Chapter 15
“JENNIFER, wait lang!” I heard Akira’s called my name.
Napahinto ako sa aking pagtakbo. My heart was beating so fast upon hearing him call my name. Naaalala na niya ba ako? Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at bumungad sa akin ang napakagwapo niyang mukha.
“Ulitin mo nga ang sinabi mo,” saad ko. Naninigurado lang ako kung tama ba ang narinig ko. Baka kasi guni-guni ko lamang iyon.
“Sabi ko wait lang,” saad niya. Lumakad siya palapit sa akin at nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
“Hindi yan. Ulitin mo kung ano iyong itinawag mo sa akin!” May pagka-iritadong saad ko.
“Jennifer? Iyon ba?” Nangingiti niyang tanong.
“Ah, so naaalala mo na ako?” paninigurado ko.
“Ikaw iyong girlfriend ko na parang laging may dalaw,” nang-aasar na tugon niya.
I should be emotional in this situation. Dapat ay umiiyak ako at niyayakap siya dahil bumalik na ang kaniyang ala-ala. Pero kabaligtaran no’n ang aking nararamdaman. Now, I’m pissed dahil sa pang-aasar niya. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay kutusan siya.
“So, totoo nga na sinubukan mong gayumahin ako kanina lang? That was cute, Angel” tumatawang saad ni Akira.
Mariing naipikit ko ang aking mga mata sa sobrang inis. Iyon na yata ang pinaka-nakakahiyang ginawa ko sa buong buhay ko. Pinalis ko ang kaniyang nga kamay na nakahawak sa aking magkabilang balikat. Nang imulat kong muli ang aking mga mata ay tumalikod agad ako sa kaniya at nagsimulang humakbang palayo. Ayokong makita ang nakangisi niyang mukha dahil pinapaalala lang no’n ang pinaka-nakakahiyang nagawa ko sa buong buhay ko. Kahit ako ay hindi ako makapaniwala na aabot ako sa ganito na gagayumahin ko ang sarili kong boyfriend.
“ASAN si Dani?” Nagtatakang tanong ko. Halos isang linggo na rin kaming laging magkasama ni Akira ngunit ni-minsan ay hindi ko na nasilayan si Dani. Masaya ako dahil walang umaaligid na babae kay Akira ngunit nakakapagtaka lang.
Sa pagkakaalam ko ay hindi masyadong naglalayo ang dalawang taong lobona may mate bond. Kung sakali man ay magdudulot iyon ng sakit sa kanila.
“Nasa mundo siya ng mga tao. Doon muna raw siya para maka move-on sa akin.” Nakangiting saad sa akin ni Akira.
Kasalukuyan kaming papunta sa kapatagan upang makausap namin ang kaniyang ama tungkol sa nakaraan. Upang tuluyan na naming malaman ang lahat at masagot ang aming mga tanong. Ang tinatawag nilang kapatagan ay isang napakalawak na lugar dito sa underworld na kung saan ay patag ang lupa at napupuno ito ng berdeng-berde na carabao grass. Ang lugar na iyon ay para lamang sa mga naging Alpha at kasalukuyang Alpha ng lahi namin. Bukod sa Alpha ay tanging ang imbitado lamang ng Alpha sa lugar na iyon ang maaari lamang tumapak.
“Hindi ka ba nasasaktan? Kasi ang sabi ni Kuya Vince kapag nagkakalayo ang dalawang mag-mate ay makakaramdam sila ng sakit sa kanilang mga puso?” tanong ko pa. Habang binabanggit ko ang mga katagang iyon ay parang may bikig sa aking lalamunan. Mabigat sa pakiramdam na malaman na ang taong mahal mo ay nasasaktan dahil sa ibang babae.
“I’m sorry, Jennifer. It’s the mate bond thing, hindi ako iyon,” saad niya sa malumanay na boses. Tumigil kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. He cupped my face and he wipe the tears that had started falling from my eyes. Hindi ko lang talaga maiwasan na masaktan ng sobra every time na mag-o-overthink ako tungkol sa bagay na iyon.
I also did wipe my tears. “It’s okay. Naiintindihan naman kita. Pasensya ka na kung iniiyakan ko pa rin ang bagay na iyon.”
“Naiintindihan din kita. Huwag kang mag-sorry para doon,” pag-aalo niya sa akin at pagkatapos ay kinabig niya ako ng yakap. I hugged him back.
“Tahan na Angel. Baka mapalo ako sa pwet ni Papa kapag inakala niyang pinaiyak kita,” Akira joked. Hindi ko maiwasang matawa at mapangiti dahil sa kaniyang biro.
Mayamaya ay kumalas na rin kami sa isa’t isa mula sa mahigpit na pagkakayakap. Nagsimula na ulit kaming lumakad patungo sa aming destinasyon habang magkahawak ang aming mga kamay.
