Chapter 19: Chopstick
SINJI'S POV:
--
IT'S been a month since Saviel left and it's been a month when I met Barbara and it feels like hell.
Para siyang langaw na sunod ng sunod sa akin kahit saan ako magpunta dito sa loob ng campus. Kung sino-sino na rin ang kinuntsaba nya para lang maibagsak ako.
Pero sorry siya, HuPoFEL trained me well. Mag-seminar muna siya sa Amerika bago niya ako mapabagsak ng tuluyan.
Hinihingal na sumalampak ako sa ugat ng puno na siyang pinagtataguan ko dito sa loob ng green house. Halos isang buong linggo akong nakipag laro ng hide and seek sa baliw na Barbara na 'yon.
"You look wasted, baby."
Napalingon ako sa gawi nang taong nagsalita at ganun na lamang ang gulat ko ng makita si Senri sa harapan ko. He's sizzling hot like sisig. Charot!
Ampogi talaga ng fiancé ko!
"A.. anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko na hindi alintana ang pawis na tumutulo sa leeg ko. Balot rin ako ng harina sa buong katawan gawa nang mga alipores ni Barbara. Gawin daw ba akong sample para sa baking class nila? Letseng 'yan!
"Thud told me that something might interest me, so I came here. I never thought I would see you like this?" he said as he look directly throught my soul - di joke lang - sa mata ko siya nakatingin bago hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha kong balot ng harina.
"Walang interesanteng nangyari bukod sa tinakbuhan ako ng bugok na si Thud." mapaklang sabi ko.
Actually kaklase namin ni Senri si Barbara, at dahil nga sa pagiging right hand man ni Senri kay Kuya Luther, excempted siya sa lahat ng classes namin. Ang yabang no? Pero hindi, tahimik lang ang Hapon na tu na laging nakabuntot sa kapatid kong pinaglihi sa bato.
Wala na ngang time sa akin si Senri, eh. Sila na lang kaya ni Kuya Luther magpakasal? Charizz! Baka paulanan nya ako ng bala pag sinabi ko yan.
"So, explain to me why you are a mess?"
Napanguso ako bago sumandal sa katawan ng puno at naupo bago hinarap si Senri na ngayon ay naka indian sit sa harap ko na parang isa akong specimen na kailangang pag-aralan.
"Ginawa lang naman akong sample sa baking class namin ni Barbara."
"Hmmn. Who's Barbara?"
"Isang baliw na naghahabol sa'yo." I cross my arm infront of my chest as I reverted my gaze away from Senri's face.
Senri let out a giggle.
"Silly. Wala akong babae, bukod sayo."
"Weh? Maniwala daw ba?"
Napatili ako nang hilahin ni Senri ang braso ko at namalayan ko na lang na nagkapalit kami ng pwesto. Si Senri na ngayon ang nakasandal sa katawan ng puno habang ako ay nakaupo sa pagitan ng mga hita ni Senri at ang dalawang braso nito ay nakayakap sa bewang ko.
"Should I trust what Luther told me?"
"Ano na namang sinabi sayo ng kapatid ko?" sita ko rito na may paniningkit na mga mata habang nakatingin sa makinis niyang mukha.
Senri just brushed his hands on my face, pero hindi nun mapigilan ang inis at pang uusisa ko.
May siraan na palang nangyayari, wala akong kaalam-alam. Halos isang linggo din akong nag-agaw buhay sa kamay ni Barbara tapos may ganito palang eksena si Kuya? Wow!
Napaigtad ako ng pitikin ni Senri ang noo ko.
"Quit thinking such horrible things. I was just joking, you know."
"Arte mo, magtagalog ka nga! Sumasakit ang ulo ko sayo." nagpumiglas ako mula sa yakap ni Senri kaso ang loko inupo lang ako sa kandungan niya.
"Quit struggling, you might wake up the Duke's throne."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya nang maramdaman kong may gumalaw sa bandang hita ko. Napatingin ako sa pantalon ni Senri at napalunok nang mapagtanto ang kanyang tinutukoy. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kaya naman mukha akong estatwa sa ibabaw ni Senri.
