Chapter 21: Endearment

Rumored 21:

( Endearment )

Halos hindi ako makatulog dahil sa bilis nang pagtibok ng puso ko, na ayaw tumigil sa pag hysteria. Nakailang balikwas ako kaya napasinghap ako. Hindi ako makatulog dahil hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na si Chase for real!

Kinuha ko sa may side table yung phone ko, at nag-scroll muna sa Facebook ko ng biglang may nag pop-up sa notification sa Messenger ko na message and it was from Chase! Huminga muna ako ng napakalalim bago buksan iyon.

Chase Monteverede

'Can't sleep?'

Agad akong nag-tipa ng i-re-reply ko. Ewan ko ba pero ilang segundo ko rin iyon tiningnan bago i-send sa kanya at ngiting-ngiti pa talaga ako. Iba na ata talaga 'to.

'Ah, Oo e'.' reply ko.

Chase Monteverde

'Can I call?'

Mas lalong kumalabog ang puso ko sa mabilis niyang reply, at napa-ayos ako ng higa dahil doon. Hindi pa ako nakakapag-reply noong may nakita akong unknown number na tumatawag sa akin, kaya naman dahan-dahan ko 'yon sinagot.

'Hello?'

[ Kaylle ] Napatingin ako sa unknown number noong ma-bosesan ko na si Chase ito.

"Chase? T-teka? P-paano mo nalaman number ko?" Takang tanong ko sa kanya.

[ I've known it for so long ] sagot niya.

Pero bakit hindi man lang niya ako magawang tawagan kung meron siyang number ko? Pero naisip ko rin na bakit naman siya tatawag sa akin?

Napapitlag ako noong magsalita ulit siya. [ Hey, still there? ] Tanong niya mula sa kabilang linya. His voice is rasp. Ang sexy pakinggan sa tainga.

"Hmm, na-shock lang kung kanino mo nakuha number ko. Kasi ako hindi ko naman alam number mo, nagulat lang ako noong tumawag ka." Paliwanag ko. Hindi talaga ako makapaniwala na may boyfriend na ako, at itong supladong si Chase 'yon.

[ You know at first, I want you to be that one who ask for my number kasi lahat ng mga babaeng nagkakagusto sa akin ay gano'n, but I remember na iba ka nga pala, you like Anderson more than me. But seriously hindi naman kayo bagay. ]

"Kasi mas bagay tayo? Binabanatan mo ba ako Mister Monteverde?" Kunot-noong tanong ko sa kanya habang nakangiti alam kong hindi naman niya ako nakikita pero grabe 'tong nararamdaman ko parang kaharap ko lang kasi siya.

He laugh sexily, damn ang sarap pakinggan ng tawa niya, [ No, it's a fact. ]

[ I've always wanted to text you before, but I think it's better if wag na lang, because I've always thought that you hated me, ] pag-amin niya.

Kaya naman mas lalong lumapad ngiti ko dahil doon. Hindi ko naman siya hate dati, kaya ko lang naman nasasabi 'yon kasi napaka-yabang niya.

[ When we first met I honestly had no idea that you would be special to me, I tried my best to not feel anything for you. But guess what? I failed. ]

"Uhh, Okay?"

[ You know what? You ruining the moment. ]

Medyo masungit na tugon niya kaya natawa ako. Hindi ko kasi ma-imagine na naka-kunot na ang noo niya ngayon.

"Sorry na! Matutulog na nga lang kasi tayo para kang timang na nagpapakilig pa!"

[ Don't blame me for liking you. I didn't ask for that and it was never my intention. But now that you liked me too, blame me all you want because I've been wishing for that since the day you said the you don't like me. And now that I succeed, ang susunond na hihilingin ko naman siguro maybe is that you will fall for me at sa akin lang at wala ng iba. ]

"Luuh, nakakatakot naman parang sumpa naman 'yan. Ako talaga? E' paano naman kung ikaw yung na fall out of love? Kawawa naman ako kasi hindi ako makaka-move-on?"

