Kabanata 5: Pagbabalik

Erika's POV

[Taong 1891]

Busy kami ngayon sa paggayak dahil invited kami sa pa-welcome party kay Eduardo. Suot ko ngayon ang maroon na baro't saya. Mas matingkad ang kulay ng pañuelo sa camisa, at pinatungan naman ng itim na tapis ang palda kahit makapal na iyon.

So, si Eduardo Lopez ay kababata ni Ysabella. Magkaibigan ang mga ama nila. Nang lumaki ay niligawan ni Eduardo si Ysabella pero binasted nya dahil nang mga panahong iyon ay nagkakilala at naging magkaibigan na sila ni Alejandro, at ito ang talagang napupusuan nya.

Kita nga naman, si Ysabella ang gumagawa ng problema nya eh. Matagal na silang magkakilala ni Eduardo, pero si Alejandro pa rin ang pinili. Well, hindi nya naman sinabi ng tuwiran na dahil kay Alejandro dahil sekreto lang ang tungkol sa kanila. Saka mahirap na kalaban ang puso. Hindi rin mapipili kung kanino iyon titibok. I know the feeling.

Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko para kay Rhys dahil magkaibigan kami at natatakot ako na masira iyon pero I just can't resist wews. Actually, sa sitwasyon namin, sya ang mayaman at ako naman ang masasabing average. Naghirap kami bigla noong nagkasakit si Mama at nalulong naman sa sugal si Papa.

Pero mabait ang pamilya ni Rhys. Hindi sila tumitingin sa estado ng buhay. Maswerte ako sa bagay na 'yon kumpara kay Alejandro.

"Nakagayak ka na ba?" bungad na tanong ni Donya Eleanor pagpasok nya ng kwarto ko, este, ni Ysabella. Ang feeler ko na.

"Sandali lang po, Ina."

"Ako na ang mag-aayos ng iyong buhok."

Lumapit sya sa akin at kinuha sa pagkakahawak ko yung buhok ko. Napatitig na lang ako sa kanya habang pinapanood ang ginagawa nya sa reflection ng salamin. Bigla kong naalala si Mama. Hobby nya ang ayusan ako. Hindi mawawala sa bonding namin ang pagpunta sa Watsons at sabay na susubukan sa bahay ang mga napamili namin. Nakaka-miss.

Nakarating kami sa dulo ng Ciudad Sagrada. Magkapatid si Eduardo at ang jowa ni Ate Estella na si Crisostomo. Ang cute siguro kung parehong Lopez ang nakatuluyan ng magkapatid na Madriñan.

Pagkarating sa hacienda ng mga Lopez ay sumalubong sa'min ang isang lalaki na nakilala ko bilang si Crisostomo. Bumati sya kina ama at ina, pagkatapos ay sinamahan nya kami sa pagpasok ng mansyon.

Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ang loob. Para kaming pumunta sa fashion show ng mga baro't saya dahil sa iba't ibang kulay at makikinang na kasuotang nakikita ko. Ang mga lalaki ay naka-coat o kaya ay barong tagalog.

"Ysabella!" Naglalakad kami patungo sa naka-reserve na lamesa para sa amin nang may isang babae ang bigla na lang humawak sa pulso ko. Kaibigan sya ni Ysabella, at kapatid nina Crisostomo at Eduardo.

"F-Felicidad! Hi!" Oh, shit! "E-Este, kumusta ka?"

Hinila nya ako palayo kina Ate Estella at Crisostomo. Sina ama at ina kasi ay humiwalay na sa amin upang makihalubilo sa ibang mga Don at Donya.

"Nasaan sina Adelia at Carolina?" tanong ko. Apat silang magkakaibigan. Si Carolina ang kaibigang pinuntahan ni Ysabella saka nakipagkita kay Alejandro nang umalis na si Dante na naghatid sa kanya.

"Si Adelia ay kasama pa ng kanyang pamilya. Si Carolina, ayon, kaulayaw ang kanyang nobyo. Mamaya ay may ipagtatapat daw sa atin si Lina."

Tumango na lang ako. Hindi ko naman alam kung paano ba makipagchikahan si Ysabella sa mga kaibigan nya.

