Chapter 35 Montblac
Pagdilat ko ng aking mga mata ay nasa loob na ako ng Casa at katulad ng aking inaasahan ay tahimik ang bahay.
I examined the first floor and found out that this is Agatha's because of the girly designs.
May sarili itong kitchen, bathroom at sariling sala. From it's expensive chandeliers to it's high-end appliances, this house screams luxury.
It's odd though. Wala akong makitang hagdan o elevator papuntang second floor. I tried to search for any secret passage but there's none. I mentally smirked. They're leaving together but apparently, they have separate rooms.
I created a portal and went to second floor. Malamig ang kwarto at madilim. I switched on the lights. The design and interior is so Sage. Mixture of black and gray. Simple but elegant.
Pumunta ako sa kitchen niya. Walang masyadong gamit.
I opened his refrigerator at ang tanging laman lang ay mga itlog at fresh milk. Mga proteins. I checked the label at expired na ang mga gatas niya. Totoo nga ang sinabi ni Kyle na hindi masyadong naglalagi si Sage dito sa Casa.
May nahanap akong beer in can. Binuksan ko iyon at tinungga.
Linibot ko ang buong kusina niya at hinalungkat lahat ng pwedeng mahalungkat. Ang saya kaya ng ganito. Yung naghahanap ka ng wala tapos masosorpresa ka na lang sa mga makikita mo. Haha.
Binuksan ko ang cupboard niya. Tatatlo lang ang plato. Dalawang pares ng kutsara at tinidor. Limang baso. Lahat ay puro mamahalin.
Napapailing na lang ako sa aking mga nakikita. Meron siyang cup noodles na inaamag na, carrots na lanta na at iba pa.
Nang masiyasat ko ang kusina niya ay lumipat naman ako sa kwarto niya. I feel like Sage was with me dahil sa amoy ng kanyang kwarto. Hindi ko napigilang lumundag sa malaki at malambot niyang kama.
I stared at the ceiling for a few minutes while hugging a huge pillow. Every woman who ended up in this bed with Sage is so damn lucky.
Umupo ako at binuksan ang drawer ng bedside table. Alam kong mali ang ginagawa kong pangingialam sa mga gamit niya. Gusto ko lang naman na makilala siya ng kaunti. He's uptight and always on his guard. Ang hirap magtanong sa kanya kaya heto't hahalungkatin ko na lang ang kwarto at gamit niya.
Nagulantang ako nang makakita ng dalawang pakete ng condom. He's using protection. A responsible act. But he didn't use any when we did it.
Isinuksok ko sa bulsa ng aking pantalon ang mga pakete. I'll confiscate it. Hindi niya ito pwedeng gamitin. She already have me kaya hindi na dapat siya humanap ng iba.
Sunod kong binuksan ang closet niya. Kakaunti lang ang mga damit niyang maayos na nakatupi.
Binutingting ko ang boxer shorts niyang nakahanger at wala sa sariling inilapit iyon sa aking mukha. Tumingin pa ako sa aking kanan at kaliwa bago pasimpleng inamoy ito.
Inulit-ulit ko itong inamoy at nang makita ko ang aking sariling repleksyon sa salamin ay itinigil ko ang aking ginagawa.
Jusme! Para akong manyakis na umaamoy ng underwear!
Inayos ko ang boxer ni Sage at lumayo sa closet.
Wala man lang akong makitang clue tungkol sa pagkatao niya. Ni picture ay wala. Baka meron sa banyo. Hahakbang na sana ako papasok sa kanyang banyo nang mapatigil ako.
Humakbang ako patalikod. I stamped my foot on the wooden floor several times. It sounds hollow. There's a cavity in this area.
Nag-isip ako ng ilang saglit habang nakatitig sa sahig kung ano ba ang gagawin.
Nanaig ang pagiging tsismosa ko.
I inhaled and closed my eyes. I set a force field around the house. In case if someone will come, they will be restrained and I will be notified immediately.
Sumalampak ako sa sahig bago maayos ang lahat. Kinatok ko pa ito ng tatlong beses para makasigurado. Tumayo ako at bumalik sa kusina upang kumuha ng kutsilyo. Hindi ko iyon pwedeng sirain.
