Chapter 3 Triplets

"Gagong tanginang 'yan!" Napanguso nalang ako dahil sa malakas na sigaw ni Tammy nang tuluyang makalabas si Ansel sa aking kwarto. "Putangina talaga ang lalaking 'yan no? Ang kapal ng mukha! As if namang kailangan siya dito! Like, duh? Kapal ng face much? The doors are open daw?! Of course! It should be always open for you dahil asawa ka! The nerve!"

I sighed. "Hayaan mo na siya, Tammy. Baka naman may importante lang talaga siyang gagawin,"

Marahas na napalingon sa akin ang babae at tinaasan ako ng kilay. "Excuse niya? May importante siyang gagawin? Lol, patawa! Sino namang matinong lalaki ang uunahin pa ang 'gawain' kuno kaysa sariling asawa?! Ay, oo nga pala. Hindi na pala talaga 'yan matino kaya dapat hindi na ako nagtaka pa. Tangina.."

I bit my lower lip. That was the only thing that cheered me up somewhat after he left. Iniisip ko nalang na baka may importanteng meeting siya with his investors kaya pinili niyang umalis dito sa tabi ko. 'Yon nalang ang rason na iniisip ko para makalma ako.

Meeting naman talaga ang pupuntahan niya di ba? Meeting at hindi si Stephannie? I sighed.

Pareho na din kaming natahimik ni Tammy nang pumasok sa kwarto ang doctor. Sinabi naman nitong okay lang ako. I just need a rest. Hindi pwedeng mapuyat at kumain daw ako sa tamang oras. Binigyan din ako nito ng resita ng mga bitamina na kailangan kong inumin para mapanatili ang malusog na katawan. Gusto ko ngang umalma. Hindi naman na ako bata para mag-vitamins pero isang masamang tingin lang galing kay Tammy ay nanahimik nalang ako.

Pagkatapos naming bilhin ang mga bitaminang kailangan ko ay kaagad na kaming bumalik sa opisina ko. Panay bati naman ang mga empleyado sa building nang makarating kami na sinusuklian ko lang ng ngiti at tango. Nang tuluyang makapasok sa opisina ay kaagad na akong naupo sa sofa ganun din si Tammy.

Pareho kaming tahimik. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko e. Takot ako sa kaibigan ko dahil alam kong... dissapointed siya sa akin ngayon kahit hindi niya sabihin. O ang mas malala, ay baka... galit ito sa akin.

"Shin.." nilingon ako nito. Nasa mukha ni Tamia ang labis na pag-aalala. I bit my lower lip. "Why don't you annul him, girl? Alam kong nasasaktan ka na e. Pero bakit ayaw mo pa rin siyang bitawan? At huwag mong gawing rason ang letseng pagmamahal na 'yan dahil hindi kailanman naging sapat 'yan para parusahan mo ang sarili mo."

Napalunok ako. Hindi ko rin alam kung bakit sobra sobra na ang ginagawa kong pagtitiis sa marriage namin. Sobrang nasasaktan na ako, alam ko naman 'yon. Pero kasi, sa tuwing iniisip ko ang mga pangako sa akin ni Ansel ay nagkakaroon ulit ako ng sapat na dahilan para patawarin at tiisin lahat ng sakit.

Alam kong sa sitwasyon namin ngayong dalawa, mahirap at imposible nang magawa niya ang mga pangakong sinabi niya noon sa akin sa harap ng altar, pero hindi ko pa rin magawang tumigil sa... pagtitiis, pagpapatawad, at pagmamahal sa kaniya. Pagod na pagod na ako, but a huge part of me wanted so bad to still fight for him.

Ganito na pala ako ka-martyr?

"Alam na ba 'to ni Tito Caspian at Tita Yasmien?" Maya maya ay tanong niya sa akin. Napasinghap ako nang maalala si Mommy at Daddy.

Oh my God...