Tumingin ako sa lamesa namin at natanaw na nakaupo na roon si Ate. Katabi nya sa gilid ni Crisostomo. Sa kabilang gilid naman ni Crisostomo ay may nakaupong lalaki. Napalunok ako nang iangat ko ang tingin sa mukha nito at makilalang sya si Eduardo... at nakatingin din sya sa akin.

Agad kong nilihis ang tingin sa kanya pero hindi ako mapakali dahil ramdam ko pa rin ang lagkit ng mga mata nya. Hindi rin nakatulong ang pamaypay na dala ko. Sa huli ay naisip kong magpasama kay Felicidad sa restroom.

"Ysa, masama ba ang lagay ng iyong tiyan?" rinig kong tanong ni Felicidad mula sa labas ng banyo. Halos limang minuto na kasi ako rito sa loob na paikut-ikot. Ayaw kong bumalik sa lamesa lalo na't ka-table pala namin ang mga Lopez. Pero ayaw ko namang isipin nila na nag-e-LBM ako. Hays!

"S-Sandali lang." Naglakad na ako patungo sa pinto at binuksan ito. Ngumiti naman si Felicidad pagkakita sa akin.

"Hindi mo kailangang maglihim sa akin. Alam ko na naiilang ka kay Kuya Eduardo." Alangan akong natawa dahil ganoon na pala ako ka-obvious at nagpaypay ng malakas. "Matagal nang natanggap ni Kuya na wala kang pagtingin sa kanya. Nabighani lang siguro sya sa naging pagbabago sa iyo."

Napabuntong-hininga ako. Alam ni Felicidad ang totoong dahilan kung bakit tinanggihan noon ni Ysabella ang kapatid nya. Pero kahit na ganoon ay hindi nakaapekto ang nangyari sa pagkakaibigan nilang dalawa.

Nagpasya na kaming pumunta sa hapag dahil magsisimula na ang piging. Iisipin ko na lang siguro na invisible si Eduardo. Napatigil naman ako sa paglakad nang makita rito ang hindi ko inaasahang lalaki.

"L-Lorenzo?" Papasalubong sya ngayon sa amin. Nakangiti sya ng maluwang. Nang malapit na sa pwesto ko ay kinuha nya sa ulo ang suot sa sumbrero saka huminto at yumuko ng kaunti. Napakurap-kurap ako.

What?! Imbitado sya? Si Eduardo, iimbitahan ang mapapangasawa ni Ysabella? Well, ang sama naman kung hindi nila isasama sa party ang pamilya ng kapitan. Pero ang awkward lang nito.

"Kanina pa kita hinahanap." Tumingin sya kay Felicidad at bumati rito, saka ibinalik sa akin ang atensyon. "Samahan ko na kayong magtungo sa inyong hapag." Inilahad nya sa harap ko ang palad nya at wala naman akong nagawa kundi tanggapin iyon.

"Hindi ka namin kasama sa lamesa?" Marahan syang umiling.

"Kasama namin ang pamilya ng mga Principales." Tumango ako. Principales o iyong mga opisyal sa pueblo o bayan sa pangunguna ng Gobernadorcillo. Mayamaya ay lumingon sya sa'kin na parang nahihiya sa sasabihin. "Mamaya, pagkatapos ng hapunan ay maari ba kitang isayaw?"

Nagkatinginan kami ni Felicidad na nasa kabilang gilid ko. Sabay pa kaming napahinga ng malalim. Myghad.

* * *

"Kung gayon ay isang Suarez pala ang napupusuan ni Ysabella kung kaya't tinanggihan nya ang aking anak."

Muntik pa akong mabulunan nang biglang malipat sa akin ang usapan nina ama at Don Severino. Hindi ko naman maiangat ang ulo ko dahil nakaupo ako sa tapat mismo ni Eduardo. Shuta.

"Masyadong bata ang mga anak natin noon. Magulo pa ang isip ni Ysabella at hindi pa oras upang ipakasal sila kung sakali. Limang taon na ang nakalipas."