Maingat ang ginawa kong pagbungkal sa kahoy, avoiding any scratches. Matindi ang pagkakapit ng kahoy na ito. Kung sa normal lang sana ay natanggal na ito kanina pa. Halatang may nakatago.
Come on Sage. Anong tinatago mo dito.
Tagaktak ang pawis ko sa pagpipigil na pwersahin ito upang buksan. Nang nakalahati na ako ay sinubukan ko iyong iangat but I stopped when I heard a ticking sound.
I activated something!
Mabilis kong hinanap kung saan nanggaling ang ingay. Sa likod ng head board ng kama ay may nakita akong signal transmitter! Umiilaw ito at may dalawang red dots. Ang isa ay nakasteady lang at ang isa ay gumagalaw palapit.
That's Sage!
Taranta akong bumalik sa sahig. Now that he knew that someone was trying to invade his house, I don't need to take caution.
Marahas kong binaklas ang kahoy na sahig.
I found a detonator. And the other one left me dumbfounded that froze me for a moment.
Ang huni ng pumaradang kotse ang siyang nagpagising sa akin mula sa pagkakatulala. Bago pa ako mahuli ni Sage ay mabilis akong gumawa ng portal at umalis sa Casa.
Sa pagmamadaling makaalis ay hindi ako nakapag-isip ng eksaktong lugar kung saan ako pupunta. Basta ang nasa isip ko lang ay ang makalayo at makapunta sa isang ligtas na lugar.
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo sa damo at napapalibutan ng maraming puno.
Nandito ako sa level 1.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid kung meron bang nakakita sa akin pero mukhang wala naman.
Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at nakaramdam ng kaunting panghihina. That trick consumes energy.
Pipihit na sana ako paalis ngunit nagulat ako nang makita ko si Jayden na nakamulagat sa akin!
"U-Uy. N-Nndiyan ka pala. Hehe," wika ko ko at bahagyang nagkamot ng ulo.
"Saan ka nagpatattoo?" aniya nang makabawi. Humikab siya at kinusot ang mga matang inaantok.
If you don't know the answer, silence is the best response. I always believe in that. It's better to keep your mouth shut than utter uncertain words to avoid any misunderstandings.
Wala akong ideya o maisip na sagot sa tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung sino at saan dahil mukhang napilitan lang ang babae na bigyan ako ng marka.
Aside from that, my tattoo is different. I don't know the explanation of it in case he'll ask. Maybe colors are base on rankings?
"Alam ba iyan ni Sage?"
"Hindi," sagot ko.
Wala pa akong balak na sabihin sa kanya sa ngayon. He will ask me questions and he will force me to answer even if I don't want to. Hindi katulad niya na kapag ayaw niyang sumagot ay ayaw talaga.
"Sasabihin ko. Matawagan nga," aniya at kinalkal ang bag na nasa kanyang tabi.
"S-Sandali!" pigil ko.
"Wala ka bang balak sabihin sa kanya?"
"Meron pero hindi pa ngayon."
"Wrong answer," aniya at nagdial.
"Teka lang kasi," paawa ko. Ano bang sagot ang gusto niyang marinig?
Nagriring na ang kabilang linya.
"Ipagluluto kita!"
Kita kong kumislap ang mata niya nang panandalian pero patuloy pa rin sa pagtawag kay Sage. Mabuti at hindi pa nito iyon sinasagot. Abala siguro sa paghahanap ng trespasser sa Casa.
"Anything," dugtong kong nakasimangot. Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Jayden at binaba na ang cellphone.
"Anything I want?" aniya at excited na nag-isip.
Tss. Pagkain lang talaga ang katapat niya.
"Sawa na ako sa mga pagkain dito sa school. Hmm. Ano bang masarap?" kausap niya sa sarili at hinihimas ang baba.
Hinintay ko siyang makapag-isip kahit na nangangati na akong umalis.
I'm bothered sa larawang nakita ko.
"Alam ko na!" bulalas niya. "Gusto ko ng kalderetang kambing!"
"K-kambing?" pag-uulit ko.
"Oo, kambing!"
Ang tanong eh kung meron bang ganong klase ng karne dito? Iilan lang ang mga taong kumakain ng karne ng kambing lalo na sa mga kabataang maaarte.
