Chapter 23: Forget me not

Nalaman niya na ang sikreto ko, hindi siya pwedeng umalis dito. Baka mamaya ay kung ano pang mangyari sa kanya sa labas.

Kumatok muna ako sa kwarto para ipaalam na papasok ako sa loob. Mabilis niya namang binuksan ang pinto at as expected, bunganga niya agad ang naging bungad sa mukha ko.

“Nagbago na ba ang isip mo? Papaalisin mo na ba ako?”

“Hindi,” sagot ko agad. Nabasa ko agad ang utak niya dahil sa lakas noon kaya nagsalita ako pabalik. “Kahit naman makalabas ka sa bahay na ‘to, hindi mo alam ang daan paalis. Wala kaming kapitbahay,”

“Kailangan kong tulungan ‘yung mga magulang ko! Wala silang kasalanan pero kinulong sila agad!” Sigaw niya pa sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, “Wala silang kasalanan? Sure ka ba? E may warrant nga.”

“Eh bakit pa kita pinuntahan kung hindi mo kami matutulungan? Nagsayang lang ako ng oras sa ‘yo! Tapos ikinulong mo pa ako rito!”

“Bwisitin mo pa ako, mas lalong hindi ka makalalabas dito.” Sabi ko tsaka itinuro ‘yung lamesang may pagkain, “Kumain ka na. Baka mamatay ka pa.”

“Paano ‘yung mga magulang ko? Sabi nila puntahan ko raw ang dad mo pero wala na pala siya…” humina na ang boses niya. “Hindi mo ba talaga ako matutulungan?” tanong ko.

“Ewan,” sabi ko na lang.

Ulol, kahit hindi niya ‘yan sabihin sa ‘yo gagawin mo rin naman. Singit ulit ng utak ko.

Pahabol niya pa akong sinigawan, “Kahit hindi mo na ako tulungan, basta paalisin mo na ako rito agad! Wala akong sasabihan!”

Binuksan ko ulit ‘yung pinto. Nagi-guilty talaga ako. “Upo,” tinuro ko ang higaan niya para makaupo siya nang medyo maayos.

Umupo naman siya roon. Kinuha ko naman ‘yung upuan na nasa ilalim nung lamesang may pagkain. Doon ako umupo.

‘6 footer ‘ata ‘to eh.’  Aniya.

“6’2 ako,” sabi ko na lang.

“H-ha?”

“I’m not a monster,” simula ko agad.

“Ikaw na nga mismo nagsabi na vampire ka,” Hindi manlang siya makatingin nang maayos sa akin. “Umiinom kayo ng dugo eh. Tapos, kumakain kayo ng lamang loob ng tao!”

“Kumakain kami ng lamang loob pero hindi lamang loob ng tao. Kumakain kami ng hayop. Sa ganoong paraan, payapa kaming lahat,” ikinalma ko ang sarili ko.

“Paano ako makasisiguradong hindi ka kumakain ng tao?”

Itinuro ko na lang ‘yung pagkain. “Ayan ah, iyan lang ang kinain ko,”

“E hindi mo nga kinain ‘yung isdang niluto mo kahapon! Hindi mo ako maloloko!”

Napatakip ako ng tenga. “Ang ingay mo. Nakakainis.” I glared at her. “Paano ako kakain? E nagdasal ka bigla,”

“O, ‘ta mo! Satanas!” Itinuro niya pa ako!

“Wala kaming karapatang magdasal,”

“Anong wala? Magdadasal lang kailangan may karapatan pa? Ayos mo naman,”

“Basta, ang hirap ipaliwanag. Hindi ka rin naman makikinig kasi sarado ‘yang utak mo,”

Paano ko ipapaliwanag sa kanyang hindi namin pwedeng gawin ‘yon? Isinumpa kami.

“Kalmado ka nga ‘ata, hindi ka nag-i-ingles eh. Hindi ko masyadong masabi kung seryoso ka,”

Bumuntong-hininga na lang ako. Halos magkaparehas sila ng ugali ni Ravenne, hindi manlang nagseseryoso. Tatayo pa lang sana ako nang ayaw matanggal ng pwetan ko sa upuan. “You gotta be kidding me,”

Napatawa siya nang malakas, “Ayan! Hindi mo pa ako papalabasin? Papaikutin mo pa ang ulo ko ah. Marami pa akong kayang gawin bukod diyan kaya kung ako sa ‘yo, papakawalan ko na ako,” ngumisi pa ah.

