Chapter 38
(Lady Arthisa’s POV)
'You will never be happy! Hindi kahit kailan!'
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. It was the White Deity Alpha! Why am I having nightmares suddenly?
Napahinga na lang ako ng malalim bago ko tiningnan ang labas ng bintana. Nakita kong nagiging kulay kahel na ang langit tanda na lalabas na ang araw. Tiningnan ko rin ang orasan sa side table at nakitang alas singko pa lang ng umaga.
Sinubukan kong bumalik muli sa pagtulog ngunit nawala na ng tuluyan ang antok ko dahil sa napanaginipan ko.
Bumangon na lang ako mula sa pagkakahiga at ginawa ang morning rituals ko. I have this eerie feeling that really bothered me. Pakiramdam ko ay may mangyayaring masama and I don't have any single idea about it!
Habang nagsusuot ako ng pang-itaas na damit ay nakita ko na naman ang tattoo na nasa kanang bahagi ng aking balikat. Tattoo iyon ng halimaw na nabuo noong nakalaban namin sina Ace. Naaalala ko ang sinabi ng King Alpha na ang halimaw daw na iyon ay magiging isa sa mga alipin ng Black Deity. Ibig sabihin ay pag mamay-ari ko ang halimaw na iyon at alipin ko?
"Don't ask the obvious, Arthisa." Pangaral ko sa aking sarili.
Matapos kong makapag-ayos ay lumabas na rin ako ng aking kwarto at muntik na akong mapatalon pabalik sa loob nang makita ko sa labas ng aking kwarto ang King Alpha na prenteng nakasandal sa pader habang nakataas ang isang paa. Tila ba kanina pa siyang nag-iintay pero wala naman akong mabakas na pagkabagot.
"Done?" He asked kaya nangunot ang aking noo. Bumalik sa isipan ko ang nangyari kagabi at hindi ko maiwasang hindi isipin iyon lalo na't kaharap ko siya ngayon! Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa katawan ko at naipon sa aking mukha at paniguradong mapula na iyon dahil sa sobrang init ng pakiramdam ko.
"W-what are you doing here?" Tanong ko nang makabawi.
"Fetching you?" Patanong na sagot rin niya kaya agad na umarko ang aking kilay. Kailan pa siya naging ganito?
"Bakit?" I said almost whispering. Wala kasi akong makitang rason para sunduin niya. I'm always thinking na nag-reincarnate rin siya tulad ko at siguro naman ay nawalan din siya ng ala-ala?
"Is there any problem with fetching to you? I just want to be with you... Serene," he said almost whispering the last word. Natuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa itinawag niya sa akin. Of course, hindi siya nag reincarnate at hindi siya nawalan ng ala-ala. Because he really remembered your past name, Arthisa!
"It is Arthisa," matigas ang tonong sabi ko ngunit nagkibit balikat lamang siya.
"No. It should be Serene." Pagtatama niya sa sinabi ko.
Napabuga na lang ako ng hangin bago naisipang humakbang na patungo sa sala.
"Let's have a date."
Nabigla ako sa sinabi niya kaya agad akong napatigil sa paglalakad. Hindi ko alam kung lilingon ako sa kaniya o mananatiling nakatalikod para hindi niya makita ang namumula ko na namang mukha. Argh! He really has an effect on me.
I want to say yes, of course, but—"No." I answered bago muling humakbang pababa ng hagdan ngunit agad niya akong nahila at nagulat na lang ako ng naramdaman ko na lang na nakayakap na siya sa akin.
Lub dub. Lub dub. Lub dub.
"Can you hear it?" Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik at dinidinig ang mabilis na tibok ng puso niya.
"It's always aching every time you're turning your back to me and starting to run, away from me. It's fucking hurt every time you turn me down. If you want me to help you regain your memory, I will surely do." I could feel the pain and sadness in every word he says. Ramdam na ramdam ko pati ang pangungulila niya.
"I-I... Umm..." I don't know what to fucking say! Magsasalita na sana uli ako nang maramdaman ko ang malambot na labi niya sa labi ko.
Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko habang magkadikit ang aming mga labi. All the pain and everything that happened to us flashed on my memory. The time when we met. The time when he almost died because of accessing my kingdom. And the time when I saw him again but at the same time sacrificing myself because of forbidding our only rule.
Naramdaman ko ang pagkawala ng labi niya sa labi ko kaya napamulat ako. Isinandal niya ang kaniyang noo sa akin at marahang hinabol ang paghinga.
"I love you. I still do." He whispered and a tear trickle from his eyes down to his cheeks.
'I love you too, baby. You're the only man I have loved.' I said at the back of my mind. I love him but I know this is not the right time.
Umalis na ako sa pagkakadikit ng aming mga noo at saka siya tinalikuran.