Huminga siya nang malalim bago magsalita, rinig ko rin sa phone ang pagbalikwas niya. [ Hindi ko ugaling ma-fall out of love, when I chose you. Ikaw na 'yon at wala nang iba. ] Sabi niya sa mababang tono. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang mga ngiti pero hindi ko talaga kaya!

"You know what? Ace ka nga talaga! You're an ace of stealing hearts." Nakangiting tugon ko sa kanya. Kinikilig talaga ako sa mga simpleng banat niyang 'yan.

[ Yeah, I think? And I am thankful for that. Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Hindi ako papayag na ako lang ang magkakagusto. I will make sure you fall for me too. ]

[ But I was wondering Kaylle, are you confused? ]

Hindi ako naguguluhan. Alam ko na kung sino yung gusto ko, alam ko na kung sino yung pipiliin ko. Paano ko masasabi na siya yung gusto ko? Siya na yung tinitibok nitong puso ko? It's cringey, alright? Pero ito na ito e'.

"I'm not confused. Maybe naging denial lang ako sa nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko kasi ma-imagine na yung long time crush ko napalitan mo ng ganun-ganon na lang," sagot ko.

"Ikaw Chase, akala ko ba ex can't be friends? May false break-up pa nga eh, bakit hindi mo tinuloy?" Balik na tanong ko sa kanya.

[ We are not totally in a relationship and we're not breaking up. ] He stated.

"But what makes you said that?" Nasaktan kaya niya ako roon. Hindi niya alam na iniyakan ko siya noong pag-alis niya sa bahay namin noong gabing iyon.

[ I said those. Because I'm annoyed. ]

Pag-amin niya. Annoyed? Bakit naman?

"Annoyed? Bakit naman?" Kunot-noong na tanong ko kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita.

[ It annoys me that you're with Anderson that night. ] Mahina ngunit rinig ko ang pagkakasabi niya no'n at with that halos mag harumentado ang puso ko.

"Wala naman kaming ginagawang masama ah?"

It seems like Chase has a power over me. He is my weakness. My krypton to be exact. Kasi pag siya kusa na lang akong tumitiklop. Konting sabi niya lang sa akin ng kung ano, para na itong spell sa bibig niya na sinusunod ko. He's not manipulative, it's just me being submissive.

Tapos grabe pa mag-hysteria itong puso ko pag kasama ko siya. Pag nakikita ko siya he has a power to weaken my knees sa hindi ko malaman na dahilan. Alam ko na siya na yung nag mamay-ari nitong puso ko pero deny lang ako nang deny at pinipilit na si Connor pa rin kahit na siya na talaga.

Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yon pero ang tindi niya. Siya talaga nagpatibag ng pagkagusto ko kay Connor. Ayaw kumalma ng puso ko sa pagbilis ng tibok nito ngayon. Ang hirap niyang pakalmahin lalo na noong muli siyang nagsalita.

[ Exactly wala nga kayong ginagawang masama. Pero sa simpleng conversation niyo lang naiirita na ako. Lalo na when you look so happy with him. Ang sakit niyo sa mata. ]

Masungit na pagkakasabi nito. I can also imagine na umiirap na ang mga mata niya while saying that.

[ I was so pissed that time, kasi wala naman akong karapatan magselos. ]

[ But you know, you don't need to feel jealous sa kahit na sinong babae na makakasalamuha ko. Because I found my apple of the eye already and it was you. ] Senserong dagdag niya na halos ikasabog ng puso ko sa tuwa. I want to say something pero parang nagkaroon ng kung anong harang yung lalamunan ko kaya hindi ako makapag salita.

[ If I needed to fight for the girl I like right now. I'm willing to try. I'm willing to take risk even if my rival is the man of her dreams, your dreams. ]

We talked for almost an hour, hanggang sa bumigat ang talukap ng mata ko at tuluyan ng makatulog without ending the call.