Marahas akong napa bumuntong-hininga ‘saka ko tinanggal ‘yon nang pwersahan. “You’re wasting my time,”

“Hoy!”

Sinarado ko na ulit ‘yung pinto. May hinagis pa nga siya roon.

“Nakakainis! Nakakainis talaga!” sigaw niya pa.

Saktong kakatapos niya lang pala kumain nang kumatok ako sa pinto. Hindi naging mabilis ang pagbukas no’n. Umabot pa ng minuto.

“Ano na naman?” bungad niya.

“Takot ka ba?” kinakabahan kong tanong.

“Ako? Takot?” sarkastiko siyang tumawa. “Wala akong kinatatakutan,” ngumisi pa talaga.

“Wala? Eh kanina nga halos mapaluhod ka na nung nakita mong nagbago ng kulay ‘yung mata ko,” ganti ko rito.

Ganoon na lang ang kaba ko nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. “Hindi ako takot sa ‘yo.” Matigas niyang sabi.

Kinabahan ako roon pero idinaan ko na lang sa ngisi. Ako naman ang ngumisi para parehas kaming kabahan. Hindi pwedeng ako lang.

O nag-a-assume lang ako?

Ah, hindi. Nanigas siya roon sa gulat.

“Hindi ka natatakot? Kaya kitang patayin ngayon. Wala naman akong dahilan para buhayin ka pa kasi nalaman mo na rin ‘to,” Pananakot ko pa sa kanya.

Mas lalo akong namangha nang sabayan niya ang tono ko.

“Edi patayin mo ‘ko. Papasalamatan pa kita,”

Wow. Just wow. She’s amusing.

Ang daming nangyari noong araw na ‘yon. Nagkita pa sila ni Wendy. Mukhang hindi maganda ang mga mood nila noong magkita sila. Hindi ko alam kung may namemeke ba ng nararamdaman o talagang ganoon ang reaksyon nila matapos ang taon na hindi nila nakita ang isa’t isa.

Hindi ko siya matulungan noong oras na ‘yon dahil alam kong hindi naman siya sasaktan nila Ravenne, Wendy at Shivani. Pero mukhang gumawa sila ng bagong palabas at ipinalabas na galit sila sa kanya. Hindi ko rin sila maintindihan.

Lumipas ang ilang linggo na hindi kami nagkita dinala siya roon sa isla at pakiramdam ko’y mas makakapag-usap sila roon nang maayos.

Lagi akong sinasama ni Lester sa lagusan dahil baka raw lumabas ang Ravenne niya.

Hanggang sa isang araw…

Nanlalaki ang mata ni Lester habang nakatingin kay Ravenne na lumabas doon sa portal. Kinusot niya pa ang mata niya para masiguradong iyon ang nasa isip niya. “Ravenne?” tawag niya rito.

“Lester!” Niyakap agad siya nito. “Babe, I missed you so much.”

Nakita ko pa ang pag-uusap ng kapatid ko at ni Rackhie. Mukhang ayos na naman sila ngayon. Pero bakit lumabas sila sa portal? Nakatingin lang ako sa kanya. Tiningnan niya rin ako. Pinasadahan ko siya ng tingin. Ayos lang ba siya? Ayos lang ba sila?

I missed you.

Binalingan ako ni Ravenne at Lester dahil sa sinabi kong ‘yon sa isipan. Mga chismoso talaga.

“West!” Sigaw naman ni Wendy tsaka niya ako niyakap nang mahigpit. “Okay ka lang ba?”

Nginitian ko siya tsaka ako tumango.

“Bakit kayo lumabas? May gera ba? Pero bakit kasama si Rackhie tapos tatlo lang ‘yung—”

“Lester.” Saway ko sa kanya. Hindi niya naman kailangang sabihin ‘yon. “Kwento niyo na lang sa amin kapag kaya niyo na ikwento.” Tiningnan ko silang lahat. Hinuli ko siya, para mas matagal ko siyang matingnan.

