Chapter 14

“Bumabalik na ba ang iyong buong lakas?” tanong sa akin ni Papa sa pagitan ng aming pagkain sa harap ng hapag-kainan. Napatigil ako sa aking pagsubo at bahagyang tumingin sa gawi niya.

“Hindi pa po masyado,” tugon ko at saka ko lamang muling ipinagpatuloy ang aking pagkain. Nagharing muli ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Kasalukuyang kami lamang ni Papa ang kumakain ngayon ng gabihan. Dapat ay kasalo namin ngayon si Dani ngunit nakiusap muna ako sa kaniya na ibigay niya muna sa aming dalawa ni Papa ang gabing ito. Ang totoo niyan ay gusto ko munang lumayo mula kay Dani. Mas gugustuhin ko ito kesa sa magkasama kami ngunit hindi naman isang nobya ang trato ko sa kaniya kundi isang kaibigan lamang.

Nang magising ako isang araw, pakiramdam ko ay may nakalimutan ako o may naiwanan ako na hindi ko malaman kung ano. Bagay ba iyon, tao o isang ala-ala? Simula noong araw na iyon ay parang lagi na lang akong nangangapa. Parang laging may kulang sa akin. Nakadagdag pa ang pagsulpot noong babaeng iyon sa buhay ko. Hindi ko ikakaila na may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag para sa kaniya. Lalo pa noong makita ko ang kaniyang ngiti na tila ba matagal ko na iyong nasilayan. Sino ba siya sa buhay ko?

“May gusto ka bang itanong o sabihin sa akin, anak?” Biglang tanong ni Papa. Napatigil akong muli sa aking pagkain. Tuluyan na akong lumingon sa kaniya. Nakatingin siya sa akin at hinihintay ang aking sasabihin.

Nakakapagtaka. Bakit ang pakiramdam ko ay ngayon lamang ulit kami nagkita ni Papa. At itong lugar na kinaroroonan namin ay bago lamang sa aking paningin. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag ang aking nararamdaman. Ito iyong tipo na alam ko na ang lahat sa lugar na ito ngunit parang ngayon lamang ako nakaapak rito.

“Pa, paano mo nalaman na si Mama talaga iyong mahal mo? Diba may itinadhanang mate din para sa’yo?” Naitanong ko kay Papa.

Napangiti siya sa aking tanong. Itinigil na niya ang kaniyang pagkain dahil sakto at tapos na siya. Pinunasan niya ang kaniyang bibig gamit ang tuwalya na nakalagay sa gilid ng kaniyang plato at pagkatapos ay bumaling siyang muli sa akin.

“Simple lang. I’m sexually attracted to her. I care for her and I badly want her close to me every time. And there comes the special and last that will tell you if you truly love your partner and it is the feeling of being committed to her no matter what your differences at kahit gaano pa kabigat ang pagsubok na darating sa inyo ay mananatili kayong nakakapit sa pag-ibig niyo para sa isa’t isa. Iyong kasi namang sa mate, ang mararamdaman mo lamang sa kaniya ay iyong dalawang naunang nabanggit ko. Bakit mo nga pala iyan naitanong?”

“Papa, gusto ko po sana ng totoong sagot mula sa inyo. May minahal na ba akong babae?” Diretsahang tanong ko sa kaniya habang sinasalubong ko ang kaniyang tingin.

Nakita kong natigilan siya sa aking naging tanong. Nanaig ang matinding katahimikan sa pagitan namin.

“Nabanggit sa akin ng iyong Mama na may minahal ka ngang babae sa mundo ng mga tao,” pag-amin ni Papa.

Kumirot ang puso ko nang malaman ko iyon. Nagsimulang manikip ang aking dibdib dahilan upang mapakapit ako ng mahigpit sa kutsara na hawak-hawak ko. Kaagad akong dinaluhan ni papa ng makita niya ang naging sitwasyon ko.

“Anong nangyayari sa’yo?” Nag-aalalang tanong niya.

“Asan siya? Bakit hindi ko siya maalala?” Naluluhang tanong ko. I knew it! Hindi nagkakamali ang nararamdaman ko.

“She killed you. Iniligtas ka ni Dani at binuhay kang muli. Sa ikalawang buhay mo ay malilimutan mo ang lahat ng nangyari sa nakaraang buhay mo. Ngunit maaari iyong bumalik ngunit walang kasiguraduhan kung kelan mangyayari iyon,” sagot ni Papa sa akin.

Sinubukan kong alalahanin siya ngunit wala talaga. Bakit naman niya ako magagawang patayin? Bigla ay naglaro sa isipan ko iyong babae na una kong nakita sa pamilihan. Hindi kaya siya iyong babae? Ngunit imposible dahil kahit may nararamdaman akong kakaiba sa puso ko kung paano siya ngumiti sa akin ay naiinis ako sa kaniya. Ang kulit kasi niya! Sunod nang sunod sa akin!

