CHAPTER 03
Hinalungkat na ni Rian ang kabuuan ng cabinet niya pero wala pa rin siyang nahahanap na gusto niyang suoting damit.
Jin already sent her a text message that he’ll be arriving soon, and that he already asked for Rhein’s permission.
Magkasalubong na ang dalawang kilay niya, hindi na rin nakakatuwa sa paningin niya ang tambak ng mga damit na naiipon sa ibabaw ng kama. Sa huling pagkakataon, humila siya ng isang damit na naka-hanger sa pinakasulok ng cabinet niya.
Binitbit niya iyon at sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muling tiningnan ang kanyang repleksyon sa full body mirror.
Bakit ba kasi ako napi-pressure? At bakit din ba ako kinakabahan? Si Jin lang naman ‘yon.
Kanina pa niya kinikwestyon ang sarili pero sa kabila ng inis ay ipinagpapatuloy pa rin naman ang ginagawa.
When she received another text message from Jin informing her that he arrived at their home, she quickly undressed and grabbed a simple plain black shirt. He reminded her to not overdress so she chose a skinny pants and rubber shoes instead of silky dress.
Mabilis siyang nagbihis ng damit. Muling humarap sa salamin para ayusin naman ang sarili. Nang masigurong mukha na siyang disente, sandali lang niyang sinulyapan ang nakatambak na damit sa kama at naglakad na patungo sa may pinto. She grabbed her sling bag and ran downstairs.
Naabutan niyang ang-uusap sa malawak na living room ang nakatatandang kapatid at si Jin. Agad siyang lumapit sa dalawang binata
Nakangiting umakbay sa kanya ang kapatid habang si Jin ay tumango lang nang magtama ang tingin nilang dalawa.
“Anong oras mo ibabalik ang kapatid ko?”
“Kuya, matanda na ‘ko. Hindi mo na kailangang i-monitor pa ang bawat kilos ko,” reklamo niya rito.
“Nag-aalala lang ako, sa ‘yo,” pagtatanggol ni Rhein sa sarili.
Dalawa lang silang magkapatid, apat na taon ang tanda nito sa kanya. Wala na rin silang mga magulang kaya nang tumuntong sa legal na edad si Rhein, ito na ang naging legal guardian niya.
Sumimangot si Rian. Halata naman kasi sa facial expression ng kuya niya na nang-iinis lang ito.
“Ibabalik ko siya nang ligtas at buong-buo,” singit ni Jin.
Nagpaalam na si Jin at inaya na siyang lumabas. Agad namang tumalima si Rian.
“Ingatan mo ang kapatid ko, ah!” pahabol na habilin ng kuya niya kay Jin. “No monkey business, no hanky-panky,” dugtong pa nito.
Nilingon niya ang kapatid at tiningnan nang masama. Kumindat lang ito at nginitian siya.
Sasagot pa sana si Rian pero naunahan na siya sa pagsasalita ni Jin. Pinagmamadali na siya ng binata.
It only takes a few walk through their garden and out the gate. Hanggang sa makalabas silang dalawa ay hindi na ito muling nagsalita.
Isang itim na mini van ang dala nitong sasakyan na naghihintay sa kanila sa labas.
“Sa’n ba tayo pupunta?” naisipan niyang itanong nang nasa tabi na sila ng sasakyan nito.
“Wala pa ‘kong naisip, eh. Sa’n mo ba gusto?”
Natulala siya. There she was, being giddy and anxious on what to wear only discover he has no plans all along about their so-called date. Muling bumangon ang inis na kanina pa niya nararamdaman pero sandaling nawala nang makita ang maamong mukha ng binata.
“Salubong na naman ang kilay mo,” komento nito sabay ngiti. Iyong ngiti na magkalapat pa rin ang mga labi.
Iyong klase ng ngiti na hindi nito ibinibigay ng basta sa sinoman. Iyong klase ng ngiti na parang kumikiliti sa kanya at tumutunaw ng pagkainis niya.
Hinaplos nito gamit ang hinlalaking daliri ang pisngi niya at saka siya inutusang pumasok na sa loob ng sasakyan.
Napailing na lang si Rian at tahimik na sumunod.
Matapos nitong isara ang pinto sa passenger’s seat, mabilis na rin itong umikot at sumakay sa driver’s seat. Inayos lang nila ang seatbelt at matapos ay pinaandar na nito ang sasakyan.
Wala silang imikan habang nasa biyahe. Nakatuon ang tingin ng binata sa tinatahak nilang kalsada habang ang dalaga naman ay inaabala ang sarili ko sa pakikipag-chat kay Jessica.
Dahil nasa cellphone nakatuon ang buong atensyon niya, nagulat na lang siya nang mapansin na parang wala na sila sa siyudad.
