Chapter 52
Kinabukasan nagyayang lumabas si Aiden, maglilibot muna sila sa buong Tagaytay, tatangi sana sya dahil mas gusto nyang sa bahay lang sila ni Aiden at tila nasa honeymoon stage sila dahil hindi sila napapagod sa isat-isa sa tuwing madikit ang mga katawan nila ay tila sila papel at posporo na biglang nagliliyab. tila sila walang kapaguran sa mga ginagawa nila, at natutuwa syang marami na syang natututunan sa pag me-make love nila ni Aiden.
Magkahawak kamay pa sila habang naglalakad sa sikat na park sa Tagaytay, maraming tao may mga nag de-date, may pamilyang nag pi-piknik, mga batang naglalaro naghahabulan. natutuwa syang pagmasdan ang masiglang paligid.
"You want something to eat?" Tanong ni Aiden ng maupo sila sa batong upuan paharap sa higanteng ferris wheel.
"Nope, busog pa ko, sa bahay nalang tayo kumain, ako ang magluluto" sagot nya at iniling ang ulo sa balikat ni Aiden habang nakatingala sa higanteng ferris wheel.
"Ang ganda ng panahon" bulong nya.
"Yeah, mas lalong gumanda dahil sa iyo" biro ni Aiden. napangiting sya at kinurot ang hita nito. tumawa
ito.
"Nakakainis ka" simangot nya kunwari para maitago ang kilig.
"Aiden?" tawag sa di kalayuan nila. sabay pa nilang nilingon ang tumawag. nawala ang ngiti ni Aiden ng makita kung sino ang tumawag rito. agad nyang nakilala ang lalaking papalapit sa kinauupuan nila, may kasama itong magandang babae at magkahawak kamay ang mga ito.
Si Jeff, ang kabarkada ni Aiden noong College ito noong nag-aaral pa ito sa SMU at paano ba nya makakalimutan ang lalaking nakangisi ngayon sa harapan nila. ito ang lalaking muntik ng mambastos sa kanya noong nasa highschool palang sya, at sa pagkakatanda nya si Aiden ang tumulong sa kanya noon.
"Jeff" walang ngiting sabi ni Aiden. nakita nyang sa kanya nakatingin si Jeff. tumayo si Aiden mula sa kinauupuan sumunod sya rito at pasimpleng inalis ang kamay sa braso ni Aiden. nakaramdam sya ng ilang.
"What are you doing here?" tanong nito at muling sumulyap sa kanya, nailang sya dahil tila may pambabastos nanaman sa uri ng pagtingin nito. hindi nya alam kung saan magtatago dahil naiilang sya sa tingin nito, naka walking short lang sya at crop top pero dahil malaki ang hinaharap nya napapadalas doon ang mga mata ni Jeff.
"Are you Carmella? the Carmella Perez i know?" nakangising tanong ni Jeff at tinignan si Aiden.
"Yeah, she is" matigas na sagot ni Aiden at hinawakan sya sa kamay.
"Wooh.. wohh ohh" sabi ni Jeff habang nakangisi at inakbayan ang kasamang babae hindi nya ito kilala marahil hindi taga San Miguel.
"Aiden naman, yan ba ang binalikan mo sa San Miguel?" nakangising tanong nito at tinuro pa sya. nakita nyang tumaas ang dibdib ni Aiden tila nagtitimpi ito at nais ng magalit. pasimple nyang pinisil ang kamay nito.
"Ano ka ba naman Aiden, wala bang mga tulad nila sa America at bumalik kapa para sa mga tulad nyan" patuloy nito.
"Shut up Jeff" may galit na sabi ni Aiden.
"Aiden" pigil nya rito.
"I can't believe na nagmana ka sa Papa mo, mahilig sa mga Perez"
"Tumigil ka na" nagtitimpi sa galit na sabi ni Aiden.
"Well, sure sure" sabi nito ay nagtaas ng mga kamay.
"But still I can't believe you Aiden, she is Perez, they are who-"
Isang suntok ang pinadapo ni Aiden kay Jeff bago pa nito matapos ang sasabihin nito. napatili sya at ang babaing kasama ni Jeff. sumadsad sa semento si Jeff sa malakas na pagkakasuntok rito ni Aiden.
"Don't you dare Jeff, Don't" banta ni Aiden at nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Jeff.
"Aiden tama na" pigil nya kay Aiden at hinawakan ito sa dibdib para kumalma.
"F*ck you Del Castillo, wala kang pinagkaiba sa Tatay mo" sigaw ni Jeff. pero hindi nalang ito pinansin pa ni Aiden naglakad na sila palayo sa mga ito.
Tahimik syang sumunod kay Aiden, kitang-kita nya ang galit sa mukha nito. napakagat labi sya at pinagalan ang paglalakad. tila sya nakaramdam ng hiya dahil, dahil sa kanya napapaaway si Aiden.
"Carmella" tawag nito at hinila sya sa kamay. at naglakad ng sabay papunta sa parking lot. nasira na ni Jeff ang araw nila kaya minabuti nalang nilang umuwi na muna. naiinis sya dahil bakit ba masamang babae din ang tingin sa kanya ng iba? ano bang kasalanan nya? hindi ba't pinilit naman nyang maging iba sa mga kapatid. wala syang ibang lalaking sinamahan kundi si Aiden lang, at hindi nya ginawa yon dahil isang Del Castillo si Aiden, kundi dahil mahal nya si Aiden, malalim ang damdamin nya kay Aiden. at nagpapasalamat syang pareho sila ni Aiden ng nararamdaman. mahal nila ang isat-isa. pero anong gagawin nya kung dahil sa kanya napapahiya si Aiden, dahil sa kanya bumababa ang tingin ng mga tao kay Aiden, dahil lang isa syang Perez na kilalang mga salot sa bayan nila. ano bang dapat nyang gawin para kay Aiden?
"I'm sorry" sabi nya ng makapasok na sila sa bahay. nagyuko sya ng ulo para maiwasan ang mapatingin kay Aiden.
"Bakit ka nagso-sorry?" tanong nito na huminto sa paglalakad.
"Dahil sa akin napapaway ka" malungkot na sagot nya at napakagat labi.
"Carmella" sabi nito at humakbang palapit sa kanya. hinawakan sya sa baba at tinaas ang mukha.
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, mahal kita Carmella, yon ang mahalaga, we're enagaged remember, pasisira ba tayo sa mga taong tulad ni Jeff?" sabi nito. habang nakatingin sa mga mata nyang naluluha na. ramdam na ramdam kase nya ang senseredad sa mga sinasabi ni Aiden at ramdam na ramdam nyang mahal nga sya nito.
"Ayoko lang na napapahiya ka sa tuwing kasama mo ko"
"No, we both know you are not what they think you are, at hindi sila importante dahil tayo at tayo lang Carmella ang importante, we love each other, yan ang mahalaga, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, I love you and that's the thing, nothing more" litanya nito at sinihil sya ng halik sa mga labi.
"I love you Carmella"
"I love you too, Aiden" sagot nya at niyakap ito ng mahigpit. tila ayaw na nyang bumitaw, pakiramdam kase nya pag bumitiw sya mawawala si Aiden sa kanya at ayaw nyang mangyari yon, hindi na nya kakayanin kung mawawala si Aiden sa kanya. mahal na mahal nya si Aiden.