Chapter Eighteen Muling Pagkikita
KAKAGALING LANG NOON sa part-time job si Aireen nang salubungin siya ni Sol sa pintuan. Excited nitong ikiniwento sa kanya ang pagdating ng di umamo ng guwapong guest nila.
"Believe me, Ate! Kapag nakita mo siya baka makalimutan mo ang problema mo! Para siyang anghel na pinadala ng langit rito. At nagbigay ng liwanag sa buong guest house!" kumikinang-kinang pa ang mga mata ni Sol habang nakatingala ito sa kisame na animo'y naroroon ang guwapong bisita nila.
"Talaga ba?" matamlay siyang ngumiti rito.
"Hala siya! Bakit parang matamlay ka? Masama ba ang pakiramdam mo?" bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.
"Medyo napagod lang siguro ako," matipid siyang ngumiti rito.
"Kasi naman alam mong weekend bakit pumasok ka pa rin?" panenermon nito.
"Kasi alam mo naman lalo lang akong nalulungkot kapag mag-isa ako at walang ginagawa," katwiran naman niya.
"Hala sige! Magpahinga ka muna!" pagtataboy nito sa kanya, "Ako muna ang bahalang magluto para sa guest natin."
"Salamat, Sol. Mamaya na lang tayo magkwentuhan. Magpapahinga muna ako," pagpapaalam niya rito.
Aktong paakyat na si Aireen sa hagdanan nang mapansin niya si Kuya Jayson na pakanta-kanta at sumasayaw-sayaw pa.
"Ilan ba ang guest ngayon?" pabulong niyang tanong kay Sol.
"Isa lang," tugon ni Sol saka napatingin na rin ito sa masaya nitong kapatid.
"Bakit ang saya-saya yata niya?" usisa niya rito.
"Ganyan talaga si Kuya. Katwiran niya kahit isa lang ang pumasok na bisita, at least hindi kami na-zero ngayong buwan," paliwanag ni Sol at saka na rin ito napangiwi nang makita nito ang paggiling ni Kuya Jayson.
Maski si Aireen ay napangiwi na rin dahil hindi naging maganda sa kanyang paningin ang pagsayaw nito. Para kasi itong matigas na kiti-kiti.
"Magpahinga ka na Ate, huwag mo nang isipin 'yang Kuya ko. Ganyan talaga 'yan!" pagtataboy ulit sa kanya ni Sol.
"Sige," tumango siya at saka na siya umakyat ng hagdanan.
"Oo nga pala, nasa Ilang-Ilang Room ang guest natin. Sa tapat ng kuwarto mo," habol ni Sol.
"Oo sige," muli siyang tumango. Nagawa pa rin niyang ngitian ang dalaga bago niya ito iwan. Naglakad na siya sa hallway. Malapit na siya sa kanyang kuwarto nang biglang bumukas ang pintuan ng katapat na kuwarto.
Parang nagslow-motion naman sa paningin ni Aireen ang lalaking lumabas roon. At doon na lang pagkabog ng malakas ng dibdib niya nang magtama ang kanilang paningin. At para pa siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mga sandaling iyon. Ni hindi niyang magawang ihakbang anv mga paa niya.
"R-Ryu?!"
"Ai..." bahagya lang itong nagulat na parang bang inasahan na nito magkikita sila.
Hindi na alam ni Aireen kung gaano na sila katagal na nagtititigan hanggang sa mapadaan naman si Kuya Jayson. At nakita nito ang kanilang guest.
"There you are!" masiglang tinapik pa ni Kuya Jayson ang balikat ni Aireen.
Na siya namang nagpakunot ng kilay ni Ryu.
"Aireen, siya pala ang guest natin. Si Sir Ryulito Martinez!" pagpapakilala ni Kuya Jayson.
"N-Nice to meet you po... S-sir! Welcome to Heavenstar Guest House!" nauutal na bati ni Aireen rito at umarte talaga siyang hindi ito kilala. Ganito ang lagi niyang sinasabi kapag pinapakilala siya ni Kuya Jayson sa kanilang nagiging Guest.
