CHAPTER 23: Investor
OLIVIA
Ung tatlong araw naging isang buwan na bakasyon, kung tutuusin kulang pa pero dumating na daw sa pinas ung investor ni brent kaya need niya ng bumalik.
“ so anong plano mo for today?” tanong niya.
“ maghahanap ako ng place para sa plano nating cake shop” handa kasi siyang pumunda sa gusto kong business at noong bata pa ako gustong gusto ko na magkaroon ng cake shop kaya iyon ang sinabi ko.
“ okay… ikaw na ang bahala, sabihan mo na lang ako” tumango ako at ngumiti.
“ mauna na ako” dinampian niya ako ng halik.
“ ingat” nag lakad na siya palabas.
Mabilis naman akong pumunta sa kwarto para maligo at mag palit, excited na akong mag hanap para sa cake shop namin. Madami akong pinuntahan na pwede kong pag simulan pero nakukulangan ako, may hinahanap ako.
“ hi… ako ung nag inquire about sa shop na ito” sabi ko sa naka talikod na babae, humarap siya at nagulat ako si nancy.
“ mmm… hi im the owner” pagtataray niya.
“ ibang iba kana… iba din kung makaalaga ang asawa ko” tumingin ako sa paligid, naagaw niya ang atensyon ng iba kasi malakas ang pagkakasabi niya.
“ andito ako para sa shop” pang iiba ko.
“ aba may pera kana din??? Iba talaga ang asawa ko mang sustento!” hindi ako komportable sa mga tingin nila.
“ shy??? Talaga lang olivia??? Kakabit kabit ka tapos mahihiya ka sa kagagawan mo? Don’t be shy, you should be proud of to be a mistress!!”
“ so… you want the shop? Tell to my husband na siya ang kakausapin ko at hindi ikaw or puntahan na lang niya ako sa bahay namin eksaktong alas nuwebe ng gabi” ngumisi siya.
“ hindi na kasi busy siya sa oras na iyon, I mean busy kami sa oras na iyon” inirapan ko siya, lumabas na ako at bumuga ng hangin.
Umuwi na lang ako…nawalan ako ng gana dahil sa nangyari, naka tanaw ako sa garden namin habang nagkakape.
“ bakit malungkot ang mahal ko?” niyakap niya ako mula sa likod.
“ nagkita kami ni nancy” hinarap niya ako.
“ anong sinabi niya? Sinaktan kaba niya?” tanong niyA, umiling ako.
“ sakto kasing sakanya ung tinatanong ko sa shop kaya ayon” napa pout ako.
“ pinahiya ka niya??” tumango ako.
“ sabi pa nga niya kung gusto mo daw ung shop puntahan mo siya sa bahay niyo ng eksaktong 9pm” sumimangot ako.
“ tsk…bakit ko siya pupuntahan, busy na ako sayo don” ngiti niyang sabi.
“ madami ka pang mahahanap na mas magandang shop, okay??” tumango ako, dinampian niya ng halik ang noo ko.
“ kumain kana?” umiling ako.
“ tara kain na tayo”
BRENT
“ sir nakiki pag usap na si mam nancy tungkol sa pag turn down sa mga investors at shareholders ng kompanya” tinignan ko si diego.
“ madami na ba siyang nakakausap?”
“ nasa kalahati na siya” napakuyom ang kamao ko, ang bilis niyang gumalaw pero syempre hindi ako uupo dito para mag patalo.
“ mag patawag ka ng emergency meeting sa lahat” mabilis na gumalaw si diego.
BLAG!!!
Nagulat pa ako, si benjie lang pala. Lumapit siya saakin at kinuwelyuhan ako, tinignan ako ng galit na galit.
“ bakit! Bakit si olivia pa huh!!!” inalis ko ang pagkaka kuwelyo niya saakin, inirapan ko sabay upo.
“ para ka namang inagawan ng candy sa reaksyon mo, benjie kasal ka tandaan mo”
“ kasal ka din”mabilis niyang sagot.
“ hindi ko mahal si nancy at---”
“ hindi rason kung mahal mo o hindi, pinakasalan mo kaya panindigan mo!” galit niyang sabi.
“ I am… were still married, see pinaninindigan ko?” ang sama ng tingin niya saakin.
“ is that how you want?? Ang gawing kabit pang habang buhay si olivia?? If you love her then why don’t you leave nancy?!!” ngumiti ako.
“ why would I kung mapapakinabangan ko pa siya?” napailing siya.
“ isa kang dakilang user brent!!! Binabalaan kita huwag mong idamay si olivia kaya itigil mo na ito kung hindi---”
“ ano gagawin mo? Tataluhin mo ako??”
“ hindi mo alam kung anong sakripisyo ang ginawa ko para sayo!!!” kumunot ang noo niya.
“ kung alam ko lang din na ganito ang bagsak mo sana umangal ako noon pa para sana natupad ko ngayon ang pangarap ko” dagdag ko pa.
“ what??” bumuga ako ng hangin.
“ why don’t you asked papa, alam niya naman ang tungkol saatin. Kung bakit saakin napunta ang kompanya at lalo na ang deal ni lolo tsaka ni nancy” hindi siya uminik at mabilis na umalis, dapat lang naman na malaman niya na.
“ sir with in an hour darating na sila” tumango ako.
THIRD PERSON
Nag handa na si brent para sa meeting niya sa mga investors at shareholders, dumating na ang oras kaya pumunta na siya sa conference room. Tumayo siya sa harap nilang na taas noo, may sinenyas ito para ibigay sakanila ang isang papel.
Lahat ng mga ito ay gulat na gulat, ngumisi si brent. Lahat sila ay hindi nakaimik at hindi maka paniwala sa nakikita nila sa bawat papel na binigay sakanila.
“ what do you want?” tanong ng isa.
“ alam kong may nakausap na dito si nancy to drop your contract to me” may mga ibang yumuku, ung iba naman tinignan ang kasamahan nila.
“ manatili kayo sa kompanya ko at traydorin si nancy, ako ang bahala sainyo” sabi niya ng buong determinasyon.
“ kaya mo na ba ang asawa mo??” tanong naman ng isa.
“ hindi ko kayo ipapatawag kapag hindi, noon aminado ako na mahina pa ako pero ngayon hindi na. I can drop her company in a single snap” nagbubulungan sila at hindi makapaniwala.
Umalis na si brent at bumalik sa opisina niya, dumating naman si diego.
“ ipabantay mo sila, siguraduhin mong walang babaliktad sakanila” tumango si diego.
Its my time to show nancy na hindi lahat ay sakanya aayon, hindi lahat ay siya ang nanalo. How many years akong nagtiis.