Who would choose goats meat over pork and beef? Kaya impossible ang hinihingi ni Jayden na pagkain.
"Walang kambing dito," paalala ko.
Nagpout lang siya.
Napaisip ako. There's no farm here for raising animals as a source of meat at sigurado akong nag-aangkas sila ng mga supplies sa labas ng school. Kung ganon ay pwede naman siguro akong magrequest ng karne ng kambing at babayaran ko na lang.
Magtatanong ako mamaya sa mga tindahan.
Today's Wednesday. "Sa biyernes na lang kita ipagluluto," saad ko.
"I'll keep that in mind," ngiti niya.
Nagpaalam agad ako. Chineck ko ang messages ko at merong isa galing kay Sage.
He's asking where I am. Nagpadala ako ng mensahe at hindi na siya nagreply pagkatapos nun.
Is he suspecting me? There's no way that he can tell that I'm the trespasser. Si Jayden pa lang ang nakakaalam sa aking tattoo.
Hindi basta-basta ang pagpasok sa Casa. Sage should know that. Sa labas pa lang ay tadtad na ng mga CCTV cameras ang buong kabahayan. Meron pa akong nakitang nakatago sa mga puno. Walang monitor room sa loob ng bahay. Ibig sabihin ay nakatalaga sa iba ang pagmomonitor ng mga galaw sa paligid ng Casa. Walang camera sa loob kaya walang nakakaalam na ako ang pumasok.
I opened my laptop and siygn in on a particular website.
I typed Montblac on the search bar.
Tinitipa ko ang aking mga daliri sa mesa habang naghihintay ng resulta.
Ang tagal magloading, naiinip na ako. Malakas naman ang signal ng wifi.
Minsan ko nang narinig ang apelyidong Montblac pero matagal na iyon, noong bata pa ako kaya hindi ako sigurado kung meron bang lalabas na information dito sa underground website.
Tinitigan ko ang maliit na bilog na umiikot. Kung paghihiganti nga ang layunin ni Sage, anong pakay niya dito? Anong kinalaman ng paaralang ito? Pareho ba kami ng kalaban?
I saw Dad's picture along with the detonator. There's no mistaken it, it's my father but with a different eye color. Pero pwede naman iyong iphoto shop o iedit?
Ang hirap ng ganitong wala akong lead. Puro haka-haka. Lahat ng ko ay tikom ang bibig.
Lalong nadagdagan ang kutob ko sa response ng website.
An error has occurred. Iyon ang sabi at isang malaking X at exclamation point.
Kung walang Montblac na nakaregister dito ay 'no entry' sana ang lumabas, hindi ganito.
Maybe the informations were deleted or ristricted due to what happened to his family?
Sinubukan kong tawagan si Kuya.
'Toot toot' yun lang ang narinig ko.
Hindi ko na inabala pa at mukhang marami siyang ginagawa. Maraming nakalaban at pinatumbang mga tao ang Papa ko. At ang isiping isa dun ang pamilya ni Sage ay hindi kakayanin ng konsensya ko.
Sumilip ako sa labas at papagabi na. Night class pa rin si Sage.
"Hoy Sabrina! Kain na!" katok ni Hazel.
Linigpit ko muna ang laptop bago bumaba.
Kumakain na si Hazel. Gulo-gulo pa ang buhok niya habang si Emma naman ay inaaayos ang ginamit na apron.
Ang aga nilang kumain eh mamayang 8 pa ang klase nila.
"Eeehh! Bakit ka kasi bumalik ng day class?" panimula na naman ni Emma.
Nakita niya kasi ang sched ko na inilapag ko kanina sa dining table na nakalimutan kong kunin.
"Kayo ba, walang balak lumipat?" balik tanong ko habang naglalagay ng kanin sa plato.
"Meron," sagot ni Hazel.
Nakikiuso siguro ang isang ito. Wala naman siyang dapat katakutan dahil takot ang mga Incubus sa kanya. Si Bartender Morgan lang ang malakas.
"I'll stick to night class. Mas productive kasi ako sa gabi," sagot naman ni Emma. Seryoso siyang kumakain.