"Ahh... Sir Martinez, feel at home lang dito sa Guest House namin! Kahit ano pwede ninyong gawin rito. Mayroon kami ritong mini-cinemas kung saan kahit anong oras pwede kayong manuod. Mayroon din kaming Jakuzi sa rooftop. May playroom, library, cyber zone! May music room din kami! Halos lahat ay truly available rito sa loob ng Guest House namin!" pagmamalaki ni Kuya Jayson.
Pero halatang hindi naman iyon pinapansin ni Ryu. At nananatili lang itong nakatingin sa kinaroroonan ni Aireen.
"Halika, Sir! Ililibot kita rito sa buong bahay!" ani Kuya Jayson.
Lihim na nagpasalamat si Aireen nang biglang hinila ni Kuya Jayson si Ryu palayo sa kanya. At saka na rin siya nagmamadaling pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.
Nanghihina siyang napaupo sa gilid ng kanyang kama. Hindi kasi niya inaasahan na si Ryu pala ang guest nila ngayon. Mukhang kumanta na ang Ate Mary niya.
Tila naman may sariling pag-iisip ang mga luha niya, at kusa itong tumulo. Nagpalinga-linga siya, hinanap ng kanyang paningin ang travel bag niya. Saka niya dali-daling kinuha iyon. Sinubukan niyang isilid sa kanyang bag ang mga gamit niya. Pero bigla siyang napaupo ulit nang maramdaman niya ang bahagyang pag-ikot ng paningin niya.
Para rin siyang nahahapo.
Nanghihina.
Nasa ganoon siyang sitwasyon nang bumukas ang pituan at pumasok roon si Sol.
"O, ano'ng nangyayari sa'yo?" nag-aalalang nilapitan siya nito.
"Nahihilo ako," tanging nasabi niya.
"Hala!" saka nito hinipo ang noo niya, "Ate, nilalagnat ka!"
"Pagod lang 'to, Sol..." aniya saka nagtangka siyang tumayo pero mabilis siyang pinigilan ni Sol.
"Magpahinga ka muna. Ikukuha kita ng gamot," anito saka napatingin sa paligid, "Sandali, ano'ng ibig sabihin nito? Aalis ka na?"
"Kailangan ko nang umalis," sabi niya.
"Bakit? Babalik ka na ba sa inyo?" usisa nito.
Hindi siya kumibo.
"Hindi naman sa pinipigilan kita. Pero huwag ngayon, nilalagnat ka pa eh! Baka mapa'no ka sa daan. Saka mahigpit kang binilin sa amin ni Kuya Gerald," sabi nito.
Hindi ulit siya kumibo, at saka niya pinunasan ang kanyang luha.
"May nangyari ba?" tanong nito.
"W-wala naman. Ganito lang talaga ako kapag masama ang pakiramdam," pagsisinungaling niya.
"Kaya magpahinga ka muna," ani Sol at hinala siya nito pahiga sa kanyang kama, "Nasa policy namin rito sa Guest House na hindi namin pipigilan ang guest kung gusto na nitong umalis. Pero iba ka sa mga guest namin, Ate Ai. Hindi ako papayag na umalis ka na may sakit!"
"Sol..." tinitigan niya ang dalaga, "... Salamat."
"Wala 'yun," ngumiti ito, "Papayagan ka na namin umalis kapag okay ka na. Ngayon kailangan mo munang magpahinga, Ate. Sandali, kukuha ako ng gamot. At ipagluluto kita ng lugaw."
Wala na siyang nagawa pa. Tumango na lang siya. Alam din kasi niya sa kanyang sarili na talagang masama na ang pakiramdam niya.
Sinubukan niyang matulog matapos siyang pakainin ni Sol, at painumin ng gamot. Sinabi pa nito sa kanya na ito muna ang papalit sa kanya sa trabaho. Nahihiya siya rito dahil dapat ay pahinga nito ngayon pero napilitang pumasok dahil may sakit siya. Para tuloy lalo siyang nahiyang umalis sa guest house dahil lang dumating si Ryu.