Pagkarating namin sa lugar ay nadatnan namin ang ama ni Akira na umiinom ng— coke float ba iyon? Nagtatakang napatingin ako kay Akira and then he smirks on me.
“That’s my favorite. Noong nabanggit ko iyan kay Papa noong bumalik na ang ala-ala ay nagpakuha siya sa akin ng ganiyan mula sa mundo ng mga tao. Dati kasi noong namumuhay pa siya bilang isang normal na tao, hindi siya makabili ng ganiyan kasi wala siyang panahon,” masiglang paliwanag ni Akira.
Napasimangot ako. “Bakit naman hindi mo sinabing pupunta ka roon? Edi sana nakasama ako sa’yo. Miss ko na si Wolf at Lorilyn,” saad ko.
He just messed my hair. And he gave me a quick kiss on my cheek. “Atat kasi si Papa, pasensya na. Siya ang sisihin mo,” natatawa niyang saad.
“Huwag niyo naman sa akin ipamukha na nag-iisa lang ako rito at walang kapareha,” biro sa amin ng papa ni Akira na ngayon ay nasa amin na ang atensyon.
Napatitig ako sa mukha ng kaniyang ama. Hindi maipagkakaila na may hitsura siya at kamukhang-kamukha niya si Akira, ganoon din ang asawa niya. Ayon nga sa kasabihan, ang makakapareha mo habang-buhay ay iyong tao namay hawig din sa’yo. May katandaan na ang ama ni Akira ngunit nananatili pa rin ang maskulado niyang katawan. Hindi kagaya ng mga normal na tao sa kaniyang edad ay nangungulubot na.
“Bumalik kana kasi agad doon kay Mama. Kaya ko naman na pamunuan ang buong lahi natin at kasama ko naman na ang aking pinakamamahal na girlfriend at soon to be asawa. Malaki ang maiaambag ng kaniyang kasungitan sa ating lahi,” saad ni Akira at saka tumingin sa akin. Nang makita niya ang nakasimangot kong mukha ay tumawa siya ng malakas. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ng kaniyang ama habang bahagyang napapailing sa kapilyuhan ng kaniyang anak.
NAPAHINTO ako sa aking paglalakad nang makita ko ang isang babae na sinasakal paitaas ang isang batang babae. Halos mawalan na ng hininga ang bata habang mangiyak-ngiyak na nakatitig sa mga mata ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Kami lang ang tao sa paligid sa mga oras na ito.
“Yah!” sigaw ni Akira sa babae.
Nagawi ang tingin sa amin ng babae at basta na lamang niya binitiwan ang batang babae. Lupaypay na bumagsak sa lupa ang katawan ng bata. Kaagad ko siyang nilapitan upang tiyakin kung buhay pa siya. Nakahinga ako ng maluwag nang gumalaw ang kaniyang maliit na kamay upang kumapit sa aking braso.
“Inabala mo ang aking ginagawa. Ngunit mabuti! Dahil may dala kang kapalit. Kapalit na mas malusog at mas bata pa kesa sa babaeng iyan.” Narinig kong saad ng babae.
Mahigpit na kinapitan ko si Akira dahil baka bigla na lamang kunin ng baliw na babaeng ito ang aking anak. Si Akira naman ay panay pa rin ang sigaw niya rito. Nakikipag-usap siya rito sa paraan ng pagsigaw na puro ‘yah’ lang ang maririnig. Tumayo akong muli mula sa pagkakaluhod ko sa tabi ng batang babae at saka ko hinarap ang babaeng iyon. Natigilan pa ako nang tuluyan kong mapagmasdang ang kaniyang napakaganda at napakaamong mukha.
Looks can be deceiving nga naman. Sino naman nga ba ang mag-aakala na kayang manakit ng isang batang babae ang ganitong klaseng pagmumukha?
Iniharap niya sa aking mukha ang kaniyang singsing at sa isang iglap ay lumabas doon ang isang matulis na bagay. Nakita ko ang pagkinang noon ng matamaan iyon ng sinag ng araw. Mayamaya pa ay gumalaw na siya. Itinutok niya kay Akira ang dulo ng patalim at mabilis ang kaniyang kilos na sinugod kami. Kaagad ko iyong naiwasan at binigyan ko siya ng isang malakas na sidekick sa ulo dahilan upang tumilapon siya at mapahiga sa lupa.
My son was almost got killed. At kahit babae pa siya ay papatulan ko siya. This woman is really not in her right mind. Halos mapatay niya na iyong batang babae kanina at ngayon naman ay ang aking baby ang kaniyang pupuntiryahin. Hindi ko mapigilan na sumabog sa galit.
“Sa wakas ay nahanap na rin kita!” Biglang saad ng babae ng awtomatikong humarap akong muli sa kaniya. Nakaramdam ako ng pagkabigla dahil sa nabungaran ko, idagdag pa na bigla-bigla na lang siyang nagsasalita.
