Chapter 61 Pain

Pagkatapos nila mag-usap ni Clara ay dumiretso na si Sandra pabalik sa opisina.

Hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang napag-usapan nila ni Clara. Hindi nga rin siya nakakain dahil tila hindi naman niya malunok ang pagkain. Kahit pinipilit siya ni Clara.

Walang impormasyong binigay tungkol sa ama ng batang dinadala ni Nicole 'yun ang sabi ni Clara

Pagsapit ng uwian ay dumaan siya sa may isang restaurant. Balak niyang puntahan si Aj at kausapin ito. Napag-alaman niya na nasa condo ito ng tumawag siya sa mansion at wala ito. Buti na lang ay may kakilala siya sa condo nito at nasabi andun nga ang binata.

Habang paakyat ang elevator sa floor kung nasaan ang unit nito ay tila may naghahabulang kabayo sa kanyang dibdib.

"Bakit ba ako kinakabahan?" kausap niya sa sarili.

Nang huminto ang elevator tanda na naroon na siya ay mabilis siyang lumabas at naglakad patungo sa unit condo nito.

Bawat hakbang niya ay dumadagdag ang kabang nararamdaman.

Pinilit niya labanan ang kabang unti-unting bumabalot sa kanya.

Nang tumapat sa pinto nito at pipindutin niya sana ang doorbell ng maalalang alam niya ang password.

Kaya mas pinili niyang bukas na lamang ito at supresahin.

Ngunit tila siya ang nasopresa.

May dalawang bulto ng tao ang nakatayo sa may living room at magkayakap.

Hindi nga napansin ng mga ito ang presensya niya.

Patuloy sa pag-iyak ang babae habang yakap ni Aj at hinahaplos ang buhok. Nakagilid sila sa direksyon niya.

Tila naman siya natulos sa kinatatayuan at nanatili lamang nakatingin sa mga ito.

"Stop crying, maaapektuhan ang baby," rinig niyang pagpapatahan ni Aj rito.

"Just hold on, ok. I will not leave you and the baby. I will talk to h-" malakas na pagbagsak ang nagpatigil rito sa pagsasalita at mabilis na humiwalay sa kayakap nito.

Kapwa dumako ang tingin ng dalawa sa kanyang gawi. Napatingin naman siya sa kanyang baba na 'di niya namalayan na bumagsak na ang hawak-hawak na plastic na may pagkain.

"Sandra!" tawag ni Aj at mabilis na lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at bahagyang niyugyog.

"Are you ok?" bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Umangat ang mukha niya at sumalubong ang mga berde nitong mga mata na puno ng halo-halong emosyon.

"Is she's alright?" tinig ng babaeng kasama nito. Bakas rin ang pag-aalala sa boses nito na nagpapalito sa kanya.

Bakit ito nag-aalala?

Na baka sugurin niya ito?

Hindi pa siya bababa sa ganung level.

Aalamin niya ang totoo kay Aj.

"I think she is," sambit ni Aj na inalalayan na siya upang makarating sa may sofa at pinaupo siya.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Nanatili lang siya nakatingin kay Aj habang ito ay kinuha ang bumagsak na dala niya. Inilapag nito iyon sa may center table.

"I think I have to go," wika nung babae.

"Wait Nicole, meet Sandra first," nakangiting wika ni Aj.

At talagang ipinakilala pa ang babae nito.

Tumingin si Aj sa kanya na may mga ngiti sa labi. "Baby girl meet Nicole." Inabot nung Nicole ang kamay nito sa kanya na para bang normal lang na magkakilala sila.

Hindi naman siyang lumaking walang respeto. Tinanggap niya ang kamay nito.

Malawak ang pagkakangiti nito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ba ang iniisip nito.

Mabilis niya rin binawi ang kamay mula rito.

"Ihahatid na kita," alok dito ni Aj na mas nagpasakit sa kanyang puso.

Handa siya iwan nito para sa babaeng 'yun. Kungsabagay buntis ito sa anak nito.

"No, I can handle. Better talk to her and settle everything. Huwag mo nang patagalin, ok." Bumaling si Nicole sa kanya at ngumiti. "Nice meeting you Sandra." Ngumiti pa ito sa kanya..

"No, I insist," wika ni Aj at tumingin rin sa kanya. "I'll be back sa sunod na floor lang naman unit niya." Hinalikan pa siya nito sa noo bago inalalayan si Nicole.

Sobrang gulo ng isip niya. Bakit ganun pa rin ito makakilos kahit sa harap ni Nicole. At 'yung sinabi ni Nicole na huwag na patagalin, ibig bang sabihin ang tungkol sa mga ito.

