Chapter 60 Ex-girlfriend
Magkayakap sila ni Aj ngayon na nakahiga sa kama.
Hindi niya alam kung nakailang round sila.
Pinaliguan rin siya nito ng nutella. Ginawa siyang tinapay. Hindi niya akalain na nakayanan niya ang pinaggagawa kanina.
Two am in the morning na kung hindi pa niya sinabing pagod na siya ay wala pa itong balak tumigil.
"Where do you learned that?" Nabalik siya sa sarili pagkarinig sa boses nito.
Isinubsob niya lalo ang mukha sa dibdib nito.
Ngayon ay hiyang-hiya siya sa pinanggagawa.
Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok.
"Sigurado sa mga kaibigan mo, di ba?" wika nito.
Napaangat tuloy siya ng mukha na dahilan upang magkasalubong ang kanilang mga mata.
Pilit siyang ngumiti rito at muling sumubsob sa matitipunong dibdib nito.
"Hi-hindi mo ba nagustuhan," nahihiya niyang tanong, "sorry I'm not that expert but I will–"
"You are the best baby girl. Ayaw na nga kitang tigilan kaso kailangan. May trabaho pa tayo bukas." Niyakap niya ito nang mahigpit ng may maalala.
"Baby girl, ano ibig sabihin ng lagi mong sinisigaw kapag nagugulat ka?" tanong nito.
"Hu-huh?" 'di niya kasi nakuha ang tanong nito.
"'Yung ano... ahmmm... ay... pu-ay puke, yeah that's it!" bakas sa boses nito ang tuwa dahil siguro sa naalala nito.
Mahina naman siya napatawa.
Hanggang ngayon ginugulo pa rin ito ng salitang iyon.
"Why are you laughing? I'm just asking."
"Kasi naman hanggang ngayon hindi mo pa rin alam 'yun... Madalas mo pa nga kinakain, eh," wika niya habang nagpipigil ng tawa.
Humiwalay ito sa kanya at pinagtapat ang kanilang mga mukha.
"Kinakain ko madalas?" ulit pa nito.
Pigil talaga ang tawa niya.
"Oo, kakatapos mo nga lang. Hindi ka magsawa-sawa my gosh!" kunwari reklamo niya rito.
Nakita niyang napapaisip ito.
Napapailing tuloy siya.
"Baby girl, I don't know. Tell me please," nagpuppy eyes pa ito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay. Pagkatapos ay ngumusong itinuro ang kanyang ibabang parte na sinundan naman nito.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito. Kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa kanya.
"F*ck! Like seriously baby girl?" 'di makapaniwalang usal nito.
Inirapan niya naman ito.
Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg na parang nahihiya.
"Your so naughty baby girl," usal pa nito.
"And your so manyak! Bakit na naman nakatayo 'yan?" sita niya rito ng maramdaman niyang may tumutusok sa kanya.
Malakas na tawa ang isinukli nito.
Umayos na ito ng higa at siya naman ang pinaunan sa braso nito.
"Don't mind my junior baby girl, you know he always wants inside you but it's late we need to sleep." Kinuha nito ang kanyang kamay kung saan nakalagay ang kanyang engagement ring.
Hawak-hawak nito ang kanyang kamay habang nakatitig sa singsing. "Do you know why I chose infinite baby girl? Dahil tulad ng simbolong ito ay kapareho sa pagmamahal ko sayo, walang hanggan. I'm sorry if you feel that I'm avoiding you. I know I'm so stupid for ma–" Hinalikan niya ito dahilan para hindi nito matuloy ang sasabihin.
Mabilis na halik lamang ang ginawad niya rito at kinulong ang mukha nito sa kanyang mga palad.
"It's ok. I know you are busy. I understand, what important is you love me and I love you too, hmmm. Huwag na tayo magdrama baka umiyak pa ako hindi mo ako mapatigil," ngumiti siya rito, "I'm sleepy."
