Chapter 20 – Ethan and Felicity.
Naging regular visitor ni Ally si Shanna. Simula nang malaman nito ang sitwasyon niya, she made it a point na pupuntahan siya nito para kwentuhan at palakasin ang loob niya.
Nagkaroon din ito nang malaking ambag sa shelter. At noon ngangbiglang magkaproblema sa sponsor si Ally, nagvolunteer na itong pumalit kahit pa ayaw niya sana.
But Shanna insisted. Hinayaan na lang din niya dahil aminin man niya o hindi, she needed help. Kahit na para na lang humaba lang nang kaunti ang buhay niya. Kahit na para na lang magtatapon ng pera ang kaibigan niya.
"Binisita ko sina Tita at Ky," sabi ni Shanna. Pati ang pamilya niya, inako na rin nito.
"How are they?" She asked.
"Okay naman. Improving si Tita. In fact, nakakakilos na siya sa bahay. And si Ky, ang tataas ng grades niya. Nakakaproud," sagot nito.
Pilit siyang ngumiti. Dahil ang totoo, gusto na niyang umiyak. She missed her family. Andami niyang pagkukulang sa mga ito.
Wala man lang siyang natupad sa mga pangarap nila. She was a failure. She failed them.
"Thank you, Shanna! I will be forever grateful to you..."
"Allison naman eh. Wala 'yon. Kaibigan kita. Isa ka sa mga uunting naging totoo kong kaibigan. Syempre, mahal kita, 'no! Kung alam mo lang. I wish I could still do more for you." Mas nauna itong maluha.
"Sapat na ang ginagawa mo ngayon. Thank you for keeping my secret, Shanna."
Hindi ito tumugon pero kumilos ito para yakapin siya.
"Aalis na ako. Dadalawin kita ulit, okay? Hintayin mo na makabalik ako. Magbabaon ulit ako nang maraming kwento."
***
"Mr. E."
Mula sa ginagawa ay nag-angat ng paningin si Ethan.
His assistant, Michael had just entered his office.
"Have a seat," sabi niya at bahagya ring ibinaba ang monitor ng kanyang laptop para ituon dito ang atensyon. "Book me a flight to New York tomorrow."
"Are you going alone, Sir?" Tanong ni Michael.
Birthday ng kanyang ina in three days. Iyon lang talaga ang sadya niya ro'n. Since becoming known as a Billionaire himself, natutunan na ni Ethan na ang mga event sa buhay ng kanyang pamilya ay isang business opportunity.
Kahit hindi siya close kay Andrea at sa ama, nagpapakita siya sa mga mahahalagang okasyon na mistulang nagiging pagtitipon ng mga malalaking tao sa business world.
And Michael's question was valid. His relationship with Felicity had now reached the business circle. Magmumukhang weird kung makikita siya sa isang okasyon na hindi ito kasama.
"No. Siti is coming with me," sabi na lang niya kahit na tiyak niyang magagalit nang todo sa kanya ang ina kapag nakita nito ang girlfriend niya. "We'll be back at once. And Michael, remember, I need that report about Shanna as soon as I'm back."
"Yes, Mr. E. Would that be all, Sir?"
"Yes. I'm leaving early today. Please prepare everything I need to sign and send it over to my house. Then just pick it up again tomorrow. I may not drop by here anymore."
"Noted, Sir." Tumayo na rin ito at lumabas ng opisina niya.
Binalikan niya ang ginagawa sa laptop at tinapos iyon. He glanced at his wristwatch. Halos alas kwatro na. Kung hindi pa siya aalis ay tiyak na aabutan na siya ng rush hour at male-late na naman siya sa usapan.
Susunduin muna niya si Felicity bago kitain ang mga kaibigan niya. May shooting ito pero kanina pa tapos iyon. Malamang ay naghihintay na lang itong sunduin niya mula sa location.
Ethan and Felicity just got back together. It would be the first time after so many years that his best friends, Zion and Leio would meet her again.
Pagdating sa pagsusunduan niya sa dalaga ay nasa labas na ito at naghihintay. Hindi rin naman kasi karamihan ang tao sa location ng shoot kaya safe ito. Felicity already made herself a name in the show business kaya marami na ang nakakikilala rito. Idagdag pa ang pangalan niya na nakadagdag sa kasikatan nito.
