Chapter Sixteen Part Time

TULAD NG BINILIN SA KANYA NI GERALD, tinawagan ni Aireen ang pamilyang iniwan niya gamit ang landline ng Guest House. Noong una ay si Ate Ging ang nakasagot.

"Hello," anito sa kabilang linya.

"Ate Ging..." tanging nasabi niya.

"Aireen? Aireen ikaw ba 'yan?" bulaslas nito. At kahit hindi niya nakikita ang itsura nito alam niyang bigla itong nataranta, "Ate! Ate! Si Aireen nasa telepono!"

Nakarinig pa si Aireen ng mga kaluskos. Halatang hinila ni Ate Ging ang telepono. Pagkaraan ay nadinig na niya ang boses ng kanyang Mommy.

"Aireen? Ikaw ba 'yan?" paniniguro ng Mommy niya sa kabilang linya.

Matagal bago siya nakapagsalita. Pakiramdam kasi niya ay umuurong ang dila niya, at nanakit ang lalamunan niya dahil sa pagpigil ng kanyang pag-iyak.

"Mommy," tanging nasambit niya.

"Aireen! Nasaan ka ba? Susunduin ka namin!" sabi nito, "Sabihin mo kung saang lugar 'yan susunduin ka namin ng Daddy mo kasama si Ryu."

"Mommy, huwag na kayong mag-alala. Okay lang po ako rito sa bahay ng isang kaibigan. Mommy, sorry pero hindi muna po ako makakauwi d'yan," aniya.

"Ano'ng hindi makakauwi? Anak, huwag ka namang ganyan! Paano ang kasal n'yo ni Ryu?" sunod-sunod na sabi nito.

"Mommy, sorry po talaga!" hindi niya alam kung paano niya papaniwanagan ang Mommy niya. Noon pa naman ay hindi na talaga siya pinapakinggan nito. Talagang ipipilit nitong ikasal sila ni Ryu.

Kasalukuyan na siyang umiiyak nang muling nakarinig si Aireen ng kaluslos sa kabilang linya. Pakiramdam niya ay may biglang humila ng telepono mula sa Mommy niya. At ilang saglit pa ay para na siyang natuod nang marinig niya ang boses ni Ryu sa kabilang linya.

"Aireen! Huwag mo naman ito gawin sa akin! Please, bumalik ka na! Mag-usap tayo!" sabi nito.

Aywan niya pero mabilis niyang binaba ang telepono. Para pa rin siyang natulala matapos niyang marinig ang boses ni Ryu.

"Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Kuya Jayson.

Doon na natauhan si Aireen. Doon na rin niya namalayan na nakatingin pala sa kanya ngayon si Kuya Jayson at si Gerald. Kaya naman dali-dali na niyang pinunasan ang kanyang luha.

"S-Si Ryu kasi..." tila pagsusumbong niya kay Gerald habang nangangatal ang boses niya.

"Ano'ng sabi ni Ryu?" tanong ni Gerald.

"H-Hindi...." umiiyak na umiling siya, "... P-Parang hindi ko pa siya kayang kausapin!" Pagkasabi niyang iyon ay saka na siya patakbong umakyat ulit sa kanyang kuwarto. Doon ay muli siyang umiiyak.

Kailangan na munang gumaan ang pakiramdam niya bago siya humarap sa panibago niyang buhay. Ang buhay na walang magulang na nangengealam sa kanya, at walang Ryu na laging nasa tabi niya.

Mahirap pero kakayanin niya.

LUMIPAS NA ANG ISANG BUWAN. Dumaan na ang maraming araw at gabi. Talagang tiniis ni Aireen ang hindi umattend ng kanyang kasal. Halos isang buwan na rin siyang naninirahan sa guest house ng second cousin ni Gerald. Labis siyang nagpapasalamat sa binata dahil nananatiling tikom ang bibig nito kay Ryu. Madalas rin siyang dalawin nito sa Guest House para kamustahin.

Tulad naman ng sinabi sa kanya ni Kuya Jayson, pinakilala siya nito sa bunso nitong kapatid na sobrang workaholic, si Sol. Tinulungan siya nitong makahanap ng trabaho. Halos hindi nga niya mabilang sa kanyang daliri kung ilang part-time job ba ang pinasukan nila sa loob ng isang buwan.

Naging promodizer din siya sa isang supermarket.

Naging mascot sa isang children party.

Maglinis sa loob ng sinihan.

Parang nahawa na rin siya kay Sol sa pagiging workaholic nito. Halos bahay at trabaho na lang umiikot ang mundo niya. At kahit papaano ay saglit niyang nakakalimutan si Ryu.

Sa ilang araw niyang pagtira sa guest house nila Kuya Jayson at Sol, may iilang guest rin siyang nakikilala. Ang iba pa nga mga foreigner pa. Pakiramdam niya, biglang lumawak ang mundo niya dahil halos araw-araw ay nakakasalamuha siya ng iba't ibang mga tao.

