Chapter 8
Nahihiyang yumuko ako habang naglalakad papasok ng university. Maraming estudyante ang napapatingin sa'kin habang dumadaan ako.
Dahil sa nangyari kahapon ay karamihan sa mga babae rito ay tumitingin sa'kin ng masama. Hindi lang naman iyon dahil sa pagsigaw ng pangalan ni Hercules at pag cheer ko sa kaniya, dahil pagtapos ng game at hinila pa ako ni Caitlin patungo sa mga player. Kung nasaan naro'n din si Hercules.
Kasalan 'to ni Caitlin, eh!
Napaigtad naman ako ng may umakbay sa'kin. Agad kong tiningala kung sino 'yon. Kuminang ang mata ko ng makilala ko kung sino 'yon. Si Aaron! Ang kaibigan naming dalawa ni Caitlin.
"Aaron! Papasok ka palang?" Tanong ko sa kaniya
Tumango naman siya sa'kin. "Oo. "
"Hindi kita kahapon nakita," aniya ko sa kaniya. Napakamot naman 'to sa batok niya bago ko ngumiti
"I have a class," he answered.
Napatango naman ako. Sabay kaming naglakad papunta sa klase namin, magkaklase kami ni Aaron. I wonder why he took Education as a course if he wants to become a doctor.
Tinatanong ko nga siya pero tanging iling lang ang sinasagot niya sa'kin.
Pagpasok palang namin ng room ay kaagad na hinanap ko si Caitlin. Napasimangot ito habang tumitipa sa kaniyang cellphone. Napailing nalang ako dahil baka ang isa sa mga kaibigan lang din ni Hercules ang kausap niya.
"Sino kausap mo?" Tanong ko sa kaniya
Nang makita naman niya ako ay agad na nagliwanag ang mukha niya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa inaasta niya.
"Sa wakas ang dumating kana! Kanina pa kita hinahanap, e!" Natutuwang sabi niya
"Bakit? Anong meron?" Takang tanong ko sa kaniya
"Puwede bang... sumama ka sa'min mamaya?"
Saamin? So may kasama pa siyang iba?
"May kasama ka naman pala. Isasama ko pa ako," aniya ko sa kaniya.
Ngumuso naman siya bago ngumisi sa'kin. "Samahan mo lang kami mamaya." Napabuntong hininga naman ako bago ko nilapag ang libro ko sa lamesa ko.
"Sino bang kasama mo?" Tanong ko sa kaniya
Para kahit papaano ay alam ko kung sino ang kasama namin, hindi iyong kung sino sino lang.
"Si Dale." Napaubo naman ako dahil sa sinabi niya, natatarantang umusog papalapit sa'kin.
"C-Caitlin, aware ka naman sigurong babaero 'yong lalaking 'yon, 'di ba?" Umiwas naman siya sa'kin ng tingin bago tumango
"Alam ko kaso gusto ko eh," she said.
Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Sabagay hindi naman talaga mapipigilan kung magmahal, e. Kaya maraming nasasaktan dahil sa pagmamahal na iyan.
"Pero hindi ako sasama," mabilis na sabi ko.
"T-Talitha, pretty please," pagkumbinsi pa niya sa'kin.
"Hindi ako puwede, kahapon, hindi ko na tulunga si tatay dahil sum—" hindi ko na natapos magsalita ng pumasok ang professor namin.
Umayos na ako ng upo at tahimik na nakinig sa professor namin.
Sa sunod na klase ko ay vacant namin ni Caitlin kaya narito kami ngayon sa Library para review. Hindi ko alam kay Caitlin kung review ba ang ginagawa dahil natulog lang naman ito habang nakatayo naman sa harap niya ang libro.
Napailing nalang ako bago ko tinuloy ang ginagawa ko. Tumayo naman ako para maghanap ng libro para dagdag review ko. Naghanap ako sa mga shelf na puwedeng basahin hanggang sa dumako ang tingin ko sa libro sa medyo mataas na shelf.
Tumingkayad ako para makuha ko iyon pero ni isang daliri ko ay hindi lumapat do'n dahil hindi ko maabot. Napabuntong hininga nalang ako bago ko sinubukang kunin ulit iyon pero hindi ko talaga makuha.
Nanigas naman ako ng may maramdaman akong katawan na nasa likod ko. Siya ang kusang kumuha nun, unti-unting humarap ako ro'n.
Gano'n nalang ang pag awang ng labi ko ng makita ko na naman siya muli. Matiim itong nakatingin habang may ngising nakapaskil sa kaniyang mapupulang labi.
"T-Thank you. E-Excuse me," aniya ko sa kaniya.
