Chapter 18: Barbara Sandoval

SINJI'S POV:

--

TULALA lang ako sa kawalan habang hindi pinapansin ang mga tao sa paligid ko. Kasalukuyan akong nasa university, nakaupo sa lilim ng isang puno ng mangga.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung na saan si Saviel, at kung ano ang ninakaw nya kay Kuya. Hindi naman sa pinag-iisipan ko ng masama ang bestfriend ko. Sa tagal naming magkakilala, alam ko ang ikot ng bawat organs nya sa katawan.

"Hayss!" naiinis na dabog ko sa damuhan na siyang kinauupuan ko.

"Lagot ka, kalbong-kalbo na yang kinauupuan mo."

Napalingon ako sa kaliwa kung saan naroon ang bulto ni Thud na may subong lollipop sa kanyang bibig.

"Ano na namang ginagawa mo ditong bansot ka?" naiinis na sabi ko.

Naglakad si Thud palapit sa kinaroroonan ko at basta na lang sumalampak sa tabi ko at umupo.

"Wala naman. Nakita lang kita kaya lumapit na ako."

"O tapos? Share mo lang?"

Lumingon sa akin si Thud at inalis sa kanyang bibig ang lollipop na kinakain at ipinangduro sa akin.

"Bakit ba ang sungit mo sa'kin? Meron ka ba ngayon?"

Lumagapak ang palad ko sa pisngi ni Thud na siyang ikinabigla nya. "Kelangan talaga pag masungit, may regla agad? Desisyon ka?"

"Aww."

Late reaction amp. Hindi ba pwedeng naiinis lang ako? Kelangan talaga may dalaw agad?

"Nagtatanong lang naman." nakangusong wika nya.

Pasalamat sya at cute siya ngayon. Kaya naman inagaw ko ang lollipop na nasa bibig nya at basta ko na lang kinain. Stress eating yan, bahala syang bumili.

"Naiinis ako, okay?"

"Kanino? Kay Senri?" aniya. "Sabi ko naman kasi sayo, ako na lang piliin mo. Kesa dun sa hapon na yon na laging buntot sa kapatid mo kahit saan pumunta." dugtong pa ni Thud.

Napairap na lang ako sa kawalan at humalukipkip bago sumandal sa bansot na katawan ni Thud. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.

"Kadiri ka. Hindi ako pumapatol sa bansot."

"Hoy, baka malaki din ito."

"Ang ano? Anong malaki? Ang bastos mo!"

Sinuntok ko ang mukha ni Thud pero nakaiwas ang loko. Kahit kelan talaga puro polusyon ang utak ng isang ito.

"Ang pang-unawa ko. Ano ba! Nakakarami ka na sakin!"

"Ang sarap mo kasing saktan, bwisit ka!" nagkukulitan lang kami ni Thud hanggang sa lumapit ang isang nilalang na hindi ko kilala.

"Oh my, look who's here? The bitch is everywhere." sabay kaming napatingala ni Thud sa isang bulto nang babae na nakahalukipkip ang dalawang braso sa malulusog nitong dibdib.

Wala sa sariling napatingin ako sa aking hinarap at sa babaeng kinapos sa tela. Tumaas ang kaliwang kilay ko at tinignan ang babae.

"At sino ka naman?" matapang na tanong ko habang si Thud ay bumunot ng lollipop sa kanyang bulsa na agad kong inagaw. Nagugutom ako at kailangan ko ng matamis. Bahala sya dyan!

0lllPinagtaasan ako ng kilay nitong babaeng nasa harap namin. Ang lakas ng loob nitong sumabat sa paglalambingan namin ni Thud. Charot!

"Balita ko ikaw ang fiancé ni Senri, am I correct?"

Atribida din tung babaeng to.

"O tapos?" tamad na tanong ko.

"I just wanna say that Senri is mine."

Parang tumaas bigla ang presyon ng dugo ko. Ayoko sanang patulan ang babaeng ito, kaso mukhang naghahanap sya ng sakit ng katawan.

"Share mo lang?"

"Pft."

"Huwag mo ng pangarapin na mapupunta sayo si Senri, you're just a toy."

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng babaeng ito kaya naman bigla akong tumayo mula sa kinauupuan ko at agad na kinuwelyuhan ang babae. Thud didn't mind what should I do to this bitch.

"Are you trying to have a fight with me, woman?" mabagsik na wika ko. Wala man lang akong nababakas na takot sa kanyang mga mata bagkus ay mas pinatapang pa nito ang sarili.

"Remember my name, bitch. Barbara Sandoval." tinapik ng babae ang kamay ko kaya naman nabitawan ko sya bago nya ako talikuran.