"Let's go. Baka may makakita sa atin dito at kung ano pang isipin nilang masama," I coldly said bago ipinagpatuloy ang naudlot na pagbaba kanina.
Pagkababa ko sa may kusina ay nandoon na silang lahat at handa ng kumain. Nandoon din ang kamukha ni Venice at pati na rin si Francis.
Nang maramdaman kong pumasok na rin ng kusina ang King Alpha ay agad na akong naupo sa pagitan ni Czarina at Francis. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin ang King Alpha kaya nagpanggap akong wala akong napapansin.
"Good morning, Harry! Dito ka na maupo," masiglang sabi ng kamukha ni Venice at itinuro ang katabi niyang upuan na tanging bakante na lang. At dahil sa ginawa niya ay nawala ang namumuong tensiyon sa pagitan naming lahat. Kanina ko pa iyon nararamdaman dahil sa mga tinginan nila.
Wala na ring nagawa ang King Alpha at naupo na rin sa upuang sinasabi ni Venice na katapat naman ng inuupuan ko.
"Okay, let's eat!" Ani Rieka at agad na kumuha ng bacon at egg. Ako naman ay tahimik na kumuha lang ng tinapay at ham pati na cheese para sa palaman.
Napatigil ako sa paggagawa ng aking ham sandwich ng biglang nilagyan ng King Alpha ang plato ko ng itlog at bacon at sinalinan pa ang baso ko ng gatas. Ramdam ko ang biglaan ding pagkatigil ng mga kasama namin sa dining table dahil sa biglaang aksyon ng King Alpha.
"You should eat a lot. Namamayat ka," he simply said na parang walang inaalala na may nakakakita sa amin.
Palihim kong tiningnan ang reaksyon ni Venice at nakita kong patuloy lamang siyang kumakain ngunit nakakunot ang noo nito. Ibinaling ko na lang uli ang paningin ko sa ginagawa ng King Alpha na ngayon ay hinahati hati pa sa maliliit na piraso ang bacon.
"Ako na," pigil ko sa ginagawa niya. Tiningnan niya lang ako at saka inilingan. "Let me do this." Aniya bago muling ipinagpatuloy ang paggagayat.
Hindi na ako nakipagtalo pa at inintay na lamang siyang makatapos. Nang matapos siya sa pagpipiraso ng bacon ay muli siyang naupo sa tayo niya at ipinagpatuloy ang pagkain. Narinig ko naman ang pagtikhim ng mga kasamahan namin ngunit ipinagsawalang bahala ko na iyon.
"So, you are all close to Harry? Hmm?" Sabi ni Venice habang nagpupunas ng table napkin sa bibig. Walang sumagot sa kaniya kahit pa noong uminom na siya ng tubig.
"Oh, by the way. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala, kaya siguro ayaw ninyong sumagot. Okay, let me introduce myself. I am Sierra Venice, the Queen Alpha." Saad niya at saka ngumiti ng matamis. Kita ko ang pagtitinginan ng ibang Disciples bago muling ipinagpatuloy ang pagkain. Ganoon din ang ginawa ko at hindi pinansin pa ang sinasabi ng nagsasalita.
Patay na si Venice pero bakit nandito siya sa harapan ko? Hindi kaya ginagamit lang ng babaeng 'to ang katawan at pangalan ng kapatid ko? At hindi ko alam kung para saan at bakit.
Napatingin ako kay Sierra nang padarag niyang ibinagsak ang basong iniinuman niya kanina. Natahimik ang buong dining area kaya rinig na rinig ang pag-crack ng baso hanggang sa mabasag ito.
"Sierra..." Maawtoridad na sabi ng King Alpha. Galit na tiningnan ni Sierra ang King Alpha at saka padabog na tumayo.
"Harry, we are in mission at hindi tayo nandito para hanapin mo ang nawawalang minamahal mo 'noon'!" Pinagdiinan niya ang salitang noon kaya napahigpit ang hawak ko sa table napkin na nasa may hita ko.
Kailangan talaga dito pa sa harapan naming lahat?
"Sierra, I said enough." Malamig na sabi ng King Alpha ngunit hindi tumigil si Sierra. Tumingin pa ito ng matalim sa akin at saka ako dinuro.
"You are Arthisa, right? Ang anak ng King at Queen na namamahala sa Aphelonia? Ang landi mo rin, eh 'no?" Gigil na sabi niya.
Hindi ko siya pinansin at tinapos muna ang pag kain ko at uminom ng gatas na isinalin ng King Alpha bago tumayo sa kinauupuan ko at saka siya tinapunan ng malamig na tingin.
"Yes, I am Arthisa. Arthisa Morris. The Bitchest of all bitches. The Queen of all queens and the Goddess of all goddesses, your service."