Chapter 39
(Lady Arthisa’s POV)
Wala akong balak umalis sa dorm ng buong maghapon pero dahil sa Sierra na 'yon ay hindi na natuloy ang plano kong matulog na lang magdamag.
Pagkatapos ko kasing 'ipakilala' ang sarili ko sa kaniya ay bigla na lamang siyang nagsisigaw na parang sinasapian habang dinuduro duro ako kaya umalis na lang ako ng dorm dahil baka mas lalo pa siyang matuluyang mabaliw kung nandoon ako.
"Saan ako nito ngayon?" Tanong ko sa sarili ko ng wala akong maisip na magandang puntahan.
Nang mapadako ang paningin ko sa labas ng gate ay napangisi ako. Since gusto ko rin namang umalis muna dito bakit di ko layu-layuan diba?
"You are so genius talaga, Arthisa," puri ko sa sarili. Nagsimula na akong maglakad patungo sa gate at kita ko na ang nakakunot na noo ng guard na nakabantay doon. Psh.
"Lady Arthisa, wala naman pong sinasabi ang isa sa mga prof. nyo na may kailangan kayong kunin o gawin sa labas," nakakunot noong tanong niya. Palihim kong iniikot ang aking mata dahil sa sinabi niya.
"It is because hindi naman sila ang nagpapalabas sa akin. May binigay na mission sa akin ang Alphan at kung hindi mo ako palalabasin ngayon din, mapipilitan akong gawin kang mas matanda sa itsura mo ngayon." Pananakot ko sa kaniya na sa tingin ko naman ay tumalab dahil nawala ang linya sa kaniyang noo.
Nagdadalawang isip niyang binuksan ang pagkalaki laking gate ng Alphera kaya palihim akong napangisi. Uto-uto.
Nakangiti akong naglakad palabas ng gate at binigyan pa ng isang saludo ang guard bago ako tuluyang nakalabas. Unti-unti ring lumilitaw ang hagdanang ulap at nang makalapat iyon sa lupa ay patakbo na akong bumaba.
Mabilis kong tinakbo ang papasok na gubat ng Gastre Forest. Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa Hiandus River.
Ramdam ko ang lamig na bumabalot sa Demourne Forest but I can't feel any fear. I smirked as I stepped my foot on the bridge. Ang tulay na nagdudugtong sa magkaibang gubat.
Nilakad ko iyon at nang nasa gitna na ako ay naramdaman ko ang parang pagpasok ng katawan ko sa isang invisible barrier.
The growling sound of wild animals filled my ear. And the deafening silence after that made me alert all my senses.
Madilim ang paligid kaya kinuha ko ang flashlight na dala dala ko. Mabuti na lamang at lagi akong may dalang flashlight na maliit pero malakas ang liwanag.
I roamed my eyes around the whole place at halos magtindigan ang balahibo sa katawan ko nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin.
I alerted my sword just in case na kailangan ko ng suporta.
Sinimulan kong libutin ang buong lugar. Ito ang unang beses na malilibot ko ito ng husto dahil noong una kong punta dito ay kausap ko si Miss Haidie.
I admire the whole place for its beautiful view. They say Demourne Forest is dangerous and hideous because of dead plants and barbarous animals but no, it's beautiful in its own way.
"A beautiful disaster." I murmured as I remembered King Alpha saying those words to me.
Nilibot ko ang buong lugar hanggang sa mapadpad ako sa tingin ko ay pinakapusod nitong gubat. Nakakarinig ako ng malalim na harok na sa tingin ko ay nanggagaling sa isang medyo may kalakihang kweba. Iniikot ko muna ang paningin sa lugar na aking kinatatayuan. Pati ang maliit na flashlight na dala ay iniikot at nang mapatapat sa isang patay na puno ay napahakbang ako ng isa patalikod nang makakita ng nanlilisik na kulay pulang mata. I tried to figure out what kind of wild animal is that but it suddenly disappeared in dark.
Hindi ko na lamang pinansin pa iyon at ibinaling na lang muli ang atensyon sa entrada ng kweba.
Malalim ang mga harok kaya nasisiguro kong malaki ang kung anumang klase ng hayop 'yun.