Monday at magkasabay kami ni Zeah na kumakain ngayon sa canteen. Si Carlo kasi wala ngayon at may practice kaya hindi siya makakasabay sa amin mag lunch ngayon. Sinabunutan ako ng kaibigan ko noong sinabi ko sa kanya na kami na ni Chase, "Aray ko naman!" Maktol ko sa kanya noong inayos ko buhok ko. Ang hirap talaga pag kinikilig siya mapanakit nakaka-asar.

"So, kayo na talaga for real? As in REAL?" Hindi makapaniwalng tanong niya habang binibigyan diin ang salitang REAL. Marahan akong tumango at ang gaga kinalampag yung lamesa kaya may mga ibang napapatingin sa amin na ibang studyante na narito ngayon din sa canteen.

"Sana all, gwapo boyfriend." Hirit niya.

"Sira!" Irap ko sa kaibigan ko.

Natigil kami sa kwentuhan noong may mag lapag ng tray sa table namin at pag-angat ko ng tingin ay halos bumilis tibok ng puso ko. Sure ba siya? Makiki-table siya sa amin? Wow, first time?

He's wearing his all white uniform. Bagsak ang itim na buhok pero my goodness! Para talaga siyang nilabas sa isang manga na ginawang tao dahil sa napaka-perpekto nitong pigura.

May mga ilang studyante ang nagbubulungan at napapatingin sa direksyon namin dahil sa nakatayong si Chase ngayon sa harapan namin ng kaibigan ko.

"Uy, Chase!" Bati ng kaibigan ko kaya medyo natauhan ako dahil doon. Tiningnan lang siya ni Chase na seryoso ang mukha. Napaka-intimidating niyang tingnan tapos ang gwapo pa. Iniisip ko tuloy kung totoo ba talaga 'to? Na-boyfriend ko na ba talaga siya o ilusiyon ko lang lamang ito.

"Chase kaibigan ko nga pala si Zeah," pakilala ko sa kanya kaya tumango siya bago umupo sa tabi ko. Tumingin sa akin si Zeah, "Sige na nga! Aalis na ako. Third wheel pa ako sa inyo," nakangisng sabi niya sa akin. Kaya naman nag wave na lang ako ng goodbye sa kanya.

Nilingon ko ang katabi ko at sinundot ang tagiliran niya kaya napapitlag siya at kunot noong bumaling sa akin ng tingin.

"Napaka sungit naman po," sabi ko sa kanya. Kaya nilapag niya ang kubyertos na hawak niya at lumingon sa akin. He was going to say something pero biglang tumunog yung phone ko sa pagitan namin ni Chase. Nagbaba ang ang tingin ko sa phone ko at gano'n din si Chase pero muli na lang ulit siyang kumain. Noong dinampot ko iyon nanlaki mata ko na si Connor yung nagtext sa akin. Medyo kinabahan ako sa pangalan niya sa phone book ko. Kasi gano'n pa rin at hindi ko pa rin binabago. Bebe ko pa rin siya. Nakita kaya ni Chase?

Bebe Connor

'Can we talk later after class?'

'5pm uwian mo 'di ba?'

'Sabay na tayo?'

Magtitipa sana ako ng i-re-reply ko pero tumingin ako kay Chase na seryoso at ang bibigat ng pag hinga sa tabi ko. Sinundot ko ulit yung tagiliran niya kaya naman napapitlag ulit siya at kunot-noong tumingin sa akin. Lakas ng kiliti niya sa tagiliran ha!

"What the?" Inis na sabi niya.

"Luuh, galit ka?" Nakangiting asar ko sa kanya. Pero binalik niya ulit yung tingin niya sa pagkain niya, his jaw is clenching like he is trying to keep his cool.

"What did he say?" Seryosong tanong ni Chase sa akin habang nilalaro yung pasta na nasa plato niya. Kaya napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinipigilan yung ngiti ko sa labi.

"Yiie, gusto niya malaman," asar ko sa kanya. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin noong lingunin niya ako sa gilid niya. Kaya natawa na lang talaga ako.

