Chapter 34 His Secret

Ang inaakala kong mahimbing na tulog ay hindi nangyari.

I found myself on strange room and different bed. Napamulagat ako ng bangon. Wala ako sa aking kwarto. Huwag mong sabihing...

Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko ang isang lalaking naglalakad palapit. Katulad noong una ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Ganun-ganun na lang ang reaksiyon ng katawan ko pagkakita sa kanyang hubad na katawan.

Nang makalapit siya sa kama ay hinila niya ang mga binti ko dahilan para mapahiga ako. He parted my legs and positioned himself on top of me. He waste no time and kissed me. Para siyang uhaw na uhaw sa paraan ng paghalik sa akin. Siya ang hindi ko kayang tanggihan. Ang Incubare.

Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanya at hinila siya palapit. I equalled the intensity of his kiss and we both moaned.

Nagsimulang maglumikot ang mga kamay niya sa katawan ko. Pinunit niya ang suot kong damit at marahas na hiniklas ang suot kong bra. I arched my back when he sucked one of my buds.

Habang ninanamnam ko ang ginagawa niya sa katawan ko ay pumasok si Sage sa isip ko at ang nangyari sa amin.

Napamulat ako ng mga mata. Hindi ako pwedeng magkamali!

He's touch, the feeling and the sensation are the same with Sage!

Sa isiping iyon ay marahas ko siyang itinulak paalis sa aking ibabaw.

Bumangon ako upang tingnan ito pero itim nalang na usok ang naabutan ko.

Bakit hindi pa ako nagigising?

May lumitaw na pintuan sa kwartong kinalalagyan ko. Walang pag-aalinlangan akong lumapit doon at binuksan.

Pagbukas ko sa pintuan ay sinalubong ako ng puting liwanag na siyang nagpagising sa akin.

Bumalingkwas ako ng bangon at kinapa ang aking katawan. Wala na akong suot na damit at bra. Nakakalat na ang mga iyon sa sahig.

Pinulot ko ang mga ito at isinuot muli habang tinatawagan si Sage. I need to confirm it.

Nakailang dial na ako pero hindi siya sumasagot. Sa panglima kong subok na tawagan siya ay unattended na ang number niya.

Hinilamos ko ang mga palad sa aking mukha. Napapraning ako. Nagkataon lang ba na ganon ang pakiramdam? But I can't be mistaken! I know my body! Noong may nangyari sa amin ni Sage ay pakiramdam ko nangyari na, na naramdaman ko na pero ipinagsawalang bahala ko lang iyon dahil iyon naman talaga ang una.

Pero kanina ay kinutuban na ako. I can't be fooled twice. Kailangan kong mabigyang linaw ito.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Unang ring pa lang ay sinagot na niya.

"Veranda." Iyon lang ang sabi niya at pinatay na ang tawag.

Agad akong nagtungo sa veranda ng aking kwarto.

Natagpuan ko siyang nakasandal sa pader at inaabangan ako. Hindi ata pumasok ito. Mukha siyang puyat at walang tulog.

Doon ko biglang naalala ang mga sinabi sa akin ni Agatha. Nakalimutan ko na ang pakay ko at agad siyang niyakap.

Niyakap ako ni Sage nang mas mahigpit. "Thank god. I miss you so much."

Gusto kong mag-iiyak sa mga bisig niya sa lahat ng mga naranasan ko. Ngayon ko lang naisip kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan ko sa kulungang iyon.

Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.

"S-Sage.. akala ko m-mamatay na ako," sumbong ko sa kanya na parang bata.

Hindi siya nagsalita pero lalong humigpit ang yakap niya sa akin na halos hindi na ako makahinga.

"I'm sorry if I'm not there for you. Fuck. I'm so damn useless," aniya sa basag na boses.

Humiwalay ako sa kanya at tinitigan siya. Masuyo niyang pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

Pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya iyon. Kung meron mang dapat humingi ng tawad ay ako iyon. Tinanggalan ko siya ng kapangyarihan.

Hinuli ko ang kamay niya upang kuhanin ang atensyon niya. "A-Ako dapat ang humingi ng tawad," panimula ko.

Kumunot ang noo niya.

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang titigan. Pinaglaruan ko ang kanyang mahahabang daliri. An erotic scene came out of my mind while playing his fingers. Namula ang pisngi ko sa mga pinag-iisip.

"May masakit ba sayo?" aniya at hinawakan ang aking leeg at noo.

"W-Wala."

Ilang minutong walang nagsalita sa amin. Nakatitig ako sa malayo habang siya ay nakatitig sa akin.

"Bakit ka pumasok sa paaralang ito?" tanong ko ng hindi siya tinitingnan.

Imposibleng pera ang dahilan ng pagpasok niya dito. Hindi rin naman siya nagrerebelde. O baka nasa misyon din siya katulad ko? Naghihiganti ba siya sa nangyari sa pamilya niya?