"A.. ang dami mong alam." nailihis ko ang namumula kong pisngi sa mga mata ni Senri.
Nang-aasar kasi eh.
Masyado akong inosente sa mga bagay na ganun.
Charot! Ang landi mo talaga, Sinji. Ang sarap mong sabunutan. Grrrrr....!
"It's your future."
"Tse! Lumayas ka nga dito at baka makita pa ako ni Barbara, bubutasin ko talaga lalamunan mo." banta ko dito.
Pero ang loko niyakap lang ako ng mahigpit, hindi alintana ang harina sa katawan ko.
"You know how much I missed you, baby. Ito na lang ang oras na kailangan ko para makasama ka." Senri said while pouting his lips as if he's asking me for some candies.
Lokong ito, marunong na maglambing.
"Wait lang, ha?" kinalas ko ang braso ni Senri na nakayakap sa bewang ko habang siya naman ay nagtatakang tumingin sa akin.
Nagulat na lang siya ng bigla akong tumili bago siya hinarap ulit.
"What the hell was that?" hindi makapaniwalang tanong nang lalaki.
"Kinikilig lang ako."
"Pft. Weird."
"Abat--" inambahan ko ng suntok si Senri pero ang loko umiwas at umalis palayo sa lugar kung saan siya nakaupo.
Hindi na ako magtataka kung bakit mabilis kumilos ang lokong ito. Tatak HuPoFEL ata yan.
Umalingawngaw ang tawa ni Senri sa loob ng green house habang hinahabol ko siya. This is the first time I hear his laugh and yes I love this side of him.
Para kaming bata na nakawala sa hawla habang naghahabulan sa loob ng green house.
Lingid sa kaalaman naming dalawa, hindi lang pala kami ang ibang tao doon.
A tattoo on his nape.
The same tattoo that my brother wants me to burn.
A tattoo that symbolizes my nightmare has finally come in light.
--
KAGAT LABING nakatayo lamang ako sa gilid kung saan kitang-kita ang wasak na opisina ni Kuya Luther. Mukha itong pinagbagsakan ng atomic bomb. Lahat ng dokumento na nasa opisina ng kapatid ko ay isa-isang inililipat nila Rent, Gun, Thud at Dezrail. Senri is not here because my brother told him to track Saviel and he's not even calling me for almost a month already.
I tried to ask Rent what happened yesterday but he's just ignoring me like I am not existed.
Nang dumaan si Thud ay sinenyasan pa ako nito. "Lagot ka." aniya.
Inambahan ko siya ng suntok pero bigla akong napatigil ng dumaan si Kuya Luther sa harapan ko kaya agad kong inatras ang kamao ko at binati sya.
"Hi, Kuya. Kamusta ang tulog mo?" bati ko. Kasunod niya ang isang babaeng hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita.
Kuya Luther darted me a serious look before he reverted his gaze to Gun.
"Did those files already transfered to my room?" Kuya Luther said to Gun. Pumunta ako sa likuran ni Kuya at nakiusyuso kung ano ang pinag-uusapan nila ni Gun. Habang yong babae ay kunot noong nagmamasid lamang sa kung ano ang ginagawa nila Rent.
"Konti lang ang naisalba namin, dude." sagot ni Gun bago tumingin sa akin pero agad niya itong binawi at muling humarap kay Kuya. "Rent did his best to find what's best for her but as of now we need to restrict her from being alone or something that trigger her memories."
"Then, tell Rent we'll talk later."
"Sure."
Matapos mag-usap ni Gun at Kuya Luther, biglang umalis si Kuya at naiwan ang babae na agad namang pinansin ni Gun kaya naagaw nila ang atensyon ko.
"Hey, Kas. What's up?" bati ni Gun sa babae.
The girl's face crumpled as she face Gun. "Anong nangyari dito? Nilusob ba kayo?"
Gun reverted his gaze where the office got destroyed. Nagkibit balikat ang lalaki bago sinagot ang babaeng tinatawag niyang Kastiel. "Just a minor scratches, anyway this is Sinji." pakilala sa akin ni Gun.
Ngumiti ako sa babae at binati ito. "Hi. My name is Sinji, nice to meet you."
