Chapter 51
"What?!" gulat na tanong nya at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Aiden. tama ba ang narinig nya? totoo bang may singsing sa harapan nya ngayon? totoo ba ito?
"Will you marry me Carmella?" ulit na tanong nito ng nanatili syang walang kibo at gulat na gulat sa mga nangyayari. hindi pa nga sya halos nakakarecover sa mga nangyari sa kanila kagabi ni Aiden sa Pool, at kung saan-saang parte ng bahay, tapos pag gising nya may pa flowers and breakfast pa ito and then may proposal pa. mamamatay na ba sya at binibigay na lahat ng gusto nya ngayon.
"Aiden" tanging nasabi nya at hindi nya namalayan na naluha na pala sya sa sobrang saya.
"Don't cry Carmella" sabi nito at pinunasan sa palad ang luha nya.
"Aiden, this is too much"
"No, I want you Carmella for the rest of my life, only you Carmella please say yes" pagsusumamo nito at hinawakan sya sa kamay.
"Of course Aiden Yes! Yes!" umiiyak na sagot nya at tumayo para yakapin ito ng mahigpit.
"I love you Aiden"
"I love you so much Carmella" sagot nito habang magkayakap sila. makalipas ang ilang sandali kumalas ito ng yakap.
"Wear this first, sign na hindi ka na makakatangi pa" nangingiting sabi ni Aiden na tila lalong gumuwapo sa paningin nya. white polo shirt and khaki short so neat and handsome. pakiramdam tuloy nya masyadong gwapo si Aiden para da kanya.
"I don't know what to say" sabi nya ng masuot na ang sa kanya ang engagement ring. tinignan nya ang singsing at nakakasigurado syang malulula sya sa presyo non, isama pa ang diamond nito sa gitna.
"You've already said what I want to hear, your yes was enough" sagot nito at hinalikan sya sa mga labi.
"Kumain na tayo, this is our celebration" yaya nito at naupo ulit sa upuan.
"I can't believe this is happening to me" sabi nya dahil talaga namang hindi sya makapaniwala dahil kamakailan lang ang relasyon nila ni Aiden, hindi pa nga sya sigurado nung una kahit na ginagawa na nila ang mga bagay na tanging mag-asawa lang ang gumagawa. ngayong may label na talaga sila ni Aiden masasabi nyang sya na ang pinaka swerteng babae sa buong mundo. akalain mong isang Aiden Del Castillo ang future husband nya. hindi na tuloy sya makapaghintay na sana dumating na ang araw ng kasal nila. pero alam nyang matagal pa yon dahil nag-aaral pa sya, isama pa na ang dami pa nilang haharapin na problema, oo problema alam nyang tututol ang buong San Miguel sa kanila ni Aiden, alam din nyang pagbalik na pagbalik nila ng San Miguel ay magtataasa ng mga kilay ang mga tao roon, at sasabihin nanamang sadyang magagaling sila dahil puro mayayaman ang nabibingwit nila. ganoon pa man handa naman sya sa mga yon, isa pa tila na sya sanay, dahil kahit wala syang ginagawang masama eh masama parin sya. napakagat labi sya habang kumakain at sinulyapan si Aiden na maganag kumakain at ngumiti ng sulyapan sya. naisip tuloy nya kung sobrang bait ba nya at napunta sa kanya si Aiden? ngumiti sya rito at tinuloy ang kinakain. nang marinig ang cellphone ni Aiden na tumunog nasa ibabaw ng mesa yon, sabay pa silang napasulyap sa cellphone at nabasa sa caller ID ang Mama napalunok sya at sinulyapan si Aiden na sa cellphone nakatingin.
"Sagutin mo na" sabi nya at pilit na ngumiti. bigla kasi syang kinabahan ng mabasa ang Mama sa caller ID ni Aiden.
"Yeah, I'll take this" sagot nito at dinampot ang cellphone sabay tayo at naglakad palayo da gazebo. sinundan nya ng tingin si Aiden.
"Mama"
Yun lang ang narinig nya dahil pumasok sa loob ng bahay si Aiden. bumuntong hininga sya at napasandal sa upuan. tila nawalan sya ng gana sa pagkain. napasulyap sya sa suot na singsing at napangiti.
"We're engaged, yun ang importante, and Aiden love me and I love him" kumbinsi nya sa sarili at muling liningon kung saan pumasok si Aiden. hindi na nya ito maaninag.
"Chill, just enjoy every moment" kumbinsi nya sa sarili at sumubo ng bacon na tila hindi nya malasaan kaya niluwa din nya yon.
Tila hindi sya mapakakali dahil kanina pa si Aiden sa loob, at tila mahaba ang pag-uusapan ng mga ito.
"Ano kayang pinag-uusapan nila?" nakasimangot na tanong nya sa sarili dahil ilang minutos na ang nakakalipas at hindi pa bumabalik si Aiden. Naisip nyang baka tungkol sa ama nito at kay Mrs. Alvarez marahil nagkausap na ang Papa't Mama nito.
"Sana maging ok na sila, para wala ng problema si Aiden" bulong nya at nakitang pabalik na gazebo si Aiden. tinignan nya ito at nakita nya ang tila galit ang lungkot sa mukha.
"Anong sabi nila?" tanong nya ng makabalik na ito sa gazebo.
"Nothing, nangumusta lang" tipid na sagot nito at naupo.
"Ah..." tanging sabi nya at kunwari'y tinuloy ang pagkain kahit di naman na nya nalalasaan.
Ngayong engaged na sila ni Aiden, alam nyang kailangan nyang harapin ang pamilya nito. ang Mama nito at Papa pati ang dalawang kapatid nito, at alam nyang kilala sya ng buong pamilya ni Aiden, dahil inakala ng mga ito na kabit ng Papa ni Aiden ang kapatid nya. at isama pang isa syang Perez na kilalang-kilala sa bayan nila, alam nyang tulad din ng mga tao sa bayan ng San Miguel ang tingin sa kanya ng mga Del Castillo. pero ganoon pa man umaasa syang tatangapin sya ng pamilya ni Aiden, mahal naman sya ni Aiden at alam nyang ipaglalaban sya nito kung sakaling hindi sya matanggap ng pamilya nito. ang layo na ng iniisip nya kakasimula palang naman nila ni Aiden ng magandang yugto ng buhay nila. ayaw na muna sana nyang mag-isip at malungkot dahil hindi pa naman dumarating ang mga bagay na kinatatakutan nya. at alam nyang sa pagmamahal ni Aiden maaayos ang lahat, magtitiwala sya kay Aiden, ibibigay nya ang buong tiwala kay Aiden at maniniwala syang ipaglalaban sya ni Aiden sa pamilya nito at buong San Miguel kung sakaling tumutol ang mga ito sa relasyon nila. sa ngayon i e-enjoy na muna nya ang bagong yugto kasama si Aiden.