Chapter 30: Endlessly
--
SINJI'S POV:
PAGBABA ko mula sa second floor ng bahay ni Kuya Luther na siyang tinutuluyan namin. Nadatnan ko si Gun at Calvin na parang pinagsakluban ng langit at lupa kaya naman nagtatakang lumapit ako sa asawa ko na abala sa pagpapakain sa tatlo naming anak na nasa dining area.
"Anong nangyari dun?" usisa ko kay Senri habang tinuturo ang dalawa gamit ang labi ko nang makapasok ako sa kusina.
Tinignan ni Senri si Calvin at Gun bago dumapo ang paningin sa akin.
"Woman." aniya.
Kumunot ang noo ko.
"Babae ang problema nila, Sin. Hayaan mo na." napalingon ako sa taong nagsalita at nakita ko si Thud na kumakain habang sinusubuan pa si Serin.
"Kailan pa tayo nagkaroon ng pang-apat na anak?" baling ko kay Senri.
"I won't acknowledge him as my son for goodness sake. Kilabutan ka, misis ko." reklamo naman ni Senri kaya natawa ako.
Samantalang si Thud ay walang pakialam sa kung ano ang pinag-uusapan naming dalawa.
Muli kong nilingon ang kinaroroonan nina Calvin at Gun bago ako kumuha ng juice at slice bread para sa meryenda naming lahat.
Kakauwi lang namin mula sa France at dito kami sa bahay ni Kuya dumiretso since ayaw kong manirahan sa condo ni Senri. May bahay naman siya kaso ayaw kong iwan si Kuya ng mag-isa kahit na lagi naman itong wala dahil sa kakatravel niya sa buong mundo gawa ng trabaho niya bilang mafia Boss.
Binuhat ko ang tray na pinaglagyan ko ng issng pitsel ng juice at tinapay na may palaman at saka ako naglakad palapit sa pwesto ni Calvin at Gun na parehong tulala habang nakaupo sa sofa.
Inilapag ko sa center table ang dala kong tray bago ako naupo sa isang single couch at hinarap ang dalawa.
"Gutom lang 'yan Cali at Gun. Baka gusto niyong magmeryenda muna?" offer ko sa dalawang lalaki pero ang mga loko tinignan lang ako at sabay pang nagbuntong-hininga.
"Babae ba 'yan?" panimula ko dahilan para maagaw ko ng tuluyan ang atensyon ng dalawa.
"Oo."
"Hindi."
Sabay na sagot ng dalawa.
Napabuga ako ng hangin bago ko kinuha ang baso at nilagyan ng juice 'yon. Minsan lang sila bumisita sa akin kaya malamang mabigat ang problema na dinadala nila. At isa pa pupunta naman kami sa HuPoFEL mamaya kaso kailangan ata ng moral support nitong dalawa.
"Mauna tayo sayo, Tandang Gun. Anong problema?" usisa ko kay Gun.
Tinignan ako ni Gun sa mga mata bago sinagot ang tanong ko.
"Wala. May iniisip lang ako."
"Ano nga?" pangungulit ko.
"Psh. Ang kulit mo no? Ganyan ba kayong mga may-asawa na, kailangan mangialam sa buhay ng mga taong single?" saad ni Gun na parang naiirita na sa kakulitan.
"Malapit ka na sa menopausal stage kaya malamang concern ako sa love life mong malapit ng maging bato."
"Hindi ako babae para dapuan ng menopausal stage."
"Sungit. So, ano nga?" pangungulit ko pa.
"Nalasing lang ako. Akala ko yung babaeng naikama ko ay yong girlfriend ko pero hindi pala."
"May girlfriend ka? Shit! Bagong balita 'yan." reaksyon ko na parang hindi makapaniwala na may girlfriend si Gun.
"Malamang meron, anong akala mo sa akin hindi magkakalat ng lahi?"
"Malay ko ba kung baog ka gaya ni Kuya Luther?" natatawang wika ko. Pero ang gagu inirapan ako. Mas mataray pa sa babae ang kingina.
"Hindi no." aniya.
"So, dahil sa babaeng naikama mo kaya ka nagkaka-ganyan?" dugtong ko pa.
"May iba pa bukod doon. Hindi ako gumamit ng proteksyon at hindi ko kilala ang babaeng yon. Paano kung may mabuo sa isang gabi ng pagkakamali ko?"
Rhyming yun ah?
Mukhang mabigat nga ang dinadalang problema ni Gun.
"Eh, ikaw Cali? Anong problema mo?" baling ko kay Calvin na tulala lang sa kawalan.
"Calvin?" tinampal ko pa ang noo ni Calvin para makuha ang atensyon nito at hindi naman ako nabigo ng bumaling ang mukha nito sa pwesto ko.
"Sabi ko hindi babae ang problema ko. Tyaka hindi ako nagugutom."
Laglag ang panga ko sa naging reaksyon ni Calvin. Ang layo ng sagot niya sa tanong ko pero pwede na rin.