Nagtatakang nilingon niya ang katabi.
“Nasa outskirt pa rin tayo ng city, hindi pa nga lang ‘to masyadong improved kaya mas marami pa rin ang mga puno.”
Paakyat ang sementadong kalsada. Makikita sa pagitan ng mga nagalakihang puno ang tanawin ng siyudad sa baba. Mukhang bundok ang dinaraanan nila.
“Bakit dito?” tanong niya sa binata pagkababa ng kotse.
Huminto sila sa isang malawak na patag. Overlooking ang buong siyudad sa baba. Tahimik sa anumang ingay maliban sa sipol ng hangin, sa lagaslas ng mga dahon ng puno at huni ng ibon. Mataas na ang sikat ng araw pero mas nangingibabaw ang lamig ng hangin kaya hindi nila gaanong iniinda ang init ng paligid.
“Bakit? Sa’n mo ba gustong pumunta?” tanong nito sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. Wala rin naman kasi siyang masyadong inaasahan sa binata. Nag-aya lang itong lumabas pero hindi talaga nagsabi kung saan sila pupunta.
“I hate being in a crowd. Mas prefer ko ang ganitong lugar. Tahimik, payapa, solo ko ang lugar”, paliwanag nito
Hindi malaman ni Rian kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para salubungin ang tingin ni Jin. Noon naman ay hindi niya iyon nagagawa. Naiilang siya sa ‘di malamang dahilan kapag nalalapit sa binata.
“Tama ka naman,” pagsang-ayon niya rito katagalan.
Tahimik nilang tinanaw ang buong kapaligiran. Nakasandal sila sa gilid ng sasakyan.
“Gutom ka na ba?”
Nilingon niya ang binata na ngayon ay nakatingin na sa kanya.
“Aalis na ba tayo rito?” ganting tanong niya.
“Gusto mo ba?”
Nagkibit-balikat si Rian. She wanted to stay longer. The silence gives her an unexplainable inner peace.
“Mukhang hindi pa.” Ito na ang sumagot ng sarili nitong tanong.
Sinundan lang ng tingin ni Rian ang binata nang umikot ito sa likod ng mini van. Mukhang may kukunin ito kaya hindi na siya nagtanong. Muli niyang pinagmasdan ang nakalatag na natural na ganda ng kapaligiran sa kanyang harapan.
She smiled when a soft breeze of wind toyed her long black straight hair.
“Kain na tayo.”
Mula sa likod ng van ay nakasilip sa kanya si Jin.
Kunot ang noo na marahan siyang naglakad tungo sa likod ng van. The door was kept open and Jin was still standing beside it.
Nang tuluyan na siyang makalapit, hindi siya makapaniwala sa nakita.
“How...”
“I prepared this. I don’t know if you still love picnic dates...”
Kung nasa ibang sitwasyon lang sila, baka natawa na siya sa nakikita niyang hitsura ni Jin. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya ngayon, nawala ang intimidating aura nito. He’s nothing now but a shy and hesitant boy. Kanina pa ito nakayuko at hinihimas ang ng isang kamay ang batok.
“Ano na?”
Nagulat si Rian nang sa wakas ay tingnan na siya ni Jin. Naroon ulit ang matalim nitong titig, mukhang naiinis na rin dahil hindi pa rin siya nagsasalita.
“Ikaw lang ang naghanda nitong lahat?” tanong niya at naupo na sa isang nakahandang folding chair.
Nakapatong sa sahig ng van ang mga pagkain na sinasapinan lang ng manipis na tela. May isang basket at maliit na cooler.
“Oo,” sagot nito at naupo na rin sa isa pang bakanteng folding chair.
Inabutan siya nito ng paper plate at sinabihan siyang kumuha na lang ng pagkain na gusto niya. The food remained a little bit warm despite the hour they stayed there.
May variety ng drinks na pwedeng inumin sa cooler— juice, softdrinks at iced choco. May fruit slices din na nakalagay sa isang platic food packaging. May pasta, burger, steamed rice at adobo.
“Uubusin ba nating lahat ‘to?” tanong niya habang sumasandok ng carbonara. Minamata na rin niya ang adobo nang malamang si Jin ang mismong nagluto niyon.
“Oo. Tayong dalawa lang naman ang magkasama ngayon eh.”
“Hindi naman siguro ito ang huling hapunan ko ‘di ba?” she jokingly asked to lighten the mood.
“What do you mean?”
Natigilan si Rian. Hindi na muling nagsalita si Jin. They ate in total silence. Nag-aalangan ang dalaga kung nagalit ba ang kasama niya pero palagi naman itong nakaalalay sa kanya at hindi nakakaligtaang alukin siyang kumain pa.
It was when she took a bite of adobo and stared at Jin when she felt a sense of déjà vu. This already happened before.
**