“’Yung parents ko, sila lang ‘yung dahilan bakit ako napunta rito ngayon. Hindi ko inaasahan lahat ng ‘to,” sabi bigla ni Rackhie. “Sasama naman ako kahit saan kayo magpunta pero pwede bang tulungan niyo akong ipalabas ng kulungan ‘yung mga magulang kong wala namang kasalanan?”

Lumapit sa kanya si Ravenne at hinawakan ang dalawang kamay ko niya at pinisil ‘yon pareho.

“H’wag kang mag-alala, tutulungan ka namin kahit anong mangyari.”

We’ll help you no matter what.

-

“Malayo pa ba tayo?”

Pasimple kong tiningnan si Rackhie nang muli niya ‘yong itanong kay Ravenne. Bakit parang bati na sila ngayon? Hindi ko rin alam. Mukhang hindi rin naiinis si Ravenne ngayon. Bati na siguro sila, buti naman.

Tumingin siya sa akin. “Ba’t namumutla ka?”

Ah. Iyon ba?

Tatlong araw na akong ganito. Pati nga si Lester ay tinatanong ako kung bakit iba ang pamumutla ng katawan ko. Minsan ay nakakatulog pa ako nang hindi ko namamalayan tapos mananaginip pa ako ng mga pamilyar na pangyayari.

Hindi ko ‘yon sinasabi kay Lester dahil kahapon ay napansin ko rin na halos magkaparehas kami ng kondisyon ngayon.

Iyong mga naaalala ko, nandoon si Rackhie. Palagi. Hindi siya nawawala. Kahit makalimutan ko man kung saan naganap ang panaginip na ‘yon, kung araw ba o gabi, kung ano ba ang suot naming damit, kung umuulan o umaaraw; nandoon siya palagi.

Weird. Minsan din ay hindi na ako nakakapagbasa ng isip. Para bang unti-unting nawawala lahat. Dahil ba hindi kami umiinom ng dugo? Noong nakaraang araw ay sinubukan kong uminom noon pero naisuka ko lang ‘yon.

Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko rin alam. Hindi ko mapaliwanag, eh. “Maputla naman talaga kami.”

Tumingin din sa gawi ko si Wendy.

“Okay ka lang, kuya?” Tanong niya.

“Baket?” Singit ni Farrah na nasa tabi niya.

Hays. Bakit ba kapag may nagsalita ay lahat sila kasali na?

Nasa dulo kasi kami ng bus pero rinig na rinig pa rin ang mahinang usapan namin. Mabuti na lang at hindi nakikisali si Lester na tahimik lang na nakatingin sa labas. Tila gumagawa siya ng sarili niyang music video. Nakatulog din siya. Wala bang nakapansin noon? Ang weird talaga.

Nagkaroon ‘ata sila ng tampuhan ni Ravenne dahil akala nito ay hindi siya namiss ni Lester. Latang-lata kasi ang loko at hindi manlang makapaglakad nang maayos.

“Okay nga lang ako,” isinubsob ko ang mukha ko sa bag ko. Rinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni Wendy sa ginawa ko.

Naiwan kaming dalawa ni Rackhie nang huminto ang bus sa isang tindahan. Nagsibaba ang mga kasama namin para bumili ng pagkain.

“Oy! Pota,” sabay pa kaming napatingin ni Rackhie sa katabi kong si Lester na kagigising lang pala. Napapikit-pikit siya at dagling napatayo. “Pota? Nakatulog ako?” Gulat na tanong niya sa amin.

Tumingin lang ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya na nakakatulog na rin ako?

“Oo?” Tila nagtatakang tanong ni Rackhie.

Hindi niya pa siguro alam ang tungkol doon.

Saglit na nanlaki ang mga mata ni Lester pero agad din namang bumalik sa normal ‘yon nang magsalita siya ulit. “Nasa’n sila Ravenne?”

“Nasa labas, bumili,” sagot agad ni Rackhie.

Sumilip sa labas si Lester pero bumalik ang tingin niya sa amin. “Ah. Ganoon ba? Wait lang ah. Naiihi kasi ako. Baba muna ako.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dire-diretso siyang lumabas.

