Chapter 47

Matapos ang eksena sa library dumerecho sila sa kusina para kumain naman ng totoong pagkain.

"Marunong ka palang magluto" sabi ni Aiden habang panay subo sa niluto nyang nilagang baka.

"Naturuan naman ako ni Nanay" nakangiting sagot nya at inabutan pa ito ng sabaw, natutuwa syang makitang maganang kumain ito, marahil nagutom na siguro ito sa maghapon nilang pamamasyal isama pa na pag nagkakaroon ng pagkakataon eh nagpapakaligaya sila.

"Aiden" simula nya dahil nais sana nyang malaman kung ano ang nasa isip nito sa nakita kanina sa Restaurant. makikinig lang sya hindi sya makikialam.

"Hmm" sabi nito at sinulyapan sya ng ibaba ang mangkok matapos maubos ang sabaw non.

"About.. Mrs. Alvarez" sabi nya at nakita ang pag iba ng mood ni Aiden. napakagat labi sya.

"I don't care about her! wala din akong pakialam kay Shawn!" matigas na sabi nito.

"All I want is a peace of mind, lalo na kina Mama at sa mga kapatid ko, ayoko ng eskandalo, ayokong muling pag-usapan ang mga Del Castillo sa bayan ng San Miguel, tulad noon nang madikit ang pangalan ng kapatid mo sa Papa ko" litanya nito.

"Sampung taon na nyang niloloko si Mama, at naniniwala akong naging kasangkapan ang kapatid mo" sabi nito at sinulyapan sya.

"What do you mean?"

"Sa loob ng sampung taong niloloko ni Papa si Mama, pinapalabas nitong pa iba-iba ito ng babae at nakabilang ang kapatid mo, pero sa mga panahong yon tanging si Mrs. Alvarez lang ang kinatatagpo ni Papa" sabi nito na tila sigurado na. alam naman nyang kinasangkapan ni Mrs. Alvarez ang Ate Grace nya, alam nyang walang naging relasyon ang kapatid nya at Papa ni Aiden.

"Mrs. Alvarez manipulated your sister, well wala naman mawawala sa kapatid mo kahit ma eskandalo sya, pero kay Mrs. Alvarez malaki, and I know pag nalaman ni Shawn ang lahat, baka lalong mag rebelde yon at magwala"

"Anong gagawin mo?" tanong nya.

"Nothing! wala akong gagawin, poprotektahan ko lang si Mama at mga kapatid ko, hindi ko eeskandaluhin si Mrs. Alvarez, dahil baka di na makayanan ni Mama pag nalaman nya"

" You mean-"

"Kami ni Papa ang maghaharap, I know may dahilan sya, at kung ano man yon, wala akong pakialam" matigas na sagot nito at tumayo sa kinauupuan.

Bumuntong hininga sya dahil tila hindi nya maintindihan si Aiden, hindi nya maintindihan kung hahayaan ba nito ang Papa nya at si Mrs. Alvarez, paano ang Mama nito? ewan nya pero huwag na muna nyang isipin yon, hayaan nya si Aiden. nag-aalala din sya kay Shawn, lalo na't nasabi nitong pauwi na ng bansa si Haina ang asawa nito.

Matapos kumain tahimik syang nagligpit sa kusina, malalim parin ang iniisip tungkol kay Aiden, sa Papa nito at kay Mrs. Alvarez. naiwan sya sa kusina marahil bumalik si Aiden sa library. para mag isip ulit ito. matapos ang ginagawa sa kusina, pumasok na muna sya sa silid, wala roon si Aiden at alam nyang kailangan ni Aiden ng space ngayon. nahiga sya at nakita ang pulang mantsa sa kumot.

"Hindi pa pala naaalis ito" sabi nya. at napangiti ng makita ang pulang marka sa bedsheet. sinyales na malinis syang nakuha ni Aiden.

Niligpit na muna nya ang bedsheet at pinalitan ng bago ng mag ring ang cellphone nya.

"Hello?"

"Carmella, I'm sorry but, huwag kang pupunta sa wedding ko, ayokong masira ang magandang araw ko na yon" sabi ng Ate Grace nya. nagulat sya at di makakibo. nawala sa isip nya na ikakasal na nga pala ang Ate Grace nya sa sabado at dalawang araw nalang yon mula ngayon.

