KABANATA 1
Madison’s POV.
"Oo. Pero hindi beer yung order niya. Ikaw yung inorder, bakla!" Nadinig kong giit ng katrabaho kong si Shendy na ngayon ay abot hanggang tenga yung ngiti sa labi niya para tuksuhin ako.
"Ha? Pero may customer pa ako," I answered in a puzzled facial expression.
"Ako na bahala sa matandang iyon. Lalasingin ko na lang nang makatulog na. Umakyat ka na sa second floor at naghihintay na yung customer mo sa private room," she said. I was surprised when she suddenly removed the strap of the apron, I was wearing around my waist.
"Galingan mo, girl! Ang balita ko ay mayamang binata na galing sa tanyag at malaking na pamilya yung naghihinatay sa iyo. HAHA! SANA ALL!" pabirong sabi pa niya sa’kin sabay hinugot yung pulang lipstick mula sa kanyang bag at ipinahid ito sa labi ko.
"T-teka ngayon ko na ba siya pupuntahan?!" nauutal ko pang pagtatanong kay Shendy.
"Oo naman! Kumembot ka na ngayon para matagal ang bakbakan. SANA ALL! Tirador ka talaga ng VIP, bakla! HAHAHA!" aniya habang tumatawa tapos ay inabot niya sa’kin yung alak na inire-regalo lang namin sa aming mga VIP customers.
"Oh, larga na! Habulin na ang grasya bibi. Goodluck!" sabi niya sabay malakas na pinalo yung pwet ko at itinulak na ako para bugawin palayo.
“P-pero kasi…” mahinang saad ko na tila ba ay nagdadalawang isip sa gagawin habang napapakamot sa ulo. Nakita ko siyang umiling iling tapos ay ngumuso upang ituro yung hagdan paakyat ng second floor.
“Wala ng pero pero. Ayaw mo bang ulanin ng pera? Umakyat ka na, bakla kung ayaw mo pang kaladkarin pa kita sa second floor,” aniya habang nakatayo at nakapamewang sa harap ko.
Napako yung titig ko sa bote ng alak na dala ko ngayon, sabay pumikit na lamang at nagbuntong hininga. Mabilis akong naglakad hanggang sa makarating na ako sa ikalawang palapag ng clubhouse. Noong nasa harapan na ako ng pinto ay napasinghap ako habang mahigpit yung pagkakahawak ko sa bote.
"Lilipas din ang gabing 'to, Madi. Kinaya mo nga ng ilang taon ‘tong trabaho mo, kaya yakang yaka mo na lang dapat ang gabing 'to," bulong ko upang kahit papaano’y tumatag naman ang aking sarili. Huminga ako ng sobrang lalim tapos ay nag iwan ako ng tatlong malalakas na katok sa pinto ng kuwarto.
Nakakailang lunok na ako at nararamdam ko na yung panghihina ng magkabilang mga tuhod ko habang hinihintay na may magbukas ng pinto para sa’kin. Pero laking gulat ko noong manatiling nakasarado pa rin yung pinto. Naitaas ko ang kanang kilay ko dahil sa pagtataka. Kadalasan kasi pag alam nilang ako na ang darating ay mabilis pa sa alas kuwatro kung hapitin nila ako papasok ng kuwarto.
"Tulog na ba siya? Teka, tinulugan ba niya ako?" pagtatanong ko sa aking sarili.
Kumatok ako uli at naghintay ng limang minuto pero wala paring nagbubukas ng pinto, kaya naisipan ko ng buksan ito ng dahan dahan. Nang idungaw ko sa loob yung ulo ko ay nilingon ako ng isang matipuno’t mestizong lalaking nakaupo at nakasandal sa ibaba ng paanan ng kama, habang may hawak itong bote ng alak sa kanyang kanang kamay.
Nakaputing polo ito at nakatupi hanggang siko yung sleeves niya kaya tanaw ko mula sa malayo yung naghuhumitik nitong mga ugat sa kanyang kamay. Maluwag na yung pagkakatali ng kanyang necktie at bahagyang bukas yung mga butones sa bandang dibdib nito. Magulo man yung ayos ng kanyang buhok ay hindi ito naging dahilan upang hindi ko masilayan yung kagwapuhang kanyang tintaglay.
Nang lakbayin ng aking mga mata ang buong paligid ng kuwarto, ay nakita ko na nagsikalat yung iilang piraso ng mga bote ng alak sa kanyang tabi at mag-isa lamang siyang umiinom. Nagtama yung titig ng aming mga mata sa isa't isa na siyang naging dahilan upang kumabog ng sobrang lakas yung dibdib ko sa kauna-unahang pagkakataon.
"Good evening, sir! Magdalena is now at your service!" maligalig na bati ko sa kanya noong tuluyan ko ng buksan yung pinto sabay binigyan siya ng isang matamis at nakakaakit na ngiting siguradong hindi niya matatanggihan.