"Sage," untag ko nang hindi siya nagsalita.

"Huwag na natin 'yang pag-usapan," pag-iiwas niya.

Mapakla akong tumawa. "Maglilihiman na naman ba tayo? Bakit ba ang hirap mong tanungin?"

"Dahil ang hirap mong sagutin," aniya.

"Anong mahirap dun?" masama ang loob kong tanong.

"You can't understand."

"Then make me understand!"

"Just drop it."

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya.

"What are you doing?" aniya nang tinatanggal ko ang relo niya. Hindi ko siya pinansin. Nang maalis ko ang relo niya ay nagsisi ako sa ginawa.

Kinuha ni Sage ang kamay mula sa aking pagkakahawak at tikom ang bibig na nag-iwas ng tingin.

Hindi ako makagalaw. His tattoo is fading.

"Matulog ka na," aniya at akmang aalis na pero pinigilan ko ang braso niya.

"A-Ako ba ang may kasalanan?" halos bulong sa hangin kong tanong.

"What are you saying?" pag mamaang-maangan niya.

"Dahil ba pinilit kita na makipaghiwalay kay Agatha?" Hindi nakikinig kong tanong.

"I said drop it!" galit na niyang wika.

"Bakit hindi mo sinabi na ganito ang mangyayari?!" hinarap ko siya. I can't believe myself. Sinisisi ko talaga siya?

"Magsalita ka naman!" sigaw ko nang hindi siya nagsasalita. "Bakit hindi mo sinabi?!"

"I told you many times that I still need that bitch but you're pushing me! I'm afraid of losing you that's why I chose you and let her go!"

"Oh my god." Natutop ko ang aking bibig. "I'm so sorry! I'm so sorry!" iyak ko at tinakpan ang aking mukha gamit ang mga palad ko. Nahihiya ako sa kanya.

Kinabig niya ako at niyakap. "Don't blame yourself. The decision is mine. You were just a factor," aniya.

"Pero pinilit kita–"

"You didn't," matigas ang boses niyang wika.

Naistorbo kami dahil sa ingay ng aking cellphone sa loob ng kwarto. Nagpaalam ako saglit kay Sage at kinuha ang nag-iingay na cellphone. Si kuya nga ang tumatawag.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" bungad agad niya.

"Nasira ang phone ko–"

"Na naman? Ano ba talaga ang pinagkakaabalahan mo diyan?" inis niyang wika.

"Nasira nga ang phone ko," pagpupumilit ko. Sa mga araw na nawala ako ay halos araw-araw din siyang tumatawag.

"Romualdo's dead," aniya sa malamig na boses.

Natigilan ako sa pangalang binanggit niya. "R-Romualdo?" pag-uulit ko dahil baka kasi namali ako ng dinig.

Kita kong napatingin sa akin si Sage mula sa labas.

"You don't know him. He's one of our trusted men. He works under Dad kaya hindi mo pa nakikita. He is a spy that I've sent there years ago," paliwanag ni kuya.

Romualdo is our men?! Kaya pala tinanong niya noon si Papa kung kamusta na ito! At binalak ko siyang patayin!

"B-Bakit daw namatay?" tanong ko at bahagyang sumulyap kay Sage na nakatingin pa rin sakin.

"Pinatay siya!" galit niyang turan. "Ayon sa nakalap kong impormasyon ay natagpuan daw nila ang kanyang katawan sa banyo na durog ang leeg," mariin niyang paliwanag.

"I instructed him to treat you as a normal student. To beat you if you do unnecessary things. Nakilala ka niya pero hindi siya nagpakilala ayon na rin sa utos ko."

What? Pinagsusuntok niya ako dahil iyon ang ibinilin ni kuya? Powta.

"He's skilled but didn't last against his opponent," aniya. Base sa pananalita niya ay mukhang alam niya kung sino ang pumatay. May ideya na rin ako kung sino. Bahagya akong sumulyap kay Sage.

"Mag-iingat ka lagi diyan Bree," paalala ni kuya. "Huwag kang masyadong maglalapit sa mga taong hindi mo kakilala."

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"How's the festival?" pag-iiba niya ng usapan. Hmm. Himalang hindi niya tinanong ngayon ang progress ng misyon ko.

Isang nabasag na bagay sa kabilang linya ang nagpatigil sa akin sa akmang pagsasalita.

"Kuya?" alalang tanong ko dahil nagsimula siyang magmura. Maririnig ko pa ang mga sigaw ni Dad.

"I'll hang up. Iyong mga bilin ko. Huwag mong kakalimutan. Bye," aniyang nagmamadali at pinatay agad ang tawag.

Tinitigan ko ang cellphone na hawak.

Mukhang tuluyan nang nakarecover si Dad.