“Anong pangalan niya?” dagdag na tanong ko.

“Itanong mo ‘yan kay Dani. Mas mabuting sa kaniya mo na iyan itanong at nang mapag-usapan na rin ninyo ang tungkol diyan,” saad ni Papa. Tinapik pa ni Papa ang aking likod bago niya ako tuluyang iniwan.

“I SEE. Mukhang bumabalik na ang ala-ala mo.” Mahinang saad ni Dani habang nakatanaw sa kabuuan ng siyudad.

Nasa rooftop kami ng kastilyo ni Papa. Dito ko siya inaya upang makapag-usap kami ng masinsinan. Kahit papaano ay makakagaan ng aming kalooban ang malawak at magandang senaryo sa baba. Alam na niya agad kung ano ang idinayo namin rito upang pag-usapan. Ang sabi niya ay nabanggit na iyon ng aking ama sa kaniya.

“I’m sorry, Dani,” sinserong paumanhin ko.

Tiningnan ko siya. Nanatili lamang ang kaniyang tingin sa ibaba. Naisip ko na sana itinadhana na lamang siya sa ibang lobo na kayang suklian ang kaniyang totoong pagmamahal. Hindi maikakaila na mala-diyosa ang kaniyang kagandahan at busilak ang kaniyang kalooban kaya naman nararapat lamang siyang itadhanang Luna ng sunod na magiging Alpha.

Ngunit hindi ko maibibigay ang nararapat na pagmamahal sa kaniya. The feeling of our mate bond was strong. Nararamdaman ko iyon. The feeling to mate with her under the full moon and the feeling to keep her safe. Ngunit kahit saan tingnan ay mas matimbang pa din ang pagmamahal ko sa isang tao na hindi ko na maalala.

“She killed you. Do you still love her?” tanong niya at saka lamang lumingon sa akin.

Iyan din ang naitanong ko sa aking sarili nang iwan ako ni Papa noong nakaraang gabi matapos niyang ibunyag ang tungkol diyan. And yes, mahal ko pa rin siya at iyon ang tanging nararamdaman ko.

“Her name is Jennifer. Matagal ko na kayong pinagmamasdan mula sa malayo. Akala ko puppy love lang iyong sa inyo kaya hindi ko masyadong dinamdam ng sobra. At alam ko sa sarili ko na at the end of the day sa akin pa rin ang bagsak mo. Simply that’s because I am your mate and you are my mate. Ang akala ko, sa akin mo talaga mararamdaman iyong totong pagmamahal kasi naramdaman ko agad iyon sa’yo kahit hindi mo pa ako nakikita o nakikilala. I had love you from afar since we were just a kiddo,” pag-amin niya na ikinabigat ng nararamdaman ko.

“Alam mo, tama lang ang desisyon mo na manatili sa pagmamahal mo sa kaniya. Iyong nagawa ka niyang patayin? Hindi niya iyon kagustuhan, sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana sa atin,” dagdag pa niya at saka niya muling ibinalik ang tingin sa tanawin sa ibaba.

“Thank you!” saad ko sa kaniya. Kahit papaano ay nakagaan ng aking kalooban ang pagsasabi ng mga katagang iyon sa kaniya.

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. “You’re always welcome!” Matamis ang kaniyang pagkakasabi.

“Mahahanap mo rin ang para sa iyo,” saad ko at nakitingin na rin ako sa kaniya sa ibaba.

“When that time comes, I’ll gonna punch him on his face for making me wait so long and stupidly loving you,” kunwari ay inis na saad niya sa akin na ikinatawa ko.

IT’S BEEN almost a week na akong nagpapansin kay Akira ngunit wala pa ring senyales na naaalala na niya ako. Hindi ko na kaya! Naiinip na talaga ako. Napasuntok na lamang ako sa aking unan ng sunod-sunod at madaming beses dahil sa sobrang inis.

Napatingin ako sa tabi ko. Tanging unan lamang ang nakita ko. Na-miss ko tuloy si Wolf. Sana nakakausap ko siya ngayon at nayayakap man lamang. Magagawa ko sana ang magbato ng unan sa sahig dahil nakakagaan iyon ng pakiramdam kaso wala naman si Wolf na siyang taga pulot. Hinabilin ko muna siya kay Lorilyn. Ang sabi ko sa kaniya ay may importanteng kailangan asikasuhin si Ate tungkol sa ipapatayong branch ng kanilang kumpanya sa ibang bansa at doon muna kami maninirahan ng mga isang taon. Dapat ngayon ay nag-aaral na ako para sa 1st year college ko kasama si Lorilyn kaso naudlot. Buti nga pumayag din sa huli ang babaeng iyon na mahiwalay ako sa kaniya.