"Alam mo namang si Mrs. Alvarez ang isa sa sponsor ko, at darating syang kasama si Mr. Del Castillo, at kung darating kang kasama si Aiden, baka magkagulo lang" paliwanag ng kapatid. naintindihan naman nya yon, sya man ayaw nya ng gulo.

"I understand Ate" tanging sagot nya.

"Ano na palang balita kay Aiden?"

"Wala pa naman Ate"

"Tawagan mo ko agad pag may binabalak sya, para masabi ko kay Mrs. Alvarez"

"Sige ate sasabihin ko sa iyo kung anong plano ni Aiden" sagot nya bago nawala ang kausap sa kabilang linya.

"Are you going to spy me now Carmella?" napapitlag sya at nalaglag ang cellphone na hawak sa gulat.

"Aiden, ginulat mo ko" sabi nya at pinulot ang cellphone sa sahig.

"Kanina kapa ba dyan?"

"Yeah, narinig ko pinag-usapan nyo ng kapatid mo, let me guest si Grace yon no?" sabi nito at lumapit sa kanya.

"Aiden kase-"

"Nagpapagamit nanaman ang kapatid mo kay Mrs. Alvarez ano pinasusubaybay ang kilos ko? sabihin mo sa kanila mapanatag sila dahil ako man ayoko ng eskandalo" litanya nito.

"Hindi naman sa ganoon Aiden"

"Hindi sya makatanggi hindi ba?" tanong nito at lumapit sa kanya.

"I'm sorry" sabi nya at nagyuko ng ulo.

"Yeah, I've checked everything, si Mrs Alvarez ang isa sa sponsor ng kapatid mo sa kasal nya hindi ba?" nagtaas sya ng mukha sa sinabi nito.

"I have my way para malaman lahat yan Carmella" sagot nito bago pa sya magtanong.

"We both know kung gaanon kayaman ang mga Alvarez, lalo na si Mrs. Alvarez dahil sa kanya lahat naiwan ang kayamanan ng asawa nya" patuloy nito na hindi naman sya makasagot dahil wala syang alam isagot, hindi naman kase nya kilala talaga si Mrs. Alvarez nakilala nya lang naman ito ng minsan matulong sya sa mansyon dahil kay Shawn.

"I feel sorry for Shawn" habol pa nito. at naupo sa kama sa may tabi nya.

"Nakausap ko Mama kanina" pang-iiba nito ng usapan at hinawakan ang kamay nya. nagtaas sya ng mukha at tumingin sa mga mata nito na puno ng lungkot at pangamba.

"Hindi ko sinabi sa kanya, hindi ko kayang masaktan si Mama, pati na ang mga kapatid ko"

"I know mahirap ang sitwasyon mo Aiden, alam kong nais mong protektahan ang mga tao sa paligid mo"

"I don't know what to do Carmella, hindi ko alam" malungkot na sabi nito at nilamukos ang mukha sa dalawang palad.

'Aiden, maayos din ang lahat" sabi nya at niyakap ito. nais nyang iparamdam kay Aiden na hindi ito nag-iisa at hindi nya ito iiwan, sasamahan nya ito sa hirap at sakit na nararamdaman.

"I want you to feel better Aiden" bulong nya at hinalikan ito sa pisngi. tila kase wala naman syang ibang maitutulong kay Aiden kundi lang iparamdam rito ang prisensya nya, at wala syang ibang alam na paraan kundi lambingin ito at ibigay ang sarili rito.

"Carmella" anas nito at alam nyang pareho sila ng nararamdaman ni Aiden, tila ba sila hayok sa sex, pag nagdikit sila ay umaapoy na ang pakiramdam nila at pareho nilang di mapigilan ang mga katawan nila.

Tunog ng doorbell ang nagpatigil sa balak nilang gawin. kumabog ang dibdib nya at napatitig sa mga mata ni Aiden.

"May tao" sabi nya.

"It might be Papa" sagot nito at bumuntong hininga.

"Kausapin mo sya Aiden"

"I will and try to understand him" sagot nito at tumayo mula sa pagkakaupo.

"We can finish this later" paalam nya at hinalikan sa mga labi.