Muli nitong sinakop ang kanyang mga labi, isang masuyong halik na puno ng pagmamahal.
"Let's sleep, baby girl baka hindi pa ako makapagpigil," usal nito pagkatapos pakawalan ang kanyang mga labi.
Inirapan niya lang ito at yumakap na rito na ginantihan naman nito.
Salamat sa advice ng mga baliw niyang kaibigan. Blow job lang pala ang katapat, haha!
.....
Naalipungatan si Sandra nang marinig ang sunod-sunod na pag ring ng phone ni Aj. Alam niya kay Aj 'yun dahil sa ring tone nito.
Babangon na sana siya nang mauna itong bumangon. Mukhang hindi nito napansin na nagising rin siya.
Nakita niyang kinuha nito ang phone at mabilis na sinagot.
Nakatayo ito patalikod sa kanya nang hindi man lang nag-abala takpan ang hubad na katawan. Kitang-kita niya ang pwetan nito na maumbok pa yata kesa sa kanya.
"Nicole, what happened?" Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito. Bakas ang pag-aalala sa boses nito.
"What? OK, ok, just calm down. I'll be there, ok. Just relax." Pinikit niya ang mga mata nang ibaba nito ang tawag.
Hindi niya alam pero ang bilis ng tibok ng puso niya.
Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo.
Narinig niya ang papalayong yabag, mukhang 'di na nagawa nitong maligo. Nagbihis lang at umalis.
Ganun ba kaimportante ang tumawag at nagawa siyang iwanan?
Sino ito?
Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay nagmulat siya ng mga mata. Napatingin siya sa gilid ng kama kung saan may side table na maliit at orasan.
It's 6:30 am, napakaaga naman ng tumawag na iyon.
Hindi man lang nito nagawang magpaalam sa kanya.
Tamad siyang bumangon at nagtungo sa banyo para makapag-ayos. May trabaho pa siya. Usapan nila ay sabay silang papasok pero nakalimutan nito dahil sa taong tumawag.
Nicole???
Who are you?
Bakit pamilyar ang pangalan sa kanya?
Bago pa siya masiraan ng ulo ay mabilis na siyang nag-ayos.
Pagkatapos niyang mag-ayos ay bumaba na siya. Nakita niya si manang Nena sa may living room na tila hinihintay siya.
"Magandang umaga, iha," masayang bati nito.
"Magandang umaga rin ho," ganting bati niya rito.
"Inihabilin pala ni Andrew na kumain ka muna raw bago ka umalis at nasa labas na rin ang maghahatid sayo sa opisina," imporma nito.
"Ah ganun po ba, sige po salamat." Sinundan niya ito patungo sa dining area. Ayaw niya man dahil wala siyang gana pero nahihiya naman siya rito.
Pinilit niya kumain at makalipas lamang ang halos bente minutos ay nagpaalam na siya kay manang Nena.
Habang nasa daan ay 'di pa rin maalis sa isip niya ang narinig at ang kinilos ni Aj.
Maging hanggang sa trabaho ay ito ang laman ng kanyang isip lalo na 10 am na ay wala pa rin ito sa opisina.
Tinawagan niya pero naka off ang cellphone nito. Tumawag rin siya sa mansion nagbabakasaling bumalik ito pero wala.
Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinuha dahil baka si Aj ito pero laking dismaya niya ng si Clara ang tumatawag.
Tamad niyang sinagot ito. "Hello,"
"Mukhang wala sa mood ang best friend ko, ah." Napailing na lang siya, kilala talaga siya nito.
"Ano kailangan mo, beshie? Medyo busy ako, eh," pagdadahilan niya dahil wala talaga siya sa mood makipag-usap.
"I saw Aj." Napaupo siya ng maayos nang marinig ang sinabi nito.
"Where?"
"Interested?" Alam niyang inaasar siya nito.
