Chapter 19

This is want I want. Tahimik, payapa, at kaming dalawa lang ni Hercules ang magkasama na walang nangugulo.

Ylona keep calling me pero hindi ko iyon sinasagot, hindi ko rin sinabi kay Hercules dahil ayoko rin naman niyang malaman iyon.

Pero hindi ko pa rin maiwasan na mabahala na baka kapag dumating na iyong kinakatakutan ko na makaalala siya.

Kaya habang may panahon pa ako na makasama ko siya ay lulubusin ko na lang hanggang sa anong makakaya ko.

Napaigtad ako nang may pumulupot sa baywang ko na braso. Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino iyon dahil sa pamilyar pa lang na amoy ng kaniyang pabango ay alam ko na kung sino.

"Why are you here? You should go to our room, baby," he whispered on my ears.

I suddenly closed my eyes. Sinandal ko ang aking likod sa kaniyang dibdib at dinama ang hangin.

"Or you want to explore the ship?" he asked.

Tumingin ako sa kaniya. Ang mapupulang labi niya kaagad ang bumungad sa akin, umangat ang tingin ko para sa mata namin ang magtama.

"I just want to stay here, it's that okay?" I smiled a bit.

"Sure. Just tell me do you want so I can get it," sabi niya habang hinihimas ang aking baywang.

"Nagkita na ba ulit kayo ni Saydee?" Hindi ko alam pero kusang lumabas iyon sa bibig ko.

Napatigil siya sa paghimas sa baywang ko. Napabuntong hininga ito. Napapikit naman ako ng halik halikan nito ang batok ko.

"No. Matagal na siyang wala rito sa pilipinas," he answered.

Kung ganoon ay sino ang nakita ko noong nakaraang buwan kung wala na siya rito sa pilipinas?

"Ha? Kailan pa?" nagtatakang tanong ko

"I don't know. I just heard from Mom," he said. "Let's not talk about her. Let's talk about us, Mi Reina."

Mahinang tumawa ako ng pinaharap ako nito sa akin. Nakangiti ang kaniyang mapupulang labi habang nakatingin sa akin. Makikita sa mga mata niya ang saya habang nakatingin at bahagyang nakaawang ang mapupulang labi niya.

I smiled at him. Ngayon ay nasa railings naman ako nakasandal habang ang kaniyang braso ay nakatukod sa railings.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nilalagay niya ang mumunting buhok na nasa mukha ko.

"You're so beautiful, Mi Reina," he whispered. "I can't live without you... I love you... so damn much.

Parang nanigas ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ang kaniyang mukha habang sinasambit ang katagang iyon. Napalunok ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Mahal niya ako. . . mahal niya ako dahil wala siyang maalala tungkol sa aming dalawa. Mahal niya lang ako dahil naalala niya lang ang pinagsamahan namin... dati.

Hindi ba dapat masaya ako? Masaya ako na sinabi niya iyan ulit sa akin ang gusto kong marinig muli sa kaniya? Pero kaibahan ang sinasabi ng puso ko.

"Hey? Are you okay?" Hinawakan nito ang pisngi ko para mapaharap sa kaniya.

"A-Ah. . . Oo, tara na pumasok na tayo," sabi ko.

Mabilis na inalis ko ang braso niyang nakaharang at pilit na ngumiti sa kaniya. Walang imik na nagtungo kami sa aming kuwarto.

"M-Maliligo lang ako," aniya.

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin kung gayon pati rin siya ay walang imik matapos niyang sabihin iyon sa akin.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad na nagtungo sa banyo para maligo. Wala naman sa plano ko ang maligo ngayon pero ang gusto ko lang ay makaiwas lang gusto nitong tanungin nito sa akin.

Isang oras ang itinagal ko sa banyo, siguro naman ay tulog na siya kaya malayang makakahinga ako ng maluwag.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Madilim ang paligid at tanging umiilaw lang ang lampshade sa right side ng kama.

Iginala ko ang aking tingin sa paligid para hanapin si Hercules ngunit wala akong nakita kahit anino niya.

Napabuntong hininga. Mabuti na rin na lumabas siya para maluwag akong makakakilos.

Masaya ako na kasama ko siya pero may gumagabag sa isip ko. Kahit sa sarili ko ay naguguluhan ako sa ginagawa ko.

I'm happy when I'm with him but. . . hindi ko rin mapaisip na. . .

Tama ba itong ginagawa ko?

Tama bang mag-sacrifice ulit ako? Kung ako lang din naman iyong lumalaban sa amin?

Tama bang i-pagpatuloy ko ang pagmamahal ko sa kaniya?

Pero tuwing nayayakap ko siya, tuwing nakikita ko ang mukha niya, tuwing nasisilayan ko ang kaniyang ngiti ay hindi ko maiwasan lumaban para sa aming dalawa.

Napailing na lang ako sa aking isipan at saka nahiga sa aking kama. Nagtalukbong ako ng kumot at pinikit na ang aking mga mata.

Isang oras na akong ganoon pero hindi pa rin ako makatulog. Kahit magpagulong-gulong ata ako rito sa kama ay hindi talaga ako makatulog.