Nang nalaman naman ng magkapatid na magaling si Aireen sa pagluluto. Kapag wala siyang trabaho ay siya na ang nakatoka sa kusina para maghain ng pagkain sa mga guest. Simula nang gawin niya iyon, hindi na siya sinisingil ni Kuya Jayson sa pagtira niya sa guest house.

Aaminin niyang nakakalimutan niya ang problema sa tuwing nakakasalumuha niya ang magkapatid. Pero muli siyang makukulong sa kalungkutan kapag mag-isa na ulit siya. Minsan nga nahuhuli niya ang kanyang sarili na tinititigan niya ang picture nila ni Ryu sa kanyang cellphone.

Laging sumasagi sa isip niya paano kung natuloy ang kasal nila? Nasaan kaya sila ngayon ni Ryu? Nasa Honeymoon? Saka naman magsisimulang namula ang magkabilang pisngi niya nang muli niyang naalala ang mga halik na naganap sa kanila ni Ryu.

"Hindi... Hindi.... " todo-iling siya pa siya. Nagbabakasali siyang mawala sa isipan niya ang imahen ni Ryu. Aaminin niyang namimiss na niya ito. Ilang beses na rin niyang tinangkang tawagan ito pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Ilang beses na niyang binabasa ang mga text message nito sa kanya. Noon una ay tinatadtad siya ng text nito, pero after 'nung araw ng kasal nila ay wala na siyang natanggap na text rito.

Hindi na ito nagparamdam sa kanya.

Alam naman kasi niyang masama ang loob nito.

Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang katukin siya ni Sol. Tinatanong nito kung papasok ba siya. Ngayon araw kasi ay may trabaho pa sila sa isang convience store. Isa iyon sa part-time job na pinapasukan nila. Ilang beses na siyang nagtrabaho rito pero aaminin niyang medyo hirap pa rin siya lalo na pagdating sa pagbubuhat.

Nang araw na iyon, seryoso siyang nagma-mop nang sahig dahil may isang makulit na costumer ang nakatapon ng mineral water sa sahig. Pero bigla siyang napahinto sa kanyang ginagawa nang may gumulong na Kinder Joy sa kanyang harapan. Dinampot naman niya iyon, at matamis na ngiti ang ginanti niya sa batang babae na siyang nakahulog niyon.

"Hello, Baby Girl!" masayang bati niya rito. Na sa tingin niya ay na nasa edad itong lima.

"Hello," matipid ang pagkakangiti nito.

Aywan ba niya pero bakit parang pamilyar sa kanya ang paraan ng pagkakangiti nito. Hindi lang niya matandaan kung saan niya nakita ang ganoong ngiti.

"Rhaine, where are you?"

Boses ng isang babae ang nadinig ni Aireen na siyang dahilan ng paghinto ng kanyang oras.

"Mommy!" tawag ng batang babae sa babaeng nagsalita.

"A-Ate?" nanlalaki ang mga mata niyang tawag rito.

"A-Aireen?!" gulat rin nito.

"Mommy, who is she?" usisa ng bata habang panay ang hila sa laylayan ng dress ng Ate Mary niya.

"Mommy?" napakunot ang noo niya.

Dahil sa labis na pagkabigla, namalayan na lang ni Aireen ang sarili na nakaupo sa bakanteng table sa convience, at kaharap niya ngayon ang kapatid niya. At ang batang babaeng hindi pa niya alam kung kaanu-ano niya.

"Isang buwan ka nang nagtatago. Tapos na ang kasal n'yo. Kaylan mo balak bumalik?" tanong ng Ate niya.

"Sino ang batang 'yan, Ate? Bakit tinawag ka niyang Mommy?" balik na tanong niya.

Marahas na hininga ang pinakawalan nito bago muli siyang tinignan nito ng diretso.

"Anak ko," pagtatapat nito.

Alam na ni Aireen ang posibleng sagot nito pero hindi pa rin niya maiwasan ang magulat lalo na sa mismong bibig ng kanyang ate lumabas ang katotohanan.

"I'm secretly marriage sa Canada. Three years na ako doon nang makilala ko ang ama 'yan. Pilipino rin. Pero hindi naging successful ang pagsasama namin," pag-amin nito.

"At sinekreto mo ito sa amin?" tanong niya.

Hindi ito kumibo.

"N-Nasaan ang ama ng bata?" tanong niya

"Nandito sa Las Piñas. Kaya rin ako umuwi ng biglaan dahil tinangay niya ang bata pauwi rito sa pilipinas na wala akong kaalam-alam. S-Si Ryu ang tumulong sakin na hanapin ang anak ko."