"Kaya nga sinabi ko kay Eduardo na huwag na syang magtungo sa Europa at hintayin ang pagtuntong nila sa hustong edad. Ngunit hindi raw nya ibig ang pakikipagkasundo."

"Ano pa bang bago sa kasunduan? Ang problema ay masyadong natagalan ang kanyang pagbabalik. Nang lumapit sa akin si Felipe ay hindi ko matanggihan ang isang cabeza. Hindi rin tumutol doon si Ysabella. Wala akong dahilan para hindi iyon tanggapin."

Kung hindi ko lang iniingatan ang reputasyon ni Ysabella ay kanina pa ako nag-walkout sa harap nila. Hindi ba sa kanila uso ang pagmo-move on? Tss.

Pasimple kong inangat ang tingin kay Eduardo at tulad ko ay patay-malisya lang sya. Nahalata yata nya ang ginawa ko kaya tumigil sya sa pagnguya at tumingin din sa akin. Muntik ko pang masagi ang inumin ko dahil sa pagkatarantang kunin ang kutsara't tinidor para magpanggap na kumakain.

Aksidente ko tuloy na napatunog ng malakas ang pinggan ko. Nanlaki ng todo ang mga mata ko, at nang iangat ang ulo ko ay gulat silang nakatingin sa akin.

Umalis sa table ang mga parent namin pagkatapos kumain at nakipagchikahan na naman sa kanilang mga amigo at amiga. Naiwan kami nina Ate Estella at Crisostomo. Umalis din si Felicidad pero hindi ako nakasama dahil lumipat sa lamesa namin si Lorenzo. Magkatabi kami ngayon.

Isinama naman ni Don Severino si Eduardo para batiin ang mga bisita. May mga nagtatanghal sa entablado, at mamaya raw ay magkakaroon ng sayawan. Hindi ko pwedeng tanggihan si Lorenzo roon.

"Ysabella!" Biglang sumulpot sa harapan ko ang tatlong maria.

"Halika. Sumama ka sa amin," pag-aya ni Carolina at mukhang excite na excite.

"S-Saan?"

"Basta. Ginoong Lorenzo, hihiramin po muna namin si Ysabella."

Kagyat nila akong hinila kaya hindi ko na nagawa pang makapagpaalam kina Ate Estella at Lorenzo. Umakyat kami ng 2nd floor at pumasok sa isang silid. Napagtanto ko naman na kwarto ito ni Felicidad dahil sa higaan at mga gamit na pambabae.

"A-Anong meron?" Hindi ko alam kung dapat ko bang sabayan ang excitement nila. Ano bang chika?

Lumapit sa akin si Carolina at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Hindi mawala ang ngiti nya. Hmm, I think alam ko na ang ganap. Lalaki siguro 'yan.

"Hiningi na ni Manolo ang aking kamay!" Saka sya napatakip ng bibig at nagtatalon in mahinhin way. Putcha. Ang pabebe niyon kung sa hinaharap.

Unti-unti akong nakaramdam ng saya at sabay-sabay namin syang niyakap. Naguluhan ako dahil parang hindi naman sa akin galing ang emosyon na iyon. Feeling close lang ako ganern?

"Nais ko talaga na kayo ang unang makaalam nito. Hindi ko na maiwasan ang mag-isip ng aming magiging buhay ng magkasama."

"Walang duda na magiging masaya ang inyong pagsasama. Magiging isa ka nang Flores," sambit ni Adelia.

Nanlaki ang mga mata ko. Flores? Ibig sabihin ay ka-bloodline ko sila. Pwede ring kina Manolo at Carolina nagmula ang angkan namin. Waaah!

Tumagal ng ilang minuto ang pag-uusap namin. Hindi naman ako masyadong nagsasalita dahil baka mahalata nilang ibang tao ako.

"Mga senyorita, hinahanap na po kayo sa ibaba." Isang babae ang nagsalita mula sa labas ng kwarto.

"Susunod na lang po kami, Manang," tugon ni Felicidad.

"Magsisimula na siguro ang sayawan," sabi ni Adeila pagkatapos ay tumigil ang tingin nya sa'kin. "Kumusta pala ang naging pag-uusap ninyo ni Ginoong Alejandro?"

