KABANATA 33
Nang maka balik ako sa akim ay wala akong galos pero alam ni Kiel kung anong kinahinatnan ko nagyong araw.
"Sheii." Twag ni Kiel sa akin nang lagpasan ako siya.
"What now Kiel?" Mataray kong tanong s akaniya ng pasigaw.
Tumulo ang luha ko sa nalaman ko nagyon mula kay Max. Bakit kailangan kaming idamay sa kasalanan ng mga magulang namin? Apat kami at nasawi na ang isa! HIndi din malabong pati si Alex ay madamay pa.
"Lebrina!" Sigaw ni Dad sa akin. "Nawawala na ang respeto mo sa amin dahil sa Fontanillang iyan!" Sigaw ni Dad sa akin.
Nilingon ko siya habang umiiyak at tumawa ng mapait sa kaniya.
"Really? Bakit Dad, Ano bang kasalanan naming mga anak ninyo at kailangan pa naming madamay? Kasalanan ninyo ito bakit kami anag kailangang maipit!?" Sigaw ko din pabalik kay Dad.
ISanag malakas na sampal ang natamo ko mula kay Kiel. Nagulat ako at napa hawak sa pisngi ko. Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kaniya.
He never layed a hand on me. Not even an attempt to lift it up. Never. Ngayon lang. Tila nadurog ang puso kong lalo. Mas bumagsak ang luha ko sa nangyaring iyon.
"You're starting to become a real monster Sheii." Saad sa akin ni Kiel ng may bahid ng pagka dismaya at sakit.
tumingin ako sa kanila ng may blankong mukha habang patuloy s apag agos ang mga luha ko. Tinignan ko silang dalawa.
"How could you ever forget... You we're the ones who turned me into one. Kayong lahat." Saad ko saka tumalikod at nag lakad paalis.
"Sheii!" Sigaw ni Dad sa akin pero hindi ko na siya nilingon bagkus ay nag dere deretso patungong silid.
Masaganang luha ang pinakawalan ko sa loob ng kuwarto ko habang dinidibdib ang katotohanang napaka makasarili ng mga pamilya namin. They we're all after for revenge na hindi na nila inisip ang maka bubuti sa aming mga anak nila. I hated Damian but i hate Kiel and Dad also.
Pare pareho lang sila.
Sariling kagustuhan nila ang mga iniisip at walang pakialam sa kung anong kahihinatnan namin. Selfish monsters. Walang malinis o tama sa kanila parehas dahil pareho silang mali at madungis!
Hindi ang pamilya ko dahil kahit hindi kasing demonyo ni Damian ang ama ko ay may iligel pa din itong negosyo at maduming pamamaraan para makipag laro at kumpitensya sa underground society. Pare parehas lang silang mga sakim.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Sebastian. Ilang sandali din abgo niya ito sinagot. Pinunasan ko ang luha ko bago nag salita.
"What happened to Leo?" Saad ko sa kaniya ng walang emosyon. Bakas pa din sa boses ko ang pag iyak.
"Bantay sarado siya ng lahat ng tauhan. Pati ang panganay ay duguang ibinalik dito." Balita sa akin ni Sebastian sa isang mahinang boses. Marahil ay nag iingat siyang may maka rinig sa kaniya doon.
"Anong lagay ni Leo?" Tanong kong muli sa kaniya dahil alam ko an ang kalagayan ni Max.
"Mahina siya dahil tinuturukan siya ng ama niya ng pampa tulog. Plano niyang ikulong ang dalawa hanggat hindi ka niya napapatay. Wala na ang kalahati sa pag aari ni Damian dahil sa ama mo kaya sobra ang galit niya." Saad niya sa akin.
Of course. Ang patulugin si Leo ang pinaka mabisang paraan para pigilan siyang ipag tanggol ako. Hindi ko lang alam kung ganoon din ang gagawin sa kapatid niya. Naikuyom ko ang mga palad ko.
"Itakas mo sila." Saad ko sa kaniya.
"Walang problema. Ako na ang bahala." tugon iya sa akin sa isang makasiguraduhang tono.
"Mabuti." Saad ko lang saka pinatay ang tawag.
Espiya siya ni Kiel doon pero tauhan ko na siya ngayon. Kasing dumi ng mga paraan nila ang mga paraang ginagamit ko. Kung para sa mga sarili nila ang mga ito edi gagawin ko din ito para sa sarili ko. Hindi si Damian, Hindi si Dad at lalong lalong hindi si Kiel ang makakapigil s amga gusto kong gaiwn.
Nag tungo ako sa bathroom para mag linis nga katawan at maghanda para sa pag tulog. Bukas na bukas ay ako mismo ang kikilos ng naayon sa gutso ko. walang pwedeng mag dikta sa akin.
Kinabukasan ay naka tanggap ako ng mensahe mula kay Sebastian na nag sasabing nagawa na daw niya ang pinag uutos ko pero hindi pa nakaka kilos ang mag kapatid na Fontanilla. Alama na nila Leo at Max na hindi pampatulog ang ibinigay ni Sebastian kaya kailangan nilang mag panggap na tulog hanggang maka tiyempo ng pagkaka taon.