Napahawak siya sa kanyang sentido. Sumasakit pati ulo niya.

Nagdesisyon siyang tumayo at ihanda ang kanilang hapunan.

Pagkarating niya sa may kusina ay nanlumo siya sa nakita.

Mukhang tapos na itong kumain at kasabay pa ang babaeng iyon.

Mabigat ang mga hakbang na bumalik siya sa living area. Napadako ang tingin niya sa pinto ng kwarto nito. Gusto niyang pumasok pero nagdadalawang isip siya o natatakot sa pwedeng makita sa loob nito.

Napabuga na lang siya ng hangin bago nagdesisyon umupo sa may sofa at hintayin si Aj.

......

Pabalik na ngayon si Aj sa kanyang unit kung saan iniwan niya si Sandra.

Nagulat talaga siya ng makita itong nakatayo kanina sa may pinto ng unit niya.

Sana hindi nito minasama kung anuman ang nakita dahil wala naman ito.

Nabalik siya sa kasalukuyan pagkarinig ng tunog ng elevator hudyat na kailangan na niyang lumabas dahil nasa palapag na siya kung nasaan ang kanyang unit.

Malalaki ang hakbang na naglakad na siya. Pagkatigil sa harap ng pintuan ay huminga siya ng malalim.

Kailangan na nila mag-usap.

Binuksan niya ang pinto at humakbang na papasok. Nakita niya si Sandra na nakatingin sa kanya habang nakaupo sa may sofa.

Nginitian niya ito at diretsong umupo sa tabi nito.

"Ihahanda ko sana ang pagkain kaso mukhang tapos ka ng kumain." Natigilan siya sa tono ng boses nito na tila may gusto iparating.

Tinignan niya ito. Seryoso itong nakatingin sa may center table.

Bumuntung-hininga siya. "We could still eat those you brought, stay here. I will prepare it." Tumayo na siya at patungo na sa may kusina ng magsalita ito.

"Kelan pa?" tanong nito na ikinatigil niya sa paghakbang.

Humarap siya rito. Ang mga mata nito na nakatingin sa kanya ay blangko. Walang emosyon.

Kunot noo niyang binalik ang tanong nito. "Anong kelan pa?"

"Ke-kelan mo balak sabihin sa akin ang tungkol sa inyo ng ba-babae mo?"

Lalo nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Ano ba pinagsasabi mo? I dont get you."

Nalilito siya sa sinasabi nito. Hindi niya maintindihan.

"Si Nicole, hindi ba siya 'yung ex mo?" Di na siya nagulat na kilala niya ito. "And she is pre-pregnant? Ikaw ba ang ama? You stay in America kung nasaan ito. Nagkita ba kayo dun? Dun ba kayo nagta-"

"Stop!" Napalakas ang boses niya dahil hindi na niya gusto ang susunod na sasabihin nito. "What are you saying? Saan mo naman nakuha 'yan?" Napahawak siya sa kanyang sentido dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Bakit hindi ba totoo?" muli nitong tanong.

Tinignan niya ito. Nakipagtitigan siya. May nabanaag siyang lungkot sa mga mata nito.

"Nakita kayo ni Clara na magkasama sa clinic ng mga buntis! Iniwan mo ako kaninang umaga para puntahan siya, diba? Kahit sa opisina hindi ka pumasok? Ni tumawag hindi mo nagawa para di ako nagmukhang tanga kakahintay sayo!" Nakatayo na rin ito na nakatingin sa kanya.

Siya naman ay nanlalaki ang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito ng makabawi sa mga narinig.

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

"Baby girl, ang layo na ng narating ng isip mo. I'm sorry dahil umalis ako kanina ng 'di nagpaalam. Sumakit kasi 'yung tyan niya at ako lang ang alam niyang malalapitan. Sinamahan ko siya magpacheck up at naubusan na pala ng battery 'yung cellphone ko." Nangunot ang noo nito pero di niya ito hinayaang magsalita.

"Sinamahan ko na muna siya bago dumating ang mommy niya. I was preparing to go home and to call you but she came with dinner. Thats her way to say thank you for what I idid for her. Higit sa lahat hindi ako ang ama ng dinadala niya. I won't cheat baby girl, you know that."

"Then who is the father? Nasaan ito?" kunot pa rin ang noong tanong nito.

Inalalayan niya itong maupo sa may sofa ulit. Umupo rin siya sa tabi nito pagkatapos ay hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Kaibigan ko ang ama ng dinadala niya at nandito siya sa Pilipinas. May konting problema lang sila pero alam ko na maayos din nila. Tinulungan ko siya dahil gusto ko makabawi kahit papaano sa pananakit ko sa kanya noon."