Napahilata na lamang ako nang mapagod ako sa ginagawa ko. Kaharap ko na naman ngayon ang kisame ng aking pansamantalang tutuluyan na kwarto. I was thinking of what should I do to make Akira’s memories come back. Ginawa ko na yata ang lahat ng uri ng pagpapansin sa kaniya. Ngunit paminsan-minsan ay nauuwi ako sa pagiging pikon sa kaniya.

Wait, should I make a magic potion na ba? Ito na ang naiisip ko na pinakamadali at sa tingin ko ay pinakamabisang paraan upang ibigin niya akong muli. Kaso hindi nga pala iyon nakakapagpabalik ng ala-ala. Pero mas okay na iyon para tigilan na niya ang pagdikit-dikit niya roon sa Dani na iyon. Baka mamaya mauwi pa kung saan iyon. Ayon kay Kuya Vince, malakas daw ang physical attraction na nararamdaman ng dalawang taong lobo na may mate bond. Pigilan mo ‘yan Akira! Malalagot ka talaga sa akin kapag nalaman kong may nangyari sa inyo!

Wala na akong sinayang na oras pa. Kaagad akong bumaba sa kama at saka dali-daling nagtungo sa kwarto ni Ate. Hindi na ko kumatok sa kaniyang pinto at dire-diretsong pumasok ako sa kaniyang kwarto. Mabuti na lamang at hindi pa siya natutulog ng mga oras na ito. Naabutan ko siyang lumulutang sa ere habang nasa posisyon ng buddha style. Iba din ang trip ng isang ‘to!

“Sigurado ka ba diyan?” Nakakunot ang noong tanong ni Ate matapos kong sabihin sa kaniya ang aking balak. Gusto kong gawan niya ako ng magic potion na ipapainom ko kay Akira.

“Sige na ate! Pumayag ka na,” pamimilit ko pa.

Nag-isip muna siya ng matagal bago tuluyang pumayag sa kagustuhan ko. Kahit naman anong pagtanggi niya ay alam niyang hindi ko siya titigilan hangga’t hindi siya pumapayag. Saglit na iniwan ako ni Ate at pagbalik niya ay may iniabot siya sa akin na papel na naglalaman ng twenty-five na uri ng halaman. Tiningnan ko siya ng may pagtatanong kung anong gagawin ko dito.

“Hanapin mo ang lahat ng halaman na ‘yan. Huwag kang mag-alala meron niyan lahat dito. Ian ang kakailanganin na sangkap upang makagawa ng magic potion,” paliwanag ni Ate. Napatango-tango na lamang ako habang tinititigan ang papel. Ni isa yata rito ay hindi ko alam ag hitsura.

“Pwede mo nang simulan ang paghahanap niyan. Bumalik ka dito kapag nakumpleto mona,” dagdag pa niya. Inaasahan niya ba na ngayong gabi rin mismo mahahanap ko ang lahat ng ito?

“PATI ba naman dito?” Iritadong tanong sa akin ni Akira ng pagsilbihan ko siya ng isang barakong kape.

Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatitig siya sa akin. Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba at excitement. Matapos kong mailapag sa ang tasa ng kape sa lamesa na nasa harap niya ay hinarap ko siya ng may ngiti sa aking mga labi. Bigla ay naituro niya ang hintuturo niya sa mukha ko na ikinagulat ko.

“Hoy ikaw babae! ‘Yang mga ngiti mo nakakaduda!” saad niya. Bigla akong nanlamig. Baka hindi pa matuloy ang aking plano. Hindi ko naiwasan ang mairapan siya dahil sa inis.

“Inumin niyo na lang po mahal na Alpha ang inyong kape. Tumawag na lang po kayo kung may kailangan kayo at babalik na po ako sa aking trabaho,” madiin ang mga salitang binitiwan ko.

Natigilan ako sa balak ko sanang paghakbang nang iangat niya na ang kape. Inamoy niya muna iyon bago muling tumingin sa akin. Ngayon ay may ngisi na sa kaniyang mga labi.

“May lason ba itong kape na inihain mo sa akin?” Nangingiti niyang tanong. Inirapan ko siyang muli sa pangalawang pagkakataon.

Tinalikuran ko na lamang siya at nakakailang hakbang pa lamang ako palayo sa kaniya ay napatigil na naman ako ng marinig ko ang sinabi niya.

“Akala mo ba ay hindi ko alam na may gayuma ang inuming ito?” Malakas na sambit niya na nakapag patigil ng tibok ng puso ko.

Nakatingin na sa amin ang lahat. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at parang gusto kong lamunin na lang ng lupa sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa sobrang kahihiyan. Paano nalaman ng lobong ‘to? Sinigurado ko kay Ate na ikubli ito sa pang-amoy ng lobo.

Hindi ko na nagawa pang umimik. Bumilang ako ng tatlo bago tuluyang kumaripas ng takbo palabas ng coffee shop. Para akong hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis ng takbo ko. Oo, coffee shop nga ang pinanggalingan ko. Nag-a-adapt din sila ng mga bagay na meron sa mundo ng mga tao.