CHAPTER 02
“Huy!”
Pakiramdam ng dalaga ay tumalon palabas ang kaluluwa niya nang bigla na lang siyang hampasin sa balikat ng kanyang kaibigan. Nilingon niya ito at tiningnan nang masama.
“Kanina ka pa kasi nakatulala,” paliwanag nito sa kanya.
Huminga siya nang malalim at tumingin sa malayo nang nakapangalumbaba.
“Jess...”
“Hmm...”
Marahan niyang nilingon ang kaibigan, wala na naman sa kanya ang atensyon nito. Kasalukuyan nitong inaayos ang guhit ng sariling kilay habang nakatingin sa compact mirror.
“Anong gagawin mo ‘pag nakarinig ka ng live confession?” tanong n’ya rito.
Mukhang nakuha naman ng dalaga ang atensyon ng kaibigan. Bigla nitong ibinaba ang hawak na salamin at eyebrow liner at mataman siyang tinitigan. “Who confessed to you?”
“Hindi ako,” tanggi niya.
Mabilis na tumaas ang isang kilay nito, “eh sino?”
“Galing ako sa lib kanina, ‘di ba? Then pagdaan ko sa isang room, may dalawang students do’n tapos narinig ko na nag-confess siya sa isang guy.”
“You’re eavesdropping? You know that’s bawal ‘di ba?” pairap na sabi nito na lumalabas na naman ang pagiging coño.
Kung hindi lang bothered ang pakiramdam ni Rian, baka natawa na siya sa paraan ng pananalita ng kaibigan.
“Hindi ko naman sinasadya. Napahinto lang ako kasi kilala ko ‘yong guy,” paliwanag niya.
“OMG! Sino?”
Jessica turned her body towards her. Nakuha na niya ngayon ang buong atensyon nito.
Just when she’s about to tell her the whole story, her body became stiff when a deep voice called her name. Nakaramdam siya ng panlalamig sa isiping mataman itong nakatitig sa kanya kahit na hindi niya ito nakikita.
“Tawag ka ni Jin,” turan ng kaibigan sa kanya, inginuso pa ang lalaki na ngayon ay papalapit na sa kinaroroonan nilang dalawa.
Sumasabay sa bawat mabibigat na hakbang ng paparating binata ang malakas na pagtahip ng dibdib niya.
“I know...” she hissed and hesitantly turned her head to look at the newcomer.
Ilang dipa na lang ang layo ng binata sa kanila, nakapamulsa na naman at halata sa mga mata ang pagkaburyo… na naman.
Nasa likuran nito ang malamlam na sikat ng araw na natatakpan ng manipis na ulap pero hindi iyon nakapigil sa pagsikat niyon sa direksyon ng binata. Nagmumukha tuloy itong anghel na ipinadala sa lupa at ngayon ay nakatitig sa kanya.
“Pinapasundo ka ng kuya mo,” he stated, his voice cold and unnerving.
Napalunok si Rian habang nakatingala at nakatitig sa mga mata nito. Muling bumalik sa isip niya ang nasaksihan kanina lang.
Ano kayang nangyari sa babaeng nag-confess sa kanya kanina? Sinagot ba niya? Binigyan niya kaya ng chance? May usapan na ba silang mag-date?
Isang malakas na hampas sa braso ang nagpabalik sa kanya sa huwisyo. Nilingon niya ang kaibigan at inangilan habang nakatingin dito nang masama.
“Kinakausap ka ni Jin tapos nakatulala ka lang,” turan nito.
“Hindi ka pa ba tatayo?” singit ng binata sa usapan nila.
Para tuloy sinilihan na bigla na lang napatayo ang dalaga at naiinis na bumaling kay Jin.
“Hindi mo naman ako kailangang sunduin. Kung hinahanap ako ni kuya, ba’t ‘di niya ‘ko tawagan?”
Hindi sumagot ang binata, tahimik lang itong nakatitig sa kanya habang nagpupuyos naman siya sa sobrang inis. Katagalan ay hindi pa rin ito umiimik na tinalikuran na silang dalawa.
Napailing na lang si Rian at muling nilingon ang kaibigan na sinisenyasan lang siya para sundan ang bugnuting lalaki. Wala nang nagawa ang dalaga.
Lakad-takbo siyang humabol kay Jin.
“Sandali lang,” tawag niya rito nang halos maabutan ko na niya ito. “Nagmamadali ka ba? May date ka?” naiinis na tanong niya.
“Ba’t mo naman naisip ‘yan?”
Napahinto siya sa paglalakad nang bigla na lang din itong huminto at mabilis na pumihit paharap sa kanya.
