Chapter Twenty-One Marriage Proposal

HINDI MAIWASAN NI AIREEN ang kabahan nang makita niya ang gulat sa mukha ni Ryu nang makita nito si Gerald.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Ryu kay Gerald.

"Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" balik na tanong ni Gerald.

"Magkakilala kayo?" naguguluhang tanong rin ni Kuya Jayson at pinasalin-salin ang tingin kina Gerald at Ryu.

"Paano mo nalaman kung nasaan si Ai?" tanong ulit ni Gerald na hindi pinansin ang pagtatanong ni Kuya Jayson.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo rito?" inis ni Ryu.

"Sandali.. Sandali lang!" Awat ni Kuya Jayson at saka baling si Aireen, "Ai, ano ba 'to?"

"Ako na mag-e-explain!" agaw ni Sol, at para itong isang abogado kung umasta. Pakiramdam yata nito ay nasa supreme court sila at may nililitis na isang kaso, "Si Ryu... I mean--si Mr. Martinez, guest namin siya Kuya Gerald."

"Kuya Gerald?" napakunot ang noong tanong ni Ryu.

"Second cousin ko siya," tugon ni Kuya Jayson.

"At siya ang nagtakas kay Ate Aireen," sabat ni Sol.

"Correction. Hindi ko siya tinakas, tinulungan ko lang siya!" pagtatama ni Gerald, "At dinala ko siya rito."

"Tinakas o tinulungan, ang punto ko rito bakit nagsinungaling ka sa akin?" diin ni Ryu, "Ilang beses akong humingi ng tulong sa'yo para hanapin si Ai. Iyon pala itinago mo!"

"Hindi ko siya tinago!" depensa ni Gerald na medyo napataas na ang tono ng pananalita, "Tinulungan ko lang siya!"

"Tama siya, Ryu!" sabat na ni Aireen, "Nakita niya ako sa terminal ng bus. Tinulungan niya akong maghanap ng tutuluyan. Saka naki-usap ako sa kanya na huwag niyang sasabihin sa inyo kung nasaan ako."

"Paano nalaman na nadito si Ai?" tanong ulit ni Gerald.

"H-hindi ko natext sa'yo na nakita ako ni Ate Mary sa convience store na pinagtatrabahuan namin ni Sol," paliwanag ni Aireen.

"So, ina-update mo pala siya sa mga nangyayari mo?" may halong pagseselos na turan ni Ryu, "Samantalang hindi ako huminto sa kakatawag sa'yo, pinapatayan mo lang ako ng phone!"

Natigilan si Aireen. Naramdaman niya ang malaking pagseselos na biglang umusbong sa kalooban ni Ryu.

"Teka, ano bang nangyayari?" naguguluhan pa rin tanong ni Kuya Jayson.

"Kuya, si Kuya Ryu kasi 'yung bestfriend ni Ate Aireen na naikwento niya sa atin," si Sol ang sumagot sa tanong ng kapatid.

"Bago ka magalit d'yan. Tinanong mo na ba si Aireen kung bakit siya lumayas sa inyo?" tanong ni Gerald, "Hindi diba? Dahil wala ka naman talaga pakealam sa nararamdaman niya! Hinahayaan mong kontrolin ka ng mga magulang n'yong pakealamero't pakealemera!"

Tila nag pindig naman ang dulo ng tenga ni Ryu kaya bigla na lang niyang kiniwelyuhan si Gerald.

Napakislot ang lahat.

"Baka nakakalimutan mo! Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakalasing siya! Sino ba ang nagpaasa sa kanya ng mahabang panahon?" panunumbat ni Ryu.

"Tama na!" awat ni Aireen.

"Ay, mga kuya awat na!" namagitan na rin si Sol.

Pero tila napikon lang si Ryu sa paaran ng pagkakatitig sa kanya ni Gerald kaya umarko ang kamao nito.

"Sige, ituloy mo!" hamon ni Gerald.

"Tama na..." pagsusumamong awat ni Aireen sa dalawa.

"Ano ba?!" malakas na sigaw ni Kuya Jayson na tila kulong na umecho sa buong kabahayan, "Baka nakakalimutan ninyong nasa pamamahay ko kayo! Kung gusto ninyong magsuntukan huwag dito!"

