my styles of baking.
"Please give me your answer within this week. So I can finalize it before I passed it to the main office," sabi ni Misis Castro sa kabilang linya.
"Yes Ma'am," I answerred before she ended the call.
Dapat maging masaya ako 'di ba? Kasi bihirang opportunity 'to at pangarap ko talaga 'to. Isa 'to sa mga goals ko.
Pero kaya ko ba na malayo sa mga taong mahal ko para sa pangarap ko? I'm sure ma-ho-home sick ako roon, kasi hindi ko naman bansa 'yon eh, wala akong friends. New environment and big adjustment gagawin ko kasi kailangan kong makisama. Which is I think normal lang naman na gawin pag nasa ibang place ka.
Alam ko pagsinabi ko 'to kina Mama at Papa magiging masaya sila para sa akin. Gano'n din si kuya Kenzo at kuya Kris pero si Chase? Maiintindhan niya kaya ako? Ano kaya magiging reaction niya?
2 days passed. As I decided to let them know what's on my mind at gaya nga nang i-ni-expect ko they are so proud of me. While my both kuya's are happy with it but then hindi ko pa nasasabi kay Chase.
Unfair ba ako na siya yung huli na makakaalam sa magiging big break ko in life? Hindi ko kasi kaya na sabihin sa kanya na iiwan ko siya.
"You know what? You should tell him right away. Kesa naman sabihin mo kung kailan bukas na yung alis mo," payo ni Zeah kaya lumungkot expression ng mukha ko.
She was happy for me na malaman niya na isa ako sa mga napili for that scholarship. Alam niyang gusto ko talaga makuha 'tong scholarship na 'to noong una pa lang na ma-i-announce 'to.
"Ayokong iwanan si Chase," pabulong na sagot ko sa kaibigan ko.
We're here on her own condo. Siya lang mag-isa and she's trying to move-on from Carlo medyo naging bitter na nga itong kaibigan kong 'to. Dahil feeling niya lahat ng lalaki iiwan at sasaktan lang siya.
"Your boyfriend is a fucking billionaire. He can afford a flight back and fort whenever he wants to see you!" Singhal niya sa akin kaya medyo natauhan naman ako roon.
Oo nga pala. He is a Monteverde.
"At saka kung talagang mahal ka niya he will let you grow on your own," dagdag niya.
"Sa tingin mo ba maiintindihan niya ako?" Kuryusong tanong ko sa kaibigan ko.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo sasabihin" kibit-balikat na sagot ni Zeah sa akin kaya napabuntong hininga ako.
"Tama ka beshy" sagot ko pero bigla akong kinabahan noong biglang mag-vibrate phone ko sa gilid ko at nakita yung text ni Chase sa akin.
From: Love
'Have you eaten?'
'Kakain pa lang, kasabay ko si Zeah.' reply ko sa chat niya.
Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa harap ng cellphone ko sa sunod na i-tinext niya sa akin.
From: Love
'Moon, Rocky and Kaven stole my muffins that you bake last night, pagalitan mo nga yung mga 'yon. Tell them na you bake it for me and not for them to eat it.'
'Igagawa na lang kita ulit.'
"You should tell him, Kaylle. Siguro naman 'di ba? Maiintindhan ka niya?" Nawala ang ngiti ko sa sinabi ng kaibigan ko sa akin. Napatingin ako kay Zeah na nasa harapan kong sumisipsip ng wine.
Hindi ko alam kung ano, paano at saan ako magsisimula dahil tuwing nakikita ko si Chase na masaya na kasama ako umuurong dila ko. Pero bahala na kailangan niya rin malaman.