Chapter 13

Tiffany

Baguio Burnham Suites Hotel. Dito kami mananatili ni Travis sa loob ng halos dalawang linggo.

Kinagat ko ang ibabang labi, habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Mukhang mas magiging komplikado pa pala ang sitwasyon namin ngayon kaysa sa inaakala ko.

“I can’t believe that this is actually happening right now!”

Napahawak sa kanyang batok si Travis, habang nakapameywang ang kanang kamay niya. Bakas ang iritasyon sa kanyang guwapong mukha.

Life is really unfair. Bakit ang guwapo pa rin niyang tingnan kahit nakabusangot na ang kanyang mukha?

Nagkibit balikat ako. Sa totoo lang ay hindi ko naman pinoproblema ang tungkol sa set-up naming dalawa ngayon. The thought of us staying in one suite excites the hell out of me.

But it also made me nervous at the same time.

“Maybe they have already booked for your room, even before they gave me the offer. That’s why we only have a single suite for us right now. As much as I want to get my own, this hotel is already fully booked.”

Itinaas ko ang magkabilang braso at humikab. Ngayon ko nararamdaman ang sobrang antok, pati na rin ang pangangalay ng braso ko nang dahil sa tagal ng naging biyahe ko.

Napalingon naman siya sa ‘kin. “Ako lang naman kasi talaga dapat mag-isa rito. I can manage to film myself for the documentary they needed and take a shot of my own picture.”

Napaisip naman ako. Kung tutuusin ay puwedeng pagmulan ng tsismis ang pagsasama namin sa iisang unit ngayon kapag nagkataon.

Nang dahil doon ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at kinuha ang maleta ko.

“Don’t worry. Maghahanap na lang ako ng ibang hotel na puwede kong tuluyan. Just give me your contact details and prepared schedule of your trips so I can keep up with you.” Inilahad ko ang palad sa kanya.

Natigilan naman siya at gulat na napatitig sa ‘kin. Tila hindi niya inaasahan ang naging suhestiyon ko.

“I know how much you hated my presence. Saka extra lang naman talaga ako rito. May pera naman akong dala at isa pa ay negotiable naman daw ang fee ko. Siguro ay isasama ko na lang din doon ang gagastusin ko sa hotel,” pagpapatuloy ko pa nang hindi siya umimik.

Tila naninimbang ang ginagawa niyang paninitig sa ‘kin. Hanggang sa dahan-dahang siyang napailing.

“No. Gabi na rin. Isa pa ay hindi ka naman pamilyar sa lugar na ‘to.”

Napanguso ako sa kanya. Parang kanina lang ay halos ipagtulakan na niya ako paalis nang dahil sa sobrang inis niya. Pagkatapos ngayon ay bigla-bigla na lang kumalma.

Sala sa lamig, sala sa init din ang lalaking ‘to, eh. Sabagay, kahit naman noon ay ganito na talaga siya.

“Okay. Wag kang mag-alala dahil sa sofa naman ako matutulog. Sanay naman akong matulog dito.” Bumalik ako sa pagkakaupo. Kasya rin naman ako rito kahit papaano.

Hindi makapaniwalang napatingin siya sa ‘kin. Napakurap siya, kasabay ng bahagyang pag-awang ng kanyang mga labi.

“Bakit? Mukha ba akong hindi sanay matulog diyan?” kunot noong tanong niya.

Napamaang naman ako sa kanya. “What?”

Napatungo siya at kumuha ng damit at tuwalya sa loob ng bagahe niya. “I’ll take the couch, you take the bed.”

I was about to protest when he speaks again.

“If you want this set-up to work, you must abide by the rules.”

Napanganga na lang ako at sinundan siya ng tingin, hanggang sa makapasok siya sa loob ng banyo.

*****

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinahihigaan ko at kahit anong pikit ang gawin ko ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Marahas akong napabuga ng hangin, habang nakikipagtitigan sa kisame. Masyadong mailap ang antok sa ‘kin ngayon.

Pagkalipas ng ilang minutong pagmumuni-muni ay napakurap ako at dahan-dahang nilingon si Travis na sa sofa talaga natulog. Nakatakip ang kanang braso niya sa kanyang mga mata, pero alam kong gising pa rin siya. Tila hindi niya kasi mawari kung paano pagkakasyahin ang sarili sa kinahihigaan niya.

Napailing na lang ako. Ilang minuto rin akong nakipagtalo sa kanya kanina para kumbinsihin siya na ako na lang ang matutulog sa sofa. Masyado kasi siyang matangkad kaya hindi talaga magiging kumportable ang puwesto niya roon. Kahit pa sofa bed ito.

Kinagat ko ang ibabang labi, bago bumangon at bumaba ng kama. Binuksan ko ang ilaw dahilan para alisin niya ang braso mula sa pagkakatakip nito at nagmulat siya ng mga mata.

“What is your problem?” Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha.

Pinameywangan ko siya. “Ako na nga kasi ang matutulog diyan. Halata namang hindi ka kumportable dahil sa haba ng biyas mo. Lumipat ka na roon sa kama.”

Napailing naman siya at muling pumikit. “Bumalik ka na sa kama. Ganito talaga ako sa bawat hotel na tinutuluyan ko. Nahihirapan akong makatulog.”

Sinimangutan ko siya. Ang tigas din talaga ng bungo ng lalaking ‘to, eh.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay hinawakan ko siya sa braso para sapilitan siyang ibangon. Ngunit mabilis niya itong binawi, dahilan para ako ang mahila at bumagsak sa ibabaw niya.