"Napaka-suplado at sungit mo talaga! Alam mo 'yon? Gusto niya lang naman ako makausap mamayang uwian," sabi ko sa kanya. Kaya mas lalong kumunot yung noo niya na halos magsalubong yung dalawang kilay niya sa noo niya sa sinabi ko.

"For what? Akala ko ba rejected na siya?" Seryosong tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat ako.

"Uhh, hindi ko alam? Grabe ka naman doon sa tao, kaibigan ko pa rin naman siya kahit papaano."

He rolled his eyes, "yeah, friend." sagot niya sa sarkastikong tono.

"So, makikipagkita ka nga?" Tanong niya sa akin sa nag babantang tono. Kaya marahan akong tumango. Agad siyang nainis at tatayo na sana siya noong higitin ko braso niya.

"Nagseselos ka ba?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Kaya tinignan niya ako.

"No, why would I be?" Masungit na tugon niya sa akin. His arms are now crossed to his chest. Hahawakan ko sana yung kamay niya, pero tinago niya yon sa may kili-kili niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Napaka talaga nitong lalaking 'to.

Nagkibit-balikat ako, "bakit nga ba? Bakit sa tingin mo threat siya? Sabi ko na nga 'di ba ikaw gusto ko? Hindi ka ba naniniwala sa akin?" Bumuntong hininga siya bago bumaling ng tingin ulit sa akin. His eyes is full of adoration pero iniwas niya rin ulit 'yon.

"Go see him. But update me kung saan kayo magkikita o kung saan kanya dadalhin," he said in a low but soft voice, kaya marahan akong tumango at napangiti. Selos-selos pa eh.

Ilang segundo kaming natahimik bago ulit siya mag open ng ibang topic na kinabigla ko, "Ano nilagay mo na pangalan ko sa phonebook mo?" Kuryusong tanong niya sa mababang tono. Like he was hesitating to ask it.

Pinamulanan ako dahil doon sa nilagay kong pangalan niya kagabi sa phonebook ko. "Uhm, ano... Chase kasi," nilingon niya ako at umiling.

Ngumiwi siya, "It's okay." Akmang tatayo na siya kaya nag-panic ako at agad hinanap yung pangalan niya sa phonebook ng phone ko at hinabol siya.

"Chase!" Tawag ko pero hindi man lang niya ako nilingon. Kaya noong maabutan ko siya agad ko hinila yung braso niya at tamad niya akong binalingan ng tingin.

"What now?" Masungit na sabi niya. Napayuko ako at pinakita sa kanya yung phone ko. Kunot-noo naman niyang kinuha 'yon, hanggang sa bumalik yung mukha sa pagiging maamo. Nakaka-loka. Ito nanaman yung puso ko na grabe sa pagkalabog.

Ayoko siyang tingnan dahil baka asarin niya lang ako. Dahil sa kabaduyan ko.

"Love cake?" Namimilog ang mata niya noong mabasa niya iyon. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Marahan siyang tumango, "Not bad." Nakangising sabi niya sa akin. Noong mabalik niya yung phone sa akin.

"Chase naman e'!" Nahihiya ako kasi alam ko naman talaga na may pagka-baduy akong mamili ng call sign pero kasi nakakahiya!

"Ikaw na lang mamili ng call-"

"What? It's cute though. So is that our endearment then?"

"Chase!"

"What?" Maang na tanong niya.

"Why are you embarrassed by that? It's unique and I'm loving it."

"So if I am your love cake. You are my baby cake then?" Dagdag na sabi niya pa kaya naman napabuntong hininga na lang ako at bagsak ang balikat na tumingin sa kanya na parang ang saya-saya pa sa Love cake na endearment.

"Ang baduy naman natin pag gano'n!" Maktol ko sa kanya. Pero bakit pag siya nagsasabi parang bagay? My goodness, nahihibang na talaga ako!.

"Pake ba nila?" Kaya napa-irap na lang ako.

Tumingin siya sa Breguet watch niya bago muling tumingin sa akin, "I still have class. See you around?" sabi niya kaya tumango ako.

