Chapter 7

TODAY WAS a gloomy day, unlike the past few days kung saan ay kulang na lang masunog ang buong balat ko dahil sa init. Pagkagising ko pa lang sa umaga ay sobrang dilim na kaagad ng kalangitan. It seems like it will rain anytime by now, pero ngayon kahit na hapon na ay hindi pa rin bumubuhos ang ulan.

Kamuntikan pa tuloy akong ma-late sa trabaho ko ngayon dahil akala ko ay gabi pa rin, pero mabuti na lang at nakita ko 'yong orasan sa side table ko. Napamura na lang talaga ako no'n habang nagmamadali akong nagp-prepare para sa pagpasok. Mahigpit pa naman ang kumpanya sa oras.

"Coffee, ma'am?" wika sa akin ni Janice na kapapasok lang sa loob ng office ko dala-dala ang instant coffee. Hindi ko 'yon inutos sa kan'ya, pero sa tingin ko ay napansin niya na hindi pa ako kumakain kanina pa kaya siya na ang magkusa na dalhan ako ng kape ngayon.

"Thank you, pakilagay na lang diyan," sagot ko naman dito nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

I was busy about evaluating where should I invest the money of my clients, as always. Ito lang naman ang lagi kong ginagawa. Kaunti na nga lang ay malapit na akong maumay sa trabaho kong ito. 'Yong suweldo na lang talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.

Inilagay ni Janice sa lamesa ko bago siya nagsalita, "Mamaya po pala ay may meeting kayo kasama ang marketing department, ma'am. Baka po ay makalimutan ninyo," she said in a low and polite tone na para bang pinapakiramdaman niya ang mood ko.

It's not like I have tons of works to do right now, it's just that... wala akong ganang kumain at kumilos sa ngayon. Kung hindi nga lang ako binigyan ni Janice ng instant coffee ngayon ay wala pa rin akong kakainin para sa araw na 'to. Sumasabay yata ang sama ng timpla ng mood ko sa dilim ng kalangitan ngayon.

Looks like it will rain in any minute by now. Sana nga ay umulan na para lumamig naman ang panahon

"I won't," simple kong sagot sa kan'ya bago ko pinatay ang laptop ko. Bigla kasing sumakit ang ulo ko kaya ipapahinga ko na lang muna. "Pupunta na rin ako sa conference room mamaya. Magkita na lang tayo roon."

"Noted, ma'am," sagot nito sa akin bago lumabas ng office ko.

I massaged my temple as I was staring onto the glass wall. Kitang-kita ko kasi si Shainara ngayon na masayang nakikipag-usap sa isa sa mga co-worker namin. It's been a while since I last saw her and had a conversation with her. Mula kasi nang malaman ko na nagde-date sila ni Kleinder ay hindi na ito nagpupunta sa office ko dahil sila na 'yong mas madalas magkasama kaysa sa aming dalawa.

I shrugged myself at that thought. Wala naman na akong magagawa kung si Kleinder talaga ang nakakuha sa puso niya. Aside from that, it's been a while since they dated. Sa tingin ko ay dalawang linggo na mahigit ang nakalipas mula nang maging sila.

Time flies so fast when we're busy on our work, to the point na hindi ko namalayan na hindi ko na rin pala nakikita si Kleinder na may kasamang ibang babae.

Maybe Shainara was right. Baka nga siya ang magpapatino kay Kleinder, at kung ganoon man talaga ang nangyari ay ipagpapasalamat ko 'yon nang husto.

HOURS LATER, natapos na rin ako sa mga ginagawa ko kanina sa office, at tapos na rin ang meeting namin kasama ang marketing department. It was about the products we offer to the clients. Kailangan din kasi namin iyon i-communicate sa marketing department nang sa ganoon ay matulungan nila kami sa pag-promote no'n.

"Ingat sa pag-uwi, Janice," sambit ko kay Janice na napadaan sa gilid ko habang pabalik ako sa loob ng office. Kasama ko kasi siya sa meeting kanina dahil siya ang assistant ko para sa project na ginagawa namin ngayon.

As much as I wanted to ask for Shainara's help for this, pero sa tingin ko ay naiilang siyang makipag-usap sa akin dahil iniisip niya pa rin na ayaw ko kay Kleinder. I wouldn't push myself if that's the case, but in fact, I miss her.

"Kayo rin po, ma'am," maikli naman nitong tugon sa akin bago nagpunta sa desk niya at nag-ayos ng mga gamit niya.

It was already five o'clock in the afternoon kaya naman ay naghahanda na ring umuwi ang iilang employees namin dito sa department, at ganoon din ako. Malakas na rin kasi ang ulan sa labas at ayaw ko namang ma-traffic. Isa pa, today was a Friday. Masaya manood ng movies habang humihigop ng kape.

Ugh, nai-imagine ko pa lang ang klase ng pagre-relax na gagawin ko sa bahay mamaya ay nabubuhay na kaagad ang dugo ko.

I was supposed to enter my office, pero hindi ko inasahan ang makikita ko roon.

"Shainara?" I called her as my brows furrowed. "Why are you here?"

