SIMULA

Madison's POV.

"Hay nako! Maraming salamat naman at dumating na rin sa wakas itong si Magdalena. Halika na rito at kumembot ka na dito sa loob, hija!" malakas na pagtawag sa’kin ni tiya Lany noong matanaw niya ako mula sa may pintuan.

I happily waved at her as I walked towards her direction. Tiya Lany is the business owner of the night club where I worked as a club dancer and an entertainer.

"Bakit ba ang tagal mo bago makarating? Kanina pa kami nagbukas dito sa club ah," she said but her eyes were locked on the bills of money she was counting. I sat beside her and wiped the sweat on my forehead.

"Eh, ampucha naman kasi! May nagkabanggaan daw na dalawang kotse doon sa highway na dinaanan ng taxi na sinakyan ko kanina. Tang*nang mga drivers iyon! Kung di marunong magmaneho, wag ng magmamaneho dahil makakaabala lang ng maraming tao! Bwesit! Nakakagigil. Argh!" I said while breathing heavily. My chest heaved in and out because of the intense running I just did.

Wala akong nagawa kundi ang lakarin na lamang yung daan papunta sa pinagta-trabahuan ko. Naging mabigat kasi yung daloy ng mga sasakyan sa kalsada, matapos magkabangaan yung dalawang SUV. Nagdulot ito ng matagal na traffic jam para sa mga pasaherong nakasakay sa mga pampublikong mga sasakyan.

Pinilit kong tumakbo ng mabilis upang hindi ako mahuli sa trabaho pero pagdating ko ay nagbukas na yung clubhouse. Pagod na pagod ako habang hinahabol ang aking paghinga. Noong lingunin ko si tiya Lany ay abala parin ito sa pagbibilang ng pera sa counter.

"May customer na ba ako, tiya?" pagtatanong ko sa kanya habang inaayos ko yung maikling pulang bestidang suot ko ngayon.

"Wala pa namang nagreserba sayo, anak. Pero ikaw pa ba? Eh, hindi ka naman nababakante! Paborito ka kaya ng mga VIPs ko," aniyang pagbibiro niya at ngumisi pa sa’kin.

"Aba syempre! Magaling kaya ako, tiya! Yung tipong mararanasan nila ang langit dito sa lupa! HAHAHA!" biro ko din sa kanya kaya natawa din siya ng malakas.

"Ganyan nga, anak! Ang mga katulad natin ay hindi na binibigyan ng pagkakataon na magreklamo pa sa kung anong klaseng kapalaran ang ibinigay sa atin. Kaya kung gusto mong mabuhay, tatagan mo sikmura mo," Tiya Lany said as she reached my hand and gave me a sympathetic smile on her face.

Tiya Lany played a very important role into my life right after the death of my parents. She was a kind stranger who gave sympathy and showed compassion to a nineteen-year-old girl who was about to end her life at the bridge two years ago.

She gave me the second life I never expected to have, even after I attempted committing suicide. If it weren't for her, maybe I already gave up this fucked-up life. Tinuruan niya ako na ang buhay ay hindi para sa mga mahihina. Kaya kung gusto ko raw mabuhay pa, ay magpakatatag ako, alisin ang hiya sa katawan ko, at bigyan ng sapat na tapang yung sarili ko upang magawa kong bumangon sa araw-araw.

"Kaya alagaan mo yang pangangatawan mo, hija. Alam mo namang ‘yang ganda at katawan mo lang yung puhunan mo sa trabahong 'to," bulong nito sakin.

"Oo naman tiya alam ko iyon. Pero hindi parin ako papayag na habang buhay ay ganito na lamang ako. Gusto ko paring makapag-aral ng kolehiyo sa susunod na semestre. Gagawin ko ang lahat para maging maayos at desente naman yung buhay ko kahit papaano," I said as I made myself comfortable while sitting in one of the stools in the counter.

"Eh, ano ba ang kursong gusto mong kunin, anak?" she asked me while looking seriously into my eyes. Her eyes were filled with pity and hope towards an orphan and a financially broke person like me.

"Kurso? Hindi ko din alam, tiya. Kahit ano... basta mabibigyan lang ako ng maayos na trabaho ay sapat na sa akin ‘yon," napabuntong hininga ako noong sagutin ko siya. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko habang nakatitig ng seryoso sa pagod kong mga mata.

Sa isang taong tulad ko na walang maipagmamalaki na kahit na ano sa buhay at baon din sa kung ano anong mga utang na dapat bayaran, ang makapag kolehiyo at makakuha ng magandang trabaho lang yung pangarap ko. Isa din kasi ako sa milyon milyong mga Pilipino na naniniwalang susi pa rin tungo sa magandang kinabukasan ang edukasyon.