I decided to run since wala akong ibang maisip gawin upang hindi makita ang pag mumukha i Kiel at ng Daddy ko. Galit ako oo. Hindi dahil sa ayaw nila sa relayson namin ni Leo kung hindi dahil sa pagiging maka sarili nila.
Galit ako sa lahat!
Bumalik ako sa bahay pagka tapos kong mag sawa sa kaka takbo. Naabutan kong nag uusap si Kiel at tita Ara. Napa tigil sila dahil sa pag dating ko. Hindi ko sila pinansin bagkus ay pumanhik na sa kuwarto ko.
Nakaka sawa ang pag mumukha ng lahat. kung pwede ko lang takasan ang lahat ng ito at kalimutan na lang na ako si Lebrina Sheii Jaranilla o si Xena ay gagawin ko. Nakaka pagod mabuhay kapag napaka walang kwenta ng takbo ng buhay mo. Napapaligiran ng kasakiman at karahasan. Wala namanlang kahit ilang sandali ng kapayapaan. Bawat minuto ay kaialngan mong mag ingat at maging alisto dahil kung hindi ay mamatay ka.
Understandinga and forgieness. dalawang bagay lang pero pareho silang wala.
Kung hindi lang masyadong maitim ang bituka ni Damian ay hindi mag uugat ang lahat ng ito. Malamang ay naging magka ibigan pa din sila ng Daddy ko hanggang ngayon. Kahit pa sabihing pareho silang miyembro ng underground society ay atleast mapayapa kaming nabubuhay. Pero hindi. Pinili nilang mag gantihan kaya ito nang yari.
Hindi sa akin mabuilis mag patawad oo, pero pwede ko iyong pag aralan para sa mga mahahalaga sa akin. Kung hindi nila kayang patawarin ang isa't isa ay bakit hindi na lang nila subukang mag move on? Kung mahal nila kaming mga anak na naiipit sa lahat ng ito.
Napaka maka sarili nila pareho. Walang deserving sa simpatya.
Bumaba ako para mananghalian . walang umiimik sa kanila bagkus ay tahimik lang na kumakain. Tatlo lang kami nina Kiel at tita Ara dahil may pasok si Alex at si Dad naman ay may inaasikaso. Hindi ko lang sigurado kung si Damian o ang negosyo niyang legal. Kung ano man iyon ay wala akong balak alamin.
May pasok din ako pero wala akong ganang tumunganga sa libro dahil baka maka sakit llang ako ng nasa paligid kapag sandaling naubos ang pasensya ko.
"Sheii, About le-"
"Save it tita. Ayokong marinig." Sad ko agad nang mag tangak siyang mag salita.
Napaka bastos o na ba? Sorry, pero sobrang wala akong gana s alahat ngayon. Ito ang isang personality na nabuo sa akin noong nasa loob ako ng impyerno ni Damian. Kapag sumosobtra ang sama ng loob o galit ko ay nagiging bastos ako sa kahit na sino.
I am not a monster by my own will. I was turned into one, please don't forget that.
"Wala ka na sa puder ni Damian kaya ayusin mo ang asta mo. Noong nandodoon tayo ay naiintindihan kita pero ngayon ay hindi ko na magawa Sheii." Madiing sabi ni Kiel habang abalang naka tingin sa pagkain.
Ibinagsak ko ang kubyeros na dahilan ng pag tunog ng plato at pag tingin nila sa akin. Tumawa akong pagak habang naka tingin sa plato kong halos hindi ko pa nagagalaw ang laman.
"Of course i am. Pero walang pinag kaiba kay Damian ang mga kasama ko dito. Hindi ko din iyon maintindihan." Saad ko saka tumayo sa upuan ko.
Hindi ko pa nagagawang tumalikod nang iritado siyang sumagot.
"Anong gusto mong palabasin, Sheii?" Tiim ang bagang niya.
"You're as blinded as Damian. Mga maka sarili na ang gusto lang ay pag hihiganti. So stop acting like you're really concern because if you really are, you would both choose to move kesa ipitin at idamay kami sa alitan ninyo." Saad ko ng hindi lumilingon saka deretsong umalis sa hapag kainan.
Two days passed and i am still waiting for Sebastian's update. Hindi daw nila magawang tumakas dahil maging siya ay pinag sususpetsahan na ni Damian dahil muntikan na silang mahuli sa pag takas sa dalawa.
Bumaba ako sa sala dahil ipianatawag ako ni Dad. Wala naman among imik na bumaba.
"You're leaving with Alex and Ara tomorrow. Sa States ka mananatili hanggang hindi ko sinasabing bumalik ka dito." Saad ni Dad ng pinal.
Wala akong reaction bagkus ay blankong naka tingin sa kaniya. What do i expect? Hindi na ako nagulat.
