Chapter Twenty Bus
MATAAS NA ANG ARAW NANG magising si Aireen. Kung hindi pa siya nasilaw sa liwanag na tumatagos sa nakasiwang na kurtina ay hindi pa siya magigising. May ngiti sa kanyang mga labi nang umunat pa siya. Pakiramdam niya, parang ang ganda ng gising siya. Para kasing napakaganda ng napaginipan niya.
Wala sa loob na nag-init ang magkabila niyang pisngi. At kinikilig niya nitong hinawakan. Pero bigla na lang siyang natigilan nang mapagtanto niya sa kanyang sarili na wala siya damit. Nang mapatingin siya sa kanyang tabi, nakita niya si Ryu na mahimbing na natutulog. At mas kinagulat niya dahil wala rin itong gamit.
Dahil sa pagkakagulat niya ay bigla siyang nahulog sa kama.
"Wala akong damit! wala akong damit!" para siyang nababaliw habang hinihila niya ang kumot kay Ryu. Pero bigla muli siyang natigilan nang mapagtanto niyang parang nangyari na ang senaryong ito sa kanila.
"Ano'ng ginagawa mo?" nagrereklamong tanong ni Ryu habang namumungay pa ang mga matang tumingin sa kanya.
Halos ilang segundo rin silang nagtitigan hanggang sa maalala niya ang mga nangyari kagabi. Kung iyong unang mangyari ito sa kanila ay wala talagang nangyayari, pero ngayon ay sariwang-sariwa sa kanyang isipan ang bawat detalyeng ginawa nila.
Aktong sisigaw na sana siya nang mabilis na tinakpan ni Ryu ang bibig niya.
"Wala tayo sa bahay! Baka marinig ka nila Jayson at Sol!" babala nito.
Nanlalaki ang mga mata ni Aireen na tumango na lang. Saka na siya binitawan ni Ryu, at doon ay tumayo na siya para takpan ng kumot ang hubad niyang katawan. Pero bigla siyang nagulat nang biglang hinila ni Ryu ang braso siya at bumagsak siya sa mga bisig nito.
Muling nagtama ang kanilang mga paningin. At unti-unti nang inilapit ni Ryu ang labi nito sa labi niya. Pero hindi pa tuluyang nagkakadikit ang mga labi nila nang makarinig sila ng pagkatok.
"Sa kuwarto mo nanggagaling 'yung katok," sabi ni Ryu.
Para namang nagising sa magandang panaginip si Aireen lalo na ng marinig pa nila ang boses ni Sol. Dali siyang tumakbo sa pintuan, at tinapat niya ang kanyang tenga roon.
"Wala siya? Hindi man lang niya ako hinintay?" may himig na pagtatampong sabi ni Sol saka na ito naglakad.
Nadinig pa ni Aireen ang mga yapak ni Sol na pahina ng pahina. Senyales na umalis na ito. Saka na siya nagmamadaling nagbilis.
"Papasok ka pa ba?" Tanong ni Ryu, "Dito ka na lang."
"Kailangan kong pumasok. Nahihiya na ako kay Sol, ilang araw na niyang sinasalo ang trabaho ko," paliwanag niya rito.
"Sabihin na natin ang toto sa kanila," hiling ni Ryu.
"Sige, pero mamaya na. Papasok muna ako sa work!" sabi niya saka niya dahan-dahang binuksan ang pintuan. Sumilip muna siya labas. Nang matiyak niyang walang tao, saka niya mabilis na lumipat sa katapat na kuwarto.
Nagmamadali nang nag-asikaso si Aireen para sa kanyang pagpasok. Nagulat pa nga sa kanya ni Sol nang makita siya.
"Kakarating mo lang? Akala ko nga nauna ka na rito pero nagulat ako wala ka pa pala," nagtatakang tanong nito.
"Ah, may dinaanan pa kasi ako. Hindi ko na nasabi sa'yo kasi nagmamadali na ako," pagsisinungaling niya.
"Ahh..." tumango na lang ito saka na inabot nito ang isang parehas na mascot ng isang chicken at fries. Trabaho nila ngayon ang mang-tawag ng costumer sa bagong bukas na fast food restaurant.
Noong unang beses na ginawa nila ito ni Sol ay nahihiya pa siya nang utusan sila ng manager na sumayaw. Pero katwiran ni Sol, hindi naman daw nakikita ang mukha nila kaya go lang! Bayad naman daw ang talent nila. Kaya simula noon, kinapalan na niya ang kanyang mukha.
Naenjoy naman niya.
Mahirap lang kumilos dahil may kabigatan ang suot nilang costume.
After ng apat na oras ay tapos na ang duty nila. Kaagad namang silang binayaran ng may-ari kaya masaya sila ni Sol na nag-out.
"Ate, mauna ka na pala umuwi," sabi ni Sol habang papalabas na sila sa naturang fast food restaurant, "Nagkayayaan kasi 'yung mga dati kong kaklase na magkita kami ngayon."
"Sige. Sasabihin ko na lang sa Kuya mo," nakangiti naman siyang tumango.
