Chapter 15
Hindi pa lumilitaw ang araw ay umalis na ako sa mansion. Matapos ang pag-aaway namin ni Hercules ay sabay kaming umuwi
At siya rin ang pagtawag sa akin ni Caitlin. May sakit daw si Hero at hinahanap ako. Mas lalo akong nainis dahil hindi man lang nila ako tinawagan para ipaalam sa akin ang nangyari.
Kaya ngayon ay uuwi ako sa La Consalancion para maalaga si Hero. Hindi ko na pinaalam kay Hercules na aalis dahil alam kong sasama iyon kapag nagkataon na ayaw kong mangyari.
Pasakay na ako ng bus nang tumunog ang phone ko. Napakunoot ang noo ko ng makita kong unknown number ang naka registered na name.
Imbes na sagutin ko iyon ay pinatay ko na lang ang tawag at tumuloy sa pagpasakay sa bus. Kaagad kong nilagay sa taas ang gamit ko at umupo banda sa bintana.
Ilang oras din ang naging byahe bago ako nakarating sa bahay. Binati pa ako ng ibang kapitbahay namin na nakakamita sa akin bago ako pumasok, pagpasok ko ng bahay ay siya rin ang paglabas ni Caitlin sa kusina.
Napatingin ito sa gawi ko at biglang nanlaki ang mga mata niya. Mabilis siya naglakad papalapit sa akin at niyakap ako. Hinagkan ko rin siya pabalik at bahagyang natawa.
"Si Hero? Maayos naba siya?" Tanong ko sa kaniya matapos kong kalasin ang pagkakayakap.
Tumango siya at ngumiti sa akin.
"Medyo okay na siya. Kakatapos ko lang siyang pakainin." Tumango naman ako dahil sa sagot niya.
Nilapag ko ang dala kong gamit sa sofa at muling sumulyap kay Caitlin na ngayon ay mariin ang tingin sa akin.
"Hindi kana babalik sa Manila?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Kahit hindi ko naman sabihin na ay alam niyang babalik pa rin ako roon. Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya kaya napatingin muli ako sa kaniya.
"Babalik ka pa pala sa Manila. Sana hindi na ka nalang muna umuwi," Ani Caitlin.
"Nag-aalala kasi ako kay Hero kaya umuwi muna ako," sabi ko.
"Kung ganoon huwag ka ng bumalik do-"
Pinutol ko na ang kaniyang sasabihin dahil alam kong pipigilan niya rin naman ako.
"Caitlin... Alam mo naman iyon, 'di ba?" Sabi ko sa kaniya. "Hindi ko naman ito gagawin dahil lang gusto ko pa siya makita... Ginagawa ko ito kas-"
"Kasi ano? Talitha, nangako ka sa akin na hindi kana babalik sa kaniya! Naiintindihan kita pero ngayon ang hirap mo ng intindihin! Hindi ko alam kung anong pumasok sa riyan sa utak mo para pumayag ka!"
Hindi ako makapagsalita, tahimik lang akong tinitignan siya. Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay para may kumurot sa puso ko at ang mga luha niyang lumalandas habang nakatingin sa akin.
"Kaibigan kita! Parang kapatid na kita, nag-aalala lang ako sa'yo dahil baka mangyari na naman iyong dati na ginawa nila sa'yo!" Sigaw niya sa akin at mabilis na nilagpasan ako.
Napakagat nalang ako sa labi ko at napatulala na lang dahil sa guilty na nararamdaman ko. Ang sabi ko sa kaniya ay hindi na ulit ako tatapak sa lugar na iyon pero ako rin lang pala ang sisira sa pinangako ko.
Nang maghapon ay ako ang nag-alaga kay Hero dahil si Caitlin ay nagtungo sa Resort para magtrabaho. Hindi ako nito kinikibo kahit pagpaalam niya ay hindi niya ginawa.
Pinunasan ko ang kaniyang balikat at katawan at binihisan siya para maging maayos ang pakiramdam niya kahit papaano.
Nakangiting umalis ako sa pagkakaupo sa kama at pinagtitigan ang mukha niya. Napakagandang pagmasdan ang mukha niya dahil sa kamukhang kamukha niya siya.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at malalim na napabuntong hininga.
