Chapter 2: Friends

“Ma'am, on the way na po ang taxi. Maghintay lang muna kayo ng ilang minuto." ani ng isang guard na siyang kumokontak ng taxi.

Narito ako sa lobby at nakaupo sa isang sofa. Nasa tapat ko naman si Eliezer na nagbabasa ng libro. Sinuyod ko siya ng tingin.

He was seriously reading a book. I didn't even see him blink.

Ang suot niya ay isang summer short at puting shirt lamang. He looked like a guest because of what he was wearing and even his movements. Hindi mahahalata sa galaw niya na isa siyang may ari ng Heaven Resort. Maybe he is like that because he doesn't want to show others that he is the owner of the resort or he just doesn't want other people to gossip about him.

I took a deep breath.

Damn. The days went by so fast.

I've been here for three days now and I'm on my way home. Tapos na ang pag-rerelax ko at pagbalik ko ng bahay mapupuno na naman ang isip ko ng kahit ano.

“You're very quiet. What are you thinking?”

Naputol ang iniisip ko nang magtanong si Eliezer. Sumulyap ako sa kanya. Ngayon nakatingin na siyang sa akin.

“At tulala ka habang nakatingin sa dagat.” pagpatuloy niya.

I just shook my head.

“Nothing."

Hindi ako nagsasabi sa ibang tao tungkol sa ganitong bagay. Mas pinili kong manahimik at mas pinili kong sinasarili.

Hindi katagalan ay dumating na ang taxi. Kaagad akong lumabas at sumunod naman sa akin si Eliezer. Sinimulan ng i-karga ng driver ang aking maleta habang ako ay nakatayo sa gilid pagkatapos binuksan niya ang door ng backseat.

Lumingon ako sa kanya. "Bye, Eliezer." tinapik ko ang balikat niya bago ako pumasok sa loob.

Tumango lang siya at napanguso.

Kumaway ako sa kanya nang paalis na kami at ganun din siya.

Maayos ang byahe namin kahit naaabutan kami ng traffic pero nakarating parin sa bahay ng maayos. Bahay ang tawag ko dahil hindi naman ito gaano kalaki na parang isang mansion. Our house is just a regular modern house. Different from our mansion in Palaypay. Tinulungan ako ng isang katulong namin, siya ang nagdala ng maleta ko.

"Kumusta ang imong bakasyon, ma'am?" Janna asked me. Ang nag-iisang dalaga at bata na katulong namin dito sa bahay. She is twenty two and I am two years older than her.

“It was a great break…” I answered.

Nakapasok na kami sa loob. Tahimik ang sala at tanging mga katulong lang namin sa kusina ang maingay. Siguro ay nagluluto sila ng tanghalian. Deresto lang ang lakad namin hanggang sa pinto ng aking kwarto.

"Where's mama and papa?" tanong ko bago ako pumasok sa loob.

"Nasa kwarto ata nila nagpapahinga, ma'am. Kararating lang kasi nila galing sa Palaypay at si Cadence naman ay hindi pa umuwi–”

I faced her and cut her off. She seems to have forgotten the word Sir.

“Sir Cadence. Did you forget the word Sir?” ani ko ng mahina habang nakataas ang isang kilay.

Napayuko siya ng konti. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at pumasok na ako sa loob. Pinatong ko sa kama ang aking maleta at binuksan. Una kong nilabas ang iilan na damit na hindi ko pa nagamit at sinunod ko naman ang mga nagamit na nakalagay sa isang plastic bag. After ng pag-aayos ko ay nagtungo ako sa banyo para maghugas ng katawan. Ganun ang ginawa ko kapag galing ako sa byahe. I want my body to be clean and smell good when I'm at home.

I was in the vanity mirror when my phone rang. Tumayo ako at kinuha ang phone na nasa kama.

Jia is calling…and I answered.

“Hello?"

"Galing ka daw sa Mactan. Totoo?" agad niyang tanong.

Napaikot ang mata ko. Hindi ba niya alam? Akala ko alam na niya…

"Yes…."

"Bakit hindi mo ako sinama?"

"Gusto kong mapag-isa, Jia, kaya hindi ako nagsama." tugon ko. "Sa susunod na lang, isasama na kita."

"Sa Bantayan Island naman. Gusto kong pumunta doon, Solana. Please?"

Natahimik ako ng marinig ko ang pangalan ng Isla at bigla akong nakaramdam ng takot. Ayokong pumunta sa Isla na 'yon dahil pakiramdam ko kapag nakatapak ulit ako doon ay hindi na ako makakaalis. Mananatili doon hanggang sa tumanda ako. Ayokong magaya sa pinsan kong si Seren na hindi na nakaalis sa Isla.

Mahirap pa naman makatakas sa Isla dahil maraming tauhan si Lola. Pati sa port ng Isla ay may nagbabantay.

"N-no, Jia. Hindi ako pupunta sa Isla na 'yon at kung gusto mo ikaw nalang.”

She sighed. "Sige, mag-club nalang tayo mamaya?!"

"Sure…."

"Ok! See you tonight."

