Chapter 2
Ilang beses naba akong nasaktan ni Apollo ang damdamin ko ngayong araw? Ano ba ang magagawa ko, si Apollo ang may gusto n'yan.
Kahit na nanghihina ulit ako pinilit ko pa rin'g tumakbo sa papunta sa kotseng pinasukan nila kanina. Pagkarating ko sa kotseng iyon ay kaagad kong kinalampag. Dahil siguro sa ginawa kong eskandalo lumabas sila sa kotse habang gusot-gusot pa ang mga damit nila.
"Ano ba! Nakakaistorbo ka!"saad nitong babaeng pusit pero hindi ko s'ya pinansin dahil na kay Apollo ang tingin ko na masama ang tingin sa akin.
"Huwag kang makisawsaw dito mamang pusit."Akmang magsasalita pa s'ya ulit nang kilaladkad ko na si Apollo. Hindi naman nag pumiglas si Apollo.
Nakarating kami sa isang sulok at akmang mag sasalita nang bigla akong sampalin ni Apollo. Napaigik ako sa hapdi ng kaliwang pisngi ko. Nakatulala lang ako kay Apollo dahil hanggang ngayon ay prinoproseso ko pa sa utak ko ang ginawa n'ya sa akin.
"Gwendolyn! Bakit lagi ka nalang nakekeelam!"Napapikit na lamang ako sa sobrang lakas ng pagkakasigaw n'ya.
"Mind your own business."Akmang aalis na s'ya nang hinila ko bigla ang braso n'ya kaya napalingon ulit s'ya sa akin.
"A-apollo naman lagi na lang ba tayong ganto?"pagod na tanong ko sa kan'ya. Tinulak n'ya lamang ako kaya napaupo na lamang ako sa semento at iniwan n'ya lang ako.
Ang martyr mo naman Gwendolyn.
Pinunasan ko ulit ang nga luhang tumutulo sa mga mata ko. Ano ba yan kanina pa aki umiiyak ah. Hindi ko na nakaya pa ang sakit na nararamdaman ko kaya napahagulgol na lamang ako kasabay ng pag ulan ng malakas. Hindi ko alintana kung mabasa man ako.
Bakit hindi pa ako nasanay kay Apollo, hindi lang n'ya akong sinasaktan nang emosyonal sinasaktan n'ya rin ako ng pisikal.
Heto ako, nasa gitna ng ulan at humahagulogol mag isa at malungkot. Ineenjoy ko ang pag tulo ng ulan sa aking balat nang maramdaman kong hindi na ako nauulanan. Napatingala ako at nakita ko si Buck na pinapayungan ako, kahit na nababasa na s'ya ako pa rin ang pinayungan n'ya.
"Iiyak mo lang yan Gwendolyn."narinig kong saad n'ya sa akin at dahil do'n, mas napahagulgol ako lalo. Ilang oras na akong nakaupo rito at umiiyak pero hindi n'ya pa rin ako iniwan. Saktong tumigil ang ulan ay tumigil na rin ako sa pag iyak dahil nahimasmasan na ako.
"Ayos ka naba?"mahinang tanong sa akin ni Buck kaya walang gana naman akong tumango sa kan'ya.
"Bakit ang tahimik mo?"tanong n'ya ulit sa akin.
"Kanina pa tayo rito kaya gutom na ako."naka ngusong saad ko pero tinawanan n'ya lamang ako at kinurot ang aking nguso.
"Halika na punta tayo sa cafeteria, pero bago yon, mag palit muna tayo nang damit tingnan mo oh basang basa tayo."nakangusong saad n'ya. Imbis na hintayin s'ya ay tinakbuhan ko s'ya kaya hinabol n'ya naman ako.
Nang maabutan n'ya ako ay kaagad n'ya akong tinulak ng mahina kaya napaupo ako sa semento at pinagkikiliti ako. Tawa ako ng tawa at pinapahinto na s'ya pero hindi n'ya pa rin ako tinigilan. Natigil lang kami sa pag tawa ng makarinig kami nang pagtikhim.