Well, people think that their relationship was perfect. Who would think otherwise?
Wala namang nakaaalam na once upon a time, Felicity left him for Five Million Pesos. But then again, it was already in the past. When Felicity came back a year ago, she showed herself remorseful. Nagsisi ito sa nagawa and even offered to pay him back the money that she got from his mother then. Pero aanhin naman niya ang baryang iyon?
Ang importante, pinagsisihan nito ang nagawang pagkakamali. Kahit pa wala ng magagawa pa ang pagsisisi nito para maibalik ang nawala na.
Then why did he accept her again? He was yet to figure out the answer. Maybe he just wanted a company.
"Ethan," nakangiting sinalubong siya ni Felicity.
"Kanina ka pa naghihintay?" He kissed her cheek then he guided her to his waiting car.
"Hindi naman. Sakto lang ang dating mo."
They drove in silence. Hindi rin naman malayo ang bar na tambayan nilang magkakaibigan.
"I'm nervous. Do you think Zion and Leio would want to see me?" Tanong ng dalaga nang malapit na sila.
"You're with me. Kung gusto ka nilang makita o hindi, wala naman silang magagawa. So, relax." Paniniguro niya rito.
Felicity offered a smile kahit alam niyang kinakabahan ito.
"By the way, it's my mom's birthday the day after the next. Would you fly with me to New York?"
"Yeah, Michael called to inform me. Napaayos ko na ang schedules ko sa manager ko. Good thing na hindi pa masyadong busy so she let me go."
"Good." Tipid niyang sagot.
"Thanks for inviting me, Ethan."
He just smiled habang pahinto na sila sa tapat ng establishment na pakay. He got off and gave the key to the valet. Ipinagbukas na rin naman ng guard ng pintuan sa side nito ng kotse si Felicity.
Ilang sandali pa, they were already ushered sa private booth na lagi nilang inuukopa na magkakaibigan. That bar belongs to Zion's brother kaya VIP sila. Bukod pa iyon sa talaga namang VIP sila kahit saan sila magpunta. Especially, Ethan.
"Mr. E!" pa-exaggerate na sinalubong siya ni Leio ng yakap na akala mo kay tagal nilang hindi nagkita. "Wow, men, hindi ka late ngayon kahit 'andito na kami lahat!" Tukso nito bago pumormal nang batiin ang kasama niya. "Felicity, it's been a long time." Although civil, he moved to kiss Siti on her cheek.
"Leio, it's nice to see you again..." Sabi ni Felicity.
Sa loob ay naroon na rin si Zion at ang girlfriend nitong si Analise na ngayon na lang ulit dinala ni Zion pagkatapos nang dalawang taon marahil. Iyon ay kahit on and off na madalas off ang relasyon ng mga ito.
Ang surprisingly, his cousin, Shanna, who didn't move or say anything to greet them, was also there.
"Why are you here, Shanna?" Siya na ang naunang pumansin sa pinsan habang paupo sila ni Felicity.
"That hurts, Ethan. Why are you asking? Am I no longer a part of the gang?" Tugon nitong ginawa kaagad na big deal ang pagtatanong niya.
Hindi lang naman niya inexpect na 'andoon ito dahil lately, hindi niya ito mahagilap kahit pa working hours. Shanna's working for him under the Finance Department. Bukod pa roon, didn't she hate Felicity with passion?
Why would she spend time with her?
"I was just asking," sabi na lang niya.
"Felicity, I didn't expect to see you here," mayamaya ay sabi ni Analise. Kilala nito ang babae dahil matagal na itong may magulong relasyon kay Zion. Hinayaan na lang niyang mag-usap ang dalawa. After all, they're old acquaintances. But he didn't expect her next question. "Guys, what happened to Ally?"
Nabalot ng tensyon ang paligid. His friends knew better than to bring up a topic about that woman in his presence. Clearly, hindi nasabihan ni Zion ang girlfriend nito.
"Who's Ally?" Tanong naman ng oblivious na si Felicity.
Bago masira ang mood niya, tumayo siya at tinungo ang pinto.