Chapter 1: Good Girl

Nasa ilalim ako ng dalawang puno ng niyog nakahiga sa isang sunlounger habang nagmumuni-muni. Ito ang unang araw ko dito sa resort. Nandito ako para mag-relax. At hindi ako nagkamali na ito ang napili ko. The view is really breathtaking. It helps to clear our minds, and it also relieves stress. Mayroon silang malawak na pool na may asul na kristal na tubig at kulay crema ang kanilang hotel. Sa gilid ng pool ay ang mga nagtatayuan na niyog at sa ilalim nito ay ang mga rattan chairs at sunloungers.

Tumayo ako para pumunta sa corner ng resort. Nang makarating ako ay nilibot ko ang tingin. Mas lalo kong nakita ang ganda ng resort sinabayan pa ng paglubog ng araw. Kita ko rin ang iilan na nagtataasang building sa Cebu City.

"Alone?" isang lalaki na biglang nagsalita.

Nilingon ko siya. Nakita kong nakatayo siya sa may bandang likuran ko.

Hindi ako nakipag-usap o sumasagot sa mga estranghero ngunit nang sinuyod ko ang buong mukha niya ay nakita kong hindi siya masamang tao. His face is so charming that any woman who looks at him will fall in love with him. And his blue eyes are like Sapphires kissed by the sea. His nose is pointed and his lips are naturally pouty. I find his thick eyebrows attractive. His hair was a bit messy as if he had just woken up.

Mabilis kong binalik ang tingin sa dagat nang makita kong nakatitig siya sa akin at may sumilay na ngiti sa kanyang labi.

"Y-yes. Ikaw ba?" sagot ko.

"Mag-isa lang din ako." umusad siya ng kunti para magkatabi kami. Matangkad siya kaya naging pandak ako. "Pasukin mo kaya ang buhay ko para may kasama na ako? At para may kasama ka na rin. Magpasukan tayong dalawa." pagbibiro niya. "

Natawa ako sa sinabi niya. "Paano ba pumasok dyan sa buhay mo?" at sinakyan ko ang biro niya.

I heard him chuckling. "Kapag sinabi ko kung paano, papasok ka ba?"

"Pag-iisipan ko—" naputol ang sinabi ko dahil may lumapit sa kanyang may edad na babae at may sinabi.

"Sir Eliezer, tumawag po si Miss Kim sa telepono. Kanina pa daw siya tawag ng tawag sa office mo at walang sumagot." anito. "Ano po ang isasagot ko sa kanya?"

Sir, huh?

Is he the owner of this resort?

Nakikinig lang ako sa pinag-usapan nila.

"Tell her I'm busy…." aniya. "entertaining guests." at tumitig sa akin.

"Ok po, sir!"

Sumulyap muna sa akin ang matandang babae bago siya tumalikod.

Narinig kong bumuntong hininga siya pero hindi ko lang iyon pinansin.

"Sino si Kim?" tanong ko agad ng makaalis na ang matanda. "Girlfriend mo?"

Matagal siyang hindi nakasagot. "A woman I met in a club. She is beautiful, with a gentle face. She is a kind woman. I fell for her because of her kindness to other people and especially to me." kwento niya. "Nahulog ako sa kanya ng malalim at sinalo naman niya ako. Ginawa ko ang lahat para sa kanya pero lahat ng yon nasayang lang." napatingin ako sa kanya. Yumuko siya at pinatid ang isang maliit na bato kaya nahulog sa dagat. "She cheated on me with another man. That was the first time I was cheated." I didn't expect the last thing he said.

Nakakatakot magmahal at mas lalo akong natakot dahil sa sinabi niya. What if that happens to me too? I am not strong enough to bear the pain.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin dalawa at mas lumalalim pa. Sometimes he joked and I just laughed. I see that he is a joker. Tinanong din niya kung bakit ako nandito at bakit mag-isa lang ako.

"I'm here to relax and I want to be alone." I answered and he nodded.

