CHAPTER 24: Busy

OLIVIA

Sobrang busy ni brent, laging madaling araw siyang umuuwi. Sabi ko sakanya baka naman pwedeng mag pahinga siya pero sabi niya kailangan niyang mag trabRaho para saakin, kaya heto ako naisipan kong puntahan siya sa kompanya niya at dalhan sila ni diego ng pagkain.

“ go on… eat all you can” napa hinto ako si nancy, nagpapakain sa empleyado ni brent.

“ mam ang swerte naman ni sir sayo, masarap na nga mag luto mabait pa” ang lawak ng ngiti ni nancy.

“ kung ako kay sir hindi na ako maghahanap pa ng iba” sabi naman ng isa.

“ ay naku hindi niyo masasabi sa panahon ngayon, may mga ibang babae diyan na gagawn ang lahat makuha lang ang gusto” sabi naman ni nancy sabay tingin saakin, napansin niya pala ako.

“ what are you doing here?” si brent at diego, lumapit si nancy at niyakap siya sabay dampi ng halik na agad naman inilayo ni brent ang sarili.

“ napaka mahiyain mo parin hubby” may pahampas pa si nancy.

“ olivia come with us” tinignan ako ng mga empleyado niya, nag lakad ako pero bigla na lang nasa harapan ko na si nancy at sinampal ako ng ubod na lakas.

“ have some dignity you wild cat!”

“ nancy!!” lumapit saakin si brent.

“ im going to sue you both!!! Akala mo mananahimik lang ako?!” galit na sabi ni nancy

“ then im going to file a case too against you, for killing my lolo” nanlaki ang mata ko, tinignan ko si nancy na namutla.

“ don’t try me nancy dahil hindi mo pa alam kung ano kaya kong gawin” hinila niya ang kamay ko papaalis sakanila, tahimik lang kami sa may elevator hanggang pumasok sa opisina niya.

“ bakit hindi mo sabihin na pupunta ka dito?!!” nagtaas siya ng boses

“ dadalhan ko lang kayo ng food ni diego, maaga ka—”

“ were eating olivia… okay kami kaya don’t waste your time” inis niyang sabi.

“ sorry… hindi na mauulit” inirapan niya ako.

“ aalis na ako, heto paki tapon na lang” inilapag ko sa mesa niya ung dala kong pagkain nila, tumulo na lang ang luha ko

Nasampal na nga ako, napasama pa ako. Concern lang naman ako dahil hindi siya kumain nong umaga tapos huwag akong mag aksaya ng oras, aba hindi naman siya basta basta na tao kaya paglalaanan ko siya ng oras!

Naglakad ako ng mabilis habang papalayo sa kompanya niya ng maka bunggo ako, humingi ako ng sorry at nag patuloy nag lakad ng may humablot sa braso ko.

“ benjie”

“ ang sakit ng balikat kong binuggo mo” ngiti niyang sabi.

“ baka gusto mo magkape pang palamig ng ulo??” yaya niya, tumango ako.

---

“ you love him??” tinignan ko siya, napaka seryoso niya.

“ niyaya din kita pero bakit siya ang pinili mo?” dugtong niya

“ maski ako hindi ko alam benjie” sagot ko

“ there is always a reason olivia, dahil hindi ka papayag kapag walanv rason” sagot niya, napa buga ako ng hangin.

“ may rason man o wala tapos na kaya go with the flow” sabi ko

“ kahit inaapakan kana??” tanong niya.

“ pinili ko ito benjie kaya tiisin ko kung ano man ang mangyari” napailing siya.

“ olivia andaming pwedeng sagot sa lahat ng problema, itong ginawa mo panandalian lang na kasagutan at dinagdagan mo pa ang problema mo”

“ maaga pa olivia, I can give you a money to start a new habang hindi pa sira ang buhay mo” gusto ko sana pero paano naman ung mga perang nagamit ko at ginamit niya para kay lola at sa anak ni vince, hindi naman biro ang perang iyon at isa pa nangako ako mananatili ako sa tabi niya.

“ salamat benjie pero huli na, andito na ako kaya ituloy tuloy ko na” sagot ko.

“ olovia ito ba ang pangarap mo sa buhay ang maging kabit?? Olivia ano na lang ikukuwento mo sa anak mo? Hmmm? Na naging kabit ka??”

“ ahm mauuna na ako, may kikitain pa ako” tumayo na ako at dali daling lumabas, oo alam ko naman na mali ito pero nahulog na ako kay brent tsaka paano na lang ung baby ko.

Isa sa dahilan kung bakit ko siya pinuntahan at dinalhan ng pagkain ay dahil nalaman ko lang nong umaga na buntis ako, kaya heto ako pupunta sa ob gyne para I confirm kung hindi ako nagkakamali.

Kung totoo man, huli na para umatras… ayokong maranasan ng anak ko ang buhay kong napaka hirap. Kung kaya ko naman mag tiis bilang kabit gagawin ko para lang maibigay ang magandang buhay para sa anak ko.

“ miss olivia kayo na po ang sunod”

---

BRENT

Nasobrahan ko ata kanina kay olivia, pagod kasi ako naiinis ako dahil sa pinag gagawa ni nancy. talagang pilit niyang ibinababa ang kompanya, tumayo ako para umuwi na. kailangan kong mag sorry kay olivia, hindi ko syia dapat pinagalitan.

“ manang” dali daling lumapit ang kasambahay namin.

“ si olivia? “ tanong ko.

“ simula nong umaga po hindi pa ho siya bumabalik” kumunot ang noo ko, kinuha ko ang phone ko para tawagan siya.

Hindi niya sinasagot…mukhang masama pa ang loob niya sa sinabi ko, tinawagan ko uli siya ng napansing kong umuulan na.

“ shit”

Hihintayin ko na lang siya sa waiting shed, kumuha ako ng payong at lumabas para hintayin siya. Palakas ng palakas ang ulan pero wala parin siya tsaka magdidilim na, paulit ulit kong tinitiignan ung oras ko at naiinis na ako, saan ba siya nag punta!!!

May humintong bus, si olivia… damit pa lang kilala ko na, pagkababa niya nagulat siyang andon ako.

“ anong oras na, ngayon ka lang uuwi??”

“ kanina ka pa??” pinagpag niya ung ulan sa damit ko.

“ oo” tumango siya.

“ tara.. gagawan kita ng hot choco” ngumiti siya ng tipid, nawala tuloy ung inis ko. Sa pag aasikaso niya saakin nakakawala ng pagod.

“ payakap muna” niyakap niya ako ng mahigpit pero bakit umiiyak na siya?