Habang nasa klase ako hindi ko maiwasan na hindi mapangiti na para bang nahihibang. Basta ang ganda nang pakiramdam ko ngayon at sobrang gaan ganito siguro pag-in-love? Nagulat ako ng makita ko si Connor, sa labas ng room namin noong mag-uwian kami. Naalala ko may usapan pala kami. Medyo nakalimutan ko dahil masyadong na-occupied ni Chase yung utak ko.

"Connor!" Nakangiting bati ko sa kanya.

Hinawakan niya yung tiyan niya at tinapik-tapik, "nagugutom ako. Kain muna tayo ng pares Kaylle, hayaan mo libre ko" sabi niya kaya naman natawa ako sa kanya bago tumango ako.

"Tungkol saan pala yung pag-uusapan natin?" Maang na tanong ko sa kanya. Natigil siya sa pagkain at uminom ng tubig bago ngumiti sa akin. Sobrang layo talaga ng personality nila ni Chase.

"Actually, it's about last Friday." Sabi niya kaya natigilan ako at marahang tumingin sa kanya.

"It's hard to love someone who's in love with someone else. You have to ignore the pain and swallow your pride just to be a friend. But I think that's all worth it because sometimes friendship lasts longer than love." He forced a smile.

"Don't worry tanggap ko na 'yon, let's be friends then?" He added.

"With no awkwardness?" Taas ang dalawang kilay na dagdag ko kaya pagak siyang natawa. Hindi talaga maikakaila na naging crush ko talaga 'tong si Connor. Napaka-gwapong tumawa, at grabe nakakahawa yung mga ngiti niya tapos mabait pa. Dati pangarap ko maging girlfriend niya noon. Pero ngayon sana yung magiging girlfriend niya in-future alagaan 'tong lalaki na pinapangarap ko, kasi... Napaka-swerte niya na hangga't maari.

"It's kinda funny to think that history repeat itself." He said kaya naguguluhan akong binalingan siya ng tingin.

"You know my Dad and Chase's Dad used to be a rival back then?" Kwento niya sa akin.

"Talaga ba?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

Marahan siyang tumango, "Oo, pero si Tita naging boyfriend niya si Dad. They dated for 2 years. Wala naman na involve na iba, for career kasi kaya sila nagbreak pero noong tumagal may nakilala na nabago si Tita kaya 'yon," kwento ni Connor sa akin kaya napatango na lang ako. Habang marahan na nakikinig sa kanya. Hindi naman kasi talaga makakaila na magandang babae si Tita noong kabataan niya.

"Issue ka no'! Paano mo naman nalaman lahat ng 'yan?" Tanong ko sa kanya and he chuckled.

"Sa mga taong nakapaligid sa amin. Alam kong alam din 'yon ni Chase." Kwento ni Connor kaya napatango na lang ulit ako.

We talked for almost 30 minutes bago kami mag pasya umuwi. I texted Chase pero hindi siya nagreply siguro may klase pa rin 'yon hanggang ngayon kaya naman hinayaan ko na lang.

At exact 8PM I'm busy making a brownies para kay Chase sana bukas. Nang biglang tumunog ang phone ko and it was a text from my love cake. Napasinghap ako at napakagat sa ibabang labi ko dahil hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti habang binabasa ang message niya. My goodness. Ganito ba ako kapatay na patay sa kanya?

"Self, napaghahalataan ka talaga na marupok. Pumirmi ka nga!" Hindi ko maiwasan na sabihin 'yan sa sarili ko bago ko basahin mga messages sa akin ni Chase pero wala... Ngiting-ngiti talaga ako.

Love Cake

'Just got home and hungry.'

'Wish you were here to cook for me a dinner.'

Ngiting-ngiti lang ako habang pinagmamasdan yung text niya na 'yan. Pero mas lalong nahibang ang puso ko noong maka-recieve ako ulit ng message mula sa kanya.

Love Cake

'Wanna come over?'