Chapter 48
Aiden
"I'm Sorry Hijo, mapatawad mo pa sana ako" malungkot na sabi ng ama ng makapasok sa loob ng bahay.
Alam nyang pupuntahan sya ng ama sa bahay nya, kanina pa ito tawag ng tawag sa kanya hindi nya sinasagot, ayaw nya muna sana itong makausap wala pa naman syang sasabihin rito.
"Hindi ko gustong malagay sa eskandalo ang pamilya natin" patuloy nito ng hindi sya kumikibo. sinulyapan ang Ama, kitang-kita naman nya ang pagsisisi sa mga mata nito, at lungkot sa mukha, tila nadagdagan ang edad nito.
"Bakit nyo ginawa?" tanong nya at naupo sa sofa. Yung ang nais nyang itanong sa ama kung bakit nito nagawa ang bagay na yon, bakit nito nagawang lokohin ang Mama nya, gayong wala naman syang nakikitang pagkukulang ng Mama nya rito. Nang mga panahon pinadala sya ng Papa nya sa ibang bansa, buong pagaakala nya tinigil na ng Ama ang pakikipag relasyon sa ibang babae. naalala pa nyang yun ang hiniling nito ang umalis sya ng San Miguel at hinding-hindi na makikipag kita kay Grace, ang inakalang kabit ng Papa nya. Pero ngayon na realize nyang mas nabigyan ng laya ang relasyon ng ama kay Mrs. Alvarez ng mga panahong wala sya ng San Miguel.
"You won't believe me hijo kahit sabihin ko pa" malungkot na sagot nito.
"Try me' walang emosyong sagot nya. nais nyang magalit at magwala sa harapan ng ama pero pinigilan nya ang sarili dahil alam nyang mas lalala ang sitwasyon kung gagawin nya ang bagay na yon, isa pa Ama parin nya ito kahit ano pa ang ginawa nito. hindi dapat sya mawalan ng respeto sa ama dahil nagkamali ito.
"I love your Mom Aiden, I love her so much" simula nito at naupo sa kabilang sofa.
"But, Nina is-" hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin.
"I won't judge you Papa, makikinig ako at susubukang intindihin ang mga nangyari at ipaliwanag ang pagkakamali nyo" sagot nya rito.
"Hijo Nina Guevarra now Alavez was my first love" simula nito. nagulat sya pero hindi sya kumibo, nanatili syang tahimik at nakinig sa pagpapaliwanag ng ama kung sino sa buhay nito si Mrs. Alvarez.
Sinabi nito, magkababata ang mga ito, parehong sa SMU din nag-aral at nakapagtapos, sa pagkakaintindi nya sa kwento ang Papa nya at si Mrs. Alvarez ang may relasyon at magkaibigan ang Mama nya at si Mrs. Alvarez. tulad sa mga telenovelang napapanood sa TV naging masalimuot ang lahat sa tatlo. hindi daw maipaliwanag ng Papa nya kung bakit nangyari ang mga nangyari noong kabataan nga mga ito, pero namulat nalang daw itong kinakasal na i
sa Mama nya, at sa panahong yon, nagdadalawang tao na raw ang Mama nya at sya ang bunga. tila kung uunawain ang sinasabi ng Papa nya, inagaw ng Mama nya ang Papa nya mula kay Mrs. Alvarez.
"You mean?"
"Marami kaming pangarap ni Nina noon, kung hindi ko lang nadisgrasya ang Mama mo" mapait na sabi nito.
"Ayoko ng malaman pa kung paano nangyari ang lahat, malinaw naman sa akin na hanggang ngayon nagmamahalan parin kayo ni Mrs. Alvarez" sabi nya, pero sa totoo lang hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang sabihin sa ama. dahil kahit saan angulo mali ang mga ito, may kanya-kanya ng pamilya ang mga ito, kahit pa sabihing matagal ng byuda si Mrs. Alvarez. mali parin ang sumira ito ng pamilya.
"Minahal nyo ba si Mama?" tanong nya at sinulyapan ang ama.