Dalawang araw na mula ng umuwi ako sa La Consalancion galing Manila ay inabala ko ang sarili ko sa pag-aalaga kay Hero at pagtulong sa resort.
At hanggang ngayon din ay hindi kami nagkikibuan ni Caitlin. I know she's mad at me.
Kahit may tampuhan kaming dalawa ay hindi umaabot ng ganito na ilang araw bago magkabati.
Napatingin ako sa phone kong na nasa maliit na lamesa. Dalawang araw ko na iyong hindi binubuksan matapos ang araw na umalis ako.
Kinuha ko iyon para i-on ang phone ko. Pagbukas ko pa lang noon ay sunod-sunod na kaagad ang tunog noon.
Napakunoot ang noo ko ng makita kong puro unknown number ang nasa missed called at message.
"Where are you, Talitha?" Isa iyan sa mga nabasa ko sa message galing sa unknown number.
Sino naman ito?
Akmang babasahin ko pa muli ang mga mensahe sa akin ay narinig ko ang isang malakas naiyak sa kuwarto ni Hero.
Kaagad na binitawan ko ang phone ko at nilagay sa lamesa at mabilis na nagtungo sa kuwarto ni Hero. At nakita ko nga siya roon, nakaupo ito sa kama habang umiiyak.
Mabilis na nilapitan ko siya at niyakap.
"Shhhh. Andito na si Nanang... Tahan na..." Pagtatahan ko kay Hero.
Ilang minuto lang ay tumigil na rin ito sa pag-iyak pero sumisinghot singhot pa ito.
"Shhhh... Don't cry na, ah?" Mahinang aniya at niyakap siya
"Nanang, nachnagenip acqo," Ani Hero. "Kukunich ka raw ng bad guy." Bahagyang napangiti naman ako ng bumubulol ito habang nagsasalita.
"Hindi ako kukunin ng mga bad buy, baby Hero. It's just a dream, baby ko." Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya para tignan kung mag lagnat pa ba siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng sinat na lang.
"What do you want to eat, baby Hero?" Tanong ko
"Banana kue!" Maligalig na sabi nito
Kahit namumula ang mukha nito at namumula ang pisngi dahil sa kakatapos umiyak ay ang cute cute niya.
Binuhat ko siya at sabay kaming lumabas ng kuwarto niya. Nang makapasok kami sa kusina ay hinihingal na binaba ko siya sa upuan.
Ang bigat ng batang ito.
Ngumiti naman ako sa kaniya at sinabihan siyang huwag aalis sa upuan. Hindi naman ako nahirapan dahil sumunod din naman siya kaagad habang ako naman ay kinuha na ang saging at asukal para magsimula ng magluto.
Napatigil ako sa pagkuha ng huling saging nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Sigurado akong si Caitlin iyon. Mabilis na kinuha ko ang huling banana cue na niluto ko para tignan kung sino ang dumating pero hindi pa ako nakakalabas ng pumasok si Caitlin sa kusina.
Napatingin ito sa gawi pero kaagad ding umiwas ng tingin sa akin. Napakagat na lang ako sa labi ko bago ako umupo sa tabi ni Hero.
Isang linggo na ako sa La Consalancion at ngayong araw ako uuwi sa Manila. At isang linggo na rin kaming hindi nag-uusap ni Caitlin na siyang ikinabahala ko.
Ganoon na lang ba ang galit niya sa akin at hindi niya ako kayang kausapin?
Inaayos ko ang mga gamit ko at nang matapos ako ay kaagad akong lumabas sa kuwarto ko na siya rin ang pagbukas ng nasa harapan ng kuwarto.
Nagkatinginan kaming dalawa pero siya rin naman kaagad ang nag-iwas ng tingin sa akin. Akmang maglalakad na ito paalis ng pigilan ko ang kamay niya.
"C-Caitlin... Can we talk? Aalis na ako patungo sa Manila, ayaw ko naman na umalis na magkaaway tayo," mahinang sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nabitawan ko tuloy ang kamay niya ng humarap siya sa akin.
"Anong gusto mong pag-usapan natin? Ang pag-alis mo ba? You can go, Talitha," sabi niya sa malamig na boses.
Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa akin.
"O-Oo... N-Naiintindihan mo naman siguro k-kung bakit..." Tumikhim muna ako bago napayuko.
"Bakit ko ito ginagawa, 'di ba? Kasi Ikaw lang naman iyong nakakaintindi sa akin, Caitlin... Ikaw lang iyong kaibigan ko, ikaw iyong nandiyan para sa akin... Sana maintindihan mo kung bakit kailangan ko itong gawin."
Tumingala ako para tignan ang kaniyang reaksyon ngunit seryoso lang ang mukha niya. Nang hindi ito sumagot ay napahinga na lang ako ng malalim at tinalikuran siya.
Wala rin naman akong makukuhang sagot sa kaniya dahil alam kong galit siya sa akin.
"Hindi mo lang ba ako yayakapin bago ka umalis?" Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
Napaawang ang labi ko at bahagyang napangiti dahil tila gusto niya ng makipag-ayos sa akin.
Nilingon ko siya, she's smiling at me! Tumakbo ako patungo sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
Mahinang napahikbi na lang ako dahil akala ko ay hindi na kami magkaka-ayos na dalawa.
Maghapon ay hinatid ako ni Caitlin sa terminal ng bus. Umiiyak pa ito habang nagpaalam.
Pag-upo ko sa bus ay siya rin ang pag-alala ko sa phone. I-on ko ang phone ko para tignan ang mga mensahe hindi ko pa nababasa.
Kaagad namilog ang mga mata ko ng mabasa ko ang mga mensahe. Puro unknown number lahat iyon.
"This is Hercules."
"Where the fucking are you?"
"Talitha, answered me!"
Ayan lang naman ang mga message ang nabasa ko sa phone.
So all this time ay hinahanap niya ako?
Napalunok na lang ako habang iniisip ang mukha niyag galit habang nagtitipa sa phone niya.
Hindi ko na siya ni-replyan dahil wala rin naman akong load para mai-text siya.
Gabi na nang makarating ako sa Manila. Kaagad akong bumaba habang humihikab pa dahil nakatulog ako sa bus.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mansion ni Hercules.
"Guevara Village po," sabi ko sa driver.
Kilala ang Guevara Village dahil isa lang naman iyon sa pinakamalaking village sa bansa.
Alas otso na ako nakarating sa mansion nila ni Hercules. Pinagbuksan at binati pa ako ng guard nila rito.
Sarado na at patay na ang lahat ng pinto sa loob. Dahan-dahang kong binuksan ang pinto.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala man lang taong naroon. Dahan-dahang humakbang ako nagtungo sa hagdan patungo sa kuwarto ko.
"Where have you been?" The cold baritone emersed from somewhere.
Natigilan ako sa paghakbang, iginala ko ang tingin ko para hanapin ang malamig na boses.
Parang bumara ang sikmura ko ng makita ko kung sino ang nasa sofa. Kahit madilim ay nakikita ko pa rin siya dahil sa liwanag ng buwan.
Nakayuko ito habang nakaupo sa sofa. He's wearing a white shirt and black jeans.
"Saan ka nanggaling, Talitha?" Malamig ngunit galit ang boses niya.
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.
"One week! Isang linggo kitang hinanap, Talitha! Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa'yo!"
Ramdam ko ang galit sa boses niya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
"U-Umuwi ako saamin, Hercules," I uttered.
Napakurot naman ako sa daliri ko.
Tumingin siya sa akin, hindi ko inalis ang titig niya sa akin. Kapagkuwan ay ngumisi siya sa akin.
"Yeah, right. Talitha, your such a good liar. I went to your house the other day at wala ka roon!" Kalmado pa rin ang boses nito.
"Hindi naman dapat lahat alam mo, Hercules. May importante akong pinuntahan," sabi ko.
"Sobrang importante ba niyan at hindi mo na magawang magpaalam sa asawa mo?" Inis na sabi niya.
Napalunok ako, hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya.
"Sa susunod, kung aalis ka, magpaalam ka, Talitha. I'm fucking worried about you! Mababaliw ata ako kapag iniwan mo ako!" After he said that, he quickly stood up and passed me.