Madilim na ang buong paligid. Hindi na niya alam kung gaano na siya katagal nakatulog. Hindi na niya magawang makakilos dahil pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya kapag dinidilat niya ang mga mata niya.
Ilang saglit pa ay naramdaman niyang bumukas ang pintuan.
"Sol, pasensya ka na. Kailangan mo akong saluhin sa trabaho ko. Sol..." itinaas niya ang kanang kamay niya. Hindi niya ito nakikita pero naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya.
Bigla na siyang natigilan nang maramdaman niyang hindi kamay ni Sol ang humawak sa kanya. Sinubukan niyang idilat ang kanyang mga mata, at nakita niya roon si Ryu.
Kahit nanghihina siya ay nagawa pa rin niyang bawiin ang kamay niya.
"Bakit mo 'to ginagawa? Pinarurusahan mo ang sarili mo," sabi nito at saka nito nilapag ang isang palanggana sa gilid ng kama niya.
"Umalis ka rito!" pagtataboy niya rito saka siya bumaling ng higa para talikuran ito.
"Alam mo bang hindi ako tumigil sa paghahanap sa'yo," tila panunumbat nito, "Dapat magalit ako sa'yo dahil iniwan mo ako. Pero hindi ko kaya."
Hindi siya kumibo.
"Pangako, hindi ako gagawa ng bagay na magpapalagay ulit sa'yo sa sitwasyon na ikakalito mo. Hihintayin kitang maging okay ulit."
Muling tumulo naman ang luha sa mga mata niya. Mukha kasing pati ang pinag-usapan nila ng Ate Mary niya ay kinanta ng kapatid niya. Lihim siyang naiinis sa kapatid niya.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang lagyan ni Ryu ng basang bimpo ang noo niya. Bahagya naman siyang nagulat dahil sa ginawa nito. Pero matatalim na tingin lang ang binato niya rito.
"Please..." paki-usap nito, "Huwag mo nang uulitin ang paglalayas mo."
"Nakikiusap din ako sa'yo," aniya, "Huwag ka munang lumapit sa akin para hindi ko iyon gawin. Gawin mo na ang gusto mo pero paki-usap ko muna sa'yo, huwag ka munang lumapit sa akin."
"Sige..." pagpayag nito, "... Payag ako sa gusto mo kahit pa magpanggap tayo na hindi magkakilala. Basta hayaan mo lang akong bantayan ka. Dito lang ako, hindi ako lalapit sa'yo pero babantayan kita."
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Malaki na ako," pagmamatigas niya.
"Pero binilin ka sa akin ng parents mo," diin rin nito, "Wala kang ideya kung gaaano sila naapektuhan dahil sa paglalayas mo!"
Matatalim pa rin niyang tinitigan ito.
"Ipinangako ko sa kanila na hindi ako uuwi hangga'y hindi kita kasama!" diin nito, "Kaya asahan mo simula ngayon. Kahit saan ka magpunta, ilang beses mo man akong layasan, hahanapin at hahanapin kita kahit saan ka man mundong magpunta! Maski pa sa buwan!"
Ilang minuto ring naglaban ang mga paningin nila pero si Aireen rin ang unang bumawi.
"Bahala ka nga!" inis niya rito saka muli niya itong tinalikuran. Saka niya lihim na kinapa ang kanyang dibdib. Sa kabila ng pagtataboy niya kay Ryu, bakit nakakaramdam siya ng kasiyahan ngayong nakita niya ito?
Kinabukasan, nagising si Aireen na wala na si Ryu sa kuwarto niya. Wala na rin siyang lagnat kaya naisipan na niyang bumangon para kumain. Pababa palang siya sa hagdanan nang matanaw niya si Ryu na nagbabasa ng libro sa balkonahe. Hindi niya alam kung anong mayroon at naramdaman na naman niya ang pagkabog ng dibdib niya.