"Kayo ha kaya pala wala kanina tong si Buck kasama mo pala Gwendolyn."naka ngising saad ni Justice. Siya rin ang tumikhim kanina.
"Naglaro pa ata kayo sa ulan tingnan n'yo basang-basa kayo."parang nanay namin s'ya kung pag sabihan n'ya kami.
Kaagad naman kaming sumunod kay nanay Justice baka magalit pa lalo. Pumunta kami sa cafeteria para kumain pero nawalan ako ng gana nang makita kong may kasama na naman s'yang ibang babae. Nakita n'ya ako pero hindi man lang n'ya ako pinansin at pinagpatuloy ang pakikipag landian sa babaeng iyon.
Hindi ko na muna pinag untunan iyon dahil galing ko pa lang sa kakaiyak at kanina pa aki nagugutom.
Nakabili na kami ng pagkain namin kaso wala ng bakanteng lamesa kundi yung kanila Apollo lang.
Kahit na ayaw kong makiupo roon, wala naman akong magagawa dahil wala ng bakanteng mesa. Sinundan ko lamang sinao Justice at Buck. Napalingon sa amin si Apollo at tinaasan ako ng kilay.
"What are you doing here?"seryosong tanong n'ya sa amin habang masama ang tingin sa akin.
"Pare makikiupo sana kami wala na kasing bakanteng lamesa rito."saad ni Justice.
"Then sit."walang emosyon na saad ni Apollo. Umupo na kaming tatlo at nag umpisa nang kumain, hindi ko nga lang manguya nang maayos ang kinakain ko dahil nakikita kong sinusubuan nong babae si Apollo.
Akala mo naman maganda, ang panget panget naman.
"Oh I know you!"malakas na sigaw nong babaeng panget.
"O talaga kilala mo ako? Iba talaga pag sikat."Mapapa flip hair ka nalang talaga, tingnan mo nga naman kilala n'ya ako kahit kakapasok ko palang kanina rito sa Howard University.
"Kilala kita, ikaw yong pilit lumalapit kay Brandt ko."tinaas taas n'ya pa yung kilay n'yang peke, akala n'ya naman kinaganda n'ya lalo n'ya kayang kina pangit.
"Brandt mo? Sa pag kakaalala ko ikaw ang pangatlong babae n'ya ngayong araw."Napanganga naman ang malaki n'yang bibig mas malaki pa kay Anne Curtis. Gulat na gulat. Habang si Apollo naman hindi man lang natigil sa pag kain.
"Oh alam mo ba yang Brandt mo bago mo nahalikan may mga nauna pa s'yang nahalikan, ibig sabihin non nahalikan mo rin yung mga nahalikan n'yang babae."Dahil sa sinabi kong iyon dali-dali s'yang kumuha nang tissue at ipinangpunas sa labi n'ya. Sa sobrang diin ng pag kuskos n'ya kumalat na ang lipstick sa mukha n'ya.
Bagay nga sayo.
"Kadiri eeeeewwww!"Habang pinupunasan n'ya ang labi n'ya sinasabi n'ya yon, ang arte naman akala mo kagandahan.
"O eto alcohol gamitin mong pang linis sa labi mo."saad ni Justice roon sa babae ay may inabot na alcohol. Dahil sa pagiging balisa n'ya binuhos n'ya ang alcohol sa bibig n'ya.
Napatakip kami sa aming tenga pati na rin si Apollo dahil tumili ng pag kalakas lakas yung babae at kaagad tumayo upang tumakbo, kaso tanga ata kaya ayon nadulas nauna yung ulo ayun patay- este nahimatay pala.
Napahalakhak kaming tatlo habang si Apollo naman nakita kong pasimpleng ngumiti kaya napatigil ako sa pag tawa.