Akmang aalis na ako ro'n ng pinulupot niya ang kaniyang matigas na braso sa bewang ko at marahan akong pinalapit sa kaniya.
"You're avoiding me," he said.
"H-Hindi... Hindi naman tayo magkaibigan para k-kausapin ka," sagot ko sa kaniya.
"Friends, huh?" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. He caressed my face gently and smiled at me.
"Who told you that I only want you as a friend? I told you... I liked you." Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya at mabilis na tinulak siya kaya bahagyang napaatras siya kaya nagkaroon ng espasyo.
"Hindi ako naniniwala sa'yo. You're a playboy too like your friends!" Halos pabulong na sabi ko sa kaniya
Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "What are you talking about? I'm not playboy!"
"Hindi raw babaero. Sinong niloloko mo?" Muli ko siyang tinulak nang akma siyang lalapit sa'kin.
"Fuck! This is not good," he murmured.
Napanguso naman ako bago nagpumiglas na umalis sa braso niyang nakapulupot sa'kin, binitawan niya rin namang ako.
"Hey, Talitha. Wait!" I heard his voice calling my name but I ignored it.
Patuloy akong lumabas ng library hanggang sa malayo na ako sa lalaking 'yon. Oo! Gusto ko siya pero hindi naman ako easy to get, 'no!
Hindi ako katulad ng mga babaeng sobrang gusto siya at maghahabol sa kaniya.
Sa sumunod na klase ko ay do'n ko lang muli nakita si Caitlin matapos ko siyang iwan sa Library. Tinanong pa niya ako kung bakit iniwan ko raw siya.
"Sasamahan mo na ako mamaya, ah?" Napapikit nalang ako bago bumuntong hininga naman.
Kinukulit na naman ako nito tungkol sa pagsama ko sa kaniya mamaya. "Saan ba tayo pupunta? Alam mo dapat na tutulungan ko si Tatay sa palengke kahapon pero hindi ko na nagawa dahil sumama ako sa'yo." Tumigil muna ako bago napabuntong. "Sige na nga... Pero saan ba? Sandali lang tayo, ah?"
Tuwang tuwa na tumango siya sa'kin at napayakap pa. Hanggang sa matapos ang klase ay ang saya-saya ng mukha ni Caitlin kaya tuloy hinila ako nito palabas ng building namin.
"Sa parking lot, naghihintay ro'n sila Dale," she said.
Napakunoot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sila? Akala ko ba kaming tatlo lang aalis? Huwag niyang sabihin may kasama pa siya?
Patuloy pa rin ang paghila niya sa'kin kaya nagpatianod nalang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa parking lot. Hinanap pa namin si Dale at kung sino ang kasama nito.
"Dale!" Malakas na tawag nito sa lalaking nakasandal habang sa harap nito ay may nakatayo ring lalaking at tila nag uusap sila.
Napatingin tuloy sa'min si Dale habang ang lalaking kausap nito ay hindi lumingon sa'min.
"You're here, my baby." Nangasim naman ako mukha ko dahil sa endearment nilang dalawa. Inakbayan naman siya ni Dale habang niyakap naman ni Caitlin ang bewang ni Dale.
Dito pa talaga naglambingan.
"I think this is a double date," Dale said.
What? Double date?
"Wait? What? Caitlin, anong double date?" Protesta ko sa kaibigan ko na ngayon ay humahagikgik
"Sorry Talitha," aniya at nag peace sign pa sa'kin.
I rolled my eyes and looked at the man infront of me. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng humarap ito.
Tangina. Set up ba 'to?
"Tali, mauuna na kami, ah?" Ngumisi pa ito sa'kin bago kumaway at naglakad na patungo sa kotse ni Dale. Nakita kong pinagbuksan niya ng pinto ang kaibigan ko.
Napakagat nalang ako sa labi ko. "Uuwi na ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at tinalikuran na siya pero hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa braso ko.
"We need to talk," mahinang ngunit may lambing na sabi niya sa'kin.
Binawi ko naman kaagad ang braso ko sa kaniya. "Ano na naman pag-uusapan natin?"
"I'm not a playboy," panimula pa niya. "I don't have girlfriend or neither a fling." Napataas ang kilay ko.
Bakit niya ba 'to sa'kin sinasabi?
"Bakit mo sa'kin sinasabi iyan? I'm not your friend," I said to him.
He sighed before he brush his hair using his long fingers, he looked at me again. "Who say that I want you to be my friend? I want you to be my girl, my baby, my everything, and my queen."
Hindi ko alam pero kusang napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang kalabog ng puso ko habang nakatingin sa magandang mukha niya.