"Ha? Umm, a-ayos naman."

Nakatitig na lang silang tatlo sa akin ngayon. Gosh. Gusto kong sabihin sa hindi naman talaga nakipaghiwalay si Ysabella kay Alejandro noong nagkita sila. Nagpunta sila sa gubat ng Milagroso at nagpasailalim sa isang mahika. Kaya ngayon ay ako ang nasa katawan ni Ysabella at hindi ang totoong sya.

"'Wag nyo akong tignan ng ganyan. Tara na." Ngumiti na lang ako at hinila sila palabas ng kwarto.

Sumalubong sa amin si Manolo habang bumababa kami ng hagdan. Nag-holding hands silang dalawa ni Carolina at nangisay naman kaming tatlo. Shuta ang gwapo at ang ganda ng possible ancestors ko!

"Binibining Ysabella, kumusta ka na? Matagal na panahon yata na hindi ka nakasama sa kanilang mga lakad," bati sa akin ni Manolo.

"A-Ayos naman ako. Umm... ano kasi..."

"Naging abala kasi siya sa paghahanda para sa kanilang kasal ni Ginoong Lorenzo, mahal." Si Carolina na ang sumagot para sa'kin.

Bago pa ako mapunta sa katauhan ni Ysabella ay naihanda na ang lahat para sa kasal. Hindi ko alam kung kayang kong mahalikan ni Lorenzo at makipag-ano sa kanya sa honeymoon namin. Ni hindi ko ma-imagine na gagawin ko 'yon pero anong magagawa ko? Panganay na anak ang ninuno ni Rhys. Kailangan.

"Hmm, anim na araw na lang pala mula ngayon. Pagkatapos ay kami naman ng aking mahal ang susunod," sabay tingin kay Carolina.

Ngumiti na lang ako saka tumingin sa mga tao sa ibaba para ma-distract at hindi na maisip ang kasal and my green wild thoughts. Around 100 ang narito.

Unti-unti namang nawala ang ngiti ko nang mapansin si Kapitan Felipe na nakatayo malapit sa pinto. Palinga-linga kasi sya na para bang tinitignan kung may nakatingin sa kanya. Nang makitang busy ang lahat sa pakikipag-usap ay tuluyan na syang lumabas. Saan kaya sya pupunta?

Nagpaalam ako na pupunta sa banyo pero ang totoo ay gusto kong sundan si Kapitan Felipe. Ewan ko ba pero iba kasi ang pakiramdam ko.

Sinigurado ko na wala ring nakakita sa akin na lumabas. Nasa may pintuan na ako at tahimik lang ang paligid. Sumilip ako ng kaunti at nakitang may kasama si Kapitan Felipe na mukhang gwardya ng kanilang pamilya base sa suot nito.

Hindi nila namalayan ang paglabas ko dahil medyo naka-indent ang pintuan sa pader. Saka medyo malayo sila at nakatalikod sa akin. Busy rin sila sa paghithit ng tabako. Papasok na lang sana ako dahil mukhang gusto lang talaga ni Kapitan Felipe na magbisyo nang bigla naman syang nagsalita.

"Kumusta na ang paghahanap nyo sa lalaki?"

"Wala po talagang nakakilala sa taong nanloob, Kapitan. Nagtanong-tanong na rin po kami sa mga magsasaka pero wala raw silang napansin," tugon ng gwardya.

"Siguradong babalik iyon dahil wala syang nakita. Huwag nyo na syang hahayaan na makatakas. Hindi isang daga ang sisira sa mga plano ko."

Napatakip ako ng bibig dahil sa mga narinig. Ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita nya. Sino ang tinutukoy nilang tao at ano yung plano? Gosh. Hindi kaya...

Muntikan na akong mapasigaw nang bigla na lang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, si Eduardo pala. Shocks.

"Anong---"

"Shh!"

Nanlaki ang mga mata nya nang bigla kong tinakpan ang bibig nya. Dali-dali ko syang hinila papasok ng masyon bago pa kami makita ni Kapitan Felipe at ipakatay sa kanyang tauhan.