"Kastiel Devoncourt."
"Since, Kastiel is new here. Sinji ikaw ang makakasama ni Kastiel sa training."
"Bakit?"
"Kayo lang naman ang babae dito. Isa pa hindi ko masyadong mahahawakan ng maayos ang training ninyo lalo na at nangyari ito sa opisina ng Kuya mo."
"Ano ba kasing nangyari? Sa pagkakaalam ko si Rent ang naiwan dyan kahapon, ah?" tanong ko.
Ako at si Rent lang naman ang naiwan sa opisina ni Kuya kahapon at wala akong naalala na nilusob kami ng kalaban. Kaya bakit ganito ang itsura ng opisina ni Kuya? Wasak ang buong kwarto.
Nakaramdam ako bigla ng tensyon ng naging iba ang awra ni Gun. Gun patted my shoulder as he looks at me seriously. "We don't really know the answer yet. Payo ko sa'yo Sinji, umiwas ka muna sa mga bagay na nakakapagpaalala sa mga panahon na nakalipas na."
"Bakit parang ako ang sinisisi mo?" inosenteng tanong ko.
Isang malakas na batok ang natanggap ko mula kay Gun. "Hindi kita sinisisi. Payong matanda lang kaya sundin mo ako."
Napairap na lang ako sa kawalan ng nilisan ni Gun ang kanyang kinatatayuan bago pumasok sa opisina ni Kuya para kumuha ng iba pang dokumento na nagkalat sa loob.
"Aminado ka naman na ikaw ang pinakamatanda dito?"
Napatingin ako kay Kastiel na ngayon ay hawak-hawak ang kwelyo ni Thud na agad kong binatukan ang lalaki dahil sa kahalayan nito.
"Tumigil ka nga sa kakatihan mo, Thunder Clyborne." saway ko dito.
"Batok ng pagmamahal mula sa una kong pag-ibig. Pero ipagpapalit na kita Sinji, mas maganda si Kastiel." aniya na parang tanga na nakaluhod sa harap ni Kastiel.
Ngumiwi lang ang babae dahil sa sinabi ni Thud.
Nakakasuka ang banat ng bansot na ito.
"Feeling mo naman may papatol sayo kung ang dala mo ay mala chopstick?"
Nanglaki ang mga mata ni Thud sa aking sinabi at tumayo ito mula sa pagkakaluhod. Humagalpak naman ng tawa si Gun at Fourth nang marinig ang sinabi ko samantalang si Dezrail ay parang walang narinig.
"Isang kalapastangan ang iyong sinabi binibini, isang uri ng pang aalipusta sa tulad kong may dugong bughaw." sagot ni Thud na biglang naging makata.
"Argh! Ano na naman bang trip mong bansot ka? Green ang dugo mo kaya manahimik ka." naiinis na sita ko dito. Agad akong lumapit kay Kastiel bago ipinulupot ang aking kamay sa braso ng babae.
"Balang araw pagsisisihan mo na nilait mo ang isang Ginoo na tulad ko!" naniningkit ang mga mata ni Thud habang pumapasok sa opisina ni Kuya para bumalik sa kanyang trabaho.
"Chopstick pala ang meron ka, pare?"
"Manahimik ka, Fourth kung ayaw mong matadyakan."
"Asus, patubuin mo naman kasi ng ayos 'yang junior mo para hindi pagkamalang chopsticks ni Sinji."
Naiiling na hinila ko si Kastiel paalis sa lugar na 'yon. Ayoko ng marinig ang tungkol sa chopsticks ni Thud though hindi ko naman talaga nakita kung ano ang meron siya. Sarap niya kasing pagtripan.
Dinala ko si Kastiel sa training area kung saan naroon ang iba pang bagong recruit ni Gun. Naupo kami sa isa sa mga bench na nagkalat dito sa training ground.
Sigaw ng mga taong nag-eensayo at tunog ng mga aparato ang tanging maririnig sa loob ng kwarto.
"Can I ask you something?"
Napalingon ako kay Kastiel matapos naming maupo sa bench.
"Sure. Ano 'yon?"
"What kind of work do you have?" aniya na may halong pagtataka.