Mabilis na napaayos ako ng higa at pinikit muli ang aking mga mata nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara.

Ayoko mang sabihin pero hinihintay ko siya kaya siguro hindi ako makatulog ay dahil gusto ko siyang mahintay at makatabi sa paghiga.

Tanging yapak ng sapatos ang aking narinig patungo sa kama. Napalunok ako ng lumubog ang left side ng kama.

Mas lalong napapikit ako ng maramdaman kong may lumapat na malambot sa aking noo. He kissed my forehead!

"I love you, Talitha," he whispered.

Ilang segundo lang iyon pero parang nakalapat pa rin sa noo ko ang kaniyang labi.

Naramdam ko ang kaniyang pag-alis sa kama. Bahagyang nagmulat ako para makita ang kaniyang ginagawa.

I saw him na hinuhubad ang polo na suot niya. Ang muscle niyang namumutok ang bumungad at ang likod niyang malapad. Namilog ang aking mata nang makita kong hinuhubad niya na ngayon ang kaniyang boxer!

Dahil na rin siguro sa kakatingin ko sa malapad niyang likod at muscle niya ay hindi ko na napansin na nahubad niya na lahat ng suot niya.

Napalunok ako ng makita ko ang kaniyang pang-upo niya. Parang hari itong naglakad patungo sa banyo. Ang sexy niya habang naglalakad!

Namumulang nag-iwas ako ng tingin. Mabuti na lang at nakatalikod siya at hindi niya nakikitang tinititigan ko siya hanggang sa paghubad niya.

Napatampal na lang ako sa noo ko at muling napapikit. Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Naramdaman ko na lang na may pumulupot na braso sa akin galing sa likod. Bahagyang nagising ako pero hindi ko pa rin minumulat ang aking mga mata.

"My wife... my beautiful wife," he said in a low voice.

What he's doing?

Pinakikiramdaman ko muna siya habang patuloy ang pahalik-halik niya sa aking balikat. Kahit nakikiliti ako sa kaniyang ginagawa ay pinilit kong huwag imulat ang mata ko.

"I couldn't live without you. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung iiwan mo ako," he said.

"I want to lock you in my arms so you can't escape with me... forever."

Hindi ko na lang siya pinansin dahil parang gusto ng pumikit ng aking mga mata hanggang sa hinayaan ko na lang na makatulog ako.

Maaga akong nagising kinaumagahan. Kaagad na bumangon pero may muling humila sa akin pahiga, bahagyang napatili pa ako dahil may gumawa nun.

"Hercules!" Tili ko.

Umungot lang ito at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

Sumimangot na nakaharap ako sa kaniya. Hinayaan ko na lang siyang yakapin muli ako. Yakap niya na parang aalis ako sa tabi niya.

Pinagmasdan ko lang kaniyang perpektong mukha mula sa kilay hanggang sa labi. Ang makapal niyang kilay, ang mahabang pilikmata at kaniyang pisngi sa sobrang kinis pati na rin ang matangos niyang ilong na kay sarap na pisilin at ang mapupulang labi niyang na masarap halikan.

Hindi ko maiwasan mamangha sa kaniyang mukha. Dahil ito lang muli ang pagkakataon na napagmasdan siya ng mabuti sa lumipas na taon masasabi kong malaki, sobrang laki ng kaniyang pinagbago.

Pinaglandas ko ang aking daliri sa kaniyang pisngi, hindi ko maiwasan na manginig ang aking kamay habang pinaglalandas ang aking daliri. Napaigtad ako ng biglang hawakan ni Hercules ang aking kamay.

Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata kaagad na nagtama ang mga mata naming dalawa. He smiled broadly at me.

"Hindi ka magsasawang titigan ako," he said and smirked.

Napairap ako sa sinabi niya. Yabang!

"A-Ang yabang mo!" napalunok ako ng ngumisi muli ito sa akin.

"At least mahal mo," he playful said.

Tinampal ko ang kaniyang dibdib bago ako kumawala sa kaniyang braso. Nagtagumpay naman akong makawala at mabilis na bumangon.

Mabilis na nagtungo ako sa banyo at kaagad na naligo roon. Hindi ko pinansin ang pagkatok sa akin ni Hercules na sabay raw kaming maliligo ngunit isang malakas na mura lang ang binigay ko sa kaniya.

Narinig ko pa ang pagtawa nito sa labas. Tinuloy ko ang ang pagligo. Halos mag-iisang oras din ako sa banyo bago ako matapos.

Hinanap ko kaagad si Hercules paglabas ko. I saw him standing malapit sa bintana. Napakunoot ang noo ko, siguro ay may kausap siya.

"Shut up! I'm going to tell her but not now!"

"Don't pressure me, Dale! I know and I'm hope na hindi siya magalit after this sa malalaman niya.

Sino ba ang pinag-uusapan nila? Sinong magagalit?

"I love her so much! You know that, right? She's my life."

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero alam ko ang sinasabihan niya na mahal niya raw ako pero bakit? Bakit ako magagalit?

Naguguluhan ako sa inaasta niya at sa ekspresyon na pinapakita niya habang may kausap sa telepono. May dapat ba akong malaman?