Hinalikan niya ang mga kamay nitong hawak niya at ngumiti rito.

"I'm sorry, tama lang pala na kinausap muna kita bago ko siya sinugod baka mapaano pa ang baby niya." Bahagya pa itong natawa.

Nanatili siyang nakatitig rito.

"What?" tanong nito ng mapansin na nakatitig lang siya dito.

"Ngayon, ako naman ang magtatanong." Hinayaan niyang magkahinang ang kanilang mga mata.

"What it is?" tanong nito.

Huminga muna siya ng malalim.

Kailangan harapin para mapag-usapan.

"Bakit hindi mo ako kinausap bago mo siya pinahanap? Hindi ba ako pwede pagkatiwalaan?" Nanlaki ang mga mata nito na nakatitig pa rin sa kanya.

Habang siya ay kinokontrol ang sariling huwag itong masumbatan.

Umiwas ito ng tingin. "How?"

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Bakit Sandra? Hindi pa ba ako sapat?" sambit niya rito.

Nakita niyang natigilan ito.

"Kaya ba iniwasan mo ako dahil dun?" pag-iiba nito ng usapan pero nanatili ang tingin sa center table.

"Dahil gusto kita bigyan ng oras na hanapin siya kahit ang sakit-sakit nun para sa akin," mahina niyang wika pero sapat para marinig nito.

Kailangan na niya ilabas ang nararamdaman habang may pagkakataon pa.

Tumingin ito sa kanya muli nagtama ang kanilang mga mata. Pagkalito ang mababasa niya sa mga mata nito.

Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. "Im-Im sorry but is not what I mean. Kakalimutan ko na 'yun, hindi ko na itutuloy kung ayaw mo, hmmm."

"Don't stop, continue searching him. Kung anuman ang dahilan mo tatanggapin ko. Mas maganda na 'yung sigurado ka sa desisyon mo. Hindi 'yung napipilitan ka lang." Binawi niya ang mukha rito at tumayo patalikod rito. Hindi na niya kasi makontrol ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

Naramdaman niyang tumayo rin ito. "What do you mean that I'm not sure? Na hindi ako sigurado sayo?"

Humarap siya rito. Kita niya ang sakit sa mga mata nito.

"Yes!" tuwid niyang sagot rito. Nakita niyang natigilan ito. "Alam ko ang halos pagkakapareho namin. Alam mo ba na sa tuwing tinitignan mo ako, pakiramdam ko ibang tao nakikita mo sa akin. Sa tuwing sinasabihan mo akong I love you, parang hindi 'yun para sa akin. Sa tuwing isinisigaw mo ang pangalan ko kapag inaangkin kita, parang hindi ako ang umaangkin sayo. I don't know but that's what I feel." Kita niya ang samu't saring emosyon sa mga mata nito na nagsisimula na rin magtubig.

Nanatili magkahinang ang kanilang mga mata. "Tinanggap ko na. Sabi ko ayos lang na minahal mo ako dahil nakikita mo siya sa akin. Ang mahalaga kasama kita, akin ka. Pero... akin ka nga ba?" mapait siyang ngumiti rito.

"Akala ko ok na lahat, ikakasal na tayo. Pero hindi pa pala... Kung noon nga nahihirapan na ako makipagkumpitensya sa isang taong hindi ko naman nakikita. Tapos malalaman ko na lang na pinapahanap mo siya? Ang dami-daming tanong ang nasa isip ko. Mga tanong na di ko masagot."

"Aj," tanging sambit nito.

"Stop calling me that f*cking name!" Napaatras ito sa lakas ng boses niya. "Pati ba naman sa pangalan magkapareho kami? Kaya ba 'yan ang gusto mong itawag sa akin, so you could say that his really here? Alam mo sana hindi mo na siya mahanap o mas maganda na patay na siya!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"Im-im sorry, hindi ko sinasadya," rinig niyang sambit nito.

Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin kay Sandra. Lumuluha na rin ito na mas lalong nagpapasakit sa kanyang loob.

Nanghihina itong umupo sa sofa habang siya ay nanatiling nakatayo at nakatingin rito.

Maya-maya ay lumuhod siya sa harapan nito na ikinagulat nito. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at isinubsob ang mukha rito habang patuloy ang kanyang pag-iyak.

Rinig niya rin ang hikbi ni Sandra.

"Please baby girl, ok lang sa-sa akin kahit maging ako.... siya. Huwag mo na siyang ipahanap. I can be better than... him. Lahat gagawin ko basta sabihin mo lang." Inangat niya ang mukha dahilan para magsalubong ang kanilang mga tingin. Humigpit rin ang hawak niya sa mga kamay nito.