"Oh, Ate Ai! Okay ka na?" gulat sa kanya ni Sol nang makita siya nito, "Wala ka nang lagnat?" hinipo pa nito ang noo niya.
"Wala na," nginitian niya ito.
"Tara sa kusina. Pinagluto kita ng tinola! Ihahatid ko sana ito sa kuwarto pero bumababa ka na," ani Sol habang hinihila siya nito patungo sa kusina.
Pinaghain siya ng pagkain ni Sol. Hindi na niya ito natanggihan pa dahil nagugutom na rin siya. Kasalukuyan na siyang sarap na sarap sa kanyang kinain nang nang dumaan si Ryu.
"Mr. Martinez! Kain po!" alok ni Sol rito.
Huminto naman si Ryu at tumingin sa kanila.
"Tara Mr. Martinez! Saluhan mo kami ni Ate Aireen!" hinila na rin ni Sol si Ryu patungo sa hapagkainan.
Hindi niya alam kung sinasadya ba ni Ryu at hindi man lang tumanggi kay Sol. Nakuha pa nitong umupo sa tabi niya.
Kasalukuyan nang nagsasandok ni Sol nang palihim na may inabot na gamot si Ryu sa kanya.
Tuloy lang sa pagdaldal si Sol. Nagki-kwento pa ito tungkol sa bahay pero wala roon ang atensyon nila ni Ryu.
"Heto, Mr. Martinez! Tikman mo 'tong tinolang niluto ko!" ani Sol saka nilapag ang naturang putahe sa ibabaw ng lamesa.
"Salamat," nakangiting sabi naman ni Ryu sa dalaga. At saka na rin ito humigop ng sabaw, "Hmm! Masarap ah!"
"Talaga ba? Kinikilig tuloy ako!" ani Sol saka namula pa ang maala siopao nitong pisngi.
Umarte lang si Aireen na dedma sa nakikita niya. Ayaw niyang magpahalata pero nakaramdam siya ng selos. Tinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pagkain. Hanggang sa muling nagsalita si Sol.
"May kanin ka sa mukha mo, Mr. Martinez!" anito.
Naging aware naman si Ryu sa sinabing iyon ni Sol kaya pinusan nito ang bibig pati ang pisngi. Pero pareho silang natigilan ni Ryu nang si Sol na rin mismo ang nagbolintaryong tanggalin iyon.
Automatiko namang tumalim ang tingin ni Aireen. Pakiramdam niya nasa isang eksena siya ng teleserye na hindi niya gusto ang mga artistang gumaganap. Bigla siyang kinilabutan. Para tuloy gusto niyang hilahin bigla ang kamay ni Sol para sawayin ito.
"Salamat," tanging nasabi ni Ryu.
Na lihim na kinairita ni Aireen kaya tumayo na siya, "Nawalan na ako ng gana, Sol! Magpapahinga na lang muna ako sa kuwarto medyo nahihilo pa kasi ako."
"G-Ga'nun ba? S-sige..." gulat naman ni Sol at hindi na siya nito pinigilan nang lumabas na siya ng kusina.
Dahil sa inis, nang araw na iyon ay maghapon lang na nagkulong si Aireen sa kanyang kuwarto. Ewan niya kung bakit pero nakakadama siya ng inis kapag nakikita niya ang pag-sweet ni Sol kay Ryu.
Kung hindi pa siya niyaya ni Kuya Jayso. na sumama para sa hapunan nila ay hindi pa siya lalabas.
"Tara, Ai. Bumili si Sir Ryu ng mga ihihihawin. Niyaya niya tayong maghapunan na kasama siya," sabi ni Kuya Jayson.
"Pero..." tatanggi pa sana siya.
"Please..." nag-puppy eyes pa ito.
Idadahilan sana niya na nilalagnat pa siya kahit wala na. Pero bigla naman siyang naawa kay Kuya Jayson.