Maayos siyang nakatayo sa harapan ko. May malawak na ngiti sa kaniyang mga labi na nakukulayan ng itim na lipstick. May humihila sa akin na tumitig sa kaniyang mga mata. Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Nakita ko kung paano magbago ang kulay ng kaniyang mga mata. Naglalaban ang lila at itim. Kasunod no’n ay ang pagkawalan ko ng malay.
Nang magising akong muli ay nasa isang di-pamilyar na lugar na ako. Nasa isang malawak na damuhan ako habang nakahiga. Kaagad akong bumangon nang maalala ko si Akira. Nakita ko si Akira na karga-karga ng babae kanina.
“Sit, Mr. Dela Cruz!” Utos sa akin noong babae na akala mo naman ay susundin ko. Ngunit nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Hindi ko makontrol ang aking katawan at ginawa nga nito ang sinabi niya.
Mayamaya ay sumulpot sa tabi niya ang isang malaki at mukhang mabangis na lobo. Teka, bakit kasama niya ang hayop na iyan? Ayon sa aking napag-alaman ang lobong nasa harapan ko ngayon ay ang tinatawag sa pangalan na King. Siya ang naitalang pinaka-mabangis na lobo sa buong mundo at matatagpuan lamang ito sa malawak na kagubatan ng Africa. Walang nagtagumpay na mahuli ito at bihirang-bihira itong matagpuan at kung magkaganoon man ay wala pang isang minuto ay kaagad na itong mawawala sa iyong paningin.
“Sino ka? Anong gagawin mo sa amin ng anak ko?” Pagalit na tanong ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi man lamang siya natinag.
“Quiet,” malumanay na saad niya.
Bumaling siya sa lobo na nasa tabi niya. “Go,” saad niya rito.
Nangunot ang noo ko sa sunod kong nakita. Nakita ko ang paglabas ng putting usok mula sa katawan ng lobo na humuhugis kagaya ng pisikal na anyo nito. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at naramdaman ko ang pagpasok nito sa aking katawan. Naramdaman ko ang pagbabago ng aking anyo na nagdudulot ng matinding sakit sa akin. Tila nakikipaglaban sa akin ang lobo sa pagkontrol sa aking katawan. Sa huli, siya ang nanaig.
“ANDOON lang ako. Wala akong magawa ng kagatin ng anyong lobo ko si Akira. Wala rin akong magawa ng paslangin ng lobo namin ni Akira ang iyong mga magulang Jennifer. At ang babaeng iyon, matapos mamatay ng iyong mga magulang ay sa hindi ko malamang dahilan ay naisaad niya sa akin ang lahat ng tungkol sa kaniya,” pagkwekwento sa amin ng ama ni Akira. Kaagad na pinahid ko ang isang luha na kumawala mula sa aking mata.
“Ibig sabihin mo ba Pa, na tayo ang kauna-unahang taong lobo?” tanong ni Akira. Napatingin din ako sa kaniyang ama at nahihintay ng kaniyang isasagot.
“Oo, anak. Hindi rin naman nagtagal at kaagad na napaamo ko rin ang aking lobo. Ginawa ko ang lahat para hindi pa umabot sa puntong ang iyong ina naman ang aking masaktan o mas malala pa ay mapatay,” tugon nito.
Bumaling sa akin si Tito. “Sigurado ka bang hahanapin mo si Amara? Mukha kasing napaka-imposible no’n. Siguro ay halos mahigit labin-limang taon ng hindi ko nakikita si Amara ngunit nananatili pa rin ang kaniyang kapangyarihan sa amin at sa lugar na ito”
Desidido kong sinalubong ang kaniyang mga mata. Hindi ako nagpunta rito para sa wala lang. Galit na lamang ang emosyon na nararamdaman ko para kay Amara at kahit pa gugulin ko ang buong buhay ko sa paghahanap sa kaniya, ay gagawin ko. I want her to suffer in my bare hands and I want to be the one to take her worthless life.
“Mahahanap ko po siya!” desididong sagot ko. Sa huli ay napatango na lamang sa akin si Tito.
Tumayo siya at nagtungo sa harapan ko. Ibinuka niya ang mga palad habang mangiyak-ngiyak sa aking harapan. Tumayo rin ako sa kinauupuan kong silya at niyakap siya ng mahigpit.
“I’m sorry, Angel,” paghingi niya ng tawad.
Napangiti ako nang tawagin niya akong Angel kagaya ni Akira. “Patawad din po kung napatay ko na minsan ang anak niyo,” paghingi ko rin ng tawad.
“Pinatawad na kita, matagal na,” malambing niyang saad at marahan niyang hinagod ang aking likod. Nagsimula akong umiyak dahil sa saya at kagaanan na nararamdaman ko sa aking dibdib.
“Pasali naman sa hug niyo, daya!” Tila nagmamaktol na saad ni Akira.