"Ay, huwag! Huwag mong sasabihin. Sabihin mo na lang may isa pa akong lart time job na pinuntahan," mahigpit nitong bilin.
"S-Sige..." nagtatakang tumango na lang siya. Hintid-tanaw na lang niya ito habang papalayo sa kanya.
Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay bigla namang lumitaw sa kanyang tabi si Ryu.
"Makikipagdate lang iyon," sabi ni Ryu.
Dahil bigla na lang itong lumitaw sa tabi niya ay saka naman siya nagulat.
"Nakakagulat ka naman! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa tabi ko!" reklamo niya.
"Kanina pa kayo rito. Hindi n'yo lang ako napapansin," nakangiting sabi nito, "Nakita ko kayong sumayaw eh!"
"Hala!" nahihiya reaction niya lalo na nang tumawa ito.
"Tara na," aya na ni Ryu saka hinawakan nito ang kamay niya.
Wala nang nagawa si Aireen nang dalhin siya ni Ryu sa pinakamalapit na mall. Doon ay kumain sila, at naglaro ng arcade. Pakiramdam niya, parang bumalik sila dati noong madalas silang nagpupunta ni Ryu sa mga arcade noong mga bata pa sila. At tulad ng dati, lagi pa rin siya nito inaasar kapag natatalo siya.
Dahil sa kasiyahang nararamdam nila ay halos hindi na nila namalayan ang oras. Hindi nila alam na gabi na pala. At dahil rush hour na nang lumabas sila ng mall, abutan nila ang rush hour. Kung saan maraming galing sa trabaho ang pauwi na, kaya nahirapan silang sumakay. Maski taxi ay walang dumaraan.
"Kung kaylan hindi ko dinala ang sasakyan ko," reklamo ni Ryu.
"Ok lang 'yan," nginitian niya ito, "Ayaw mo 'nun, hindi kaagad tayo makakauwi."
"Mamaya sa kuwarto mo naman ako matutulog ah," saka sumungaw ang pilyong ngiti nito.
"Siguraduhin mo lang na matutulog ka, ah!" natatawang sabi niya rito.
"Bakit may gusto mo bang gawin tayo?" bulong na lang nito dahil may ibang kahulugan ang sinabi nito.
Namumula ang mga pisngi niyang kinurot ito. At malakas na napadaing si Ryu kaya napatingin sa kanila ang ilang taong naghihintay ng masasakyan. Nahihiyang sinaway na lang nila ang isa't isa.
"Kaylan mo gusto umuwi sa atin?" biglang tanong nito.
Nagulat naman siya kaya hindi siya nakasagot.
"Okay lang kahit matagalan tayo. Hindi kita pipilitin," nakangiting sabi nito.
Ginantihan na lang din niya ng ngiti ito kahit ang totoo ay bigla siyang nakaramdam ng konting lungkot nang maalala niya ang kanyang Mommy at Daddy. Namimiss na naman niya ang mga ito pero natatakot siya na baka kapag unuwi na sila ni Ryu ay pilitin na naman silang magpakasal ng mga ito. Ang gusto lang naman niya na si Ryu ang mag kusa gumawa ng paraan, at hindi sila pinangungunahan ng kanilang mga magulang.
"Hayan, may isang bus!" masayang tinuro ni Ryu ang paparating na bus. At saka nito hinawakan ang mga kamay niya.
Wala sa loob na napangiti si Aireen. At wala na rin siyang nagawa pa nang hilahin na siya ni Ryu pasakay sa bagong dating na bus. Nagawa nilang makipagsiksikan sa mga taong nag-uunang sumakay. At kahit nakasakay na sila, hindi pa rin binibitawan ni Ryu ang mga kamay niya.
Wala nang bakanteng upuan kaya nakatayo na lang silang dalawa.
"Ohhhhh... usog lang ng konti, oh! Usog lang!" utos ng konduktor.
Sinunod naman nila ito. At kahit na siksikan ay nagagawa pa rin siyang alalayan ni Ryu. Hindi na naman niya maiwasan ang lihim na kiligin dahil secured na secured siya ng mga bisig nito.
"Okay ka lang?" nag-alalang tanong nito.
"O-oo," sagot naman niya at saka siya napalunok dahil ramdam na ramdam niya ang pagkakadikit ng kanilang katawan.
"Dapat talaga dinala ko 'yung sasakyan eh," pagsisising sabi nito.
Lihim naman siya natawa dahil sa nakikita niyang reaksyon ng mukha nito. Kahit kasi nakakaramdam ito ng pagkainis dahil sa sitwasyon nila ngayon ay hindi pa rin niya maipag-aakila na sadyang napakaguwapo pa rin nito sa kanyang paningin. Kaya nga naman, hindi rin nakakapagtatakang may ilang kababaihan sa bus na iyon ang panay rin ang sulyap rito.
Hindi ito ang unang beses na sumakay sila ng bus na siksikan. Maski noong nag-aaral sila ay naranasan na nila ang mga ganitong senaryo. Pero ewan nga ba niya, bakit iba ngayon? Marahil dahil may special na siyang nararamdaman rito ngayon rito.
Halos isang oras din silang nakatayo nang makita nilang malapit na sila.