Lumingon ako sa mga lalaking abala sa pag-eensayo. "HuPoFEL is not kind of what you think. You see those kids like us? They are orphans, some of them are recruited. Gaya mo rin nung una akong makatuntong dito ay yan din ang tinanong ko kay Kuya, kung anong klase ang trabaho na meron sya. Sa mura nyang edad ay nakapagpatayo sya ng ganitong organisasyon. HuPoFEL is not a justice, all of us are not heroes. This organization is made for people whose giving up on life because of some circumstances they've face. Yong iba dito gusto maghigante sa mga taong nanakit sa kanila, yong iba naman ay gusto nilang subukin kung hanggang saan ang kanilang kakayanan."
"HuPoFEL divided into five division - middle, upper, assassin, elite and bloodfist. Middle division compose of newbies, new recruits like us. Ang nasa elite lang ay sina Gun, Rent, Fourth, Dezrail, at Senri and of course my brother Luther as the head of this organization. Meron pang ibang myembro ang bloodfist and as of now hindi ko pa sila nakikilala. May iba't-ibang uri ng pag-eensayo ang middle class bago ka makapunta sa upper, assassin, elite at bloodfist."
"I see."
"Huwag kang mag-alala kasi hindi pa naman ako nagsisimula sa literal na pag-eensayo, more on like pangbubwisit lang pinaggagagawa ko." natatawang sagot ko kay Kastiel.
"Gun told me about it. At first I was hesitant to get here but because of my father I decided to try it out. Since ayoko sa pamamalakad ni Daddy sa bahay and I was suffocated from his manipulation. Tawagin mang rebelde pero mas gusto kong maging malaya sa buhay na meron ako."
Nakaramdam ako bigla ng awa kay Kastiel. Sa edad namin ay hindi biro ang mga pinagdadaanan namin sa buhay. Siguro nga hindi lahat ay pare-pareho ang kwento ng tao. May pagkakatulad pero hindi pareho ng pinagdadaanan.
Kapag naglaro nga naman ang tadhana ay hindi biro lalo na sa panahon ngayon, kailangan mong maging matapang at matatag.
Imbes na magsimula kaming mag-ensayo ni Kastiel, nagkwentuhan na lang kaming dalawa at napagpalagayan ng loob ang isa't-isa.
Weeks after, bumalik sa normal ang buhay namin sa HuPoFEL. More paper works for my beloved brother, kaliwa't-kanang misyon at kung anu-ano pang related sa organisasyon.
"Ernaline gusto mong sumama sa akin sa salon mamaya?" anyaya ko kay Ernaline nang makita ko itong mag-isa sa garden of heavens ng L. A University.
Bakit garden of heavens ang tawag ko dito? Syempre merong alaala namin ni Senri.
Shuta ang landi mo, Sinji. Hindi ka nga tinatawagan ng fiancé mo!
"My brother will picked me up later so, no. I can't go with you."
Pasalampak na umupo ako sa tabi ni Ernaline at yumakap sa braso niya.
"Sige na, samahan mo na ako." pangungulit ko dito.
"Hindi nga pwede, may importanteng pupuntahan si Kuya at kailangan na nandun ako kahit ayaw ko."
"Ano ba 'yan. Minsan na nga lang tayo magbonding tapos ganyan pa?" pagdadabog ko na may halong tampo.
Conflict kasi minsan ang pagtatagpo ng landas namin ni Ernaline. Sa hilatsa ng trip nitong babaeng ito, lagi lang siyang mag-isa - kung hindi sa library, canteen, rooftop o kaya dito sa garden of heavens, andun siya sa village park nila nakatambay. Bakit ko alam? Minsan na akong tumambay sa bahay nila pero hindi ko pa nakikilala ang kapatid niya.
"Speaking of your brother, sumama na lang kaya ako sa lakad niyo?"
Ngumiwi si Ernaline bago tumayo. Pinagpagan nito ang uniporme bago ako muling hinarap.
"Pwede naman siguro since family matters lang naman siya."