Kahit kelan hindi mawawala ang isang ahas sa balwarte na binubuo ko.

"Barbara Sandoval, a mass com student here in L. A University. One of the bitches that Senri don't want to meddle with." sambit ni Thud na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko habang nakapamulsa. "Kalma lang, Sinji. Wala siyang binatbat sa tulad mong may dugong Bloodfist."

Thud patted my head as he started walking away from me. Minsan may sense ring kausap ang isang 'yon? Wag sana siyang magka jowa para masaya.

Napabuntong hininga na lang ako bago naglakad sa kabilang direksyon. Uuwi na lang ako kaysa makisalamuha sa mga taong wala namang ambag sa mundo ko.

Ayokong ma stress ang ganda ko lalo na kong isang tulad ni Barbara ang makakasagupa ko, patayin ko sya sa sindak, eh!

"Wala ba akong misyon ngayon?" bungad ko kay Rent nang makita ko ito sa opisina ni Kuya. Napagpasyahan ko kasing umuwi na lang kaysa makipag bardagulan kay Barbara, wala akong panahon sa tulad nyang salot.

"What are you doing here? You have your class, Sinji." sagot nito sa akin ng hindi man lang hinihiwalay ang paningin sa laptop na kaharap.

Ngumiwi ako sa lalaki bago ako sumalampak ng upo sa sosyaling sofa ni Kuya Luther.

"Ikaw nga may pasok ka rin, pero nandito ka? Hindi ba pwedeng tinatamad lang ako? At isa pa, bakit kailangan ko pang mag-aral kung kaya naman akong buhayin ng kapatid ko?" sunod-sunod na tanong ko dito.

"Its your brother's order, beside HuPoFEL is not a business Sinji. Take note of that."

Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan si Rent sa kanyang ginagawa. Sana pala hindi na lang ako pumunta dito. Wala si Kuya at si Senri, wala akong kabebe time.

Nag-unat ako ng braso bago nahiga sa sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata dala ng katamaran at pagod mula sa pakikipag-usap kay Thud at Barbara.

Kay Barbara pa lang ubos na ang enerhiya ko, paano pa kaya kung maging lima sya edi sa hukay ang bagsak ko?

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lang may mabigat na bagay ang nakadagan sa tyan ko kaya naman unti-unti kong iminulat ang aking mga mata na pinagsisihan ko sa huli.

Ang dilim ng kwartong kinaroroonan ko at hindi ko alam kung sino ang katabi ko kaya naman hinawakan ko ang braso nitong nakayakap sa akin at basta ko na lang ibinalibag palayo sabay tadyak sa lapastangang lamang-lupa na nanamantala sa akin.

"What the fck?"

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang boses na yon.

"Is that how you welcome me, Sinji?"

Kuya Luther opened his lampshade beside the table as he got up from the floor. Napatakip ako sa aking bibig ng lumiwanag ang buong kwarto ni Kuya.

"B-bakit ka ba kasi nangyayapos?" nauutal kong sabi. Hindi ko naman kasalanan kung na sipa ko sya, eh.

"What the fck? You are the one who requested me here. I am a busy person."

"Pinagsasabi mo ba?" Siguro malakas ang pagkakasipa ko kay Kuya kaya pati utak nya ay inamag na.

"Tss. Rent called me earlier and he said you were pleading calling my name. You even destroy my office."

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Kuya Luther at nagtataka sa mga sinasabi nya.

"Weh? Bakit ko naman wawasakin ang opisina mo, eh si Rent ang naiwan dun."

Kuya Luther heaves a sigh as he sat down one of his royal chair inside his bedroom. Yes po, nagising po ako sa kwarto ng aking pinakamamahal na kapatid.

Nakaramdam ako ng kaba nang tignan ako ni Kuya sa mga mata. He's so serious and he is looking at me intently.

"Tell me the truth, Sinji. What happened to you before I found you on that fcking auction?"

Naikuyom ko ang palad ko at ramdam ko ang tensyon sa katawan ko.

"And what's behind that tattoo on your back?"

"W-wala. I told you this tattoo is one of our signature inside that building."

"Fine. Talk to me tomorrow, go back to sleep." Kuya Luther get up from his seat without minding his topless body and move out from his room.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kuya Luther ang totoong dahilan kung bakit meron akong tattoo sa batok. I thought it was just a sign of that organization but recently I have a weird feeling about it.

Nanghihinang umupo ako sa kama ni Kuya.

Kung totoo ngang nawasak ko ang opisina nya, siguradong paparusahan nya ako.

--