Binalikan ko si Sage sa labas na naghihintay.

Hinarap ko siya.

Dinilaan ko ang aking mga labi. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan. Napunta ang atensyon ni Sage sa aking labi at bahagyang dumilim ang mukha.

Kataka-takang hindi siya masyadong naglalapit sa akin ngayon.

"Hinanap mo raw ako nung nawala ako," panimula ko.

"Sinong may sabi?"

"Si Agatha."

Kumuyom ang kamao niya sa pangalang binanggit ko.

"Where's that slut?" aniya sa galit na boses.

"Yung tanong ko ang sagutin mo."

He exhaled. "Kailangan pa bang tanungin yan ha Sabrina? Kinuha ka nila't kinulong. Sa tingin mo ay matatahimik ako sa isiping nasa panganib ka?" inis niyang turan.

Sinupil ko ang pag-usbong ng tuwa sa dibdib ko. This isn't the time for that.

"A-Anong ginawa mo noong hindi mo ako mahanap?" dagdag kong tanong.

"Why don't you get to the point already? Gusto mo bang malaman kung ako ang pumatay sa head ng security dito?" Naningkit ang kanyang mga mata. "Yes. I killed him. Satisfied? Anything else?"

That explains why Romualdo didn't last.

Hindi ko pa nakikita si Sage na makipaglaban pero hindi ko na kailangang makita pa. Sa tindig pa lang at katawan ay halata ng kaya niyang patumbahin si Romualdo ng ganon kadali.

"Why?"

"Why?" Sarkastiko siyang tumawa. "I can't let anyone live after hurting the one I love."

"Pano mo nalamang sinaktan niya ako? You weren't there!" When I needed you.

"Kahit wala ako doon, makakarating at makakarating sa akin ang balita," pagod niyang sagot na para bang hindi importante ang bagay na pinag-uusapan namin.

"Hindi ka ba natatakot sa pwedeng mangyari sa iyo dahil sa ginawa mo?"

He laughed humorless. "I'm always in grave. I've seen the face of death and I'm not afraid to see it again."

Wow. Kung makapagsalita siya ay parang ganun lang kadaling itapon ang kanyang buhay. Paano na lang ang mga taong maiiwan niya? Paano na lang ako?

"Ba't ka nag night class? Iniiwasan mo rin ba ang Succubus?" panibago kong tanong.

"Are you hearing yourself?" Hindi makapaniwala niyang wika. "Those are nothing compared to you. They can't attract me the way you do," aniyang nagsisimula nang lumapit sa akin.

Hinapit niya ang aking bewang at hinalikan ang aking leeg. He sniffed my neck. "This smell is unique." He licked my neck up to my earlobes. "This taste is rare."

Kinagat ko ang labi ko at marahang sinabunutan ang kanyang buhok nang bahagya niyang kagat-kagatin ang aking tenga. "Nag-iisa ka lang Sabrina. Hindi sila sapat upang baliwin ako katulad ng ginagawa mo," aniya sa paos na boses.

Ang sarap talagang pakinggan kapag nagtatagalog siya.

Napapaatras ako sa kiliti dahil sa ginagawa niya. Isinuksok niya ang kamay sa buhok ko at marahang hinila palikod kaya bahagya akong napaliyad.

"Sage.." daing ko nang pinagapang niya ng maiinit na halik ang aking leeg pababa sa aking cleavage. Napwersa pababa ang aking damit nang kagatin niya ang ibabaw ng aking dibdib.

"Ang lambot ng katawan mo."

This is electrifying. Siya lang ang nakapagbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam.

Siya lang...

Agad akong nagmulat ng mga mata at malakas siyang itinulak palayo.

The lust in his eyes didn't fade while looking at my expose self.

Inayos ko ang damit na nagulo.

"What's wrong?" aniya sa medyo inis na boses.

"Tell me, ikaw ba ang I-Incubare?"

There. Nasabi ko na rin sa wakas. It took me a lot of courage kaya madami akong pasakalyeng tanong kanina.

Natigilan siya sa tanong ko. Wala siyang imik. Ang inis niyang mukha ay napalitan ng bahagyang pagkaputla.

Mapakla akong tumawa. Hindi na niya kailangan pang magsalita.

"Umalis ka na," malamig ang boses kong saad at tumalikod papasok sa aking kwarto.

May dumaang malakas na hangin sanhi upang sumara ang pintuan. Liningon ko si Sage at sinamaan ng tingin.

"I came here to check you. I'm worried so I visited you tapos ganitong aawayin mo ako?" Pain laced his voice.

"Ikaw ba ang Incubare?" pag-uulit ko sa tanong.

"Yes," walang kagatol-gatol niyang sagot.

Damn. Mas masakit pala kapag inamin niya.