Nakaupo ito sa sahig doon sa bandang dulo sa loob ng office ko. Hawak-hawak nito ang magkabilang kamay habang yakap ang sariling tuhod. Nakasubsob din ang ulo nito sa tuhod niya kaya naman noong una ay hindi ko siya nakilala, pero sa suot niya ngayon na white blouse, black blazer, and black slacks ay alam ko na kaagad na siya 'yon.

"Are you crying?" That was a dumb question, pero kailangan kong makasigurado. Baka kasi mamaya ay natutulog pala siya pero napagkamalan ko lang siya na umiiyak.

Noong inangat niya ang kan'yang ulo ay biglang nandilim ang paningin ko. She looks like a mess right now. Gulo-gulo ang buhok nito at basang-basa rin ang mga pisngi nito. Her eyes screams pain and betrayal, at bukod doon ay magang-maga rin ang mga mata niya na para bang kanina pa siya umiiyak.

"Since when did you got here?" tanong ko sa kan'ya bago ako umupo sa kan'yang tabi. Inabutan ko siya ng puting panyo ko na kaagad naman niyang kinuha at ipinunas sa mga mata niya.

"Mula kanina noong nagsimula ang meeting mo," mahinang tugon niya sa akin pero rinig ko ang bawat sakit sa pagsasalita niya. Her voice looks like it would crack in a second pero pinipigilan lang niya.

That was two hours ago. It means that she went here and cried her heart out pagkatapos ko siyang makita na masayang nakikipag-usap sa ibang employees kanina.

Maya-maya lang ay bigla ulit siyang humagulgol sa tabi ko kaya naman ay hinila ko ang ulo niya papalapit sa akin at isinandal siya sa balikat ko. I can feel her tears dripping to my shoulders. Kaagad kong naikuyom ang aking kamao, at gusto ko mang magalit ngayon ay pinipigilan ko ang sarili ko.

I know what this is all about. Alam ko kung bakit siya nandito sa tabi ko habang iniiyak ang buong pagkatao niya. Ito 'yong araw na kinatatakutan kong mangyari sa kan'ya.

"H-Hiwalay na kami ni Kleinder. Ayaw niya na raw sa akin..." Shainara said between her sobs which made my clench my hands more. "S-Sorry... ang sabi mo sa akin ay huwag akong lalapit sa 'yo kapag sinaktan niya ako, pero kung hindi sa 'yo, wala na akong malalapitan."

"Sshh, okay lang," I reassured her as I caressed her hair. In fact, I was glad dahil ako ang nilapitan niya. "Iiyak mo lang ang lahat. Wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang naman at nasaktan din at the same time," dagdag ko pang sabi sa kan'ya bago ito muling umiyak dito sa tabi ko.

I can forgive Shainara, but I couldn't forgive Kleinder. Sisiguraduhin ko na masasaktan din siya kagaya ng pananakit sa best friend ko ngayon. Hindi puwedeng si Shainara lang ang nasasaktan ngayon habang si Kleinder naman ay masaya dahil wala lang naman sa kan'ya ang ginagawa niyang pananakit sa mga babae.

It doesn't matter if I'll get hurt in process. Ang mahalaga ay makaganti ako dahil alam kong hindi naman gagawin ni Shainara 'yon para sa sarili niya.

"NANDITO pa ba si Kleinder?" siga kong tanong sa isa sa mga kasamahan niya rito sa floor kung nasaan ang office ni Kleinder. Wala kasi siyang kasama sa loob ng office kagaya ko, pero ang iilan niyang tauhan ay doon nakapuwesto sa labas kung saan ay tanaw na tanaw sila mula sa loob.

I didn't meant to scare the employee, pero mukhang natakot ito dahil sa tono ng boses ko. Everytime I remember Kleinder, his f. ucking smirk, and my best friend crying her heart out because of him, I couldn't help by clench my fists and try to contain my anger.

"N-Nasa cafeteria po, m-ma'am Sandara," sagot nito sa akin sa isang nauutal na boses habang nakatingin sa kamay kong nakakuyom. "M-may problema ba, m-ma'am?"

"Wala. Gusto ko lang siyang makausap. May kailangan kasi akong sabihin," maikling tugon ko naman dito bago ko tinapik ang balikat niya. "Thank you."

Pagkatapos noon ay dali-dali akong naglakad papunta sa cafeteria kung saan ay kaunti na lang ang tao. It was still raining kaya naman ay nagmadali nang umuwi ang ibang empleyado, pero itong si Kleinder na natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko ngayon... talaga bang may gana pa siyang kumain nang mapayapa pagkatapos niyang magpaiyak ng inosenteng babae?

"Sisiguraduhin ko na mawawala 'yang nakabubuwisit na ngisi mula sa labi mo, Kleinder," I hissed in annoyance as I walked towards him.

"Hi, Sandara," nakangiti pang pagbati niya sa akin.

Pero kaagad ding nawala ang nakabubuwisit na ngiti niyang iyon nang ibulong ko sa kan'ya ang isang bagay na magsisimulang magpagulo sa tahimik na buhay naming dalawa.