"Weh?"
"Inaamin kong meron akong pagkalandi–"
"Meron talaga," tumatawang putol ni Hazel.
"Shut up albino!" singhal ni Emma.
"Hindi ako albino! Baliw!" ganti naman ni Hazel.
Napangisi ako. Mukhang meron na akong kakampi.
Bumaling si Emma sa akin. "Anyway, ganun nga. Aminado naman akong malandi ako. Pero Incubus? Ibang usapan na iyon. I don't wanna involved myself with the dirty doings of this school. Hindi ko iyon masikmura," litanya niya.
Tumaas ang kilay ko at walang naisagot sa sinabi niya.
Sa isang katulad niya upang sabihin ang mga ganun ay nakakabilib. Kung ihahambing ay halos magkaparehas sila ni Jameson.
She isn't cheap because she has a taste. What an interesting woman.
Pagkatapos naming kumain ay ako ang pinaghugas nila. Wala naman sanang kaso pero ang sabihin nilang ako ang pinakamadaming kinain ay hindi makatarungan. Mas halimaw nga silang kumain kaysa sa akin.
Maririnig ko ang mga mura nila mula sa sala. Nacurious tuloy ako kung ano ang ginagawa nila kaya binilisan ko ang paghuhugas.
Nakasalampak si Hazel sa carpet. Matindi ang konsentrasyon na parang nakikibaka ang itsura.
"Powta kasi ang sniper na yan!" palatak niya.
Si Emma naman ay seryoso ang mukha at mabilis ang mga kamay na nagpipindot.
Rumatrat ang linalaro niya, mukhang may binabaril.
Pinigilan ko ang tawa nang gigil ang ginawa niyang pagpindot sa cellphone at halos sumunod na rin ang katawan sa kung anong direksyon ang ginagawa niya sa linalaro.
"Kingina!" si Emma.
"Ano 'yan?" tanong ko nang makalapit.
"PUBG," sagot ni Hazel habang nakafocus pa rin sa nilalaro.
Sinilip ko ang ginagawa niya. Ganda ng graphics ah.
"Ugh! Ang pangit kasi ng baril ko!" reklamo na naman ni Hazel nang mamatay siya sa laro.
Narinig ko ang mahihinang tawa ni Emma mula sa kabilang sofa. Mukhang online game ang nilalaro nila.
"Uy matatalo na tayo!" si Emma.
"Ikaw nga!" inis niyang saad sabay abot ng phone. "Tutal ay magaling ka naman sa barilan."
Inabot ko ang cellphone niya. I'm not into games but, let's try.
Binigyan niya ako ng instructions kung paano bumaril at lumakad at kung anu-ano pa.
Nang magsimula na ang laban ay lumakad ako.
"Saan ka pupunta?!" si Hazel.
Ay, mali ba? Iniba ko ang direksyon at lumakad ulit.
"Maryosep!" tinampal niya ang noo. "Ba't ka pumupunta diyan? Look at the map!" aniya sabay turo sa mapa sa itaas.
"May kalaban! Patayin mo!"
Sinubukan kong barilin ang kalaban pero imbes na bumaril ay tumalon ako.
"Putragis!" si Hazel.
Hinawakan niya ang isa kong daliri at inilagay sa tamang pwesto kung paano bumaril pero hindi napatay ang kalaban.
"Akin na nga iyan!" inis nang wika ni Hazel.
Inilayo ko ang cellphone sa kanya at binaril ang nakitang kalaban.
"Bakit mo binabaril si Emma?!" gulantang niyang sigaw sa akin.
Malakas na humalakhak si Emma.
Ohh. Si Emma pala iyon.
"Give me that!" aniya at hinablot sa aking kamay ang kanyang cellphone. "You're hopeless." Binigyan niya pa ako ng isang nakakaawang tingin.
Nanuod na lang ako habang sila ay naglalaro. I don't know how to play online games lalo na kapag maraming pipindutin, nalilito ako.
Learning is a process ika nga nila pero wala akong oras na pag-aralan ang mga ganitong bagay.
Nang masigurado kong nakaalis na sila papuntang school ay gumayak na rin ako sa pupuntahan ko. May lakad din ako ngayong gabi.