Chapter 2 Need

"Anong bang sinasabi mo?! You speak nonsense, Yshien Calsey! Hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng dila mo!" napatayo si Tamia bago pumamewang sa harap ko.

"Don't blame yourself, Shin! Hindi mo kasalanan kung bakit siya nagloko! Sariling desisyon 'yon ni Ansel! Ano ngayon?! Ano ngayon kung hindi mo siya kayang bigyan ng anak? Does that mean he has the right to disrespect you?! Does it make you less respectable just because you can't give him a child?! Does that make you less of a woman?! Does that make you less as his wife?! Dapat bang ibunton niya ang kalandian niya sa ibang babae kung nandiyan ka naman?! Sapat na bang dahil ang hindi niyo pagkakaanak para lang lokohin ka niya ng harapan?! Answer me, Shin!"

Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam e. Hindi ko alam kung worth it pa ba ako dahil sa mga ginagawa ni Ansel. I feel like, I am just nothing without him. I am nothing when I can't even give him a child.

"Where is the old Yshien na confident lagi?! Hindi naiinsecure kasi alam niyang nasa kan—"

"The old Yshien is gone, Tamia. Nawala siya noong nagsimula siyang lokohin ng asawa niya," Iyak ko rito.

"Shit. Ansel will pay for doing this to you, Shin. He will really pay hard," Rinig kong bulong niya na hindi ko na halos marinig dahil sa dahan dahang pagtiklop ng mga talukap ko. I want to rest. I badly need it.

"Shin!"

***

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mahinang haplos sa aking pisngi. It was unfamiliar to me kaya mabilis kong naimulat ang mga mata. Pumikit-pikit pa ako habang hinahayaan ang sariling masanay sa ilaw na sumisilaw sa aking paningin.

"Wife? You're awake!"

I sighed. Dahan dahan kong inilibot ang aking mga mata, patuloy na inaaninaw kung nasaang lugar ako. This is... a hospital? Among ginagawa ko dito?

Nilingon ko si Ansel na nakaupo sa gilid ng kinahihigaan ko. Nakahawak ito sa aking kamay habang nakangiti.

"Wife?" No. I don't like the way he called me. Wife? Kailan pa niya ako naging asawa?

"A-anong ginagawa mo dito..." My voice was hoarse. Ilang oras ba akong natutulog? And why am I here? Did I faint or something?

"Tamia called yesterday saying you fainted! I was worried, wife. Sorry kung ngayon lang ako nakapunta. Kakauwi lang namin ni Stephannie galing s—"

Before he could even finish his words. Umiling ako, indicating for him to stop.

"Just save it. I don't wanna hear anything about your escapades. Where is Tamia?"

"Wife, do you need water?"

"Where is Tamia?" I am getting irritated of his presence. I don't know! Ito naman ang gusto ko di ba? I want him to be here and check me up, pero bakit parang... parang ayaw ko na siyang makita?

"Wife... Do you wan—"

"Ano ba!" Hindi ko na mapigilang isigaw. I was shock, and I know he is too dahil kahit kailan, h-hindi ko siya nagawang sugatan o saktan, o kahit ang sigawan.

"Shin..."

"I need Tamia. Bakit ba ikaw ang nakikita ko dito? I don't need you! At bakit ka ba kasi nandito?!"

Nangunot ang noo nito at halata ang lito sa kaniyang mukha. Hindi man lang talaga siya nasaktan sa sinabi kong hindi ko siya kailangan dito? Wow! Wala na talaga...

"Wife, understand me. I am busy with work that is why hindi kita kaagad napuntahan dito. Pagod na pagod pa ako galing sa trabaho, Shin, tapos gaganituhin mo lang ako? Shin naman e," nag-iwas ako ng tingin ng makita ang mukha niyang puno ng pagsusumamo. His eyes. I can't afford to look at it straightly. It gives me so much reason to... forgive him that easily again.

"Naiintindihan mo naman ako di ba? You understand me Shin, right? Just like what you always do? Hm? You should always do that. You should always understand me. That's what a wife does, okay?" I swallowed the lump in my throat. Hindi ko na napigilan ang luhang pumatak habang iniisip ang sinabi niya.

Ang sakit. Ang sakit isiping ginawa lang niya akong asawa para may umintindi sa mga maling ginagawa niya?

Kasalanan ko! Kasalanan ko kasi sinanay ko siya. Lagi ko siyang iniintindi e. Palagi. Sa mga babae niya. Hinahayaan ko siyang dalhin sila sa sarili naming bahay namin mismo. Kasi humiling siya. Humiling siyang... intindihin ko siya kasi kasiyahan niya 'yon. Humiling siyang hayaan ko siya kasi ipinapangako naman niyang... sa akin pa rin siya uuwi sa huli.

Pero sapat na ba 'yon? Sapat na ba ang rasong 'yon para saktan niya ako ng sobra sobra? Sapat na ba 'yon para paulit-ulit niya akong lokohin? Kailangan nang isakripisyo ko ang sarili kong kalayaan at kaligayahan para sa ikakasaya niya? Hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtitiis? Hanggang kailan ako magsasakripisyo?

Nasa ganoon akong sitwasyon nang bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad akong napabaling doon at kaagad akong napangiti nang makita si Tamia.

"Oh?" bumaling ito saglit kay Ansel bago ako tiningnan at ngumiti. "Hey, girl. Gising ka na pala? How are you feeling?" Kinuha nito ang silya sa gilid at ipinuwesto sa harap ko bago siya doon naupo. "I brought you some fruits. Anyway, ano ng nararamdaman mo?"

Ngumiti ako. "I'm feeling fine. Gusto ko ng umuwi, Tammy."

"Uh-huh. Kailangan mo pa munang ma-check ng doctor bago tayo umalis," Sinulyapan nito si Ansel na nakaupo pa rin sa gilid ko.

"Umuwi ka na. Pinapunta lang talaga kita dito para may magbantay sa kaniya pansamantala habang hindi pa nagigising kanina dahil may kinailangan akong gawin. Ngayong okay na siya, makakaalis ka na," nakagat ko ang aking pang-ibabang labi ng marinig ang katarayan ng boses ng aking kaibigan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay dahilan para mapatingin siya sa akin. Her expressions softened.

"Sure ba 'yan Tamia? Kasi aalis na talaga ako. I still have something to do."

Mas lalo yatang nairita ang kaibigan ko dahil sa isinagot ni Ansel. Bumuntong-hininga lang ako at itinago nalang ang sakit na dahan dahang gumagapang sa aking dibdib.

"Umalis ka na nga! Gago..."

"Bibig mo Tamia. Kaya ayaw kong pinapasama sayo ang asawa ko dahil sa klase ng tabas ng dila mo e. But, hon, wife. If you wanted to go to our house, the doors are open, okay? I have to go. Love you."