Sumilay ang pilyang ngiti sa labi ko bago umangkla sa braso ni Ernaline at hinila ito palabas ng garden of heavens. Hindi naman talaga ako sasama sa kanila lalo na at tinamad na akong pumunta sa salon. Naka-hold din naman ang allowance ko dahil parusa yon ni Kuya Luther sa akin. Winasak ko daw kasi ang opisina niya which is wala naman akong ideya sa pinagsasabi niya.
Pagdating namin sa hallway ay nakasalubong pa namin ang grupo ni Barbara pero nagbulag-bulagan at bingi-bingihan lang ako sa mga patutsada niyang wala namang may paki.
Minsan talaga gusto kong tanungin si Barbara kung kulang ba sya sa aruga o naiinggit lang siya sa ganda na meron ako?
Ang haba ng hair mo girl, umaabot hanggang Mt. Fuji.
Pagkarating namin sa gate ay agad na tumakbo si Ernaline sa isang lalaki na nakatayo sa harapan ng isang kotse. Dahil nga sa nakaangkla ako sa kanya ay napasama ako sa pagtakbo.
"Kuya Reiden, kanina ka pa?" masayang bati ni Ernaline na akala mo'y limang taong gulang kung umasta.
Humiwalay naman ako mula sa pagkakahawak kay Ernaline bago inayos ang sarili ko. Kunwari nagsuklay ng buhok at pasimpleng tumingin sa salamin ng sasakyan kung okay pa ba ang mukha ko.
'Pwede pa namang pagtyagaan lalo na't maganda ako.'
"I came here 5 minutes before I texted you."
Naiangat ko ang aking paningin sa bulto ng lalaki na kaharap ni Ernaline. Shutang inis beh! Hulog ng langit.
'Ang gwapo!'
"Huwag kang sinungaling, hindi ka mahilig magtext kaya tigilan mo ako." pang-aasar naman ni Ernaline sa kapatid nito.
At dahil sa natural na taklesa at pilya ako, tumikhim ako at siniko si Ernaline kaya naman nakuha ko ang atensyon nilang dalawa.
"Siya nga pala, Kuya. This is Sinji Natividad, my friend and Sinji this is my older brother Reiden Grei Montenegro."
Nakangiting inilahad ko ang aking kamay sa harap ni Reiden pero nawala ang ngiti ko ng talikuran ako ni Reiden papunta sa driver seat ng sasakyan.
Naikuyom ko ang aking kamao at inambahan ng suntok si Reiden.
"Hindi naman suplado ang kapatid mo, no? Hindi rin saksakan ng sama ng ugali?" bulong ko kay Ernaline.
"Thank you for the compliment but I am not interested of knowing you, Miss. Get in the car, Ashleigh." istriktong utos ni Reiden sa nakababatang kapatid nito bago binukas ang pinto ng sasakyan at pumasok.
Alanganing ngiti ang binigay sa akin ni Ernaline bago nagsalita. "He's just like that after he turn over managing the Montenegro Empire. Feeling niya nasa kanya lahat ng responsibilidad ng pamilya namin kahit na buhay pa si Mommy at Daddy."
"Ano ka ba? Hindi na ako magtataka sa mga taong seryoso sa buhay lalo na at business man pala ang kapatid mo, kaya pala attitude." biro ko kay Ernaline.
Hinila ko na lang si Ernaline papunta sa passenger seat ng sasakyan at pinagbuksan ito ng pinto. "Sumakay ka na Ernababe. Next time na lang tayo mag girl bonding since masama yata ang timpla ng kapatid mo. Tawagan mo na lang ako mamaya, ha?"
Pagkasara ko ng pinto ay biglang humarurot ang kotse na kinalulunaran ni Ernaline at Reiden. Inihit ako ng ubo dahil sa alikabok na iniwan ng suplado at mayabang na si Reiden Grei.
Crush ko pa man din sana kaso nakaka-turn off ang ugali niya. Cross out na siya sa listahan ko ng mga gwapo!
Maglalakad na sana ako paalis sa harapan ng L. A University ng biglang may humbalot sa akin mula sa likuran. Bago ko pa man makita kung sino 'yon, bigla na lamang nandilim ang aking paningin.
May halo ng pampatulog ang panyo na ipinantakip sa akin.