Hindi ko na kayang mangarap ng mas matayog pa sa estado ng aking buhay ngayon. Ang sa akin lang, ay gusto ko ng makawala sa rehas ng ganitong klaseng pamumuhay. Nakakapagod at sawang sawa na rin ako sa klase ng trabahong siyang bumubuhay lang sa akin sa kasalukuyan.

Pagod na akong gabi-gabi ay maghuhubad ako sa harap ng iba't ibang klase ng mga lalaking hindi ko naman mahal. Pagod na rin akong gigising sa umaga na itatapon lang sa gilid ko ang iilang piraso ng perang papel matapos ko silang tabihan sa kama. Ni minsan ay hindi ko nagustuhan ang ganitong klase ng trabaho. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Walang boses ang mahihirap na taong gaya ko dito sa lipunan. Gaya ng sabi ni tiya Lany, wala kaming karapatan na magreklamo dahil wala namang makikinig sa amin.

I was lost with my thoughts for a while and as I've returned to my senses, I realized that tiya Lany slipped few paper bills inside my palm. My eyes widen in disbelieve but she just gave me the warmest smile on earth. I could not ask for more. I lifted a brow, completely surprised and shooked my head.

"T-tiya..." I stuttered as I called her name.

"Sayo na iyan. Itabi at isama mo ‘yang pera na ‘yan, sa iniipon mo ngayon. Nakikita ko yung pagsusumikap mo na makumpleto yung tuition. Nais kong makahabol sa susunod na enrolment," giit niyang nakangiti parin sa akin.

I was out of words and my jaw dropped in amusement because of the kindness that she never failed to share to me. Tiya Lany is such an amazing woman with a heart of gold that shines right through her pale white face. The dark circles around her eyes and few wrinkles on both sides of her cheeks were not so visible to make her look too old. She can still slay herself at the age of forty-five and that is pretty amazing!

Naramdaman ko bigla yung paghapdi ng bandang ibaba ng magkabilang parte ng mga mata ko na parang may mga luhang nagbabadyang tumulo pero bigla siyang nagsalita.

"O-oh! Wag mo ng tatangkaing umiyak! Masasayang maskara mo sinasabi ko sa iyo." Yumuko ako ng bahagya sabay pinunasan yung mga luhang tumulo na sa kanang pisnge ko.

"Pero tiya Lany hindi ko kayang tanggapin 'to. Andami dami mo ng naitukong sa akin. Nakakahiya na po," I said while trying to give her back the money she gave me.

"Tanggapin mo na at wag ka ng maarate diyan. Basta ang gusto ko lang ay pagbutihin mo pa lalo sa pagta-trabaho," aniya.

"Hayaan mo, tiya. Pag nakapagtapos ako ay hindi ko kakalimutang ibalik ito sayo," I said.

I cannot get my eyes off at the bill she gave me. It might be just nothing but a little charity to her, but it means everything to me. It is my lifesaver. My mind could not think straight of something else except the gratitude and indebtedness I had for her. I will forever be grateful for all the help I received from her.

"Hindi na kailangan, Madi. Ang gusto ko lang ay maging maayos yung buhay mo. Kapag nakatapos ka, gusto kong magpakalayo layo ka na at huwag mo ng iisiping bumalik pa rito. Hindi ka nababagay sa lugar na ito, anak. Karapatan mong mamuhay ng naaayon sa gusto mo," Tiya Lany said. Hindi ko alam pero talagang nadurog yung puso ko sa mga sinabi niya.

She held my hands tightly like a real mother who only wanted the best future for her child. When my eyes met her gaze, I suddenly lost myself and started to cry in front of her. Tears flooded my eyes, and I can’t help the heaving sobs that follows. She scooted over a bit and wrapped her arms around me.

"Hay nako! Sinabi ko ng huwag iiyak dahil masasayang yung maskara mo. Hindi ka talaga nakikinig sa akin bata ka," pakunwaring sermon niya sabay umiling at inabot yung kahon ng tissue sabay pinunasan yung mga luhang nakabalandra sa magkabilang mga pisnge ko.

Sa gitna ng aming pag-uusap ni tiya Lany ay sakto namang lumapit si Shendy sa amin. Suot din niya yung maikling pulang bestida gaya ng suot ko ngayon. Pula ang aming theme color ngayong gabi upang ipagdiwang ang araw ng mga puso. Nakangiwi yung expresyon sa kanyang mukha at halatang pagod na siya sa kanina pang pagta-trabaho.

"Jusmiyo nakakapagod!" sambit ni Shendy noong maupo siya sa tabi ko sabay inilapag sa counter yung tray na dala niya.