Nawala ang mga salita sa utak ng dalaga. Hindi na niya alam ang isasagot dahil hindi rin naman niya inaasahang kakausapin siya nito.
“Bakit bigla mong naisip na may date ako?” tanong ulit nito.
Pasimple siyang umatras nang bahagya itong lumapit sa kanya. Hanggang balikat lang siya ng binata at mas nakakaramdam siya ng intimidation ngayon dahil sa klase ng tingin nito.
“N-naisip ko lang...” sagot niya, halos malagot na ang hininga niya matapos magsalita.
“Eh ‘di tama nga ang hinala ko.” Ngumisi ito at bahagyang dumukwang para magpantay ang mga mukha nila.
“A-anong hinala?”
Umismid ito, matapos ay tumayo nang tuwid at muli nang naglakad. Naiinis na hinabol ni Rian si Jin at muling kinulit.
“Ano ba kasi ‘yon?” tanong niya rito.
Tinitigan siya nito, parang may malalim na iniisip.
“May lakad ka ba bukas?”
“Wala,” mabilis na sagot niya. Wala namang pasok bukas, paalala niya sa sarili. “Bakit?”
“Labas tayo.”
Parang tinambol ang dibdib ni Rian. Pakiramdam niya ay bigla siyang nabingi dahil sa narinig. Hindi niya agad naiproseso ang kasalukuyang nangyayari.
Ilang sandali ang lumipas, matapos makabawi ay wala na sa harap niya ang binata, kung kailangan ay tatanungin niya na ito para makasiguro.
“Jin!” pahabol na tawag niya sa naglalakad na binata.
“After lunch. Puntahan kita. Don’t overdress.”
“Sandali nga...” Mas binilisan niya ang takbo at humarang pa sa daraanan nito. “A-anong sinasabi mo?”
“Wala ka namang lakad bukas, ‘di ba?” paglilinaw nito, halata na sa boses ang iritasyon.
Wala sa loob na tumango ang dalaga habang nakatitig sa mga mata ng kaharap.
“After lunch na tayo lumakad. Pupunta ako sa inyo, ipagpapaalam kita sa kuya mo, date tayo.”
Sa lahat ng sinabi nito, “date” lang ang tanging tumimo sa utak niya.
Date.
Silang dalawa.
Date.
Naguguluhan pa rin siya sa sinasabi nito. Hindi rin nakatulong ang mabilis na kabog ng kanyang puso.
“Bakit mo ‘ko inaaya ng date?” she blurted out later on. Naalala niya bigla ang babaeng nag-confess sa binata kanina sa classroom. “Gusto mo ba ‘ko?”
“Oo.”
Parang nalaglag ang panga niya sa isinagot nito.
Totoo ba ang naririnig ko?
Si Jin na kilala sa university. Si Jin na maraming babaeng nagkakagusto at naghahabol pero walang pinapansin. Si Jin, na ilang beses nang nakatanggap ng confession pero ni isa ay walang sinagot? Si Jin?
“Riri, bakit ang tagal ninyo?”
Parang nakalutang ang pakiramdam niya nang lingunin ang tumawag sa kanya gamit ang kanyang palayaw.
Nalingunan niya ang nakatatandang kapatid na si Rhein, pati na ang kaibigan nitong si Caspien.
“Ang tagal n’yo naman. Naiinip na ‘ko.”
Hindi na niya naintindihan ang litanya ni Caspien. Masyadong maraming gumugulo sa isip niya para intindihin pa ito. Dumiretso siya sa passenger’s seat at hinintay na lang ang kuya niya na makasakay na rin ng sasakyan.
“Seatbelt,” turan nito.
Mabilis siyang tumalima.
“Okay ka lang, Ri?”
Tumango lang siya.. Matamang nakatitig sa kanya ang nakatatandang kapatid.
Sinilip niya ang dalawa mula sa side mirror sa gawi niya. Naroon pa rin ang dalawa sa kung saan nila iniwan ang mga ito. Nakangiti si Caspien at mukhang may kinikuwento kay Jin. Habang ang huli naman ay halatang hindi interesadong makinig.
Hindi niya alam. Hindi siya sigurado pero parang nakikipagtagisan din ng tingin sa kanya si Jin. Parang alam nitong nakatingin pa rin siya sa kanila kahit na tinted naman ang salamin ng kotse ng kuya niya.
Muntik pa siyang mabilaukan nang bigla itong kumindat. Umaandar na ang sinasakyan nila pero nahagip pa niya ang pagngiti nito
Shit! Impit na hiyaw niya sa isip.
**