"Hindi pa nila alam?!" Umuusok ang ilong na sigaw nito sa akin. Pero maya maya ay biglang kumalma ang mukha nito. "Oh well, nababalita na sa buong Pilipinas ang 'relasyon' kuno ng asshole mong husband at ni Stephannie Grant, kaya imposibleng hindi pa nila 'yon alam ngayon. And I am sure as hell na sila na mismo ang gagawa ng paraan para mapahirapan ang gagong 'yon. Baka nga ngayon ay kinidnap na 'yon ng mga naglalakihan niyong goons e. Knowing Tito Caspian, he won't let anyone hurt his favorite and just let it go easily."

Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa sinabi ni Tamia. I exactly know Papi. He won't go easy, lalo na't ako ang nasaktan. Kahit gaano pa kalayo sa Pilipinas ang France ay alam kong kayang kaya iyong liparin ni Papi ng ilang oras lang.

H-hindi naman nila siguro makikita doon ang mga balita dito sa Pilipinas di ba?

Sana ay hindi. Dahil hindi ko rin alam kung anong gagawin kapag nalaman ni Papi ang ginagawa ni Ansel.

Nang makauwi si Tamia ay nanatili muna ako sa opisina ng ilang oras bago napagdesisyonang umuwi sa bahay para tingnan kung nakauwi na ba si Ansel. Hindi talaga ako mapakali e. There is something... bothering me.

Pumara kaagad ako ng taxi ng makababa sa building. Hindi naman ako inabot ng oras para makarating sa bahay. It only took me minutes to arrive in front of the house. Tiningnan ko ang garahe at nang makita ang sasakyan doon ni Ansel ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Wala na akong sinayang na minuto at kaagad ng pumasok sa loob.

Nagtataka pa ako kung bakit madilim sa loob samantalang nandito na naman siya. Or... Is he sleeping already? Hindi pa naman masyadong late. It was actually still 8:30 PM kaya nagtataka ako kung bakit wala ni isang ilaw ang nakabukas.

Nang makapasok sa loob ay binuksan ko na ang ilaw sa sala. Pinauwi ba niya ang maids? Bakit sobrang kalat naman ng sala? May mga damit na...

I gasped.

Mabilis ang ginawa kong paghakbang papunta sa itaas. Hindi pa man ako nakakaabot papunta sa kwarto namin ay dinig na dinig ko na ang mga daing.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bawat segundo ay sumisikip habang patuloy kong pinapakinggan ang pamilyar na mga boses na dumadaing sa loob ng kwarto namin ni Ansel.

I closed my fist tightly. Ipinikit ko rin ang mga mata ko ng mariin bago dahan dahang hunakbang papunta sa pintuan. Alam kong... Alam kong masasaktan ako sa masasaksihan ko ngayon. Alam ko 'yon, pero hindi ko alam kung bakit pa rin ako lumalapit.

Dahan dahan kong pinihit ang busol hanggang sa tuluyan ko na itong mabuksan. Sa maliit na siwang ay ipinasok ko ang aking ulo.

Isa isang nagsipatakan ang mga luha ko sa nakita. I smiled bitterly. Why do I love hurting myself so much? And...

He lied to me. Sabi niya ay may importante siyang gagawin e. Ito pala 'yon? Sinabi niya kanina sa hospital na pwede naman akong makauwi because the door are open. Para ano? Para dito? Para makita ko ang kalaswaang ginagawa nila?

"Ugh! Ugh! F-faster Karius!"

"Y-yes babe! Of course!"

Malakas kong isinara ang pintuan at mabilis na tumakbo pababa bago lumabas ng bahay. Bahala na kung narinig nila 'yon. They should hear my cries! They should hear how hurt I am right now!

Nang tuluyan nang makalayo sa bahay ay saka ako naupo sa gilid ng kalsada. Sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha galing sa bulsa.

Yurika Carmel calling...

"A-ate..." mahina kong bulong.

"I am going to fucking kill that bastard, Yshien Calsey! Mark my fucking words! Ythan Carziel is so mad that he took one of my private planes and drive it alone. Your arsehole of a husband is going to be a dead peace of rotten shit meat!"