Chapter 3 Leave

ARIANA FUENTES

Mariin na hinawakan ko ang kumot na tumatakip sa aking kahubadan. Ilang ulit akong lumunok sa naririnig na pagragasa ng tubig mula sa banyo.

'Ang tanga ko. Ang tanga, tanga ko.'

Kanina ko pa rin sinisisi ang sarili sa katangahan na aking ginawa. Nauna akong gumising pero kaagad din na nagising ang lalaki. Nagpanggap akong tulog para hindi niya malaman na gising na ako. Halos sabay lang kami na nagising. Wala akong mukha na maihaharap sa kanya. Natatakot akong makita niya ako na gising. Pero mas natatakot akong malaman ni Papa ang katangahan na aking nagawa.

Muli akong humikbi. Pinunasan ko ang mga luha na kanina pa lumalandas sa aking mukha.

Kahit masakit ang katawan, pinilit ko pa ring tumayo at kunin ang damit ng binata na nakakalat sa sahig. Wala na akong dress maging ang panty ko. Punit na ang mga ito. Pinunit ng lalaking iyon.

Mabilis kong sinuot ang damit niya pati na rin ang boxer short nito. Matapos iyong magawa, nagkukumahog akong makalabas sa kwarto nito. Ngunit bago ko pa man mapihit ang seradura, napasinghap na lang ako ng may matipunong braso na pumulupot sa aking bewang at mabilis akong itinulak pabalik at pa-upo sa kama. Ang batak nitong braso ang nakapagpabalik sa akin muli sa kama.

Nanlaki ang mga mata ko at tulalang napatitig sa madilim na itsura ng lakaki. Malakas ang pagtibok ng aking puso. Para akong nabato sa kinalalagyan at muling nahipnutismo na naman sa kanyang magaganda na mata.

Ang basa nitong buhok ay tumutulo pa pababa sa noo nito papunta sa pisngi bago naglandas sa leeg nito. Napasunod doon ang aking paningin. Sa maganda nitong pangangatawan hanggang sa tubig na tumutulo pababa sa maliit na towel na nakatakip sa kaselanan nito. Marahas akong lumunok at muling nagtaas ng tingin sa mukha ng lalaki.

Nakakaliyo ang mariin niyang pagtitig sa akin. Tipong sa likod ng kanyang mga titig, isang sekreto ang nagtatago.

"Where the h-ll are you going, baby?" Madiin at nang-uuyam nitong sabi.

Napalunok ako. "U-uwi na po ako..." mahina at utal kong sabi.

"Ouch naman, baby ko. Po? Parang ang tanda ko naman na. Twenty-six palang ako."

Bahagya siyang tumawa. Lalo akong humanga sa simpleng pagtawa nito. Nakakaakit ang bawat kilos na ginagawa niya. Ang baritong boses niya ang lalong nakakapagpadagdag sa atraksyon na nararamdaman ko sa kanya.

Bayolenteng lumunok ulit ako. Bumuka ang bibig ko para sana magsalita pero nahigit ko ang aking hinga nang ilagay niya ang magkabilaang braso sa aking gilid at inilapit ang mukha kapantay sa aking mukha.

Napamura ako sa isip ng gahibla na lang at mahahalikan niya na ako.

"You stay here..."

Humigpit ang kapit ko sa kobre kama nang itagilid nito ang ulo. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niyang tumatama sa aking leeg.

"You smell so good, baby..."

Lalong humigpit ang hawak ko sa kobre kama. Naipagdikit ko ang mga hita sa kiliting hatid ng ginagawa niyang panaka-nakang halik sa aking leeg papunta sa aking tenga. Napapitlag pa ako ng kagatin niya ito. Pumikit ako ng mariin. Hindi ako makahinga sa kanyang ginagawa.

"Stay here... I'll get first our food then we'll talk."

Wala sa sariling tumango ako. Suminok ako nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Napadilat ako at napahawak sa aking dibdib. Hinihingal na hinabol ko ang aking paghinga. Kanina ko pa ito pinipigilan. Nakakahigit ng hininga ang presensya ng lalaking iyon. Natutuliro ako. Ni hindi ko nga alam ang kanyang pangalan. Ang tanga ko talaga at mabilis akong bumigay sa lalaking iyon.

Hindi ko sinunod ang sinabi ng lalaki. Ilang minuto pag-alis niya, umalis rin ako. Lakad, takbo ang ginawa ko para lang maka-alis kaagad sa hotel na iyon. Takot na baka makita ako ng lalaki at hindi pa-alisin.

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapanatili pa nito sa hotel suite na iyon. Siguro'y nais niyang pag-usapan ang nangyare sa amin. Hindi naman na kailangan. Hindi naman ako maghahabol sa kanya kahit pa siya ang naka-una sa akin. Ang gusto ko na lang ngayon ay makauwi sa bahay. Sigurado akong galit na galit na sa akin si Papa.

Mariin kong nakagat ang labi ng makarating sa bahay. Alas-nuebe na ng umaga at siguradong patay ako nito kay Papa. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay pero tahimik na kapaligiran ang bumungad sa akin.

Napabuga ako ng hangin at napangiti. Walang Papa na bubulyaw sa 'kin at walang Kuya Enzo na manggagatong kay Papa. Ang Kuyang basagulero ko na panget na nga, mayabang, loko-loko pa. Tsk. Manang-mana kay Papa.

Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto at doon nagbihis. Napahikab ako at bagsak ang katawan na nagtungo sa maliit kong kama. Pagod na pagod ako.

Hindi ako pinatulog ng lalaking iyon. Kada ata isang oras ay kinakalabit niya ako. Pakiramdam ko kapag saglit akong nag-iiglip, gigisingin niya ako para muling angkinin. Ang hilig ng lalaking iyon.

Pumikit ako. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Tamad na bata!"

Bumalikwas ako ng bangon sa malakas na kalampag ni Papa sa pintuan ng aking kwarto. Nanlaki ang mga mata ko at tarantang binuksan ang pintuan.

"P-papa..." hinihingal na sabi ko. Bakas sa aking mukha ang takot sa kanya.

"Ikaw na bata ka! Saan ka ba nagpunta kagabi, hah?! Pinagod mo 'ko sa kakahanap sa 'yo! Inabot na ako ng tanghale tapos nakauwi ka na pala!"

"A-ano po... s-sorry Papa. u-umuwi na ako ng hindi kita makita." Kinakabahang ani ko. Napacross finger pa ako na sana hindi siya magduda.

"Wala ka talagang kwenta. Ano na? Naseduce mo ba si General?" Galit na sabi nito.

"H-hindi ko na po siya nakita kagabi."

Mariin itong pumikit at nagliliyab ang mata nang magbukas ulit ito. "Sus maryosep! Wala ka talagang kwenta!" Napapikit ako ng mariin nang ambang sasampalin niya ako. "Nanggigigil ako sa'yong bata ka!" umasik ito kaya napadilat ako pero ang papalayong likuran na lamang niya ang aking nakita.

Humugot ako ng malalim na hininga at napahilamos sa mukha. Bumuntong-hininga na lang ako bago isinara ang pintuan at doon nagmukmok sa kwarto habang nasa bahay pa si Papa at hindi pa umaalis.

ISANG BUWAN ang nakalipas mula ng mangyare ang katangahan na nagawa ko sa hotel. Sa isang buwan na iyon, hindi na rin ako kinukulit ni Papa tungkol sa pagseduce kay General Ryker. Naging busy ito sa kanyang trabaho. Ang kuya Enzo naman ay laging wala. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Pabor iyon sa akin dahil walang nangungulit, nanunumbat, at sumisigaw sa akin.

Akala ko matapos no'n magiging normal na ang lahat at babalik na ako sa dati na puro pasok sa school na lang ang inaatupag. Pero.... nitong mga nakaraan, mabigat ang katawan ko. Para akong may sakit. Lagi akong inaantok at nagsusuka kapag hindi ko nagustuhan ang amoy ng pagkain. O di kaya lasang mapait ang ibang pagkain. Natatakot ako na baka may malubha na akong sakit. Hindi rin ako makapagsabi kina Papa dahil panigurado pagsasalitaan na naman niya ako ng masasakit na salita.

Napatakbo ako sa kusina at doon sumuka na naman. Katulad ng dati puro laway lang naman ang isinusuka ko. Dausdos akong napaupo sa sahig at umiyak ng umiyak. Nahihilo ako. Araw-araw na lang ganito ang pakiramdam ko. Tipong pagod na pagod talaga ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lang sa sama ng pakiramdam ko.

Pinilit ko ang sarili na bumalik sa aking kwarto at doon magpahinga. Nakaready na ako sa pagpasok sa school pero tinatamad na naman ako at masama ang pakiramdam. Nagpapasalamat na lang talaga ako at tapos na ang finals at graduating na ako bilang teacher.

Humiga ako sa kama at mabilis na nakatulog. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta nagising na lang ako ng hating-gabi at niyuyugyog ni Kuya Enzo ang mga balikat ko.

"Gising, brat!"

Pupungas-pungas akong umupo sa kama at nagtatakang napatitig sa naiirita nitong mukha.

"Kuya?" Nagtatakang tanong ko. Sobra ang pawis nito sa noo. At bakas rin ang takot sa mukha niya.

"Bumangon ka na diyan! Dalian mo!"

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko na lalong ikinainis nito.

"ARIANA FUENTES BUMANGON KA NA DIYAN!"

Halos mapatalon ako sa malakas na sigaw ni Papa. My heart pounded even more when a horrible look in his face are visible. Saka ko lang siya napansin na nandito rin sa loob ng aking kwarto at aligagang naglalagay ng damit ko sa isang bag. Katulad ni kuya, bakas rin sa mukha nito ang takot.

Napatayo ako sa gulat. Kinabahan ako sa kanilang itsura lalo na ang paglalagay ni Papa ng mga damit ko sa aking bag.

Papalayasin ba nila ako? Takot ang lumukob sa akin.

"P-papa, b-bakit-"

"Wala ng maraming tanong! Kailangan na nating makaalis kaagad!"

Takot man at may pangamba. Tumulong ako sa paglalagay ng damit ko sa bag. Hindi ko alam ang nangyayare. Basta sa gabing iyon, umalis kami sa aming tinitirahan ng walang kahit na sinong kapitbahay ang nakakaalam. Tipong may tinatakasan kami na hindi ko alam kung ano o sino.

'May pinagkakautangan ba si Papa at Kuya Enzo kaya kami aalis? Balak ba nila itong takasan?'