Kami na lang tuloy ang natira rito sa loob.

Bakit ayaw niyang magsalita? Sumubsob na lang ulit ako roon sa bag ko para itago ang nag-iinit kong pisngi. Nahawakan niya kasi ang kamay ko noong umusod siya nang kaunti.

“Musta?” tanong ko sa kanya. Nagulat pa ‘ata siya roon dahil natigilan siya.

“Okay lang naman,” sagot niya.

Okay? Bakit parang natatakot siya sa akin ngayon? Akala ko ba, hindi na siya takot? Pero kung hindi iyon ang dahilan, ano?

“Ikaw ba?” dagdag niya.

“I’m all good. Healthy as horse.” Sagot ko. “Natakot ka ba?” Sa wakas, lumabas na.

Hindi ko narinig ang sagot niya kaya nag-angat ako ng tingin. Iniwas niya naman ang mga mata niya. Mukhang takot nga talaga siya.

Pinilit kong hulihin ang tingin niya pero daig niya pa ang may stiff neck sa pag-iwas ng tingin niya sa akin.

“Hindi,” sagot niya.

Ah. Kung hindi siya natakot… naiilang ba siya?

“Really…”

Palihim akong napangiti nang makita ko ang mga mata niya. Naiilang nga siya. Siguro ay hinihiling na niya sa utak niya na dumating na ang mga kaibigan niya para hindi siya mailang. Pero kung iyon nga ang iniisip niya, magkabaliktad kami.

Sana hindi sila dumating agad.

I tried to suppress my smile as I took a biscuit and a bottle of water from my bag but before I could give it I—I can’t help it. I smiled, so I looked in the other direction so she couldn’t see it. I secretly sighed to calm myself before I gave it to her. “You should eat.” After that, I immediately dipped my face in my bag just to smile freely. I fucking resisted it.

Crazy. You’re crazy.

Ah teka, may nakalimutan pa pala ako. I raised my head again so I could open the bag and pick up an empty plastic there.

“P-Para sa’n ‘to? Salamat pala. Hindi mo naman kailangang ibigay sa ‘kin ‘to dahil bumili na rin naman ng pagkain sila Wendy kaya makakakain din ako.”

“Wala, kung sakaling masuka ka,” sagot ko at muling isinubsob ang mukha sa bag ko.

I really like it everytime I see her blush. She’s so beautiful.

I don’t like her… maybe I do… but no, attraction? Maybe. Maybe this is only an attraction. I hope. Last time I fell inlove, that girl broke my heart.

Rackhie shattered my heart.

It’s just a dream but it’s feels surreal. A certain connection between us that I can’t figure out what…

I don’t like her.

“Saan tayo matutulog? Sakit na ng katawan ko.” Sabi ni Ravenne tsaka nagpapadyak. “Feeling ko maninigas na ako anumang oras!”

Huh? Nagsisinungaling ba sila kay Rackhie? Para saan? Alam naman nilang hindi kami natutulog.

“Matutulog pa eh magigising din naman.” Singit ni Lester. “Sa tabing dagat na lang tayo matulog. Mas maganda rin kung ‘wag na tayong matulog. Ano, Ameer?”

I don’t care. I’m with her so…

So what? Tanong ng intrimitidang parte ng isipan ko.

“Do what you guys want,” sagot ko na lang.

It doesn’t matter… I don’t care. What confuses me is why do they keep telling Rackhie that they can sleep? They can’t… Usually, we can’t do that. Maybe they’re experiencing the same condition I’m going through right now..?

It's 1:30am when I left our tent. I can’t sleep. I want to know what’s happening.

Weird… sometimes I wish I could sleep but sometimes I wish I could not.

Umupo ako sa isang kahoy at tumingin sa bilog na buwan. I wonder what’s happening… this is really weird. I know they’re not sleeping, why do they keep pretending? Should I tell Rackhie about that?

Lumutang ang isip ko. I literally don’t have any thoughts… I’m just staring at the moon and feeling the sound of the beach waves. It feels so good. I feel better—relaxed.

Nakarinig ako ng tunog ng isang cellphone. Alam ko agad kung kanino iyon galing.

