Kabanata 8
Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay tumayo na sya at dahil sa nandito na rin ako ay sinundan ko na rin sya. Diba, un naman talaga ang tanging rason kung bakit ako nagteleport papunta dito?
Pinagpatuloy lang namin ang aming paglalakad dito sa Aceard habang tahimik. Buhat buhat nya si Celsius na ngayon ay payapa ng natutulog habang ako ay nasa likuran at para akong yaya na nakasunod lamang sa aking amo.
"Sabihin mo, bakit ngayon lang kita nakita? Bakit ngayon ka lang pumasok dito sa eskwelahan dito sa Crea?" tanong nya sakin habang patuloy parin sya sa kanyang paglalakad.
Napaisip ako dun sa tanong nya. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Nilingon ko sya at napagtanto kong tumigil na sya sa kanyang paglalakad at nakatingin sakin na hinihintay ang aking sagot sa kanyang katanungan kaya napahinto na rin ako sa aking paglalakad.
"Sa totoo lang, 20 years akong nanirahan kasama ang mga Ihmisen. Nabuhay akong sinasaktan at minamaltrato ng aking Tiyohin kaya naisip kong lumayas na lang pero ung paglayas kong 'yon ay akala kong mamamatay na ako dahil masasagasaan na ako ng truk ay biglang nagbago ang lahat tapos ayun ... napunta na ako dito sa Crea" halos di ko sya matingnan habang sinasabi ko 'yon. Pakiramdam ko kasi nakakahiya ang kwento ko.
Di sya nagkumento sa sinabi ko bagkus at pinagpatuloy lang nya ang kanyang paglalakad na syang sinusundan ko naman hanggang sa makalabas kami ng Aceard at tuluyan ng natatanaw ang Veil.
"Ikaw, anong kwento mo?" hindi ko na inaasahan na lalabas na sa bibig ko ang katanungang 'yon. Gusto ko mang bawiin ay di ko na magagawa dahil lumabas na sa mismong bibig ko.
Hindi sya nagsalita bagkus ay mapaghinala nya lang akong tiningnan na hindi ko maintindihan. Nagpatuloy sya sa kanyang paglalakad ay umupo sa isang upuang gawa sa kahoy malapit sa Veil. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit umupo na lang din ako sa kalapit na upuan.
"Pasensya ka na. Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong" sabi ko habang nakatungo. Napapahiya ako. Siguro nga, mali nga ang pakikitungo ko sa kanya basta basta. Mataas nga pala sya. Isa syang Hoang Tu. Isa syang Hoang Tu na may mga bagay na dapat gawin, tapos sino ba ako? Isa lang naman akong Ku Liefde Deva nya, wala akong maitutulong sa kanya. At bilang isang Hoang Tu ay maaaring makakahanap sya ng ibang Ku Liefde Deva.
Siguro .. hindi naman talaga ako para sa kanya. Teka, ano ba itong sinasabi ko? Bakit parang malungkot ako? Diba di ako dapat malungkot? Masyado kaming magkaiba ni Fahrenheit, masyadong magkaiba. Hindi ako nararapat sa kanya. At siguro pagkatapos ng punishment na ito ay basta na lang akong aalis ng Crea para layuan na lang ... especially Fahrenheit.
Lumipas ang dalawang linggo.
Maingat akong umalis ng kwarto ko at tahimik na umalis ng eskwelahan ng Crea papuntang Aceard hanggang sa matagpuan ko na ang aking sarili sa tapat ng Magic Barrier. Solid Script magic.
Napapikit ako ng madiin at inalala ang tamang salita para buksan ang Magic Barrier.
"Abierto Magica Barrera. Inuutusan kita. Abierto Magica Barrera" nagkaroon ng isang malakas na hangin. Kahit dis oras na ng gabi ay mas lalo pang dumilim. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan at pinigilang sakupin ng takot ang aking puso at isipan.
Biglang may biglang lumitaw na isang magandang babae na may kahabaan ang buhok na nakasuot ng kulay puting dress na abot habang tuhod.
*Translation to the conversation *
"Cong Chua, saan ka pupunta?" natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahan na magsasalita pala ng Spanish ang babaeng ito pero wala akong naintindihan sa sinasabi nya.
"Ahh ... ate pasensya ka na. Kailangan ko lang umalis. Nagmamadali kasi ako!" pero hindi nya ako pinansin at mas lumakas pa ang hangin.
"Hindi ka pwedeng umalis. Kailangan ka ng Hoang Tu, kailangan ka ng mga nasasakupan mo, kailangan ka ng Adetram" napakunot noo na ako. Ano ba talagang sinasabi ng babaeng di ko sya maintindihan.
"Ate, pasensya na talaga. Kailangan ko ng umalis." tatawid na sana ako ng biglang nag-appear sa daan ang isang babaeng nakasuot ng korona at isang lalaking nakasuot din ng korona na parehas nakaupo sa kanyang trono. May mga Ihmisen na nagbibigay galang sa kanila. Masayang masaya ang mga ngiti ng dalawa sa kanilang mga labi.
Anong ibig sabihin nito? Bakit pinakita sakin ng babaeng ito ang bagay na ito? Bakit pakiramdam ko ay konektado ako sa dalawang Ihmiseng yon kahit hindi naman talaga. Teka, ang gulo ko na.
"Hindi mo kailangang umalis Cong Chua, ang lahat ng alaala mo ay kaya kong ibalik. Wag ka lang umalis" unti unti na nya akong nilalapitan at sa sobrang takot ko ay nadapa ako.
"Ate, gusto ko lang namang umalis. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong pumayag. At kung bakit pinakita mo sakin ang dalawang Ihmiseng nakasuot ng korona. Ano ba? Sino ka ba talaga?" naiiyak na ako dito. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang kailangan ay gusto parin nya akong lapitan.
"Cong Chua" lalong lumakas ang hangin. At lalong dumilim ang paligid. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito. "Hindi mo na kailangang umalis. Kayong dalawa na lang ng Hoang Tu ang tanging muling makakapagbukas ng daan papuntang Adetram"
Nahawakan at nalapitan na nya ako. This time ay umiyak na akong parang bata. Ano bang ginawa ko para makaranas nito? Naging okay at naging mabait naman ako 2 weeks ago ha?
Itutuloy ...