Tila natauhan naman si Ryu kaya nagawa na niyang bitawan si Gerald ng pabalang. Muntikan pa ngang mapasubsob si Gerald pero nahawakan iyon ni Aireen.

At hindi naman nagustuhan ni Ryu ang pagsalo ni Aireen kay Gerald kaya inis na lang itong tumalikod at umakyat sa itaas.

"Ryu!" tawag pa ni Aireen sa lalaki.

Pero hindi iyon pinansin ni Ryu. Tuloy-tuloy lang ito sa pag-akyat.

"Pasensya na, Gerald! Kuya Jayson, sorry sa gulo!" nahihiyang paghingi ng pasensya ni Aireen.

"Siya pala 'yung lalaking tinakasan mo," parang natutulang turan ni Kuya Jayson.

"Oo nga! Ang kulit mo naman Kuya!" inis ni Sol.

"Pasensya na hindi ko na sinabi sa inyo. Sa totoo lang 'nung nakita ko siya, pinalano ko nang umalis rito," nahihiyang paliwanag pa rin niya rito.

"Oo, Kuya! Naabutan ko nga siyang nag-iimpake. Kaso pinigilan ko lang siya kasi nilalagnat siya," si Sol na ang nagpatuloy sa pagpapaliwanag, " Sa tingin mo magagawa pa niyang sabihin sa atin ang tungkol sa kanila ganoong todo iwas si Ate Ai kahapon!"

"Hindi lang ako makapaniwala!" tulalang sabi pa rin ni Kuya Jayson, "Nakakatawa! Daig n'yo pa ang magulong kwento sa mga telserye!"

Hindi na sila nagawa pang magsalita dahil patawa-patawa na lang silang tinalikuran ni Kuya Jayson.

"Nashock talaga siya!" komento ni Sol, "Paano kasi ilang beses niyang tinangkang ligawan ka, Ate Aireen. Pero hindi pa siya nanliligaw, basted na siya!"

Nagulat naman si Aireen.

"Huwag mo na kaming intindihin dito. Kausapin mo na si Ryu, at sabihin mo sa kanya ang panig mo bakit ka lumayas sa inyo," pagtataboy sa kanya ni Gerald.

Tumango naman siya. Saka na siya nagmamadaling umakyat ng hagdanan para puntahan si Ryu. Pero nang marating niya ang kuwarto nito wala ito roon. Sinubukan niyang tignan ang kuwarto niya.

Pagkabukas palang niya ng pintuan ay bigla siyang kinabig ni Ryu, at isinandal sa pader.

Nagulat siya lalo na ng bigla siya nitong hinalikan sa kanyang labi. Marahas iyon at magparusa pero nagpaubaya siya. Tumugon siya sa bawat halik nito.

Nang magsawa ito ay masuyo siya nitong niyakap.

"Nasasaktan ako sa mga ginagawa mo," hinanakit nitong sabi, "Hindi mo alam kung ano pinagdaan ko matapos mong talikuran ang kasal natin! Pero bakit hindi ko magawang magalit sa'yo? Bakit natatakot akong inawan mo ako ulit?"

"Ryu..." niyakap din niya ito, "... Sorry! Natakot kasi ako. Natakot ako na baka nagawa mo lang sundin sila Mommy at Ninang Annie dahil ginigipit na nila tayo. Natatakot ako na baka dumating ang araw, isisi mo sa akin ang lahat! Dahil alam kong napilitan ka lang na pakasalan ako."

Masuyo siyang tinignan ng Ryu.

"Litong-lito ako noon, Ryu! Tapos lagi ko pa kayong nakikita noon ni Ate Mary na magkasama. Alam ko kasi gusto mo siya eh! Kaya pumasok sa isip ko kung sakaling umalis ako, kayong dalawa ni Ate Mary na ang ipakasal nila!" hindi na niya napigilan ang pagluha dahil sa paglabas niya ng sama ng loob rito.