My family doesn't like to go on vacation to other places because they like to stay at home and work. If they go on vacation, they only go to Santa Fe, a place I don't want to go back to. My grandmother has a beach there.

"And you, why are you here?" I asked.

"To witness the sunset. I wanted to see up close how beautiful it was." tumingin ako sa kanya, nakita kong nakatitig siya sa akin.

Bago siya nagpaalam ay nagpakilala muna siya. His name is Eliezer Jamesdean Aguirre. Nauna siyang umalis dahil may pupuntahan pa siyang iba. Ilang minuto ang lumipas matapos ng pag-alis niya at padilim na ang langit ay nagpasya na akong bumalik sa hotel. Dumeresto ako sa loob at pumasok sa isang Thai restaurant para kumain ng dinner.

I only ordered mango sticky rice and orange juice. Habang nakaupo ako sa table at hinihintay ang aking pagkain ay may lumapit sa akin na isang magandang babae.

Maamo ang kanyang mukha at para siya isang diwata. Bagay sa kanya ang kulot na buhok. Maputi ang kanyang kutis.

"Yes, miss?" tanong ko.

"C-can I sit here?" sagot niya na nakaturo sa bakanteng upuan sa aking harapan.

Bakit siya dito uupo? Maraming available na table sa paligid kasi konti lang ang kumain ngayon. At mabait naman akong tao kaya sinagot ko siya ng maayos. Ayokong maging masungit sa kanya at ayoko rin siyang bawalan. Kita ko rin naman sa maamo niyang mukha na mabait siya.

"Yeah, sure. You can sit there!"

Her eyes twinkled.

Pinagmasdan ko siyang hinila ang upuan at nang makaupo siya ay ngumiti siya sa akin.

Ngumiti din ako pabalik sa kanya.

Nang dumating na ang pagkain namin ay sabay kaming kumain hanggang sa sabay rin natapos. Hindi muna kami umalis at nanatili pa kami sa lamesa ng tanungin niya ako.

"Are you Solana Carranza?"

Medyo nagulat ako dahil alam niya ang name ko. How did she know my name? Sasagutin ko na sana siya pero may tumawag sa kanya.

"Soleil," pamilyar sa akin ang boses na iyon.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Iyong lalaki na kausap ko kanina.

Nakapamulsa siyang naglalakad patungo sa amin at nang magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumalikod at umalis.

Kumunot ang noo ko. Anong nangyari sa kanya?

Bumaling ang tingin ko sa babaeng kaharap ko nang tumayo siya. "I have to go, Solana. Bye!" at nagmamadali siyang lumabas.

Alas otso y media ng umaga nang magising ako. Nag-inat muna ako bago bumangon at pumasok sa banyo para maghilamos.

Plano ko ngayong umaga ay magbilad sa araw. Suot ko ang aking bikini at sunglasses na lumabas ako ng hotel at naghanap ng bakanteng sunlounger saka humiga at pumikit.

Napadilat ako ng may nagsalita. Binaba ko ang sunglasses. "Ma'am, pinapasuot ni Sir sayo." ani ng isang dalagita sabay abot sa akin ng roba.

Hindi ko alam kung sinong Sir ang tinutukoy niya pero wala akong pakialam at hindi ko isusuot 'yan. Sayang lang ang bikini ko kung matatakpan lang ng roba.

Salubong ang kilay ko. "Hindi ko isusuot yan," sabi ko sabay umiling. "Ibalik mo yan sa kanya."

"A-ah, ma'am, sabi nya ho kasi sakin kapag hindi nyo raw ito isusuot ay huhubarin daw nya yung bikini na suot mo gamit ang kanyang labi." uminit bigla ang pisngi ko sa sinabi ng dalagita.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang roba saka sinuot iyon. "Pakisabi sa kanya, nasuot ko na." umirap ako.

Tumango siya saka ako tinalikuran.

Babalik na sana ako sa paghiga nang may nagsalita sa aking kiliran. Mabilis akong lumingon at medyo nagulat pa ako sa nakita ko.

"Good girl......" he said.