"Why did you do that?" naiiyak kong tanong. Lumapit ako sa kanya at tinuro-turo ang dibdib niya.

"You almost put me to danger!" ani ko na ang tinutukoy ay ang aking unang ingkwentro sa Incubare. "Bakit mo ginawa iyon ha? Paano kung hindi ako nagising?! Una pa lang nating pagkikita ay ganun na agad ang ginawa mo!" iyak ko.

"Pipi ka ba? Magsalita ka!" sigaw ko habang hinahampas ang dibdib niya.

Nakakasama ng loob na ginawa niya iyon sa akin. Higit sa lahat, siya ang nakakaalam kung ano ang pwedeng mangyari pero sumige pa rin siya!

He's the king so of course he is the Incubare. Agatha's the queen so she's probably a Succubus, the leader of it gaya ng nabanggit ni Soul noon sa akin.

"It's your fault," aniya.

"Don't blame it for me dahil wala akong ginagawa sayo!"

"Meron!" Hinuli niya ang mga kamay ko at tinitigan. "Listen to me." Matiim ang titig niya. "When you're watching me screwing Agatha, what did you feel? What's inside your head that time?" madilim ang mukha niyang tanong.

I.. I feel hot.

"That's what I felt too! I want to throw that woman and take you to replace her! When you're sitting right in front of me, I was fantasizing you! Ang sabi ko sa sarili ko ay bibisitahin lang kita! But heck, your naked! I lost my control and it's your fault kaya huwag mo akong sisihin!" singhal niya sa mukha ko.

"B-Bakit hindi ka tumigil?!" Nawawalan na ng lakas ang boses ko.

"I can't stop when I've started," aniya sa kalmado ng boses. "I know. I'm a big ass for doing that. I hope you'll forgive me." Binitawan niya ang mga kamay ko.

"Bakit mo iyon inulit?"

Marahas siyang bumuga ng hangin at umupo sa silya. Hinila niya ako upang umupo sa kanyang kandungan. "I can't go where you imprisoned. I'm hoping that I can reach you that way but your thoughts are blocked..."

Pinanuod ko ang bawat galaw ng labi niya habang nagsasalita siya. Kapag humihingi siya ng tawad ay ang dali kong kalimutan ang lahat-lahat.

He explained his side and apologized. Sapat na iyon. Ganun naman talaga dapat. Kambal natin ang kasalanan na halos kasama natin araw-araw. Pinapatawad nga tayo sa ating mga kasalanan, tapos hindi tayo magpapatawad? Forgive but don't forget. It will be our lesson and weapon in the future.

Kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang bagay na ito ay ayaw niya lang na mag-away kami katulad ng nangyari ngayon.

Pinitik niya ang noo ko nang makitang tulala akong nakatingin sa mukha niya.

"You're not listening." Busangot ang mukha niya.

"Don't worry. You're forgiven," sabi ko.

Niyakap ko ang leeg niya at sumandig sa dibdib niya.

We watched the bright stars in the night sky silently as our mind wandered separately.

Gulat at pagkamangha. Iyon ang makikita sa mukha ng bawat estudyanteng madadaanan ko. Kagagaling ko lang sa registrar upang baguhin ang schedule ng klase ko.

Bumalik na ako sa umaga.

Tama nga ang sinabi ng babae noon. Ang haba ng pila ng mga estudyante kanina na nagpapalit ng day class kaya inabot ako ng ilang oras sa pila.

Pumasok ako sa cafeteria nang makaramdam ako ng pagka-uhaw. Lahat ng mga mata ay napatingin sa akin. Ang iba ay nabulunan pa.

Tss. Inaakala ba nilang mamamatay ako sa kulungang iyon? That won't happen.

Habang hinihintay ko ang aking order ay namataan ko si Jameson na papalapit.

Katulad ng dati ay nakangisi siya. He's back to his old self and I'm glad with it.

"Gumaganda tayo ah," aniyang tumatawa. His eyes can't lie though.

Hindi ko na iyon pinuna at sinabayan siya sa trip niya. Mas maganda na yung ganito. I'm not the one she's looking for. Mahahanap din niya ang para sa kanya.

I declined his offer to drive me home. Baka may nakamatyag na naman at magalit.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko si Hazel sa sala na humihilik. Papers and crumpled coupon bonds were scattered everywhere. Nahuhulog na rin ang laptop sa mesa na hindi napatay. What a mess. Inayos ko iyon bago pa mahulog. Hazel is really serious about her studies.

Kung sana ganun lahat ng estudyante.

Iniwan ko siya sa sala na tumutulo ang laway. Noong nakita niya ako kanina ay hindi man lang siya nagulat. It's like she's expecting me to return.

Bukas pa ang klase ko and I have plenty of time to waste. Humilata ako at nag-isip ng pwedeng libangan.

I smirked when a bright idea came into my mind.