"Hindi naman mangyayari iyon," muli siyang niyakap ni Ryu, "Sa inyong dalawa, ikaw lang handa kong pakasalan. Kung sa tingin mo nagpapakontrol ako sa mga magulang natin, nagkakamali ka. Simula sa umpisa, kagustuhan ko na lahat. Kung si Mary man ang naisipan nilang ipakasal sa akin, ikaw pa rin ang pipiliin ko! Ang tanga ko lang dahil huli ko natuklasan sa sarili ko na ikaw ang gusto ko. Simula pagkabata, hindi ko maamin sa sarili ko na ikaw talaga ang mahal ko!"

Tuluyan nanh napaiyak si Aireen matapos niyang marinig ang mga sinabing iyon ni Ryu.

"Sorry, kung naging makasarili ako at hindi ko man lang naisip ang nabigla ka rin sa nangyari. Iniisip ko lang kasi noon ay ang maging akin ka!" pagtatapat nito saka siya mariing tinitigan nito, "Mahal na mahal kita!"

"Mahal na mahal rin kita!" pag-amin niya.

"Pangako ko sa'yo na hindi mo na mararamdaman ang matakot at malito dahil sisiguraduhin kong magiging tapat ako sa nararamdaman ko," anito habang marahan nitong pinupusan ang mga luha sa kanyang pisngi, "Magiging tapat na ako sa'yo!"

Masuyo na siyang hinalikan ni Ryu sa kanyang mga labi. Wala na siyang nagawa pa kungdi ang pumikit at tumugon rito.

"Umuwi na tayo sa atin," masuyong turan ni Aireen nang saglit na iniwan ni Ryu ang mga labi niya at ang kanyang leeg ang masuyo nitong hinahalikan.

Parang nagulat pa si Ryu, "Sige..." iyon na lang naging tugon nito at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling nagpaubaya si Aireen kay Ryu. Hinayaan niya ang kanyang sarili na damhin ang pag-ibig na inaalay sa kanya nitp.

Malalim na ang gabi nang makatulog si Aireen sa mga bisig ni Ryu.

Sinadya talaga ni Ryu ang magising ng maaga para kausapin sana si Jayson. Gusto na kasi niyang humingi ng pasensya rito. Pero hindi niya inaasahan na maaabutan pa pala niya si Gerald roon.

"Hindi ka pa pala umuuwi," sabi niya rito.

"Oo," tugon nito, "Titignan ko pa kasi kung lalayasan ka ulit ni Aireen."

Napakunot naman ang noo ni Ryu na halatang hindi nito nagustuhan ang huling sinabi ni Gerald.

"O, kakasikat lang ng haring araw ah! Huwag kayong magsimula!" babala ni Kuya Jayson, at tumingin ito kay Gerald, " At ikaw naman. Diba sinabi ko sa'yo guest ko siya rito!"

"Oo na," ani Gerald.

"Maganda rin na naabutan kita rito. Gusto ko rin kasing humingi ng sorry sa ginawa ko kagabi," pagkukumbaba na ni Ryu.

At nagulat naman si Gerald.

"Naisip ko kasi na dapat pasalamatan pa kita kasi tinulungan mo si Ai. At dinala siya sa ligtas na lugar," pagpapatuloy ni Ryu.

"Ginawa ko 'yun dahil kaibigan ko siya," tugon nito.

Ngumiti si Ryu, "Salamat!"

"Ay, hindi ako sanay na ganyan ka!" natatawang napakamot ng ulo si Gerald.

"Ay ang sweet! Kiss nga kayo!" biro ni Kuya Jayson.

Pero sabay na napakunot ang noo ng mga nitong tumingin kay Kuya Jayson.

"Alam mo Ryu, isang buwan lang si Aireen dito pero talagang nagustuhan ko siya. Kaya huwag mo nang hayaang lumayas 'yan dahil ako ang sasalo d'yan!" Tila babala nito sa kanya.

"Ipapangako ko sa inyo na hindi na iyon mangyayari," seryosong sabi niya.

"Dapat lang!" sabi ni Kuya Jayson.

"Nakapag-usap na kami, at baka ngayong araw ay mag-a-out na kami. Inuuwi ko na siya," masayang balita niya rito.

"Mabuti naman," tila nakahinga naman ng maluwag si Gerald.

"Pero gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyo," paki-usap niya sa mga ito.