“Hi,” I didn’t look at her.

“Gising ka pa pala,” She sat beside me. “Hindi kasi ako makatulog kaya lumabas muna ako para magpahangin. Ikaw ba?”

Anong isasagot ko sa kanya? Sabihin ko ba sa kanya na hindi talaga kami talaga natutulog?

“Ayokong matulog, iyon lang.” sagot ko na lang.

Maybe I should ask them why first…

“I’m sorry…” for lying… everything.

“Huh? Bakit naman?”

Marami akong nagawang hindi maganda sa ‘yo.

“I didn’t do anything…”

Yes you did.

“Okay lang, buhay pa naman ako hanggang ngayon,” aniya tsaka tumawa.

Seryoso ako ngayon. Bakit ngayon pa siya tumawa?

Magsasalita pa sana ako nang biglang mawala ang paningin ko. Tanging itim lang ang nakikita ko sa paligid. Nanatili akong nakatingin sa taas para hindi niya iyon mapansin. Hanggang sa bigla na lang akong may naalala.

“Ang ganda ng moon, ‘no?” tanong niya pa.

“Agreed, it’s beautiful…” just like you. Palihim ko siyang inamoy para makita kung saan nakatapat ang ulo niya ngayon. Wala pa rin akong makita. “Do you remember me?”

Third Person’s Point of View

“Rackhie! Pagka-graduate natin gagawan ko ng sariling bahay si Wendy at Ruigi para may privacy sila tapos tayo kasi gagawa ako ng bahay. Sana talaga maging artista ako. Ano sa tingin mo?”

Nakahiga lang si West sa binti ni Rackhie. Tinitingnan nila ang moon na bilog na bilog ngayon. Sumakto kasi iyon sa first anniversary nila. Ayaw ni Rackhie na gumastos ng malaki si West kaya iyon na lang ang ginawa nila. Kapalit noon, mags-stay sila sa ilalim ng punong iyon maghapon. Hanggang 8pm. Nakaupo si Rackhie sa isang puno. Doon sila nagkikita kapag malungkot silang dalawa.

Imbes na sumagot ay tumingin si Rackhie sa relo niya.

Nawala ang ngiti ni West dahil doon. Napansin naman ng nobya niya iyon kaya hinalikan niya ito sa pisngi. Ganoon lamang ang kaya niyang gawin. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakahalik ng lalaki sa buong buhay niya dahil inilalaan niya ang halik na ‘yon sa mapapang asawa niya.

“Kaya mo ‘yon, syempre. Ikaw pa.”

Hindi pa rin ngumingiti si West. Nanatili lang siyang nakatingin sa buwan. “Rackhie?”

“Hmm?”

“Do you love me?”

“No,” sagot agad ni Rackhie. Palihim siyang napangiti nang makaisip siya ng banat para kay West.

Napabalikwas si West. “Huh?” bulaslas nito sa kanya. “Hindi mo ako mahal?” ulit niya. Nagbadya ang mga luha nito habang nakaharap sa kanya. “Sayang… may surprise pa naman ako. Nirentahan pa naman sana kami ni Lester na isang floating restaurant mula sa pagttrabaho namin bilang gasoline boy… dadalhin sana namin kayo ni Farrah sa---”

Napapikit na lang si West nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Rackhie.

“There,” nakangiti si Rackhie nang matapos iyon. Niyakap niya nang mahigpit ang nobyo niyang mangiyak-ngiyak na. “Babanat lang sana ako tapos nakarinig na ako ng surprise. Paano magiging surprise iyon kung sinabi mo na?”

Bago sila maghiwalay sa yakapan nila ay may naramdaman siyang mainit na luhang tumulo roon sa damit niya. Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang maghiwalay na sila ng yakap nila.

Pinunasan niya ang luha nito. “I don’t just love you, West. I admire you, I cherish you, I--- no words can explain it. Even the word ‘love’ because I love you more than the love itself.”

“Weh?” Parang tangang pinunasan ni West ang mga mata niya nang may tumulo ulit na luha roon. “Akala ko ba bawal pa tayo magkiss? Kiniss mo na nga ako sa cheeks… kiniss mo pa ako sa… ano… lips.” Nagkamot pa ito ng tenga. Pulang-pula ang pisngi nito. Kitang-kita dahil sa liwanag na dala ng buwan.