Sinimulan ko ng lakarin papasok ang kweba at sa unang pagtapak ko pa lang dito ay sinalubong na ako ng mga pulang matang nanlilisik. Sobrang dami na halos hindi ko na mabilang. Sinubukan kong tanglawan ng dalang flashlight ang mga ito at napahakbang ako patalikod nang makitang libo libong paniki ang nakatingin sa direksyon ko.
"Fuck," I whispered. They must be very dangerous based on their eyes only!
Ang harok na naririnig ko kanina ay tila nawala kaya mas lalo akong naging alerto. Thousands of bats will feast later if I would do a wrong move.
I carefully take a step forward not making any noise. Shit. Is this a do or die?
Nakasunod pa rin sa akin ang tingin ng mga paniki. All of them are alert and it frightened the shit out of me!
Malapit na akong makapasok sa isa pang entrada nang sa hindi inaasahan ay may nasipa akong bato. Rinig na rinig ang paggulong ng bato at ang pag-echo nito sa buong kweba. I suddenly froze and my mind became blank. It is almost a minute when a realized what I've done.
Para kanina lang ay nablanko ang isip ko pero ngayon ay wala na akong ibang iniisip kundi ang tumakbo para sa buhay ko. These freaking bats are the cause of my early death!
I ran as fast as I could lalo na nang may naramdaman akong kumagat sa braso ko. Fuck!
Rinig ko ang pagaspas ng mga pakpak nila at ang kanilang huni na nakasunod sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.
Nang makakita ng isang bakal na pinto ay agad akong tumakbo patungo doon at mabilis na sinarhan iyon nang makapasok ako. Rinig ko ang pagtama nila sa bakal na pinto at halos hindi ako makapaniwala nang bumakat ang mukha ng isang paniki sa pinto. Seriously?
Hindi ko na muna pinansin ang pinto na patuloy na binubunggo ng mga paniki at naghanap ng malalabasan ngunit halos mabato ako sa kinatatayuan ko ng makarinig ako ng isang malakas na harok. Shit. Wala na bang mas sasama pa sa buhay ko?
Ayokong sundan ang harok pero kusang gumalaw ang mga paa ko patungo sa isang direksyon. Patungo sa mas madilim na parte ng kwartong pinasukan ko.
"Kwarto sa kweba?" Takang bulong ko sa sarili. Hindi ko na pinansin ang sariling iniisip at inaninag na lang mabuti kung anong klaseng hayop ang nasa likod ng malalakas na harok na iyon.
Sobrang dilim kaya naman kinapa ko ang flashlight sa bulsa ko nang marealize na wala ito sa kamay ko. Baka kasi naiilagay ko pala sa bulsa ko.
Pero nakailang kapa na ako at hindi ko pa rin mahanap ang flashlight ko! Shit! This is not good.
Patuloy kong hinanap sa parte ng katawan ko ang flashlight at nang hindi mahanap ay tumigil na rin dahil paniguradong nalaglag ko iyon kanina habang tumatakbo dahil sa paghabol sakin ng mga paniki.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at panay ang reklamo sa isip dahil sa mga insektong panay ang kagat sa binti at braso ko.
Hindi ko alam kung may katapusan pa itong paglalakad ko pero wala naman akong magawa kundi magpatuloy na lang sa paglalakad.
Dahil sa sobrang dilim ng nilalakaran ko ay hindi ko alam na pader na pala ang katapusan nito kaya nauntog ako.
"I can't believe this is just really happening to me!" Asar na asar na sabi ko dahil sa mga pangyayari sa akin simula pa kanina.
I rolled my eyes on my own thoughts.
'Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa'yo 'yan!' One side of my mind told me that.
Hinampas ko ang pader at mas lalo lang akong nasaktan dahil sa isang bagay na nakakabit dito and only to find out that it is not a wall but also a door! Bakit parang sobrang dami na ng pintong nakikita ko? Don't tell me may mga naunang tao sakin dito matagal na panahon na ang nakalilipas?
Instead of creating many questions in my head, I decided to open the door to see what kind of death is waiting for me.
Pero nagkamali ako... dahil hindi kamatayan ang naghihintay sa akin doon.
Kundi isang puting maliit na mabalahibong nilalang na tahimik na natutulog sa ilalim ng isang malinawag na bagay.