Kabanata 7
Hindi ko alam kung ano bang trip nya at magsasalita ng mga ganung bagay.
"Wala akong pakialam kung magiging kawawa ka. Dahil ikaw ang Ku Liefde Deva ko at tandaan mo hinding hindi tayo magkakaanak dahil ayoko sayo!" at tinalikuran ko na sya.
Maaaring nung una ay crush ko sya pero ngayon wala na. Nasira na. Sinira na ng ugali nya.
Hindi ko alam pero natigilan sya sa sinabi ko. Matapos ang ilang segundo ay pinatahan na nya ang baby pero nananatili parin ang lungkot sa kanyang mukha. Bakit ba ito nag-iinarte? Ano bang sinabi kong masama? At saka totoo naman yon diba?
Nananatili parin akong nakatalikod ng maramdaman kong dumaan sya. Di ko sya tinitingnan, bahala sya sa buhay nya.
"Sige, ako muna ang bahala sa kanya. Maglilibot muna kami sa Aceard " at pagkatapos ay nagteleport na sya papaalis ng may na-realise ako.
Aceard? Maglilibot sila sa kagubatan? Ano bang nasa isip ng lalaking yon?
Mabilis akong nateleport at natagpuan ko si Fahrenheit na nakaupo sa ilalim ng puno habang buhat buhat ang baby. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila sa malayo ng naisip kong ito ba ang dahilan ko kung bakit sinundan ko sya?
Maingat akong lumapit sa kanya at alam kong naramdaman nya ang pagdating ko kaya nag-angat sya ng tingin.
Sa totoo lang, di naman kasi ako mapride na tao kaya kailangang makipagbati na ako sa kanya. Kahit maging magkaibigan man lang kami para sa baby na ito.
"Pwedeng makiupo?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong una kong sasabihin.
Tumango lang sya habang nakatingin sa natutulog na mukha ng baby. Kaya umupo na lang din ako at sandaling pinagmasdan ang gwapong mukha ng baby. Masasabi kong, kamukhang kamukha nga ni Fahrenheit ang baby-ng ito. At kung titingnan ng iba ang posisyon naming ito ay iisiping isa kaming pamilya.
"Sorry ..." sabi ko habang nakatingin sa baby. Alam kong tiningna nya ako pero pagkatapos non ay binalik na muli ang tingin sa baby.
"Sorry dahil masakit ang sinabi ko. Alam kong kahit di mo ako tanggap bilang Ku Liefde Deva ay di ko parin dapat sinabi yon."
Hindi sya nagsasalita at nakatingin lang sa natutulog na mukha ng baby. Siguro'y ayaw nyang tanggapin ang sorry ko. Ouch naman kung ganun.
"Celsius."
"Ha?" tiningnan nya ako at nakita kong medyo naglighten na ang mukha nya.
"I'm sorry too dahil mas nauna kitang sinabihan ng masasakit at di katanggap tanggap na mga salita" napatungo naman ako dahil sa kahihiyan.
"Fahrenheit, kung gusto mo para nalimutan natin ang pagkakamali ng isa't isa ay starting today ay maging friends na lang tayo" maski ako ay nabigla sa sarili ko. Di ko inaasahan na sasabihin ko yon.
At first ay medyo kumunot ang noo nya kaya agad kong binawi ang sinabi ko.
"I mean, kailangan nating maging friends para maalagaan ng mabuti si Baby. Dalawang linggo na tuloy natin syang aalagaan dahil kanina diba, iyak sya ng iyak" napatungo na lang ako habang sinasabi ko yon. Pakiramdam ko, namumula na rin ang mga pisngi ko-- What? No! Di ako namumula. Wala akong gusto ko sa kanya. Period. Di ko rin sya crush.
"If that's the case. I shall give him a name" nag-angat na ako ng tingin sa kanya nung nagsalita na sya.
"Pangalan? Teka, bakit ikaw? Di ba pwedeng ako rin magbibigay ng name?"
"Have you gone nuts? Kamukha ko sya kaya ako dapat ang magbibigay ng pangalan sa kanya." napanguso na lang ako. Nakakaasar naman ito. Eksena nya ha. Kailangang sya talaga. Okay! Sige ! Sya na. Syang sya na.
"Ok! Sabi mo e" sabi ko. Di namang halata na naaasar na ako.
Lumipas ng ilang segundo ay natahimik sya. Naiinis ako. Kaasar naman itong taong to.
"Celsius. We shall call him by the name of Celsius."
Itutuloy..