"Pack your things Sheii." Saad naman ni Kiel.
"Ayoko." Walang gana kong sagot habanag naka tingin lang sa kanila.
Tumayo si Tita Ara saka ako nilapitan.
"Sheii, jiha makinig ka na lang muna sa Daddy mo. Hayaan mong ayusin niya anag lahat dito." Pakiusap sa akin i Tita Ara sa isang mahinahong tono.
Napa tingin ako sa kaniya. Ganitong pakiusap sana. Hindi puwersahan. Gosh, is this the feeling of having a mom? Hini ko kasi alam kasi hindi ko manlang narinig ang boses ng mommy ko.
"i'm old enough tita. Kaya ko na po ang sarili ko." Malamig kong saad sa kaniya.
Bumungtong hininga si Dad saka hinilot ang sintido niya. Tumingin siya sa akin.
"will you really be this stuborn Sheii? Kung hindi ka aalis ay pwes wala na akong ibang choice. Pasasabugin ko ang ulo ng Fntanilla na iyon." Banta niya sa akin.
Dumilim ang mata ko pero hindi ako nag react.
"Go then. Be a monster like Damian! Pinapatunayan mo lang na wala kang pinag ka iba sa kaniya." Matapang kong saad.
I love my dad but i hate him right now. All my life i've been controlled. I can't decide using my own will and i always has to obey orders. Ano ba ako dito? Robot?
"i will if you continued being like this! Para s aiyo ito dahil ikaw na lang ang natitirang ala ala ng mommy mo! Anak kita kaya ginagawa ko ito! Dadating ang araw na magiging magulang ka din at pipiliin mong saktan siya para protektahan siya dahil iyon ang pagiging magulang Sheii!" Pangaral niya sa akin.
Muli akong umiyak. Wala na talagang chance na mabubuhay akong malaya. Hindi pala ako naka kadena mula sa impyerno ni Damian. Mula pala sa sarili kong impyerno naka kadena ako.
"You're just selfish dad. Have you ever tried to reach out to him and talk about the matter? Have you ever tried saying sorry for swaying mom from him? He's a monster pero hindi ka ganon sa pagkaka kilala ko sa iyo! Mas lamang ka kasi mas kaya mong umunawa dahil hindi ka masama kagaya niya, pero pinili mo pa din ang sarili mong kagustuhang gumanti. Is that being a parent dad? Kung inayos niyo ito una pa lang ay hindi na namin kailangang madamay." Saad ko sa kaniya saka umalis.
Nanatili ako sa kuwarto ko buong araw. Wala akong panahong makipag usap sa kahiit kanino. Kahit si Alex ay tinatanggihan kong kausapin. Hindi nila ako mapapalabas ng kuwartong ito lalong lalo na bukas. Mag kakamatayan na pero hindi ako sasama sa states.
Nahimbing ang tukog ko dahil sa pagod at frustrations sa mga naka raang araw. Nagising na lang ako dahil sa isang malakas na katok sa pintuan ko.
"Sheii!" Boses iyon ni Kiel.
Malakas niyang kinakatok ang pintuan ko pero hindi manlang ako kumibo. Hindi ako aalis.
Umupo ako sa akama ko at inayos ang buhok ko. Wala akong pakealam kung magwala ka diyan dahil hinding hindi ako lalabas.
Nagulat na lang ako nang nasira na ang pintuan ko. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Kiel. Hinihingal niya akong tinignan pero hindi ako kumibo.
"Gaano katagal mo balak mag matigas?" Tanong niya ng naiinis.
"Hanggang buhay ako. Kung gusto mo akong dalhin sa states ay patayin mo ako." Saad ko sa kaniya.
"kung ganoon ay mag patigasan tayo." Saad niya saka ako binuhat at dinala palabas ng kuwarto ko at pababa ng bahay.
"Keil! Put me down! Ezekiel!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan.
Naka rating kami sa sala at may naramdaman akong pumulupot s amga paa ko. Fuck! Itinatali nila ako!
I saw tita Ara and Alex. Handa na sila.
"Tita!" I called to ask for help pero bumuntong hininga lamang siya.
ibinaba ako ni Kiel sa couch nanag maitali na ang mga kaa ko at sunod na itinali s alikuran ang mga kamay ko. Para akong baboy na kailangan nilang itali para lang mabitbit.
"This is for the best Sheii. Magalit ka na sa akin nagyon." Saad ni Dad ng mahinahon saka tumalikod.
Tumingin si Kiel sa akin ng blanko matapos akong itali. Binuhat niya ako papunta sa kotse a sumunod naman ang kapatid ko at si tita Ara. Katabi ko si Alex sa passenger's seat at si tita Ara naman ang nasa front seat. Si Kiel ang nag drive.
Bullshit!
I am being forced to leave. Gusto kong mag wala pero naka tali ako at masasaktan ko pang si Alex na nasa tabi ko kapag ginawa ko.
I cried both in irritation and defeat.