My eyes widened when my face landed on his chest. Aside from that, I felt like something hard is poking at my belly which made him groan.

Agad na itinukod ko ang magkabilang kamay sa kanyang dibdib para magbigay ng kaunting espasyo sa pagitan naming dalawa. Dahil doon ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Napaawang ang bibig ko. Ayoko sanang mag-isip ng advance. Pero alam ko na kahit gaano pa niya ako itulak palayo ay mayroon pa rin siyang nararamdaman para sa ‘kin.

“Trabaho ba talaga ang dahilan ng pagpunta mo rito? O gusto mo lang akong matsansingan?”

Hindi nakaligtas sa ‘king pandinig ang tila paghahabol niya ng hininga at paghihirap sa kanyang boses, dahilan para mapaangat ako ng tingin.

But it seems to be a wrong move.

Napasinghap ako nang mapansin ang labi niyang halos dumampi na sa ‘kin. His lips seem to be inviting, and I am very willing to be his guest.

Pero hangga’t maaari ay ayokong ulitin ang ginawa kong kapangahasan no’ng nakaraan. Dahil baka mas lalo akong mawalan ng pagkakataon na mapalapit pa sa kanya.

Dala ng pagkataranta ay napadiin ang pagkakalapat ng mga kamay ko sa kanyang dibdib, para puwersahin ang sarili na makatayo. Bahagya naman siyang napaubo dahil doon.

“Damn, woman! Do you have an intention to kill me?” He glared at me.

I just gave him a peace sign. “Sorry.” Napanguso ako. “Ikaw naman kasi, eh. Kung hindi ka na nakikipagtalo pa sa ‘kin ay wala sana tayong problema. Saka patayin talaga agad? Baka ako pa nga ang mapatay ng fans mo kapag nagkataon na may nangyaring masama sa ‘yo nang dahil sa ‘kin.”

Padabog naman siyang bumangon at tumayo. “Fine!”

Napangisi ako. Akmang hihiga na ako sa sofa ng ako naman ang bigla niyang hinila patungo sa kama.

“Pero dito ka rin matutulog para pareho tayong kumportable. Malaki naman itong kama. Kasya nga apat na tao rito kaya hindi naman tayo magdidikit. Puwera na lang kung malikot ka ng matulog.” Nagkibit balikat siya.

Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi ako malikot matulog, ah!”

“Sige na. Para matapos na ang usapan na ‘to. Pareho na tayong matutulog dito sa kama.” Humiga na siya sa kabilang dulo at tumalikod.

Napalunok ako at tila gustong kumawala ng puso ko nang dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Ilang minuto rin akong napatitig sa kanyang likod, bago ko napagpasyahang patayin ang ilaw at humiga sa kabilang dulo.

Malamig naman dahil nakabukas ang aircon. Idagdag pa ang natural na klima rito sa Baguio. Pero hindi ko alam kung bakit parang bigla atang uminit ang paligid.

Pilit na inignora ko na lamang ang kakaibang nararamdaman. Papikit na sana ako nang biglang kumulog at umulan nang malakas. Hindi nagtagal ay sinundan ito nang malakas din na kidlat.

“Oh, my God!” Muntik na akong mapabalikwas nang dahil sa gulat. Pakiramdam ko ay tila tumalon din ang puso ko.

Hanggang ngayon ay aminado ako na nandoon pa rin ang takot ko sa kidlat.

Agad na nagtalukbong ako ng kumot, kahit pa alam kong wala rin itong silbi. Wala na rin akong pakielam kung pati ang kumot ni Travis ay nahihila ko na.

Sa isang iglap ay muli kong naalala ang isang gabi kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay napakalma ako sa kabila ng lakas ng kidlat.

Travis used to be my comfort zone whenever I feel afraid. He used to be my armor and shield from everything.

Still, I didn’t hear any complaints from him. His wide smile that’s always plastered on his face never fails to gave me an assurance that everything will just be alright.

But what I gave him in return was a painful goodbye.

Natigilan ako sa pagbabalik-tanaw nang maramdaman ko ang dahan-dahan niyang pag-alis ng kumot mula sa pagkakataklob ko. Naiinis na nilingon ko siya at nahigit ko na lang ang hininga nang mapansin na sobrang lapit na pala ng mukha niya sa ‘kin.

“Hindi ka pa rin nga talaga nagbabago. Takot ka pa rin sa kidlat.”

Mas lalo akong hindi nakaimik nang bigla niyang ipinulupot ang braso niya sa beywang ko at hinapit ako palapit sa kanya.

“A-Anong ginagawa mo?” kinakabahan kong tanong sa kanya, habang nakatitig sa dibdib niya kung saan nakasiksik na ang mukha ko.

“Wag kang mag-alala. Wala naman akong gagawing masama sa ‘yo. Just stay still. This gesture used to calm you down before whenever there’s lightning.”

Biglang nanubig ang mga mata ko. Hindi ko akalain na sa kabila ng galit na nararamdaman niya sa ‘kin ay mayroon pa rin pala siyang natitirang pag-aalala.

Napatango ako at hindi na umimik pa. I might as well cherish this moment. Dahil paniguradong babalik na naman siya sa pagiging suplado bukas.

Sa kabila ng malakas na kidlat ay nagawa kong makatulog agad ng may ngiti sa ‘king mga labi.