“That’s my first kiss.”

“First kiss ko rin ‘yon,” sabi naman ni West na hindi makatingin nang maayos sa kanya.

Tinawanan niya lamang ito. “Para sa magiging asawa ko sana ‘yan kaso ibinigay ko sa ‘yo,”

“Bakit naman?” natigil si West. Magiging asawa niya? So she don’t imagine me as her future husband… singit ng isipan niya.

“Because I see you as my future husband.” Diretsong sagot ni Rackhie at kumagat ng sandwich na para bang wala lang iyon para sa nobyo niya na halos mahimatay na sa sobrang bilis ng tibok ng puso.

Maluha-luhang niyakap ulit ni West si Rackhie. “I love you, I love you, I love you, I love you so damn much, Rackhie.” Paulit-ulit nitong wika.

“I love you so damn much too, West. More than love itself.” Nakangiting sabi ni Rackhie habang hinahagod ang likuran nito.

“Pinky swear?” tanong ni West nang maghiwalay na sila sa pagkakayakap.

“What?” Rackhie questioned.

“Promise me that you’ll stay with me before, until and after we both reach our dreams. Promise me you love me more than love itself. Promise me---”

“I swear,” they locked their fingers together. “Promise it to the moon too! Kapag sana ay magkahiwalay man tayo ay hindi natin makakalimutan ang isa’t isa! Kahit kailan! Walang matutulog nang hindi nag-o-overthink!” Dagdag pa niya.

“Hindi tayo maghihiwalay! Never! Tatalon ako sa building---”

“Eh basta magpromise ka!” pamimilit pa ni Rackhie.

“Pinky swear. I promise to the moon and you… That’ll never happen. And if it does, I will never forget about you, Rackhie.”

“Naks! Bakit ka muna naggasoline boy? Ikaw ah. Bigla ka na lang nagganyan. Para lang sa date natin? Ikaw talaga! Pero salamat sa effort. I appreciate it so much.”

Hindi muna sumagot si West. Imbes at kinuha niya ang bulaklak ng myosotis.

Nanlalaki ang mga mata ni Rackhie nang makita iyon. “Hoy! Saan mo nakuha ‘yan?” Gulat nitong tanong sa kanya. “Para sa akin ba ‘yan? Hindi naman sa nag-a-assume ako ah pero—”

“For you,” putol ni West at ibinigay iyon sa kanya.

“Ang alam ko, sa ibang bansa lang ‘to tumutubo. How’d you get this forget-me-nots, W-West?” Nanginginig ang boses ni Rackhie habang nakatingin doon. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya anumang oras.

“I… I have a friend… He lives in Germany so…”

Bago pa niya iyon matuloy ay hinalikan na ulit siya nito.

“Woah.” Natatawa niyang sabi. Tumulo na naman ang luha niya habang nakatingin doon. Para na silang tangang naluluha at nakangiti. “Scorpion grasses also known as forget-me-nots and it’s scientific name, ‘myosotis’ symbolize—”

“Faithfulness, true love and respect.” Putol ni Rackhie sa kanya. “Alam ko ‘yon, West.”

Nagkamot ng ilong si West. “Ano ba ‘yan, nagpractice pa naman ako roon! Para nga magmukha akong matalino, eh!”

Tumawa si Rackhie.

“Forget me not, West,”

“Forget me not, Rackhie.”

West’s Point of View

“Huh? Ano-syempre, oo naman, syempre naaalala kita, ‘no,” sagot niya. “Hindi naman nawala ang ala-ala ko or what, so… hehe.”

Doon lang bumalik ang paningin ko.

“I wish you could…” bulong ko.

“You wish I could..? I could ano?”

I wish you could see it too. With your own eyes, mind—imagination. I wish you could.

“Wala.” Tumayo na lang ako. “Matutulog na ako. Goodnight.”

Dumiretso na lang ako sa tent namin ni Lester.

Damn. If only I can show her that dream… Is it a dream? Am I daydreaming?

I don’t care either way. If I’m daydreaming, I don’t want to wake up ever again.