"Of course, I love your Mom, she's so sweet, wala akong maipipintas sa kanya"
"Sana hindi nyo nalang tinuloy kung ano mang naudlot noon sa inyo ni Mrs. Alvarez"
"I know, I've made a mistake, at nagsisisi ako dahil sa akin na eskandalo ang pamilya natin"
"Hindi lang pamilya natin, pati na ang pamilyang kinasangkapan nyo" sabi nya dahil nadamay pa pati si Carmella sa mga nangyari.
"Is this about her? sa babaing kasama mo kanina? si Carmella ba?"
"Yes Papa and she is my girlfriend" taas noong sabi nya sa ama. nakita nya ang gulat sa mga mata nito. at napansin nyang nagbukas ito bibig na tila ba may nais sabihin pero hindi nito tinuloy.
"May relasyon kami ni Carmella"
"wala ako sa posisyong i judge ang ano mang relasyon mo kay Carmella, pero hijo isa syang Perez at-"
"And what Papa? may mali ba sa pagiging Perez nya?" tanong nya dahil nais na din nyang malaman kung ano ang magiging tingin nito sa pakikipag relasyon nya kay Carmella.
"Aiden, her Mom is... I mean.. kung kani-kaninong lalaki sumama ang nanay nyan, isama pa na iba-iba ang tatay nilang magkakapatid and look, her sisters hindi rin maganda ang reputasyon sa bayan natin" litanya ng ama na seryoso ang mukha. alam nyang kahit sinong magulang hindi gugustuhin na mapunta ang anak sa babaing may pangit na repustasyon ang pamilya. pero alam nyang iba si Carmella, iba ito at napatunayan nya. Sya ang unang lalaki sa buhay ni Carmella at mananatiling sya lang.
"She is different, hindi sya tulad ng mga kapatid nya at nanay nya" pagtatangol nya kay Carmella.
"Still, hindi maganda ang reputasyon ng pamilya nya" pagdidiin nito. nairita sya dahil pag mayamang tulad ni Mrs. Alvarez pag-ibig and dahilan kung bakit sumisira ito ng pamilya, kahit saang angulo tignan kabit parin ito, walang pinagkaiba sa nanay at mga kapatid ni Carmella.
"I don't care as long as I know, she is not like them, iba sya sa pamilya nya, at alam kong buong San Miguel na ang humusga kay Carmella hindi ko na mapipilit ang mga yon na paniwalaan na Carmella is different, hindi sya tulad ng Nanay at mga kapatid" paliwanag nya at tumayo mula sa sofa.
"May sasabihin pa ba kayo tungkol kay Mrs. Alvarez?" tanong nya para maiba ang usapan.
"Nothing, alam kong sasabihin mo sa Mama mo ang mga nangyari, but Aiden let me do this first, hayaan mo kong aminin sa Mama mo ang mga pagkakamali ko, ipapaliwanag ko ang lahat, at kung kinakailangan at hihilingin ng Mama mo na tapusin ko na ang lahat sa amin ni Mrs. Alvarez ay gagawin ko" mahabang litanya nito.
"Yun din ang hihilingin ko Papa, para kay Mama at sa mga kapatid ko" sagot nya rito. tumayo ang ama mula sa pagkakaupo at lumapit sa kinatatayuan nya.
"Pareho nating mahal ang Mama mo at ayaw syang saktan, alam kong hindi rin nya matatangap kung malaman nyang nahuhumaling ka sa isang Perez" sabi nito at marahas syang napalingon sa ama.
"Kaya kong magbago para sa Mama mo Aiden, nagsisisi na ko sa ginawa ko, sampung taon ko kayong niloko lalo na ang Mama mo, hinihingi ko ang kapatawaran yon. pero Aiden hindi ko matatanggap na madikit ang pangalan mo sa isang Perez" nagulat sya sa sinabi ng Ama at tinignan ito sa mga mata. nakita nyang seryoso ito.
"What do you mean?"
"uuwi ako ng San Miguel ngayon din at hihingin ang kapatawaran ng Mama mo at mga kapatid mo, pero hihilingin ko din sa iyo na iwan mo si Carmella, tapusin mo ang anomang relasyon mo kay Carmella"