Chapter 9
Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa isang kotse kami pero sobrang liit ng espasyo naming dalawa, parang naninikip ang dibdib ko dahil sa kaba.
Dapat ay nasa bahay na ako dahil sabi ko nga sa kaniya ay uuwi ako pero dahil sa confession niya sa'kin ay natulala ako at hindi ko namalayan na narito na ako sa kotse niya at hindi ko alam kung saan kami patungo ngayon.
I know his looking at me now. Pero hindi ko man lang siya matignan tignan because of his confession kanina sa parking lot.
And he said kanina he wants to court me.
Hindi ko alam kung nabibingi lang ako dahil sa narinig ko o sa lakas ng tibok ng puso ko.
"Hey... Talk to me." Napapikit naman ako ng marinig ko ang kaniyang boses niya. hindi ko sinunod ang sinabi at patuloy lang ang tingin ko sa labas ng bintana.
Alam kong pagbaba namin dito ay sasakit talaga ang leeg. Pero pinagsawalang bahala ko 'yon para umiwas lang sa kaniya.
Napakunoot ang noo ko ng tumigil kami sa parang bahay. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan niya ako at kusa na akong bumaba.
Tumingin naman ako sa paligid hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang karatula. Balay Dako by Antonio's
"Nasaan tayo?" I asked
"Tagaytay. Let's go?" Napaamang naman ako dahil sa sinabi niya na parang simple lang para sa kaniya 'yon.
Sabagay hindi na rin naman nakakapagtaka dahil mayaman siya, kaya magagawa nila ang gusto nila. I walked first but I also stopped when I felt that he did not follow me.
"H-Halika na..."
"Let me hold your hand then." Napatikom naman ako at napabuntong hininga. Mabilis na lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
Bahagyang nanigas ang katawan ko ng maramdaman ko ang init ng kaniyang kamay. Tinignan ko naman siya, nakangisi na 'to habang nakatingin sa magkahawak kamay naming dalawa.
I just looked away from him and we walked together. Napakagat naman ako sa labi ko ng maramdaman ko ang paghigpit ng paghawak nito sa kamay ko.
Namangha naman ako sa pagpasok namin sa Balay Dako. Ngayon ko palang ito napuntuhan at ngayon pa talaga na gabi na at ang nakakahiya pa ay naka uniform pa ako.
"Hercules, anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kaniya.
Natigil naman siya sa paglalakad at unti-unting tinignan siya.
"We're going to eat here." Napakunoot ang noo niya dahil sa sinabi niya.
Hindi ba puwede do'n nalang sa Cavite at kelangan pang dito talaga sa Tagaytay? Marami rin namang masarap na kainan do'n, ah.
"Marami namang kainan do'n sa Cavite," sagot ko sa kaniya.
Wala akong narinig na sagot galing sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa Balay Dako. I smiled as I looked around when we entered Balay Dako.
Hanggang sa pag-akyat namin ay namamangha pa rin ako rito. Umupo kami malapit sa may pinto kung saan makikita ang Taal Lake.
Pinaghila niya ako ng upuan at naupo na rin siya sa harapan ko. Bahagyang lumapit ako sa kaniya at bumulong.
"Libre mo 'to, ah? Wala akong pera! Kasalanan mo 'to," aniya ko sa kaniya.
He chuckled at me, "Of course. I'm the one who brought you here."
Lihim naman akong napangiti bago umayos ng upo. May lumapit na waiter sa'min at binigyan kami ng menu. Napanganga naman ako ng makita ang presyo.
Bahagyang sinilip ko si Hercules na pumipili na ng pagkain. Napalunok naman ako bago muling ibalik ang tingin sa menu. Tila natakam naman ako habang binabasa ko ang mga pagkain naro'n.
"How about you, Talitha? What is your order?" Napatingin naman ako kay Hercules na ngayon ay nakatingin sa'kin at tila nag-aabang ng kung anong pagkaing pipiliin ko.
"Ah... A-Ano... F-Fried Chicken Inasal at saka Maja Blanca," aniya ko.
Tumingin naman ako kay Hercules. Parang tangang nakangiting ito habang nakatingin sa'kin.
"That's all, Ma'am?" Tanong sa'kin ng waiter, tumango naman ako kaya umalis na 'to.
"Puwede bang pumunta ro'n," aniya ko sa kaniya at tinuro ang sa labas kung saan makikita ko ang Taal kaya nga lang ay gabi na kaya hindi na 'to makikita.
"Of course. Come here," he said and stood up.
Lumapit naman 'to sakin at hinawakan ang kamay ko, sabay kaming naglakad patungo ro'n. Napapikit naman ako ng maramdaman ko ang hangin sa balat ko habang ang buhok ko ay hinahangin na. Napabuka tuloy ang dalawang kamay ko at dinadama ang hangin.