"Malapit na tayo," maya-mayang bulong ni Ryu sa kanya.
Hindi naman niya maiwasan ang mapakislot dahil naramdaman niya ang mainit na hininga nitong dumampi sa dulo ng tenga niya.
"Kuya, para po! Para! Paraaaa!" malakas na sabi ni Ryu.
"Kuya para daw!" segunda ng ilang pasahero.
Bigla namang prineno ng driver ang bus. At dahil sa pagkabigla hindi kaagad nakakapit si Aireen sa dapat niyang kakapitan. Napaliyad siya, at muntik nang matumba. Mabuti na lang, mabilis siyang kinabig ni Ryu. Naramdaman niya ang pagpalupot ng mga bisig nito sa kanyang beywang at likod. Daig pa nila ang nasa final steps ng tango sa posisyon nila sa mga sandaling iyon.
Nagtama ang paningin nila.
Saka naman parang biglang huminto ang takbo ng oras sa pagitan nila.
Pakiramdam niya ay ligtas siya lagi sa mga bisig nito kapag magkasama sila. Ngayon na lang din niya nakapagtanto na sa tagal na nilang magkasama, kung gaano siya laging pinoprotektahan nito.
Maski kapag may umaaway sa kanya sachool. Ito ang nakikipag-away para sa kanya. Maski noong naligaw siya sa playground, si Ryu ang matiyagang naghanap sa kanya. Noon pa pinoprotektahan na siya nito.
"Oh my God!" bulaslas ng mga kabataang istudyante sa tabi nila.
"Uyyyy..." tukso ng mga ilang taong naroroon.
Bigla naman silang natauhan ni Ryu at mabilis silang lumayo sa isa't isa.
"Hoy, love birds bumaba na kayo!" sabi ng kundoktor, at makahulugang ngiti ang bumahid sa mga labi nito.
Kapwa naman sila nakadama ng pagkahiya ni Ryu. Kaya naman parehas na nakayuko ang kanilang mga ulo hanggang sa makababa na sila ng Bus.
"Hay nakakahiya!" tinapik-tapik ni Aireen ang magkabila niyang pisngi dahil ramdam niya ang pamumula ng mga ito.
"Nakakatawa 'yang mukha mo! Parang kamatis!" tumatawang komento ni Ryu saka ginulo nito ang buhok niya.
"Nakakahiya kaya 'yun!" inis niya rito.
"Bakit ka mahihiya samantalang kinikilig nga sila sa atin? Ikaw ba hindi ka ba kinikilig?" pang-aasar nito.
Saka naman siya natigilan nang bigla nitong nilapit ang mukha nito sa mukha niya. At bigla siyang binigyan ng mabilis na halik sa labi.
"Hoy, ano'ng ginagawa n'yo?"
Kapwa sila gulat na palingon ni Ryu nang marinig nila ang malakas na boses ni Sol. Nakita nila ang panlalaki ng mga mata nito habang pinasalin-salin ang tingin sa kanilang dalawa.
"Ano'ng ibig sabihin nito? Ikaw Mr. Martinez!" galit na tinuro ni Sol si Ryu, "D-Diba sabi mo married ka na? B-Bakit mo hinahalikan si Ate Ai? At ikaw naman..." biglang baling nito kay Aireen,"... Di-diba alam mo naman na may asawa na 'yang lalaking 'yan. Bakit pumapayag kang halikan ka niya?"
"Sol, ano kasi... Si Ryu kasi 'yung kinikwento ko sa inyo na bestfriend kong tinakasan ko," pagtatapat ni Aireen.
"Ha?" parang nagloloading pa sa utak nito ang sinasabi ni Aireen, "Siya?" paniniguro pa nito.
"Oo," tumango si Aireen, "Hindi ko naman balak na itago sa inyo ito ng Kuya mo. Kasi ang totoo nang makita ko siya rito, pinalano kong umalis kahapon kaso hindi ako natuloy kasi nagkasakit ako. Balak na sana namin sabihin sa inyo ngayon kaso nakita mo kami."
"Kaya pala. Iba ang tinginan n'yong dalawa sa isa't isa!" sabi nito, "Akala n'yo hindi ko napapansin 'yun?"
Nagkatinginan silang dalawa ni Ryu.
"Pero bakit sabi niya married na siya? Diba hindi natuloy ang kasal n'yo?" usisa ni Sol.
Iyon naman ang dahilan kaya napatingin si Aireen kay Ryu.
"Mamaya ko sasagutin 'yan kapag umuwi na tayo ng Guest House," sabi nito, "May ipapakita ako sa'yo."
Aywan ni Aireen pero bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Kaya naman nagpasya na silang umuwi. Pero pagpasok nila sa loob ng guest house, isang bisita ang hindi nila inaasahan na maabutan roon.
"Gerald?" gulat ni Ryu.
"Ryu?!" gulat rin ni Gerald saka pinasalin-salin ang tingin kina Ryu at Aireen.
"Magkakilala kayo?" Nagtataka ring tanong ni Kuya Jayson at pinasalin-salin ang tingin kina Ryu at Gerald.