Siya naman ang hindi nakakibo dahil narinig na naman niya ang pangalan ni Ryu. Doon na rin pumasok sa isipan niya iyong eksenang naabutan niya ang mga ito noon sa hardin ng Pamilya Martinez. Na biglang niyakap ng kanyang Ate Mary si Ryu.

"Iyan ang dahilan kaya lagi kaming magkasama noon," pag-amin ng Ate Mary niya, "Alam kong may mga nasabi ako sa'yo noon na nagpagulo ng isip mo. Sinabi ko lang iyon dahil natatakot akong matulad ka sa sakin na naging padalos-dalos sa pagpapakasal."

Bumababa ang tingin niya nang maramdaman niyang hinawakan ng Ate Mary niya ang kanyang kamay.

"Bumalik ka na. Hinihintay ka nila Daddy at Mommy. Pati na si Ryu--"

"Hindi pa ako okay, ate..." pagbawi niya sa kanyang kamay. Nagawa na ring putulin ang dapat na sasabihin nito.

"Hanggang kaylan?" tanong nito, "Alam mo bang hindi na masyadong makakain si Mommy dahil sa kakaisip sa'yo? Alam ko na kahit hindi nagsasalita si Daddy, naapektuhan siya. Minsan nga may costumer na nagreklamo sa dish niya dahil may maling sangkap na nailagay roon si Daddy."

"Tinatawagan ko naman sila," katwiran niya.

"Hindi sapat 'yun," diin nito, "Tignan mo nga nagawa mong talikuran si Ryu. Alam mo bang--"

"Ate, please..." nakiki-usap niyang tinignan ito.

"Bakit ba lagi mo na lang pinuputol ang sasabihin ko kapag nababanggit ko na si Ryu?" napabuntong-hininga ito.

"Dahil hindi pa ako okay. Ate, hindi lang naman ito dahil sa nakita ko kayo sa mall eh. Ate, sobra akong nalilito noon. Gulong-gulo ako. Pakiramdam ko noon, napunta ako sa sitwasyon na hindi ko alam kung papaano makawala," pag-amin niya. At hindi na naman niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha,

"Alam kong pareho kaming nabigla ni Ryu. At natatakot ako na baka dumating ang araw ay isisi sa akin ni Ryu ang lahat! Ate, ayoko 'nun. Ayokong dumating kami sa puntong nagsisisihan kami dahil sa biglang pagpapakasal namin."

Hindi na nakakibo pa ang Ate Mary niya. Parang nakuha na nito ang ibig niyang iparating. Alam niyang naranasan iyon ng ate niya sa past relationship nito.

Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang pamangkin, "Rhaine ba ang pangalan niya?"

"Oo, Rhaine ang pangalan niya. Saan ka nakatira?" tanong nito bigla.

"Sa Heavenstar Guest House," tugon niya na siyang labis niyang kinagulat kaya napatikom siya ng bibig.

Natawa naman ang ate niya, "Ang dali mo pa ring madulas."

Tinuktok naman niya ang sarili niyang ulo dahil sa katangahan niya. Nakatuon kasi ang atensyon niya kay Rhaine kaya nawala sa utak niya ang tinanomg nito.

Saka naman tumayo na ang Ate Mary niya, at karga ang anak nito.

"Ate please, pwede mong sabihin kina Mommy kung saan ako nakatira. Pero paki-usap, huwag mong sasabihin kay Ryu."

"Alam mo ba kung ano ang pagkakaparehas nating dalawa?" nakangiting tanong nito.

"A-Ano?" tanong naman niya.

"Minsan hindi ko rin napipigilan ang bibig ko. Kusa itong nadudulas!" natatawang sabi nito.

"Ate!" habol pa niya.

"Say babye to Tita Ai! See you soon!" utos ni Ate Mary sa anak nito.

"Bye-bye Tiya Ai! See you soon!" pagsunod naman ng bata.

"Ate!" tawag pa rito pero hindi na siya nito pinansin.

Nahulog na siya sa malalim na pag-iisip hanggang sa sabihan siya ni Sol na time na nila, at pwede na rin silang mag-out dahil dumating na rin ang kapalitan nila.

Magkasabay rin sila umuwi ni Sol sa Guest House. Doon niya naikwento rito ang naging pag-uusap nila ng kanyang kapatid.

"Eh, paano 'yan? Babalik ka na sa inyo?" may halong pag-aalalang tanong ni Sol.

"Depende," tugon na lang niya dahil maski siya ay hindi alam kung ano ang gagawin ng Ate Mary niya ngayong alam na nito kung saan nasaan siya.

Pero lumipas pa ang ilang araw, lihim na nagpapasalamat si Aireen dahil wala naman kakaibang paramdam sa kanya pamilya niya. Mukhang tinupad ng Ate Mary niya ang paki-usap niya rito.

Wala namang siyang napapansing kakaiba. Sa ngayon, wala pa.