"Gagu! Wala pa akong tinatanong." palusot ko na lamang.
"Ay ganun ba? Ano ba 'yon?"
Bat parang napunta sa akin ang hot seat?
Umayos ako ng upo at hinarap si Calvin.
"May problema ka ba?"
"Wala naman."
"Yung totoo?" usisa ko.
Hindi sila makaka-angal sa kakulitan ko lalo na kung tsismis ang hatid nila sa akin. Wala ngayon si Sav dahil sinama siya ni Kuya Luther sa isang misyon sa Bali, Indonesia. Kaya sobrang bored ako dito sa bahay at napagdiskitahan ang dalawanv kumag na ito.
"Inlove na yata ako." sagot naman ni Calvin.
"Kung ang problema ni Gun ay babaeng hindi niya kilala pero naikama niya, at kay Calvin na mukhang inlove nga... ang maipapayo ko lang sa inyong dalawa ay..." pambibitin ko.
"Goodluck."
Matapos kong asarin si Gun at Calvin, umalis na sila sa bahay kasama si Thud. Tanging naiwan na lang ay kaming mag-asawa at ang triplets.
Tawa ako ng tawa habang kinukwento ko kay Senri ang ginawa ko kay Calvin at Gun kanina, hindi na maipinta ang mukha nila dahil sa disappointment. Akala naman nila bibigyan ko sila ng magandang advise samantalang problema na nila 'yon kung paano nila lulutasin.
"You really love minding others business, wife." Senri.
Niyakap ko si Senri mula sa kanyang likuran habang nakatambay kami sa terrace nitong bahay. Naglalaro kasi ang tatlo sa garden kasama ang yaya nila kaya hinahayaan lang naming madungisan ang tatlo para naman masanay sila sa pawis at sugat na matatamo nila sa paglalaro.
"Ang sarap kaya pagtripan ng mga lalaki sa HuPoFEL. Feeling virgin pero may mga naikama na pala tas random girls pa." tawa-tawang wika ko.
Hinawakan ni Senri ang braso kong nakayakap sa kanyang bewang habang pinagmamasdan ang mga anak naming naghahabulan.
"They have their own stories to start with, wife. All we have to do is to support them like what they do to us. Wala tayo sa kinalalagyan natin ngayon kung wala ang tulong nila."
"Alam ko naman 'yon. At saka hindi ko naman kinakalimutan ang bagay na 'yon. Tinuring ko ng pamilya ang HuPoFEL at Bloodfist, malaki ang puwang nun sa puso ko at hindi na mababago 'yon."
Sa isang iglap nabago ang posisyon namin ni Senri. Siya na ngayon ang nakayakap sa bewang ko habang nasa likuran ko siya. Senri put his chin on my shoulder as he dance our body slowly.
"HuPoFEL and Bloodfist guys are like a puzzle. They have their own missing piece like what I have but I already found it and she's already my wife."
Gumapang ang kilig sa buong katawan ko dahil sa sinabi ni Senri. Araw-araw pinaparamdam niya sa akin at sa mga bata kung gaano niya kami kamahal. Hindi nga ako nagkamali na isang Senri Daeyl Kuruzaki ang minahal at pinakasalan ko.
"Sa tingin mo anong mangyayari kay Gun kapag hindi niya nahanap ang babaeng pinaglaanan niya ng punla?"
"The hell with punla?" kunot noong tanong sa akin ni Senri.
"Iyo sanang patawarin ang pagsasalita ko gamit ang malalim na tagalog." napahahikhik ako ng paulanan ni Senri ng maliliit na halik ang leeg ko.
"Ano ba!" saway ko dito pero ang sistema ko, inaabuso ang kilig na dumadaloy sa dugo ko.
"Huwag mo akong bigyan ng matalinghaga mong mga kataga, Binibini."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Senri kaya naman pinalo ko ang kanyang braso na nakayakap sa bewang ko.
"Ikaw ha, may tintatago ka palang talento?"
"Born to be wild."
"Loko. Sagutin mo muna ang tanong ko."
Muling humigpit ang yakap ni Senri sa bewang ko at bumuntong-hininga.
"Who knows what will happen to the future? Bawat tao ay mga hinaharap na nakaukit sa kanilang palad. Nasa sa kanila na lang 'yon kung paan haharapin ang mga bagay kung ang tadhana na mismo ang mangingialam, diba?"
Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Senri.
Kung sabagay, ang future nga namin ay hindi nakasulat sa palad namin pero ang tadhana na mismo ang nagdala sa kung na saan kami ngayon.
Ang pagkatao ni Senri na parang isang puzzle pieces na nabuo dahil sa katauhan ko.
A missing melody on his own music...
Has been already fixed because of me.
Sa mga susunod na kabanata ng aming buhay, magpapatuloy ang melodiya ng musika na nasimulan gamit ang aming pagmamahalan.
Hanggang dito na lang ang aming kwento.
~ FIN. ~