"Please, kalimutan mo na siya. Alam mo i-isipin ko pa lang na malalayo ka sa-sa akin para na ring unti-unti kinukuha ang buhay ko. I can't live without you. Pwede bang ako ang piliin mo?" Mas lalo itong umiyak. Maging siya ay tuloy-tuloy rin ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi.

Ilang minuto silang magkatitigan. Bumuka ang bibig nito pero wala naman lumalabas na salita.

Pagkalito 'yun ang nakikita niya sa mga mata nito.

Akala niya masakit na 'yung isipin na minahal ka dahil nakikita ang ibang tao sayo.

Pero wala ng mas sasakit kung maririnig ito mula sa taong pinakamamahal mo. Sa taong bumuo sayo. Sa taong pinaramdam kung gaano kasarap ang magmahal.

Sa mga oras na ito ay tila gusto na lang niya pamanhirin ang puso.

Muli niyang inangat ang mukha. This time he will try again.

"Sandra just this once. I need your answer please." Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha nito. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay at gamit ang hinlalaki ay pilit niya pinupunasan ang luha nito na patuloy lang sa pagtulo.

Nakaluhod pa rin siya rito.

"Mi-minahal mo ba ako ka-kahit konti lang bi-bilang si Andrew James Villaflor?" pilit niyang bigkas sa kabila ng pagbabara ng kanyang lalamunan dahil na rin sa pag-iyak.

Hindi niya inalis ang titig rito. Gusto niya marinig mula rito ang sagot. Umaasa pa rin siya kahit konti.

Pero sa bawat segundong lumilipas ay parang pinapatay nang paunti-unti ang puso niya dahil wala pa itong sagot.

Nanatili lang magkahinang ang kanilang mga mata. Halos nakapikit na nga ito dahil sa mga luhang gustong kumawala.

Pagkalito ang mababakas sa mukha nito maging sa kanyang mga mata.

Nang di na niya makaya ang tingin nito ay siya na ang kusang nagbaba at nanghihinang napaupo sa sahig. Iniyuko niya ang ulo sa mga tuhod.

"Ahhh!!! F*ck!" malakas niyang sigaw.

Tanging hagulhol nila ni Sandra ang pumuno sa bawat sulok ng silid.

Wala na siyang pakialam kung anuman isipin nito sa nakikita nitong ayos niya.

Gusto niya lang ilabas ang sakit.

Ilang minuto niya pang hinayaan ang mga luhang kusang tumulo. Umaasa siya na magsasalita ito. Umaasa siya na yayakapin siya nito at sasabihin na mahal siya.

Umaasa?

Pero wala!

Nanatili itong nakaupo habang pinagmamasdan siya.

Dahan-dahan siyang tumayo. Inayos ang sarili.

Pilit na inaalis ang bara sa lalamunan.

Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin kay Sandra na ngayon ay nakatingin din sa kanya.

Walang pinagbago ang emosyon nito.

Nalilito ito. Simple lang naman ang tanong niya.

Mapait siyang ngumiti rito pagkatapos ay hinalikan ito sa noo.

"Magpapahangin lang ako sa labas, dito ka na matulog." Pagkasabi no'n niya ay tumalikod na siya. Mabibigat ang mga paa na humakbang patungo sa pinto.

Umaasa pa rin siyang tatawagin siya nito, yayakapin at pipigilan.

Pero hanggang sa marating niya ang pintuan ay hindi ito sumunod sa kanya.

Ayaw niyang umalis pero kung mananatili siya baka mabaliw na siya sa sakit na nararamdaman.

After this, hindi niya alam kung ano na ang susunod ng mangyayari.

Isipin pa lang niyang tuluyan itong mawawala ay gusto niyang magwala.

At hindi nga siya nakapagpigil dahil malakas niyang sinuntok ang dingding sa tabi ng pintuan.

Tumulo ang dugo sa kanyang kamao. Pero wala pa rin Sandra ang lumapit.

Dahan-dahan siyang lumingon upang masilayan ito. Dahil pakiramdam niya paglabas niya ng pintuan ay hindi na niya ito makikita pa.

Nakatingin ito sa kanyang kamao na dumudugo at inilipat ang tingin sa kanyang mukha.

Walang nagbago.

O, baka na-realized na nitong hindi siya ang mahal.

Muli ay tumulo ang kanyang luha na mabilis niyang pinahid at mabilis na lumabas.

Hindi niya alam san siya pupunta. Hinayaan niya lang ang mga paa na dalhin siya kung saan nito gusto.