My knees weakened like soft noodles, when his well-rounded brown tantalizing eyes started to scan my body from head to toe and vice versa. I can't read what is on his mind because his facial expression is just like a plain white paper. I squirmed under his intimidating gaze.
"I do not need someone's company. You may leave now," sabi niyang kasing lamig ng yelo yung pagtitig niya sa akin.
"Sir naman! Araw ng mga puso ngayon oh! Hindi ko dapat na hayaan lang na mag isang umiinom ang gwapong nilalang na gaya mo. Nauuhaw ka ba? Gusto mo pa ba ng maiinom? May dala ako oh," giit ko habang ipinapakita ko sa kanya yung bote ng alak na dala ko.
"It was my friend who requested you for me, okay? It was not me. Also, I’m not yet thirsty but you can just leave the drink if you insist.” Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at humakbang papalapit sa direksyon ko. "My friend had left already. So, there is no need for you to join me anymore. I honestly want to be alone right now," pagsusupladong giit niya sabay biglang hinablot mula sa akin yung bote ng alak na hawak ko. "Also, thank you for this. Happy valentine’s da--" Noong makita kong akmang isasarado na sana niya yung pinto ay agad kong inipit yung binti ko sa pintuan upang mapigilan siya sa pagsasara.
"T-TEKA SIR! HINDI MO PWEDENG GAWIN NA LANG 'TO SAKIN! ALAM MO BANG INIWAN KO PA YUNG DAYUHANG CUSTOMER KO SA IBABA PARA LANG PUNTAHAN KA RITO?!" Nang galit akong napasigaw, ay saglit siyang nahinto kaya pinagbuksan niya uli ako.
"So? What do you want me to do about it?" seryosong pagtatanong niya sa akin habang minamasahe niya yung kanyang ulo na parang ipinapakita sa akin na pagod na siyang makipag-usap.
"Aba! Hindi pwedeng hindi mo ako bayaran sir dahil lang sa ayaw mo na. Time is gold, diba? Naglaan ako ng oras dito kaya dapat ay bayaran mo iyon," pagrereklamong giit ko habang nakapamewang pa sa kanyang harapan.
Ang buong akala ko ay ibibigay na lamang niya yung bayad niya sa akin pero nagkamali ako. Nagulat ako noong umatras siya at inginuso niya sa akin yung kama. Hindi ako nakapagsalita pero ang tanging sumagi lang sa isipan ay ang pagkakapareho niya sa ibang mga lalaking nakasama ko na noon. Pare-pareho lang talaga sila na ang tanging iniisip ay kung papaano ko maiibsan ang init sa kanilang katawan.
“Fine. Come in," tipid niyang pag-uutos.
"Hala? E akala ko ba--" I wasn't able to finish my sentence when he interrupted me.
"I also don't pay for free, miss."
"Gusto mo naman pala e. Nakipag-away ka pa sa akin," I said as I walked across the room.
"Humiga kana at mag-uumpisa nako," utos ko sa kanya. Noong makita niyang akmang huhubarin ko na sana sa kanyang harapan yung pulang bestidang suot ko ay agad siyang napatalikod sa’kin sabay naubo ng malakas. Agad ko naman siyang nilingon sabay napakunot noo.
“Oh, bakit tumalikod ka diyan? Teka, huwag mong sabihin first time mo?” I asked him with a surprised look on my face.
"I didn't let you in because of the service that you were talking about,” wika niya. Saglit akong natigilan tapos ay agad kong inayos yung bestida na suot ko.
"HA?! E anong gagawin natin dito kung hindi tayo magchuchukchakan?" I asked him with a puzzled face expression. When he turned to look at me again, he was now holding a glass of alcoholic drink.
"Umiinom ka ba?" tanong niya sa akin. Noong makita ko siyang humakbang palapit sa kinaroroonan ako ay agad naman akong napaatras.
"I just need someone I can talk to. That's the service I want to have right now," giit niya sabay inabot sa akin yung baso kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin na lamang ito.
"Y-yun lang talaga ang gusto mong makuha mula sakin? I-I mean... gusto mo lang ng ka-chismis buong gabi?" pagtatanong ko sa kanyang nautal pa.
Ito pa lang kasi ang unang beses na may isang lalaking iba ang klase ng serbisyong hanap niya, maliban sa serbisyong karaniwang ibinibigay ng isang bayarang babaeng tulad ko. Aaminin kong lubos niya akong napahanga matapos niyang ipaalam sa akin na hindi pala katawan ko yung habol niya.
"Yeah. Why? Is that not allowed?" he asked me as he grabbed the glass of cold beer on the side of the bed, took a sip of it then frowned. His eyes slide over me with intensity while categorizing each part of my face.