"No. Ano naman ngayon kung nakita mo siya?" pagsusungit niya rito baka kasi makahalata pa ito.
"Oh! Really? Bakit parang iba ang nararamdaman ko?" Napapikit na lang siya dahil alam niyang hindi siya nito titigilan.
"May problema ba kayo?" tanong muli nito.
"Wala naman," tipid niyang sagot.
"Huwag ako, beshie!" madiin nitong wika, "I'm on my way, let's eat lunch together, bye!" Bago pa siya makaangal ay busy tone na ang narinig niya.
Napapailing na lang siya.
Mukhang may importante itong sasabihin. Malapit na rin naman ang lunch time.
Dinala siya ni Clara sa malapit na restaurant.
Pagkatapos nila mag-order ay humarap ito sa kanya.
"Talk to me, what happened?"
Alam naman niyang di siya nito titigilan kaya kwinento niya rito ang nangyari sa mga nagdaang araw maging ang nangyari kanina.
Pagkatapos niya maikwento ay nanatili itong seryosong nakatingin sa kanya.
"I saw him with a woman," panimula nito na ikinatigil niya sa pagkuha sa baso ng tubig.
"Nag pacheck up ako kanina at aksidenteng nakita ko siya. Akala ko nga ikaw ang kasama niya. Lalapitan ko sana kayo pero natigilan ako ng makita ang babae na hindi ikaw. Bago pa ako makalapit ay pumasok na sila sa isang kwarto ng isang ob-gyne. Which is my doctor too." Natigil ito nang dumating ang kanilang order.
Habang siya ay tila may mga tumutusok sa kanyang puso.
Pagkatapos ma-i-served ang pagkain ay muli siyang tumingin kay Clara na nakatingin rin sa kanya.
"Pagkalabas nila ay gusto ko sana lapitan pero nagdalawang-isip ako.. Dahil kaibigan ko ang doctor nakapagtanong ako ng impormasyon."
Nanatili lang siya nakatingin kay Clara. Naghihintay ng susunod nitong sasabihin.
Bumuntung-hininga ito bago nagpatuloy. "The girl is Nicole Perez and she is two months pregnant. Nicole is Andrew ex-girlfriend."
Naramdaman niya ang pagtulo ng mga luha. Hindi niya alam kung bakit pero tila ang bigat-bigat ng pakiramdam niya.
"Hey! Why are you crying?" Inabutan siya nito ng tissue na agad naman niyang kinuha at pinunasan ang mga luha.
"Hindi naman natin sure na sa kanya 'yun. Saka balita ko kakauwi lang ni Nicole rito two weeks ago, " pahayag pa nito.
"Pero halos dalawang buwan na simula nang nagpunta si Aj sa America kung nasaan si Nicole." Nakita niya natigilan si Clara.
Ayaw man niyang isipin pero 'yun ang tumatakbo sa isip niya.
Ang panlalamig nito?
Ito ba ang tunay na dahilan?
Naramdaman niyang hinawakan ni Clara ang isang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa.
"Huwag tayo mag conclude agad. Talk to him," suhetsyon nito.
"Pa-paano kung sa kanya nga. Kaya ba nanlalamig na siya sa akin?" Muli na naman tumulo ang kanyang luha.
"I don't really know what to say. Pero sigurado ako mahal ka niya. Nakikita ko 'yun," pagpapakalma nito sa kanya.
Mapait siyang ngumiti at tumingin sa may bintana.
"Siguro nga mahal niya ako. Pero may responsibilidad siya rito. Bata ang pinag-uusapan. Anak niya kung sakali, anak na hindi ko pa maibigay-bigay."
Humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay.
"Just talk to him first. You are a brave woman, beshie. Don't let yourself lose, fight for what is yours."
Ang tanong kanya nga ba?
Tatlong taon magkarelasyon ito at 'yung Nicole kumpara sa kanya na dalawang buwan pa lang.
Ano laban niya rito?