Siya kasi ang naatasan na maghatid ng mga alak at iba pang inumin sa mga customers namin ngayong gabi. Naupo siya sa tabi ko habang marahan niyang pinupunasan yung pawis sa kanyang noo.

"Marami ba tayong customers?" pagtatanong na sambit ko noong lingunin ko siya.

"Kailan ba tayo naubusan ng mga customers? Mas dumami nga sila ngayon kumpara sa mga regular days kasi Valentine’s Day. Napaghahalataang mga singles," sagot niya sabay tinanggal yung kanyang sapatos tapos ay minasahe niya yung kanyang binti. "Ansakit na nga mga binti ko. Tang*nang heels ‘yan," naiinis na pagrereklamong saad niya sabay sinipa sa gilid yung kanyang sapatos.

"Oh, siya substitute ka muna, Madison. Para naman ay makapagpahinga itong isa," wika ni tiya Lany sa akin. Tumango ako sabay tayo at agad na kinuha yung tray.

When I was about to leave, I gave Shendy a gentle tap on her thin shoulder, then she immediately turned her head to look at me. "Ako na muna ang rarampa, bakla. Pahinga ka muna," saad ko sa kanya matapos ay binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti sa labi ko.

"GALINGAN MO BIBI! DAPAT KUMITA KA NG MARAMING PERA NGAYONG GABI! MAGBABAYAD KA PA NG UPA AT KURYENTE! HAHAHA!" Natawa na lamang ako sa narinig ko mula sa kanya. Huminga ako ng sobrang lalim bago ko tuluyang isinuot yung aking maskara.

Shendy is one of my colleagues and a close friend of mine at the workplace. We are not sisters by blood, but we are sisters by heart, ika nga. She is two years older than me, and every time I think that my anxiety would kill me, she is the first person I only think I could run to. My life would have been more difficult if in case I did not met her.

Noong unang gabing ipasok ako ni tiya Lany sa kanyang club, siya yung unang lumapit at nakipagkaibigan sa akin. I was like a scared cat on my first week working at the club, but luckily Shendy was there and that made my adjustment to a new environment to be somehow easy and adaptable. She is a free loving soul and a very easy-going person that is why approaching her will never be a problem in her case.

******

I was busy entertaining an old and lonely foreigner at the corner when I noticed that Shendy was waving at me continuously. Her body gesture was telling me that she has this big news ahead of her and that she cannot wait any longer to reveal it to me. I lift a chin to her, assessing her coolly, but then she shot me annoyed look on her face as she folded her arms against her chest.

"Hey Arthur, could you excuse me for a minute? It seems that my co-worker has an important thing to tell me," I said while pointing at Shendy's direction.

"That's totally fine with me, babe. I will just wait for you here," aniya sabay nakangiting nilagok yung malamig na beer na kanyang iniinom.

"Okay. I'll be back. Wait for me, daddy. I can’t wait any longer to spend a great night with you later hihi!" bulong ko sa kanyang tenga tapos ay kinindatan ko pa siya bago ako tuluyang tumayo mula sa upuan. Labag man sa kalooban ko yung mga sinabi ko sa kanya ay wala naman akong ibang magagawa kundi ang lunukin yung pandidiri ko sa aking sarili dahil ito yung klase ng trabahong bumubuhay sa akin ngayon.

"Yeah, sure! I am also looking forward hooking up with you, Magdalena. By the way, you are freaking hot on your red dress, baby! You deserve unlimited spank tonight!" Narinig ko pang sigaw niya habang manakang nakang kinakagat yung ibabang parte ng labi niya sa harap ko. He mentioned my code name at work as if he is tasting it on his own tongue. He looked deep into my eyes with a malicious grin on his face.

"Owwshii! I would love that! Grr!" sabi ko pa at nag flying kiss sa kanya bago napatakbo para lapitan ang kanina pang aligagang si Shendy.

"Bakit mo ba ko tinawag, bakla? Nakita mo na ngang may dinidiskartehan akong malungkot na customer doon oh,” I asked her with a creased forehead.

“Gaga. Bakit mo pa pagtitiisan yung mabantot na matandang iyon eh mas makakadiskarte ka dito sa sasabihin ko,” aniya tapos ay hinila ako sa may sulok upang itago ako kay Arthur na kanina pang malagkit na nakatitig sa katawan ko.

“Bakit ano ba kasi iyon? May umorder ba ng beer?”

"Oo. Pero hindi beer yung order niya. Ikaw yung inorder, bakla!" aniya na mukhang tuwang tuwa pa noong ibalita niya iyon sa akin.