Tinapos na niya ang tawagan namin. Huminga muna ako ng malalim bago binaba ang cellphone at tinabi sa laptop. At nasa isip ko pa rin ang Isla. Paano pala kung papuntahin ako ni Lola doon dahil kailangan ako? Ngunit hindi dapat ako matakot kasi kahit kailan naman ay hindi ako kinakailangan ng mga taong naroon lalo na si Lola at sa pagkakaalam ko ay kuntento na silang lahat kay Seren na siyang sumalo sa mga gawain na dapat para sa akin.

Alas syete ng gabi, nasa loob ako ng aking room habang nakaharap sa vanity mirror at inaayusan ang sarili. Naglagay lang ako ng konting make up sa mukha at lipstick sa aking labi para hindi ako mukhang maputla tingnan. Pagkatapos ay ang buhok naman ang inayos ko. I ponytailed my black hair. Natapos ko ng ayusin ang sarili ko.

At eight o'clock, I was ready. All I was wearing was a red body-con satin dress that molded the curve of my body and a stiletto that really turns people on every time I walk because of the knocking sound.

Lumabas na ako ng kwarto nang matapos na ako sa lahat. Naglakad ako sa hallway ng tawagin ako ni Mama. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakadungaw siya sa pinto ng silid nila...

"Yes, Ma?"

"We heard your stiletto, sweetie... it's like you're knocking." she said then laughed.

"So I bet this stiletto..."

"By the way, you look so beautiful and expensive. How much are you, sweetie?" She's joking, again.

"I'm too expensive. No one can afford me. Bye, Ma!"

I saw her wince, "Ingat, anak ko..." aniya at tinaas ang isang kamay para kumaway.

Nakarating agad kami sa club. Ang club na ito ay pagmamay-ari ng kapatid ko. Pinatayo niya ito noong nasa edad siyang twenty-two dahil ayaw niyang pumunta sa Isla. Kaya nagsumikap siya para makapagtayo ng sarili niyang negosyo at para ipamukha din kay Lola na hindi namin kailangan pumunta ng Isla para magtrabaho sa kanya.

"So sikip naman here!" reklamo ni Jia habang sumisiksik kami sa mga tao.

Siya kasi ang nauna habang nakasunod lang ako sa kanya. Crowded at naghahalo ang iba't-ibang amoy ang bumungad sa amin pagkapasok namin. Wala pa kami sa kondisyon para mag-inom kaya tumayo muna kami sa gilid. Inikot ko ang aking paningin hanggang sa may mahagip sa itaas ang aking mata.

That guy looks familiar to me. I couldn't see his face very well because of the darkness but I know he's looking at me, and because the way he stared I knew it was him. Iniwas ko ang paningin at itinuon sa iba. Nakita ko rin ang kapatid ko sa grupo nila at ang iba sa kanila ay nakatayo at nakasandal sa railings habang kanya-kanyang nagpapabuga ng usok ng vape. Kilala ko ang ilan sa kanila ngunit siya, ngayon ko lang nakita sa grupo nila. Bumaling ang tingin ko kay Jia nang may tumawag sa kanya.

"Jia Quintessa Dincey Uy." tawag ng isa sa mga kaibigan ng kapatid ko gamit ang mikropono kaya dinig na dinig namin.

Napatingin ang lahat ng tao sa gawi namin.

She rolled her eyes."Hayop na ‘to. Full name talaga?" aniya.

"Come here, babe…."

Naghihiyawan ang iba dahil sa sinabi ng lalaki.

Hinawakan ako ni Jia sa kamay at hinila. Papunta kami sa kanila. Seriously, Jia? Tayo lang dalawa ang babae sa grupo nila. Nang makarating kami sa grupo nila ay nagtama ang mata namin ng lalaki at agad din akong umiwas.

Tumayo ang dalawang lalaki para bigyan kami ng upuan. Magkatabi at tahimik kaming nakaupo ni Jia.

Bumulong ako sa kaibigan ko. "May kailangan kang sabihin sakin, Jia."

Ngunit hindi niya ako pinapansin at nakatitig lang siya sa binata. Hindi ko alam kung anong meron sa dalawa kung may relasyon ba sila. Tumayo ito at binuhat ang upuan saka tumabi kay Jia. Lumipat ako ng pwesto at tumabi sa kapatid ko dahil ayokong magmukhang third wheel sa kanilang dalawa. Inakbayan siya ng binata at may binulong kung bakit namula ang pisngi ni Jia.

Tumingin sa gawi ko ang binata ng nakangiti.

"Aris, wag kang masyadong magpahalata. Binabakuran mo naman kaagad." aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What? Lumingon ako sa likod ko, ngayon ko lang napansin na may nakatayo sa aking likuran. Isang lalaki na magka-cross ang braso at tahimik. His face was attractive and I was attracted! His eyes were as coloured as a mist that was about to rain. The undercut hair was perfect on him. Slowly I lowered my gaze to his sharp nose, and his kissable lips parted a little. And when I realised my compliment to him, I immediately averted my eyes. Damn!

"Siya ba ang tinutukoy mo na babae sa resort? Damn, Aris. Kapatid iyan ni Cadence." He laughed out loud.

"May masusuntok ata si Cadence…" ani ng isang kaibigan nila.

Now I know that the man who gave me the robe at the resort is my brother's friend.

“Thanks for the robe…”

"You're welcome, baby.”