Lumayo muna kami sa pinto bago huminto sa pagtakbo. Pumasok na rin si Kapitan Felipe at inilibot ang paningin. Tumalikod ako at humarap kay Eduardo. Hindi nya sana nakilala ang boses namin. Please, please, please.

"'Wag mo syang tignan!" inis kong bulong saka pinihit ang ulo ni Eduardo paharap sa'kin.

"Ano bang ginagawa mo sa labas?"

"Basta. 'Wag ka na lang makialam."

"Anong narinig mo?"

"W-Wala." Tiningnan nya ako sa mga mata na para bang binabasa kung nagsasabi ako ng totoo. Ayan na naman yung pagtitig-titig nya. Nakakailang talaga. Sandali kaming natahimik.

"Bakit ka pumayag sa kasal?"

Umiwas ako ng tingin. Ewan ko ba kay Ysabella. Kung ako lang, tatanggi ako kahit pa ipagtabuyan ako ni Don Joaquin. Papatunayan ko sa kanyang mali sya ng iniisip tungkol kay Alejandro.

"Bakit hindi? Mabuting tao naman si Lorenzo," sagot ko sabay balik ng tingin sa kanya.

"Tss. Hindi ba ako mabuting tao para tanggihan mo?" In-emphasize nya pa talaga ang mabuting tao.

Malay ko ba kung bakit mas pinili ni Ysabella si Alejandro kaysa kay Eduardo. Baka mayabang kasi sya o naiilang din sa tingin nya.

Seryoso ang mukha nya. Mukhang nasaktan talaga sya sa pag-busted sa kanya ni Ysabella. Tapos ngayon ay malalaman nya na magpapakasal na ito sa iba.

"Kung alam ko lang na hindi mo paninindigan ang pag-ibig mo kay Alejandro, hindi sana ako nagparaya. Hindi sana kita hinayaang mapunta sa kanya."

Umawang ang mga labi ko at gulat na napatingin sa kanya. Umiwas naman sya ng tingin sa akin. Alam nya ang tungkol kina Alejandro at Ysabella?! Paano?

"Masama ang kutob ko sa mga Suarez. Nabalitaan ko na inalok kailan lang ng Gobernadorcillo na tanggapin ni Tiyo Joaquin ang pwesto bilang Cabeza de Barangay, at sa hinaharap ay nais nyang si Tiyo ang pumalit sa kanya. Hangad ng lahat ng opisyal ang maluklok bilang Gobernadorcillo, siguradong isa roon si Kapitan Felipe. Maaaring gulo ang maging dulot sa pamilya ninyo sakaling tanggapin ni Tiyo Joaquin ang alok sa kanya."

Gusto ko pang itanong sa kanya kung paano nya nalaman ang sekreto nina Alejandro at Ysabella pero hindi ko maiwasang mag-alala rin sa sinabi nya. Naalala ko ang pinag-uusapan kanina nina Kapitan Felipe at ng tauhan nito. Posible kaya na sya ang pumatay sa pamilya ni Ysabella?

"Ehem."

Napalingon kami at nakita si Lorenzo na naglalakad palapit sa amin. Hindi. Kung si Kapitan Felipe nga ang salarin, siguradong walang kinalaman doon si Lorenzo.

"Maligayang pagbabalik," bati nya kay Eduardo sabay lahad ng kamay.

"Salamat." Tinanggap naman iyon ni Eduardo. Pasimple nya akong nilingon.

Gosh. Hindi ako si Ysabella pero feel na feel ko yung pakiramdam na maipit sa kanilang dalawa. Mabuti na lang dahil wala rito si Alejandro or else...

Napakunot ang noo ko nang makarinig ng instrumental ng isang pamilyar na kanta. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at dahan-dahang lumingon sa nagtatanghal. Sa huli ay napamura na lang ako nang makita kung sino ang nasa entablado. Anong ginagawa ni Rhys dito?!

Napatingin sa akin si Ate Estella, sina Ama at Ina, sina Adelia, Carolina, at Felicidad. Nilingon ko si Eduardo at nakitang nakatingin din sya sa akin.

"Anong ginagawa nya rito?" Alam kong sya lang ang makakaisip na imbitahan si Alejandro.