"Ang ganda sana kung makapag picture ako rito," I whispered. Lubos lubusin ko na ang pagdama dito dahil minsan lang naman 'to.
"Do you want to take a picture?" Napatingin naman ako kay Hercules na nasa tabi ko
Tumango naman ako sa kaniya. "Low battery na ang phone ko."
Napatingin naman ako sa kaniya ng may dinukot siya sa bulsa niya, ang cellphone niya. Nakamasid lang ako sa kaniya habang hinihintay ang kaniyang gagawin dahil may kinakalikot siya sa phone niya. Humarap siya sa'kin at ngumiti.
"Pose there, I'll take a picture of you." Napaawang naman siya dahil sa sinabi nito.
"H-Ha? Sigurado ka?"
Parang lumundag ang puso niya dahil sa sobrang tuwa niya dahil makakakuha siya ng litrato. Kahit maliit na bagay nakakatuwa na para sa kaniya.
"Yeah." Napakagat naman ako sa labi ko bago ko siya sundin. Katulad nga ng sinabi nito ay nag pose siya hanggang sa pinatigil siya nito.
Muling tumalikod ito para tignan ang view na kay gandang tignan. Nakarinig siya ng click na tila may kumuha na naman sa kaniya ng litrato.
Kaagad niyang tinignan si Hercules na may ginagawa sa kaniyang phone kaya hinayaan niya nalang 'yon.
Maya maya ay lumapit siya sa'kin at walang pasabing inakbayan niya ako, tinaas niya ang 2 kamay na may hawak na phone.
He wants to take a picture together. Hinayaan ko nalang siya at ngumiti sa harap ng camera. Tinanggal na niya ang pagka-akbay sa'kin at humarap sa'kin kaya qnagkatinginan kaming dalawa.
"Sana sa susunod na punta natin dito girlfriend na kita o kaya naman asawa na," he said while looking at me. Namumulang nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya.
Masaya ang naging buong gabi ko gabi dahil sa pagsama ko kay Hercules. Hinatid niya ako sa bahay namin kaya nga lang ay pagdating ko sa bahay ay pinagalitan din ako ni Tatay.
"Talitha!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pangalan ko kaagad kong nakita si Caitlin na tumatakbo palapit sa'kin habang nasa likod niya naman si Aaron.
"Bakit?"
"Kumusta date niyo ni Hercules?" Mabilis na tanong niya sa'kin Tinaasan ko naman siya ng kilay at sinamaan ng tingin. Bahagyang hinila ko ang kaniyang buhok.
Hinid ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sakin gabi.
"Walang hiya ka! Akala ko ba Isasama mo ako tapos sa iba mo pa ako isasama!" Ngumisi naman siya sakin at inayos niya ang kaniyang buhok.
"Aminin mo masaya ang date niyo?" bahagyang sinundot-sundot pa nito ang tagiliran ko
"Sinong nag date?" Agaran akong napatingin kay Aaron na nasa tabi ko na
"Si Talitha at si Hercules," Caitlin answered him.
Nakita ko naman ang pag-iba ng kaniyang mukha. Bahagyang lumukot ang kaniyang mukha sa narinig at umiwas ng tingin.
"Suwerte ni Talitha, gusto siya ni Hercules!" Mabilis na tinampal ko ang bibig ni Caitlin dahil sa bahagyang pagsigaw niya Napatingin naman ako sa paligid at halos sa mga kaklase ko ay nakatingin sa'min, nahihiyang nag-iwas ako ng tingin at sinamaan ko ng tingin si Caitlin na nakangising aso sa'kin.
"G-Gusto ka ni Hercules?" Gulat na tanong sa'kin ni Aaron
"Oo! Kaya nga nag date sila diba?"
"A-Ah... Gusto mo rin ba siya, Talitha?" Tanong niya sa'kin.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay ngumiti nalang ako dahil nakita kong pumasok na ang professor namin.
Nagsimula 'tong magklase. Sa kalagitnaan ng klase ay napatingin ako sa labas, do'n ko nakita ang mga kaibigan ni Hercules at si Hercules na dumaan dito.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin makita kong gagawi rito ang tingin niya. Matapos ang klase ay sabay-sabay kaming tatlong lumabas ng classroom.
"Talitha, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Napatingin naman ako kay Aaron na kanina pa ako kinukulit tungkol diyan.
Nang makahanap na kami ng table ay tignan ko siya, umupo naman ako. Si Caitlin ay siya na ang bumili ng pagkain namin kaya kaming dalawa nalang ang naiwan dito.
"Magugustuhan ko pa lang siya, Aaron." I smiled widely at him.
Matagal ko na ring siyang gusto at hindi na rin nakakapagtaka kung sasagutin ko siya dahil hindi naman siya mahirapan sagutin pero ang mahirap ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya at hindi ko rin maiwasang mapaisip ang mga sasabihin ng mga tao sa paligid.