"Woi Apollo nakita ko yon, mga pare ngumiti ang mokong."sigaw ko sa dalawang lalaking katabi ko kaya napatigil din sila sa pag tawa. Habang si Apollo naman ay sinamaan ako ng tingin.
"Woi gago legit ba yan Gwendolyn baka nag jo-joke ka lang."saad ni Justice at yinugyog ako, nahihilo tuloy ako.
"Legit nga mukha ba akong manloloko?"tanong ko sa kanila.
Oo!"sigaw nila sa akin, grabe sila.
"Ngumiti nga kasi, diba Apollo ngumiti ka."pangungulit ko pa sa kan'ya pero hindi na n'ya ako pinansin at kumain na naman ulit.
"Woi Apollo pagkain ko yan!"Yung pagkain ko, akala ko pa naman hindi pa s'ya tapos yun pala kinuha n'ya yung pagkain ko.
"Nagugutom pa ako tsaka hindi mo naman kinakain yang pagkain mo, oh eto sayo na."Binalik nga yung mismong plato pero wala ng laman.
"Apollo!"Dinambahan ko s'ya kaagad kaya napa aray naman s'ya.
"Gwendolyn ano bang pinagkakain mo-aw aray- punyeta ang bigat mo."Natigil ako sa pag suntok sa kan'ya ng marinig ko iyon.
"A-ako mabigat?"tinuro ko pa ang sarili ko kaya tumango naman yung tatlo.
"Mga tarantado kayo nag didiet ako!"At dahil mas malapit sa akin Apollo siya ang pinagsusuntok ko.
"Ouch! You witch stop that."kahit na sinabi n'ya iyon hindi ko pa rin s'ya tinigilan pero nabigla na lamang ako ng may tumulak sa akin. Napapikit na ako dahil inaasahan ko ng masusubsob sa semento pero hindi ko naramdaman ang tigas ng semento kung hindi naramdaman ko ang isang malambot na bagay sa labi ko.
Pqg mulat ko nang mata, nakita kong magkalapit ang muka ni Apollo sa muka ko. Yung malambot na bagay na nasa labi ko ay yung labi n'ya.
Ay shet na malagket.
Tinulak ako bigla ni Apollo kaya napasubsob ako sa dibdib ng nasa likod ko, ng tingnan ko kung sino ito ay si Buck lang pala.
Akmang kakausapin ko si Apollo nang bigla na lamang itong tumayo at lumabas na sa cafeteria, habang ang mga babae naman dito ay ang sama ng tingin sa akin.
Nang tingnan ko ulit si Buck wala man lang s'yang reaksyon habang si Justice naman ay binigyan ako ng mapang asar na tingin.
"Sinong nag tulak sa akin?"tanong ko sa kanila kaya nag taas naman nang kamay si Justice kaya nilapitan ko ito.
"Pare ang galing mo buti naisip mo yun."bulong ko sa kan'ya at sabay kaming mahinang tumawa.
"Success ba yong plano ko?"bulong naman pabalik sa akin ni Justice.
"Oo, success na success at dahil d'yan, mamayang kauwi ililibre kita."Napasigaw naman ng ayos ang mokong at excited na umalis.
Nalipat naman ang tingin ko kay Buck na hanggang ngayon ay walang emosyon ang kan'yang mukha.
"Kita mo yon Buck? Nag kiss kami ni Apollo,"saad ko sa kan'ya pero mukhang hindi naman s'ya masaya para sa akin.
"Buck ayaw mo ba non, sumusulong na ako tingnan mo malapit na n'ya akong magustuhan"masayang saad ko sa kan'ya pero pinakitaan n'ya naman ako ng pekeng ngiti.
"Buck may problema ba?"tanong ko sa kan'ya pero hindi n'ya ako sinagot at mas nauna pa s'yang nag lakad sa akin kaya naiwan ako rito mag isa.
Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang labi ni Apollo sa labi ko.
Shet masarap yung kiss ehe.