"Bakit? Magaling syang magtanghal. Sila ni... Francisco." Kilala nya rin si Francisco?! Naguguluhan na talaga ako sa mga nalalaman nya!

Inangat ni Rhys ang tingin mula sa gitara at nagsalubong ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas tingin bago pa may ibang taong makahalata. Magkasama nga sila ni Francisco ngayon na naggigitara sa harapan. Bwisit na Eduardo. Kainis! Malalagot ako kay Don Joaquin nito.

~ Mula sa malayo galing ang pag-ibig ko

Kay tagal ko rin tinago lihim na iniingatan ko

Dahil sa takot, dahil sa kaba. Dahil baka ikaw ay mawala

Parang kay lapit, ngunit magkalayo ang magkaiba nating mundo

Sana'y marinig pa rin ang sigaw ng damdamin

Mga bagay na 'di kayang sabihin

Paano kaya kung ako'y maging bahagi ng iyong mundo?

Hindi na itatago, lihim na iniingatan ko

Dahil sa takot, dahil sa kaba. Dahil baka ikaw ay mawala ~

Kapansin-pansin ang biglang pagtahimik ng paligid nang magsimula na syang bumigkas ng liriko. Lahat sila ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Nagawa nyang makuha ang atensyon nila. Kahit ang inis at pag-aalala ko ay tila napawi dahil sa lamig ng kanyang boses.

Nagsalubong ulit ang paningin namin at bahagya syang ngumiti. Siraulo. Nag-e-enjoy pa talaga sya ngayon. Porke pabor sa kanya ang pagtugtog. Iniisip ko lang naman ang kapakanan ng misyon namin kaya dapat ay hindi na sya narito.

"Wari ko'y... sa iyo nya inaalay ang awitin," rinig kong bulong ni Eduardo. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

Nalungkot ako para kina Alejandro at Ysabella. Mukhang pinili talaga ni Rhys ang kantang iyon para i-dedicate sa kanila. Ang hirap para sa kanyang makita na iba ang mahal ng great-great-grandmother nya, at sya mismo ang naroon sa katauhan nito.

~ Parang kay lapit, ngunit magkalayo ang magkaiba nating mundo

Sana'y marinig pa rin ang sigaw ng damdamin

Mga bagay na 'di kayang sabihin ~

Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga tao. Si Eduardo naman ay humanga sa pamamagitan ng pagtango. Lumingon sa amin si Lorenzo.

"Magaling sya. Saang angkan sya nabibilang?"

Napalunok ako. Hindi kilala ni Lorenzo si Alejandro dahil hindi kailanman naging bukas si Ysabella sa kanya patungkol sa usapang pag-ibig.

"Hindi na mahalaga dahil hindi rin naman tanyag ang kanilang pamilya," sagot ni Eduardo.

Tumango na lang si Lorenzo. Iba rin itong si Eduardo. Ipapakita si Alejandro sa lahat pero hindi ipapakilala. Tss.

Nag-aya na si Lorenzo na bumalik sa lamesa namin. Kumapit ako sa braso nya at hahakbang na sana ako para maglakad nang bigla akong nahilo. Ramdam ko na parang babagsak ako kaya napahigpit ako ng hawak.

"Ysabella, ayos ka lang?"

Humarap sya sa akin at hinawakan ng isa nyang kamay ang kabilang braso ko. Unti-unting lumabo ang paningin ko at naramdaman ko na lang ang pagsubsob ko sa dibdib nya.

Wala akong marinig ng ilang segundo hanggang mayamaya ay nakarinig ako ng pag-iyak. Boses ni Ysabella. Humihingi sya ng tulong at parang nakikiusap. Nakikiusap na pakawalan sya.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kaya. Bago tuluyang mawalan ng malay, nagkaroon ako ng vision doon sa narinig ko.

Nakahiga si Ysabella at pilit na kumakawala sa lalaking nakaibabaw sa kanya. Iyak sya ng iyak habang sinasamantala nito ang kanyang kahinaan. Parang anino lamang ito sa paningin ko at wala akong naging pagkakataon na makita ang mukha nito hanggang sa magdilim na ang lahat.