Chapter 8

“I’ll break your heart after six months.”

That's it.

Iyon ang malamig kong wika kay Kleinder na mapayapang kumakain ngayon ng salad habang nakaupo sa isa sa mga lamesa rito sa cafeteria. Wala nang pakiyeme pa o kaya naman ay pagpapatagal ng usapan. Noong hinahanap ko pa lang siya kanina ay iyon na talaga ang nasa isip ko.

Mabuti pa siya ay nakakakain nang maayos habang ang kaibigan ko ay umiiyak dahil sa kagagawan niya. Wala ba siyang konsensiya?

Ah, wala nga pala siya noon, dahil kung mayroon siyang konsensiya ay hindi niya uugaliing magpaiyak ng maraming babae at paglaruan ang mga ito na para bang naglalaro lang siya ng barbie dolls sa kanto.

“Sorry,” ibinaba niya ang plato niya sa lamesa at pinunasan ang bibig niya saglit dahil sa biglaang pag-upo ko sa harapan niya, “ano ulit iyon?

Ngumiti siya sa akin na para bang ang ganda-ganda ng buong araw niya. I hate the fact that he was smirking in the middle of the cold rain.

Isa pa, minsan talaga ay naiinggit ako sa balat niya dahil mas makinis pa ang balat niya kaysa sa akin, at higit sa lahat, kapag hindi ako naka-make up ay mas mukha pa siyang babae kaysa sa akin. Hindi ko iyon matanggap paminsan-minsan kaya hindi ko na siya masyadong pinapansin dito sa office, pero ang mas hindi ko matanggap ngayon ay ang pagkain niya ng salad matapos niyang paiyakin ang best friend ko.

Kahit na nagngingitngit na ang loob ko dahil sa inis ko sa kan’ya ay kailangan ko munang kumalma dahil una sa lahat, kapag nag-eskandalo ako rito ay siguradong ipapatawag ako ng management kahit na gabi na, at pangalawa, branch manager at gang member itong si Kleinder ng No Mercy kaya naman ay hindi ko siya maaaring awayin dahil panigurado ay tatawagin din ako ng management.

Ano’ng klase man ng gulo man ang gawin ko ay iisa lang ang magiging resulta no’n, at iyon ay tatawagin ako ng management.

Sandara, ikalma mo ang iyong puso at kaluluwa.

Isinandal ko muna ang likod ko sa sandalan ng upuan bago ko ipinatong ang kanang paa ko sa kaliwang paa ko para mag-dekuwatro. Nakita ko pa ang pagsulyap niya sa legs ko nang ginawa ko iyon dahil nakasuot ako ng maikling pencil skirt, pero ang nagpairap talaga sa akin ay ang pagtangis ng mga bagang niya na para bang isa siyang manyakis na handa na akong kainin ano mang oras.

“You heard me, Kleinder,” sagot ko sa kan’ya bago ko siya pinagtaasan ng kilay. “I don’t need to repeat myself.”

“You should so that you can hear what you’re saying.” He chuckled as he said that. “Don’t you think you’re being overconfident? I may be a heartbreaker, but I choose who I’ll fuck with, and no offense, it’s definitely not you.”

I blinked my eyes twice because of that statement. Sinasabi niya ba iyon dahil Cup B lang ang boobs ko, hindi ako ganoon ka-sexy, at higit sa lahat ay ordinaryong babae lang ako rito sa kumpanya? I may not be sexy and oozing with sex appeal like Jennelyn Mercado or Jessy Mendiola, pero alam ko sa sarili ko na maganda ako at may ibubuga ako kahit papaano.

This jerk is pissing me and lowering my confidence. Damn him. Madalas naman niyang ginagawa 'yon pero ngayon lang siya tuluyang nag-sink in sa utak ko.

Napapaisip lang ako kung paano nahuhulog ang workmates ko sa isang lalaki na katulad ni Kleinder. Guwapo siya, matalino, competent sa trabaho, at inaamin ko naman na mukhang malaki ang ipinagmamalaki niya sa ibaba niya dahil ilang beses ko nang nakikita na bakat iyon kapag nakasuot siya ng hapit na pants, at katulad na lang ngayon ay mukhang naninigas na naman ito na parang isang batong gustong lumabas sa blue slacks niya. Napansin ko lang iyon nang mapababa ang tingin ko roon sa hindi ko malamang dahilan.

“Do you like what you’re seeing?” pang-aasar niya sa akin nang makita kung saan ako nakatingin. “Baka gusto mo ring hawakan. May bayad nga lang, pero hindi pera.” Dinilaan niya pa nang bahagya ang itaas na bahagi ng labi niya na para bang isang manyak na naghihintay na mahulog ako sa bitag niya.

Mukha sana siyang manyak, kaya lang dahil guwapo siya ay mas nagmukha lang siyang hot. Nakakainis pero hindi ko naman puwedeng itanggi na ang guwapo nga niya ngayon dahil na rin sa style ng buhok niya at sa linis niyang tingnan ngayon. Kung hindi lang sana siya gago ay baka puwede ko pa siyang magustuhan, pero hindi, eh.

Never in my wildest dreams. Never.

Inangat ko ang tingin ko pabalik sa kan’ya, at imbes na sagutin ko siya ay pasimple kong ipinakita sa kan’ya ang middle finger ko habang nagkukunwari ako na nagkakamot ng mukha. I don’t know how these people fall in love with a jerk like him. He may have a baby face, but deep inside, he’s a fucker who does nothing aside from breaking people’s heart.

“Sandara Vernace, I told you. Hindi ikaw ang tipo kong babae,” seryoso niyang sabi sa akin matapos niya akong tawanan.

Napatawa ako nang bahagya habang nakatingin sa kan’ya. I love his honesty, at least. Kaya nga palagi siyang nakakapagpaiyak ng mga babae ay dahil sinasabi niya nang diretso sa mga ito na hindi na niya mahal ang mga ito at sawa na sa pakikipaglaro niya, Kung hindi ba naman siya gago.

“Maybe you don’t like me for now, but how about after six months?” I challenged him as I stared at him intently.

Guys like him hate their ego being insulted by someone, especially by a typical girl like me. Masyado siyang sigurado na hindi siya mahuhulog sa akin. Sabihin niya iyan sa akin pagkatapos ng anim na buwan at maniniwala ako sa kan’ya. Naniniwala ako sa kakayahan ko. Mapapaibig ko siya kahit na hindi ko gayahin ang mga tipo niya na mahinhin at parang dalagang pilipina kung kumilos.

Mahuhulog siya sa akin sa kung ano talaga ang ugali ko. Itinataga ko iyon sa bato.

“Why you are so persistent on making me fall in love with you?” Kumunot ang kan’yang noo nang itanong niya iyon sa akin.

Tumayo ako at naglakad papalapit sa kan’ya. Hinawakan ko ang collar ng damit niya upang mahila ko siya papalapit sa akin. Naamoy ko kaagad ang mabango niyang hininga nang ginawa ko iyon dahil sobrang lapit na namin sa isa’t-isa, pero walang mabango kapag galit ako. Galit ngayon ang nasa puso ko.

His gaze went from my blue eyes down to my red lips, and his gaze darkened as he swallowed a bit. Lust and admiration were written all over his face, but for me, it’s a different case.

I don’t love him, and in fact, I want to ruin him. I want to ruin all the things that are connected to him.

“It’s because I fucking hate your whole existence, Kleinder,” I said, emphasizing every word. “And making you fall in love with me… is the simplest way to break you.”