“No, of course not. N-nagulat lang ako.”
"You don’t have to worry. I’m not the type of guy who likes hooking up with random strangers. By the way, can I see your face?"
"Why do you want to see my face?" pagtatanong ko sa kanya tapos mahigpit kong hinawakan yung maskarang suot ko.
"Nothing. I just want to see the face of the girl whom I am talking right now," sagot niya sabay lumagok uli ng kanyang iniinom.
"Hindi pwede. Hindi kami pinapayagan ng management ng club na 'to na tanggalin yung maskara namin sa harap ng aming mga customers. Tanggalin mo na yung panty ko huwag lang ‘tong maskarang suot ko. Policy ‘yan dito sa clubs," seryosong giit ko tapos ay nadinig ko siyang natawa sa unang pagkakataon. Napagtanto kong hindi naman pala siya ganoon kasuplado gaya ng iniisip ko sa kanya. Siguro ay naging mabilis lamang noong siya ay aking husgahan.
Magmula noong magumpisa akong magtrabaho dito, ni minsan hindi ko tinanggal yung maskarang suot ko sa kahit na sino pang lalaki yung makasama ko sa kama. Kahit na gaano pa man magpumilit yung customer, ay wala ni isa sa kanila ang nakapagpapayag sakin na tanggalin yung piraso ng maskarang tanging bumabalot ng tunay na pagkatao ko ngayon.
Pakulo ito ni tiya Lany na magsusuot daw kami nito sa tuwing magta-trabaho kami. May mga kanya-kanya din kaming code names, kaya hindi talaga kami nakikilala personally ng aming mga customers. No strings attached, ika nga. Trabaho lang ang lahat. Ito ay para kahit papaano ay magagawa naming itago yung tunay naming mga sarili na siyang nagbibigay naman ng kaunting misteryo sa mga customers na nagpupunta rito sa club.
"Chill. You don’t have to be so worked up, miss. I’m not planning to take either the mask or your panty from you. But can I at least have your name?" pagtatanong niya sakin sabay umupo sa ibabaw ng paanan ng kama.
"My name is Magdelana," I said. I landed my right hand in front of him.
"Magdalena? Is that your real name?" he asked me while staring at me blankly.
"Nope. It's my code name at work."
"I want know your real name, Magdalena," nang sabihin niya iyon ay tumayo siya sabay humakbang palapit sa’kin.
Pakiramdam ko ay na-estatwa bigla yung buo kong katawan at noong masinghap ko yung pabango niya ay parang nawala ako sa wisyo saglit. When he stood tall before me, my legs threatened to buckle. The thought of him wanting to know my real name, brought a new wave emotion flowed over me.
"I wanted to know you more," he said then he looked into me with his eyes filled with so much intimacy.
"The real you. Without filters and sugarcoated lies," he added.
"What is your name?" he asked me again. I gulped so hard before I was able to have the courage to talk again.
"Madison. That is my real name," wika ko.
Hindi ko naman madalas aminin yung totoong pangalan ko sa mga lalaking nakakasama ko, kaya isang malaking pagtataka kung papaano ko nagawang ibigay na lamang sa kanya yung tunay kong pangalan.
"Madison sa umaga, Magdalena sa gabi. How about you? What's your name?" Nanlaki sa gulat yung mga mata ko noong makipagkamay na siya sa’kin pero hindi ko inaasahan na bigla niya akong hihilahin palapit sa kanya, kaya nagdikit yung katawan namin sa isa't isa.
"Russel.... Russel Yosef Silverio."
Hindi ko maintindihan pero kumabog ng malakas yung dibdib ko matapos kong madinig na sinambit niya ng kompleto ang kanyang pangalan.
"Madison what?" he said and now he was asking for my surname. I can't just spill another personal information to him again, or else I will be in a big trouble.
"Well... I guess my name would be Madison Silverio in the future," pabirong banat ko sa kanya upang hindi na siya magtanong pa.
"I'm sorry but I cannot give you my surname anymore. The law won't just allow that because I already gave it to someone else. You cannot give your surname twice." Napakunot noo ako saglit dahil hindi ko naintindihan yung nais niyang ipahiwatig. Huminga siya ng malalim sabay seryosong ibinaling sa mga mata ko yung titig niya.
"I already have a wife. But why don't you consider to be my mistress instead?" said Russel.
Para akoang binuhusan ng malamig na yelo sa mga sinabi niya, at hindi ko nagawang makapagsalita kaagad. Huminto yung pag-ikot ng aking mundo habang magkatitigan kaming dalawa. Para bang saglit akong naligaw sa mapupugay at malalim niyang mga mata. Hindi ko maintindihan, pero mukhang na love at first sight agad ako sa lalaking kakakilala ko pa lang.