"Ano 'yun?" usisa ni Kuya Jayson.

SAMANTALA, nagising naman si Aireen na wala si Ryu sa kanyang tabi. Kaya naman kaagad niya itong hinanap. Nagtungo siya sa kabilang kuwarto pero wala ito. At ganoon lang ang kabang umusbong sa kalooban niya nang wala na siyang nakitang anumang gamit roon si Ryu.

Kinakabahan siyang lumabas sa kuwarto nito. At doon niya nakita si Sol.

"Sol, nakita mo ba si Ryu?" tanong niya rito.

"Nag-out na! Hindi ba nagpaalam sa'yo?" tanong nito.

"H-Hindi," umiling siya saka siya tumakbo ulit sa kanyang kuwarto. Tinanaw niya mula sa bintana kung naroroon sa parking lot ang sasakyan ni Ryu. Pero wala.

Iniwan ba siya nito? Diba okay na sila kagabi? Diba nag-usap sila na uuwi na silang ngayong araw? Bakit parang iniwan siya nito.

"Hindi... " Umiling-iling siya habang kinakausap ang sarili, "... Hindi niya ito magagawa sa akin. Baka may dahilan kaya bigla siyang umalis? Pero ano? Kung may nangyari man sa pamilya nila, diba dapat ginising niya ako?"

Gulong-gulo siyang lumabas ulit ng kanyang kuwarto. Bababa siya para tanungin si Kuya Jayson. Pero bigla siyang natigilan sa hagdanan nang makita niya si Gerald na may hawak na gitara.

"Ano'ng.... "hindi na niya nagawa pang magsalita dahil simulan na nitong kalabitin ang string ng guitara.

Para naman siyang natulala. Para kasing bumalik sa alala niya noong mga panahon na super crush niya ito. Kinikilig pa siya noon rito habang magkasama pa silang kumakanta noon sa banda. Pero ngayon pagtataka na lang dahil wala na siyang nararamdamang kilig rito. Kungdi kasiyahan na lang dahil nakita niya muli itong tumugtog.

Aktong magtatanong na siya nang biglang lumabas si Ryu. Kumakanta ito. Wala siyang ideya kung anong title ng kantang iyon pero nasisiguro niyang ngayon lang niya ito narinig.

Dito siya nakadama ng kilig. Aywan niya sa isang iglap nagbalikad ang nararamdaman niua sa dalawang lalaking ito.

Nasa kalagitaan ng pagkanta si Ryu ay bigla naman itong lumuhod. Kumabog nang malakas ang dibdib ni Aireen lalo na nang nilabas nito ang isang singsing.

"Will you marry me?" tanong nito.

Saka naman tumulo ang luha niya dahil sa sobrang kaba, kilig at kasiyahan. Ito naman talaga ang hinihintay niya noon pa eh. Ang magpropose ito sa kanya. Ang maramdaman na girlfriend siya nito. Ngayon hindi na siya nangangamba sa nararamdaman nito. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumango.

"Yes, I will marry you!"

Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Ryu saka ito dali-daling tumayo, at nilapitan siya.

Natawa naman si Aireen dahil nakita niya ang pangangatog ng kamay ni Ryu habang sinisuot nito ang singsing sa daliri niya. Dama niya ang kaba nito dahil sa ginawa nito. Pagkaraan ay niyakap siya nito, at mabilis na hinalikan sa mga labi.

Doon na niya nadinig ang pagpalakpak nila Kuya Jayson at Sol na nanunuod lang pala sa isang tabi. Nakita rin niya ang tuwa sa mukha ni Gerald nang tignan niya ito.

"Congrats!" bati ng mga ito.

Isa iyon sa mga pangarap ni Aireen noong bata palang siya. Ang may magpropose sa kanya. Ayaw niyang masyadong bongga. Ang gusto niya simple lang, at tinupad iyon ni Ryu. Masaya siya na sila-sila lang.

"I love you!" bulong sa kanya ni Ryu.

"I love you too!" nakangiting ganti niya.

"Ahhh.. sana all!" naiinggit na turan ni Sol pero pagsiko lang ang tinugon sa kanya ng Kuya Jayson niya.